Walang katao tao ngayon sa outdoor soccer field dahil sabado. Tahimik ang buong paligid. Miski ang ginagawang ingay ng mga ibon ay hindi masyadong marinig. Makulimlim ang kalangitan at inaasahan ko na ang nagbabadyang pag-ulan. Huminga ako nang malalim habang pinupunasan ang luhaan kong mga mata. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang pagtama ng hangin sa aking katawan. Ramdam ko ang pagsabay sa hangin ng suot kong dress. Hindi na ako nabigla noong hinawakan ni Theo ang aking balikat. Mula sa likod ko ay marahan niya akong ikinulong sa kaniyang yakap. Naramdaman ko ang pagyuko niya sa aking balikat. Nakapatong ang kaniyang noo roon. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang mahina niyang paghikbi. Ramdam ko ang pagkabasa ng tela ng aking damit sa parte ng balikat. “Mahal pa rin

