Pabagsak na humiga ako sa aking kama. Inis na ipinadyak ko ang aking paa dahil sa sobrang inis. Ramdam ko ang pagod pero mas nanaig sa akin ang galit. Hindi ako makapaniwala na umabot ako sa pakikipagsagutan sa mga bosses ko! Dahil sa sobrang galit at panghihinayang ay nagawa ko silang hindi respetuhin. Hindi ko dapat ginawa ang pananagot sa kanila pero kusang nanaig ang bugso ng damdamin ko. Hindi ko naman ito babawiin pa. Hindi rin ako magsosorry sa kanila dahil may point naman ang sinabi ko. Sinong hindi magalit kung ginagawa nila akong tanga? Inaalisan nila ako ng projects tapos hindi man nila harapang sabihin sa akin! Sa iba ko pa malalaman! “Magpahinga ka raw muna, Vetari. Hayaan mo raw muna na lumamig ang issue sa’yo,” sabi ni Kelly sa akin. Mabilis na bumangon ako sa kama at sina

