Lazarus POV
“Senior Lazarus, bakit hindi n’yo na lang palitan ang Clan of Kings?” Tanong ni Lazarus. Kakatapos lang ng meeting ko with the Kings na ngayon ay mukhang nahaharap sa matinding issue. Hindi ako magsisinungaling na na-disappoint ako sa kanila pero at the same time ay hindi ko din mapigilan na ma-amaze sa composition ng kanilang Pillars. Kaya nga hindi ko sila mapalit-palitan dahil sila ang sumasalamin sa kung ano talaga ang gustong ma-attain ng ng bawat Free City sa mundo. Ang magsama sama ang baway nilalang na walang iniisip na masama sa bawat isa.
“Ilang Clans ang nakita mong may ganoong composition of members?” Tanong ko kay Alistair. “They are the first and no one else I believe.”
“Alam ko naman po na one of a kind po ang Clan niya. At madadala nila ang gustong mangyari ng MATA pero, Senior dahil nga nalaman na nila ang pagkakaibaiba ay sa tingin ko ay ito din ang dahilan ng pagkasira ng kanilang grupo. Nakita naman ninyo kanina ang nangyari. “
“I don’t know. Somehow, I’m hoping na maayos nila ang samahan nila like before na nasa online oalang sila nagkikita kita.” Sagot ko naman.
Marami na ding hinarap ang Freedom City bago pa man nito makamit ang kung saan ito ngayon. Maraming nanibago sa bawat mamamayan. May mga simpleng bagay na pinalaki ngunit sa huli ay naayos din naman. Gaya ng samahan ng Clan of Kings dumadaan sila ngayon sa process ng acceptance. Naniniwala akong napangunahan lamang sila ng pride nila pero alam nababakas pa din ang pagiging magkaibigan nila. Katulad ng Freedom City na hindi na nila iindahin kung anung nilalang ang nakakasama nila. Mapa bampira o lobo man ay ang mahalaga ay sumusunod sila sa batas na pinapatupad at pinapahalagahan ang buhay ng kanilang kapwa.
Hindi na sumagot si Alistair. Naging busy na ito sa tablet na kanyang hinahawakan. Minsan hindi ko alam kung anong social life meron siya. Parang hindi ko nga ito narinigan ng reklamo sa mga pinag-uutos ko. Parang sa lahat ng oras ay nakatutuk lang siya sa akin. Parang gusto ko nang kabahan sa ginagawa niya. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga pinagdaanan niya bago ko pa siya masagip sa kalye ng Germany. Wala akong balak na gawin siyang bampira noon dahil gusto ko siyang mabuhay na ayun sa gusto niya pero sa kasamanang palad ay pinagtangkaan siya ng mga taong nagpaingit sa ingit kung kaya napilitan akong gawin siyang tulad ko sa pamamagitan ng dugo ko. I just can’t let him die pero I can’t let him stay like this.
“Alistair, May social life ka pa ba?” Hindi ko mapigilang maitanong dahil nga gusto ko sanang ma-enjoy niya ang sarili niya.
“Senior Lazarus, hindi ninyo na dapat pang alalahanin pa ang social life ko. Masaya na akong nagagawa ko ang tungkulin ko.” Sagot nito.
“Alam ko iyon. Gusto ko lang na nagagawa mo ding magsaya at hindi puro trabaho ang inaatupag mo. Kailangan mo din ng social life.” Alam ko naman na nagsasayang lang ako ng oras. “O s’ya hindi na kita pipilitin. Mauna ka nang umuwi at may kailangan pa akong gawin.”
Ang totoo ay hinihintay ko si Von Nemen. Pinatawag ko siya noong isang araw ngunit ngayo lang ito pupunta. Bilang Von na may kinilaman sa mga Almerdine ay mas matutulungan niya ako sa mga nangyayari sa sa nakalipas na mga araw.
Hindi naman nagpumilit si Alistair na magpaiwan na lihim kong pinasalamat. Marami na siyang natulong sa akin dahil hindi ko gustong inuubliga niya ang sarili na pagsilbihan ako dahil lang sa niligtas ko siya sa bingit ng kamatayan. Kung tutuusin ay para ko na nga siyang anak. Kung pwede ko lang maibalik ang dating siya. Pero ala kong mahirap na iyon. Dahil kapalit ng buhay na walang hanggan ay responsibilidad.
*****
Alistair POV
Alam kong nag-aalala si Senior Alistair sa akin. Pero wala naman dapat ipagbahala dahil nasanay na ako kung ano ako ngayon. Nasanay na akong isipin ang kalagayan niya at asikasuhing mabuti ang tungkulin ko. Kaya nga bahay, training at trabaho lang talaga ang routine ko. Wala na akong pakealam sa mga nangyayari sa labas dahil sa haba nan g panahong nabubuhay ay sa tingin ko ay tapos na ako sa social life.
Isa pa, kapag nabubuhay ka ng matagal ay dito sa mundo, Parang nawawalan ka na ng ganang umasta kagaya ng mga inaasta ng iba. Nakukuntento na ako na magmasid na lamang sa malayo.
Pagdating sa parking area ay agad kong sinakyan ang aking motor. Hindi naman kalayuan ang tinutuluyan ko kaya ang motor ko na lang ang dinadala ko. Hindi ko naman kasi kailangan ang sasakyan dahil may sasakyan namang nakalaan ang LIRA Group kung sakaling kakailanganin.
Paglabas ng premises ng Lira group ay agad akong dumeretso pauwi. Dahil nga madadaanan ko ang Capital City ay naging maingat ako sa pagda-drive dahil sa ang Capital City ay ang pinakamatao at pinakabusy na distrito sa buong Freedom City. Ito din ang distrito na may malaking percentage ng mix races o yung lugar na may malaking bilang ng ibat-ibang lahi na naninirahan na hindi tinitignan ang kanilang angkan.
Paliko na ako sa isang kanto nang mahagip ng paninginko ang isang pamilyar na tao. May nga bitbit itong paper bag pero lalangolango habang naglalakad sa pedestrian lane. Wala sa loob kong pinark ang motor ko sa gilid at agad ko siyang nilapitan.
“Hey, I know you. Ikaw yung poging assistang ni Ruz presko.” Gusto ko sa nang matawa sa tinawag nito kay Senior Lazarus pero sinikap kong kontrolin ang emotion ko. Kakaiba talaga ang batang ito. Kamukhang kamukha nga siya ni Allana pero ibang iba naman ang ugali niya sa nauna. Kita mo, iinum-inum wala namang kasama.
“You’re drunk, Archimedes Reverente.” Sambit ko.
“Grabe ka! Nakainum lang ako pero hindi ako lasing. Ano nga ulit pangalan mo?” So hindi pa siya lasing sa lagay na ito.
“Alistair.” Maikli kong sagot habang kinuha ang mga dala nito. “Ba’t k aba nag-inum ng walang kasama?”
“Ang ganda ng pangalan mo, bagay sa itsura mo.”Anito sabay hawak sa magkabilang pisngi at inilapit sa kanyang mukha.
Ngayon ko napansin maging ang mata niya ay kagaya ng kulay ng mata ni Allana, pero ang aura niya ay ibang-iba. Napasinghap pa ako nang maamoy ko ang kanyang aroma. Kakaiba ang dating nito kung ibang bampira ang kasama nito ay tiyak na hindi siya aabutan ng bukas.
Bilang Von ng Elite Battalion ay responsibilidad kong maging handa sa kahit na anong sinaryo. Kailangan naming mapaglabanan ang mapag-ayang amoy ng sariwang dugo ng tao. Kaya mahalaga na bago umalis sa head quarter ay puno ang sikmura.
Kinuha ko ang magkabila niyang kamay sa mukha ko upang malayo ito sa kanya. Sa tindi ng kanyang aroma ay pakiramdam ko ay nananatili ito sa aking ilong.
“Ang lamig ng pisngi at kamay mo. Parang galing refregirator. Pahawak ulit.” Bago pa ako makakilos ay nahawakan na niya ang magkabilang pisngi ko. Hindi pa nakuntento ay kinurot kurot pa niya ito hanggang sa magsawa.
“Ihahatid na kita sa inyo.” Wika ko. Lumalalim na ang gabi at delekado ang tulad niya sa lansangan.
“Ayoko pang umuwi eh. Samahan mo nalang ako.” Anito. Inabot nito ang aking kanang kamay at hinila papunsa sa kung saan.
Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa wala na akong magawa. Narating namin ang isang flowershop. Napakunot ang nook o sahil bigla itong umupo sa harap ng mga nakadisplay na mga bulaklak. Ipinatong panito ang baba niya sa kanyang tuhod.
Itinaas nito ang kanyang kamay na tila pipili ng bibilhin pero parang hindi sigurado sa pipiliin.
“Ano bang gagawin mo sa bulaklak?” Tanong ko sa kanya.
“Gusto kong dalawin ang Mama ko.” Sagot nito na halatang lango pa din sa alak. Pero siya yung lasing na hindi mo aakalaining lasing sa unang tingin dahil sa pananalita nito.
At dahil nga sa pinagtitinginan na siya ng mga taong dumadaan ay sinabi ko nalang sa nagbebenta na gawan nalang ako ng bouquet na may ibat-ibang bulaklak.
Habang ginagawa ang bouquet ay pumunta naman ako sa kalapit na tindahan nito at bumili ng facemask at cap. Pero dahil walang regular na cap ay binili ko nalang siya ng white bunny hoodie dahil naka shirt lang ang batang lasing. May kalakihan din iyon sa kanya.
“Tumayo ka na, Archimedes Reverente.” Sita ko sa kanya. Baka ma-headline pa siya bukas nakakahiya.
Tumayo naman siya at pinaharap ko sa kanya. Agad kong kinabit ang face mask sa kanya. Pagkatapos ay ang white bunny hoodie. Napangiti ako sa naging ayos niya ngayon. Para talaga siyang bata dahil kinumpas kumpas pa nita ang kanyang dalawang kamay. Buti na lang at natapos na ang bouquet. Pagkatapos kong bayaran iyon ay ako na ang humila sa kanya.
Alam ko naman kung saan siya pupunta kaya mas mapapadali kung ako na ang mauuna.
Bilang head ng Elite ay may data kami ng bawat mamamayan ng Free City. Nang ipahanap siya sa amin ni Senior Lazarus ay agad kong napull up ang mga information hingil sa kanya. Alam ko nang namatay ang kanyang ina at ang kanyang ama namann ay allegedly died in an accident pero hindi nakita ang bangkay nito. He live on his step mother that make his life a living hell dahil kinamkam nito ang ari-arian ng ama niya. That’s where Jeremy step in.
“Napapagod na ako.” Reklamo nito sabay upo ulit. “Piggy ride mo ako, Alistair!” Sigaw nito.
At para matigil na ay ginawa ko nalang ang gusto niyang mangyari. Wala namng kaso dahil magaan lang naman siya. Mukhang mabigat pa nga ang mga paperbags na dala niya.
Para mapabilis ang pagdating naming sa lugar kung saan nakahimlay ang abo ng ina niya ay ginamit ko na ang bilis ko. Ilang saglit pa ay naroroon na kami.
“Mama, nandito po ang anak ninyo.” Wika nito nang marating niya ang puntod ng ina niya. “Alam n’yo po, nakakatampo kayong dalawa ni Papa! Iniwan ninyo ako na walang wala at walang alam sa kung sino at ano ba ako. Alam mo ba Ma, sabi nila isa daw akong Almerdine.” Tumayo lang ako sa di kalayuan. Pero ramdam ko ang lungkot na kanyang dala-dala. Hinayaan ko lang siya na migrant ng mga nararamdaman niya.
“Ma, hindi ko alam ang gagawin ko. Akala madali na lang sa akin lahat pero ma anghirap pala nito. Ang bigat sa dibdib ba.” Umiyak nang umiyak si Archimedes. Pinigil ko ang sariling lapitan siya upang aluin dahil gusto kong mailabas niya ang lahat. Ilang sandali pa ay nag-aya na itong umuwi.
“Are you sober now, Archimedes Reverente?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa pinag-iwanan ko ng motor.
“Pwede ba, Arkie na lang itawag mo sa akin. Kanina pa ako naririndi sa paggamit mo ng full name ko. Saka Ali nalang itatawag ko sa iyo ha.” Mukhang natatauhann na siya. Nagiging masungit na siya. Napangiti tuloy ako.
“Kung yan ang magpapasaya sayo, ikaw bahala.” Sagot ko na lang.
“By the way, thank you for being with me tonight, Ali.” Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin.
Natigil din ako sa paglalakad pero nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ang pisngi ko sabay yakap sa akin.
“From now on, Ali, You are now my friend.” Aniya.
Pakiramdam ko naman ay nanigas ang buong katawan ko sa ginawa niya. Hindi ko iyon napaghandaan.
“Ali, can I sleep in your place?” Bilang tanong nito at hindi ko din alam kung ano ang isasagot. Hindi pa ako nakakarecover sa kaninang ginawa niya ngayon naman ay ito. I know that he is a guy but the way he looks and act ay mawawala ang pakealam ng kahit na sina.
Wait is he serious? Mukhang lasing pa ata siya. Balak ata niya akong magkasala. Pero bakit parang isip ko lang ang umaayaw. Bakit ang puso ko ay humihiyaw? Alistair, utang na loob isa kang Von. Ang dapat mong ginagawa ay dinadala no ang batang ito kay Senior Lazarus pero ano itong ginagawa mo?
Nakakatawang isipin na ang isang Von na tulad ko ay titiklop lamang sa isang bagohang Almerdine. Pero ganoon paman, I pledge to protect him at all cause.