“Vetari, may teleserye ka na!” masayang bungad sa akin ni Kelly pagkapasok niya pa lang sa aking dressing room. Napatigil ako sa paggamit ng smartphone. Tumayo ako para lumapit agad ako sa kaniya. Sinilip ko ang cover ng script pero hindi ko nakita kung ano ang title nito. Itinatago niya kasi. Gusto niya yatang I-surprise niya ako. Isang malawak na ngiti ang ipinakita ko sa kaniya. “Really? Ito na ba ang pinakahihintay ko na movie together with Nora Anaro?” tanong ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng excitement. Hindi ko mapigilan na mapatalon ng isang beses. “Hindi pa nababanggit ng management kung tuloy ba o hindi ang projects mo na kasama siya. Maghintay na lang tayo ng plano nila,” sabi niya sa akin. Nawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa disappointment. Akala ko naman ay makakasama ko s

