Arkie POV
Pagmulat ng mata ko ay bumugad agad sa akin ang sikat ng araw. Nang libutin ko ang paligid ay bumalik sa akin ang mga pinaggagawa ko kagabi. Napatakip nalang ako ng mukha . Nang libutin ko ng paningin ko ay napataas ang kilay ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kung gaano ka minimalistic ang kwartong ito ay ganoon din ang may ari nito. Dahil nga gusto kong ulit mangulit ay tumayo ako at nagsimulang mang usisa. Walang masyadong mga gamit sa kwarto pero hindi ito naaalis ang vibe tulad ng may ari. Sa likod ng kamang hinigaan ko ay may wooden railings na nahihiwalay ng tulugan at ng mga closets Doon din marahil ang CR. Pero hindi naman sa CR ang pumukaw ng interes ko. Lumapit ako sa mga closets. Isa isa ko iyon pinagbubuksan.
Napahingan ako ng malalim dahil sa laman ng mga ito. Gaya ng nasa isip ko ay wala akong mapapala. Yung bumili ka ng damit pero iisang design at kulay. Yung pambahay puro white shirts at pajama lang ang nakita ko. Tinigilan ko na lang ang ginagawa ko.
Pero napansin ko ang isang island dresser na salamin ang taas. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga mamahaling relo. Yung iba ay mukhang limited edition pa yata. Napa “Wow” na lang ako sa pagka mangha.
Naisipan kong lumabas ng kwarto pero napako ang tingin ko sa salamin. Ngayon ko lang napansin na naka over size t-shits lang ako at box short. Pinagmasdan ko ang sarili ko.
“Everything will be fine, Arkie. Nakaya mo dati, kakayanin mo ngayon.” Bulong ko sa sarili habang patuloy na pinagmamasdan ang sarili. Inayos ko ang sarili ko at ngumiti bago tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Paglabas ay agad kong napansin ang may ari ng bahay na nagluluto. Mukhang binabasa pa nito ang recipe sa libro habang nagluluto.
“Hi!” Sinikap kong maging masaya ang tono ko kahit sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng hiya. Shete, I kiss him last night. Tumigil ka nga! Sa cheeks lang yun! Saway ko sa sarili kong kalandian.
“Gising ka na pala.” Anito. Bahagya itong nataranta. Hindi ko tuloy alam ako magigingreaction ko. Tapos makikita mo pa siyang naka black sando lang at boxer short lang ang suot. Alam ko na pinaglalaban mo, nagkakaganyan ka dahil kiss sa cheeks lang ang ginawa mo! Yung inaaway mo ang sarili mong isipan. Tumahimik ka self nakakawala ka ng dignity.
“Are you okay?” Tanong nito. Saka ko lang narealise na nakatitig na pala ako sa kanyang kabuuhan. Napalunok ako ng laway kahit walang momog –momog .
“CR lang ako.” Palusot ko.
“The one in the…” Rinig kong sabi niya pero hindi na niya tinuloy dahil tamang pinto naman ang nabuksan ko. Bat pati boses niya ang sexy pakinggan!
Paglabas ng banyo ay nakahanda na ang food sa lamesa. Si Alistair naman ay mukhang hindi pa tapos sa kusina.
“Ang dami naman ng niluto mo? May bisita ka bang darating?” Hindi ko mapigilang sabihin.
“Hindi ko alm kung may mga plano ngayong araw. Kung wala dumito ka muna. Mas safe dito kesa sa labas. Dinamihann ko na ang luto para may masisiguro akong may roon kanng makakain.” Aniya.
“We barely know each other tapos pagkakatiwala mo sa akin ang bahay mo? Pano kung magnanakaw pala ako?”
“Kung kaya mong makalabas na bitbit ang lahat ng mga gamit sa unit ko, go lang. Pero alam kung hindi ka masamang tao. Kaya panatag akong e-offer ang bahay ko.” Bat kaya yung tingin niya parang tingin niya ay kahaeig ng tingin ng boss niyang presko. Para nanunuot na ewan.
“Okay, madali naman akong kausap. Pero may plano ako ngayong umaga. Balik na lang ako mamayang hapon. Nakita ko maganda yung monitor at subrang laki try kong maglaro mamaya.” Bukod kasi sa kabuohan niya ay ang monitor talaga niya ang isa sa humuli ng paningin ko. Subrang lapad kasi niya na akala mo ay may pasine. Bumagay pa sa design ng kanyang sala na akala may mini amphitheatre. Yung may four steps pababa bago marating yung sala. Naka-built in yung mga upuan paikot. Basta ang ganda ng design. Pero nandoon pa din ang mga minimalistic na gamit. Minimalistic nga, ang mamahal naman ng gamit.
“Do you have your game phone?” Oo nga pala. Nagdeactivate ako ng account. Hindi ko na magagamit ang gaming function ng phone.
“I can’t use my account since I deleted it. Maybe I’ll buy later. I’ll figure it out.” Umupo na ako sa mesang pang animan.
“I’ll ask someone to bring you a compatible Game Phones for the Jade Emperor Pro.” Muntikan na akong mabulunan sa narinig ko sa kanya.
“Seryoso ka sa sinabi mo? That wide monitor is a Jade Emperor Pro product line?” Hindi makapaniwala kong sigaw. Sigaw talaga dahil kung ang Emeror’s Eye Edition ay subrang ganda at mahal, double daw ang experience na hatid nito base sa nababasa ko. Wala pang nakakaalam ng presyo ng complete set nito. Pero nasa testing stage palang ito.
“How come you have one? Wala pa ito sa market diba?” Hindi ko maiwasang mainggit. Parang gusto ko nang maglaro tuloy at hindi na lumabas pa.
“Perks of being a Von I guess. There’s a thin line between you gamers and us Elite Forces in terms of our equipment. “ Teka, wala akong maisip na sasabihin. Information overload.
“You’re a Von? As in a MATA Council?” Paninigurado ko. Tumango lang ito na parang normal lang sa kanya ang lahat. Hindi manlang nag-atubiling magsinungalin.
“You can eat first and ask me later. I’ll take a shower now. Got a work.” Iniwan niya akong tuliro at lutang sa mga information na nalaman ko. Pero lalong nagpatutang sa katinuan ko nang Makita ang ngiti niya sa labi. Anu bang meron sa ngiti niya at ng boss niyang ewan at napapakabog ng ganito ang dibdib ko.
Pilit kong winaglit ang lahat at ikinain nalang. Infairness naman at masarap ang luto ni Alistair. Sakto lang ang alat at tamis ng nga niluto niya na akala mo may sandamakmak na bisita. Pero satingin ko mas masarap siya. Heto nanaman po ako.
Hindi ko itatanggi na talagang attractive si Alistair. Abot-abot six feet ang taas, maputi at may pagkamisterious na aura. Maganda din ang pangangatawan niya at nasasabi kong maraming nagkakandarapang babae na willing na bumukaka sa harap niya. At mukhang hindi ako naiiba sa kanila sa pagkakataong ito.
Mukha lang akong inosente at may pagkaisip bata pero sa dalawamput limang gulang na ako at hindi na rin naman bago sa akin ang mga bagay-bagay gaya nito. At aaminin kong attracted ako sa kanya. Attracted ka naman sa lahat pati nga sa boss niya diba? Kinakastigo talaga ako ng utak ko.
“Pull yourself together, Archimedes. Mas may dapat kang isipin ngayon kesa sa kalandian mo.” Bulong ko sa sarili ko.
Pinukos ko nalang ang sarili sa pagkain. Maya-maya pa nga ay lumabas na si Alistair sa kwarto. Nakabihis na ito sa black maong , white shirt at jacket.
“Yan ang suot mo papasok?” Tanong ko sa kanya.
“Got my suit in the office. I’m using the big bike.” Napatango na lang ako. “By the way, kung aalis ka, may mga clothes sa kabilang kwarto, pili ka nalang doon. Use this phone, nakasave na diyan ang unit system kasama na yung lock.” Inabot niya sa akin ang isang flip type phone na hindi na din naman bago sa akin. Expected ko na din naman ito dahil kung totoo ang sinabi niya tungkol sa pagiging Von niya ay hindi matatawaran ang yaman nito at kaya niyang bu,ili ng mataas na antas ng technology.
“As if naman na kakasya sa akin ang damit mo. Itong t-shirt mo nga para na akong hunger. “ Sagot ko naman sa kanya.
“Tignan mo nalang. Masyado pang maaga kaya sarado pa ang mga stores at online stores.” Kinuha nito ang case bag at isinuot. (Bag talaga siya pero hindi siya gawa sa tela kundi gawa sa materials na aakalainin mong case)
“Hindi ka kakain?” Para kasing kanina pasiya galaw ng galaw pero hindi pa siya nagkakape o kumakain man lang.
“You’re an Almerdine, Arkie, you are supposed to know what I am.” Seryosong wika nito. Then something pops up in my mind.
Naalala ko na minsang narinig ko sa mga nagging usap-usapan noong bata pa ako na ang karamihan ng mga Von ay supernatural being.
“You’re a vampire?” Imbis na matakot ay naexcite pa ako. Gaya ng signature answer niya ay tumango lang ito saka tinungo na ang pintuan. “Ali, yung gaming set ng Jade emperor ha, don’t forget.”
Masasabi ko ako na ang pinakaswerteng tao sa buhay ko. I have met, an Almerdine, a werewolf at kanina nga ay I met a vampire. And cool noon. Matagal ko na kasing naririnig ang mga yon pero hindi pa talaga ako nakakakita ng actual. Marahil ay hindi naman kasi ako pala-gala. Madalas busy ako sa trabaho, School at paglalaro.
Gaya nang una kong plano kahapon ay nagpagupit ako at nagpaayos. May mga bagong skin care tech kasi na nauuso ngayon at talagang gusto kong subukan. Nag try din akong mag-enrol sa gym para naman magkalaman-laman ako. Masyado na kasi akong napag-iiwanan.
Bumili na din ako ng mga magagamit na damit. Tinatamad pa kasi akong umuwi sa bahay ko. Buti nalang at napakiusapan ko si Rigo na asikasuhin na muna nila si Matt ay Earl.
Sinulit ko ang buong umaga na e-pamper ang sarili ko. Biruin mo sa tagal ko na nagtatrabaho hindi ngayon ko lang naranasang gastusan ang sarili sa mga bagay na akala ko ay hindi ko mabibili noon. Gusto kong maging Malaya sa umagang ito ay namnamin ay bunga ng pinaghirapan ko.
Nagdecide akong umuwi nang maramdaman kong nagugutum na ako. Kaya ko naman bumili ng pagkain sa labas pero saying kasi ang niluto ni Ali. Nagpakahirap pa siyang magluto e hindi naman pala siya kumakain ng pagkain ng normal.
Mabilis naman ako nakauwi. Sa lobby ay hindi na ako na hirapan pa.
“Mr. Reverente?” Tawah ng receptionist. Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan nila. “Sir dumating na po yung pockage na pinadala ni Sir Alistair. Papirmahan na lang po daw ito sabi ng delivery guy. Papaakyat ko nalang po mamaya.” Naexcite naman ako nang makitang galing iyon sa Tech District North. Alam ko na kasi kung anu iyon at hindi na ako makapaghintay na subukan iyon.