Maingat na itinaas ko ang racket or paddle. Nag-serve agad ako ng ball at pinagmasdan ko itong tumama sa table tennis. Ngumisi ako nang makita na hindi naging alerto si Kelly kaya hindi niya natamaan ang ball. Ibinaba niya ang hawak na racket. Umiling siya sa akin bilang pagsuko. Kanina pa kami naglalaro ng table tennis. Ilang beses ko na rin siyang nilampaso. Ang score namin ay 16 and 19. Syempre, siya iyong loser. I got 19 kasi. Hindi na siya nakahabol sa score. Sobrang galing ko kasi sa table tennis. Ito kasi ang hobby ko. Tuwing wala akong shooting ay maghapon akong naglalaro, but syempre… mayroon naman akong break para makapag-rest. Ibinaba ko ang racket at marahan kong kinuha ang small towel ko na nakasabit sa aking balikat. Marahan kong pinunasan ang aking face. Medyo nagkaroon a

