“Here’s your clothes,” nakangisi na sabi ni Tremor habang ibiibigay niya sa akin ang damit na pinalabhan ko sa kaniya. Ang lalaking ito… natututo nang ngumisi sa akin. Yes! He’s handsome pa lalo tuwing naka-smile siya at naka-smirk but naiinis na ako tuwing ganito ang ekspresyon niya! Mukhang pinagtatawanan ako! Tiningnan ko lang ito at pagkatapos ay inilipat ko sa kaniya ang tingin ko. Tumaas ang kilay ko. “Malinis na ba iyan?” mataray kong tanong sa kaniya. “Yes. I hand washed it,” sagot niya sa akin kaya naman inirapan ko lang siya. Kinuha ko sa kaniya ang zip bag. Binuksan ko ito at inilabas ko roon ang damit ko. Sumingkit ang aking mga mata habang tinitingnan na mabuti ang damit. Kinilatis ko kung malinis ba talaga ang laba niya. Napasinghap ako noong may nakita pa rin ako na dum

