Crossed Paths: Chapter 13

2287 Words
The Manghahabi in Freedom City Arc Finale Arkie POV Kung kanina ay halos mabaliw ako sa kakaisip kung ano ang nangyari ay ngayon ay tila sumisikip ang dibdib ko sa maaaring mangyari. Pa kami hinahabola ng mga werewolves na gustong pabalikin si Matt sa kanila. Sa bilis ng kilos niya ay aakalaining mong liliparin ka ng hanging bumabangga sa amin. Sinikap ko nalang na manatili ang presence of mind ko para hindi ko masaktan si Matt. Hidni na ako nagtaka pa sa sinabi niyang kabilang siya sa angkan ng werewolf. Hello, ang  Freedom City ay sinasabing literal na pagmamay-ari ng isang Vampire Clan. Hindi pa man ako nakakajita ng isa ngunit naniniwala ako na totoo iyon. Dahil kung hindi, paano ko ipapaliwanag ang kalagayan ni Jeremy? Yung mga pinagdaanan niya. Kaya hindi na ako nabigla sa sinabi ni Matt. At tiwala ako sa kanya na wala siyang gagawin sa aking masama. Ang mas pinagtatakahan ko ay ang katotohanang naririto ako sa Russia. Kani-kanina lang ay nag-inuman kami at natulog. Naalala kong napapanaginipan ko si Matt at ngayon ay nandito na ako. Parang mababaliw ako kanina sa kakaisip ng posibleng explination. Pero kahit anong piga ko sa utak ko ay wala akong maisip na explination. Nagpapasalamat ako dahil kagaya ni Jeremy, ay sinikap ni Matt na pakalmahin ako. Kung nagkataon na  napunta ako sa ibang lugar na tanging pantulog lang ang suot ay hindi ko alam ang gagawin. Kahit naman siguro sa iba mangyari, Nasa Freedom City ka bago matulog tapos magigising ka nang daang milya ang layo sa lugar na tinulugan mo. Napabalik ako sa realidad nang makita ko ang mga werewolf na mas binilisan pa ata ang takbo dahil lumalapit na ang distansya nila sa aming dalawa. “Hindi ba sila napapagod sa kahahabol sa atin?” Wala sa loob kong banggit habang mahigpit na yumayakap sa likaod ni Matt. Hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko. Nakaramdam ako ng takot dahil pwede nilang kaming mahuli at walang kamalay malay ang mga tao sa bahay sa magiging kalagayan ko. Ayoko mang umiya pero naisip ko kung gaano ako ka helpless pagnagkataon. “Tatagan mo ang iyong loob, hindi nila kayo ma aabutan kung magiging matatag ka at alalahanin mo kung paano ka nakarating dito kanina.” Rinig kong salita sa loob ng isip ko. “Sino  ka?” Sagot ko. Pamilyar ang boses niya. Naalala kong narinig ko din siya kanina. “Mahalaga pa ba kung sino ako?” Anang boses. “Kung papatila ka sa kahinaan mo ay mapapahamak kayong pareho, Archimedes.” “Ano ba ang dapat kong gawin?” Tanong ko. Naluluha na ako sa nangyayari. Palagay ko ay nababaliw na ako. Sino ba kasing nasa matinong pag-iisip ang nakakarinig ng boses sa loob ng isip nila? “Kalmahin mo ang sarili mo, Archimedes Reverente. Damhin mo ang iyong paligid at isipin ang lugar na gusto mong marating.” Disperado na nga siguro ako dahil ginawa ko ang sinasabi ng tinig. Ang isang parte ng isip ko ay umaasang gagana ngunit ang kalahati naman ay natatakot sa nangyayari. “Nagdadalawang isip ka sa ginagawa mo, Archimedes Reverente.” Sigaw ng boses. Nakita ko ang isang werewolf na makakaabot na sa amin. “Matt! Malapit na yung isa!” Sigaw ko. Sa subrang gulat ko ay nakalimutan kong higpitan ang hawak k okay Matt dahilan ng pagkahulog ko. Napapikit ako sa sakit ng tumama ang katawan ko sa lupa. Sa bilis ng impact ay pakiramdam ko ay rumolyo pa ako ngunit agad din naman akong dumilat at bumangon. Nakita kong tumatakbo pabalik si Matt sa akin. Agad akong lumingon sa kabilang banda ng daan nang maalala ang werewolf na malapit na kaming abutan. Saktong pag lingon ko ay ang pagtalon nito upang dakmalin ako. Yung ibang mga kasama nito ay malapit na din at wala na kaming magagawa ni Matt. Ngunit sa isang iglap kasabay ng naramdaman kong takot ay napasigaw ako kasabay ng matinding hanging buong pwersang itinulak ang mmga naghahabol na mga werewolf. Sa tindi ng lakas ng hangin ay tumalsik ang Werewolf na dadakmal sana sa akin. Nakita ko ding tumilapon ang iba pang mga werewolf. Hindi ko alam kung gaano katagal ang binugso ng malakas ng hangin pero pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas. Ilang Segundo pa ay palagay ko ay matutumba na ako. Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalang malay ay agad akong nasala ng matipunong katawan ni Matt in hind human form.  Naramdaman ko ang pagkarga niya sa akin. Tumingin ito sa direksyon kung saan naroroon ang mga werewolf na humaghabol sa amin at saka muling tumakbo palayo doon.   “Archimedes.” Rinig ko muli sa boses na kanina pa naglalaro sa isipan ko.”Archiemedes.” Pagmulat ko ng mata ay nagulantang ako nang marealized kong nakahiga pala ako sa sofa ng dati naming bahay kung saan dalawa lang kami ni Papa. Nasa harap ko ang isang babaeng nakaputi. Hindi ko siya kilala pero nakangiti ito sa akin. “Natatandaan mob a ang nangyari?” Tanong nito. Palangay ko ay nanunuyo ang aking lalamunan kaya minabuti kong tumango na lang pero nang maalala si Matt ay agad akong nagpanic. “Ligtas si Matteo kung iyan ang gusto mong malaman.” Nabasa nagad niya ang mukha ko. “Pero napaka delikado ng ginawa mo kanina.” Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Naalala ko munli ang nangyari kanina kung saan ay sa subrang takot ay napasigaw ako kasunod ng pag atake ng mabangis na ihip ng hangin. “Ako ang may gawa noon?” Pilit kong tanong. “Makinig ka, Archimedes, kailangan mong mag-ingat sa mga dapat mong gawin ngayong nagmamanipesto na ang kapangyarihan mo.” Babala ng babae. “Hindi ko po kayo maintindihan. Ano pong kapangyarihan?” Kanina pa sumasakit ang ulo ko at wala akong maintindihan sa sinasabi niya. “Ang pagbalik mo ng sumpang ipinukol sa iyo noong isang araw, yung pagtawid mo sa oras upang makarating ka kanina sa lokasyon ni Matt, at ang pagtawag sa espirito ng hangin, lahat ng iyon ay kagagawan mo.” Anang babae. “Hindi iyong nagagawa ng isang regular na mortal.” “Ano ako kung ganoon?” Agad kong tanong. Kumakaripas ang kaba sa dibdib ko. Kahit naguguluhan alam kong may point siya sa sinasabi niya kaya kung hindi ako normal na tao ano ako kung ganoon? “Isa kang Almerdine, Archimedes.” Narinig ko na ang salitang iyon noong nag-aaral pa ako. Sa kwento ay may dalawang uri ng espesyal na mortal. Ang Bernardine na ang kapangyarihan ay inaani sa kadiliman at Almerdine na ang kapangyarihan ay inaani sa kalikasan. “Hindi ka lang basta-basta isang Almerdine, kundi isa kang Manghahabi.” Hidni ko siya na intindihan sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi alam na mag mga class pa pala ang mga Almerdine. Yung malaman na isa akong almerdine ang sakit na sa ulo, ito pang sinabi niya na Manghahabi. “Ang isang regular na Almerdine ay nakakagawa lamang ng limitadong mahika. Ngunit habang uminog ang mundo ay biniyayaan ng kalikasan ang mga piling angkan ng mag natatanging kapangyarihan at isa na ang mga ninuno mo na makatanggap ng biyayang iyon. Ang iyong angkan ang nakatanggap ng kapangyarihan ng mga Manghahabi.” Pagpapaliwanag niya. “Ibig sabihin sa tamang pag-eensayo at pag-aaral ay magagawa mong gumawa ng sariling sambitin at mahika nang hindi gumagamit ng grimoire.” Naintindihan ko ang ibig sabihain ng grimoire. Meron ako nito sa Solaris. Ito yung listahan ng mga atake na kaya kong gawin sa laro. So sa totoong buhay may ganoon talaga? Marami pang sinabi ang babae para ganap kong maintindihan ang situawyon ko hanggan sa nagbigay  ito ng babala. “Mag-iingat ka sa mga Bernardine. Ang tulad mo ay kailangan nila upang mapalakas ang kanilang kapangyarihan. Pero wag kang mag-alala, sa oras na bumalik ka sa Freedom City ay may isang taong tutulong sa iyo na lalong maintindihan mo ang lahat. Pero sa ngayon kailangan mo nang gumising at umalis na kasy sa kinaroroonan ninyo. Nararamdaman ko na ang pagkilos ng mga Bernardine.” “Paano kami makakabalik ng Freedom City? Hindi ko nga alam kung paano ako napadpad dito.” May pagkairita kong tanong. Hello kanina ko pa sinusubukan na alalahanin ang ginawa ko para makabalik na kami. “Isipin mo ang taong may malakas na kuneksyon sayo. Gamit noon ay ang kapangyarihan mo na ang bahala. At bago ko makalimutan, kailangan mong balikan ang lumang bahay mo. Sa tingin ko ay may kailangan kong kunin doon.” Pagkasabi noon ay agad akong napamulat muli. Nakahiga ako sa tinipong tuyong dahon habang my bonfire sa tapat ko. You’re awake.” Masiglang wika ni Matt. Napalunok lang ako ng laway dahil nakalimutan yata niyang magsuot ng damit pan-itaas. “We need to move now.” Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga dahil sa babala  ng babae sa panaginip ko. “Hindi na tayo hahabutin ng pamilya ko.” Aniya. “Okay sana kung pamilya mo lang ang hahabol sa atin but I made a mistake summoning that wind.” As expected, nalilito siya sa sinasabi ko. Kahit ako man ay nalilito pero sa ngayon ay kailangan ko munang isipin ang kaligtasan naming dalawa. “Look, kagawa mo ay hindi din pala ako normal na tao. Kung ikaw ay werewolf, ako naman ay isang Almerdine. Crazy, yes but I’ll explain it later. We need to keep moving before the Bernardine tracks us.” Walang sabi-sabi ay hinubad muli nito ang kanyang pantalon. “What are you doing?” Ako namn ang nalito sa ginagawa niya. “It’s faster if I’m in wolf form. Don’t worry pwede mong pagfiestahan ang katawan ko, I don’t bother, Seven.” Namula ata ako sa sinabi ng kumag na ito. Agad naman akong tumalikod para hindi akong matemp tignan. Kung si Jeremy nga na ilang taon na kaming magkasama ni wala akong lakas ng loob na silipan siya na sa totoo lang mas madali kong gawin iyo. “Wait? Ano bang pinaglalaban mo Archimedes? Si Jeremy hindi basta basta naghuhubad sa tapat mo. Itong si Matt lang ang nakagawa  niyan sa harap mo.” Nasisiraan na yata ako. Sarili kong isip nakikipagtalo sa sarili ko. Napalingon na lang ako nang maramdaman ko ang isang malaking wolf form niya na nasa tabi ko. Bago pa ako sumakay sa kanya ay tinabunan ko muna ng lupa ang bonfire. Nang masiguradong ligtas na ay saka ako sumakay sa likod ni Matt at saka ito tumakbo muli. Habang papalayo kami sa lugar ay inalala ko ang sinabi ng babae tungkol sa kung paano ako makakabalik sa Freedom City. Kailangan kong isipin ang taong may malakas na koneksyon sa akin. Isa lang naman ang taong iyon, si Jeremy. So kailangan ko lang isipin si Jeremy at bahala ba ang kapangyarihan sa susunod na mangyayari. Tiwala lang kailangan. Kaya naman habang nasa likod ni Matt ay agad kong inisip si Jeremy.  “I need to returm to Jeremy.” Bulong ko sa sarili. Bahagya kong hinigpitan ang pagyakap k okay Matt dahil baka maiwan ko siya. Ayoko nang bumalik dito kung manganganib pala ang buhay ko sa labas ng Freedom City. Sa kabila ng mabilis na pagtakbo ni Matt ay sinikap kong mag-concentrate sa ginagawa ko. Kinakailangan na talaga naming makaalis dito. Kung hindi  ako nagkakamali ay mag-uumaga na sa Freedom City. Magkakagulo sa bagay kapag nagising silang wala ako. Itataob ni Jeremy buong condo kapag nagkataon. Naramdaman ko na may pwersang bumabalot sa aming dalawa. At sa isang saglit pa ay pakiramdam ko ay hinigop kami sa kawalan the next thing we knew ay bumagsak kami sa kama ko kung saan natutulog si Jeremy. Wala naman ako nagawa kundi mapasigaw nalang. Bahala na at mamaya na mag-explain. “s**t!” Sigaw ni Jeremy. “What are you doing, Archim…” Natigilan siya nang bumangon ang puting wolf na kasama ko. Sana lang ay hindi siya nabalian. Tinuro ito ni Jeremy na may magkahalong pagtataka at takot sa mata. “Sorry.” Alanganin kong sambit. “P-paano nakapasok iyan dito sa condo natin?” Bumangon ako sa kama at bumaba kasama si Matt. “And what happen to you?” Nang lingunin ko siya ay hawak nito ang isang lampshade. Nagising naman si Drew dahil sa ingay namin. Nang makita si Matt na nasa wolf form ay napasigaw naman siya at tumakbo sa tabi ni Jeremy. “That a Rayka, Arkie. Paano iyan naka pasok dito.” So, familiar pala sila sa katulad ni Matt.    Hinubad ko ang bag ni Matt na suot ko at binuksan iyon. Nakita ko ang invitation niya at nilabas iyon. Saka ko inihagis iyon sa kama. “Can you put it down, Jeremy?” Sinhal ko sa kanya. Hindi pa kasi nito binababa ang lampshade. “For God's sake, Matt, go back to your human form.” Hindi naman nagsayang pa ng oras si Matt att bumalik ito sa kanyang totoong anyo. Nagkataon din na biglang bumukas ang pinto at iniluwa papasok sina Jonas, Rigo at Alex. Gaya ng dalawa ay natulala sila nang masaksihan kung paano bumalik sa human form niya si Matt. “Hi, I am Matt?” Yung tono niya ay parang alangan dahil marahil sa hitsura ng mga tao sa paligid niya. Agad akong kumuha sa damit na masusuot niya. Buti may extra unused underwear si Jeremy dito sa drawer ko. Itinuro ko sa kanya yung banyo at binigay ko ang susuoting damit. Pagharap ko ay nakatingin na sa akin ang limang pares ng mga mata.    “You really owe us an explanation, Archimedes Reverente.” Hindi ko malaman kung saan ako magsisimula pero wala naman akong choice kundi e-explain ang nagyari.          Next Arc: The Kings of Solaris Arc     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD