Crossed Paths Chapter 14

2207 Words
Kings of Solaris Arc Chapter 14 to Chapter 26 Jeremy POV Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa explanation ni Arkie kung bakit bigla nalang kami nagising na kasama na niya si Matt na isang Rayka pala. I never saw a Rayka up close and I was amaze with its form, not to mention the body built. I can’t believe na parang wala lang sa kanya na makitang ang ibang tao ang kanyang hubad na katawan. At itong si Arkie naman mukhang naenjoy masyado ang nakikita. “Ayaw mong maniwala?” Tanong ni Arkie na ngayon ay nakaupo sa table katabi ni Matt na walang pake sa pinag-uusapan dahil busy sa kakakain. Samantalang kaming lima naman ay nakatayo sa harapan niya. “Sino ba kasing maniniwala na bigla ka nalang napunta sa Russia at nakabalik ka na kasama mo si Matt. Given sa itsura mo kanina?” Hindi kasi ako kumbisido sa kwento niya. Sa totoo lang ay gusto kong manuntok ng makita ko ang itsura niya kanina. May mga punit yung pajama, may mga dumi sa buong katawan at tila namamaga din ang mga mata. Basa sa kwenta niya ay nagising siyang nasa Russia siya. May Almerdine daw na nakiusap na tulungan si Matt na ayaw payagan ng ama nitong pumunta dito sa Freedom City. Kaya tinulungan ito ng Almerdine na makatakas. Nangtanungin ko kung sino ang Almerdine ay sinabi niyang hindi niya kilala. Basta nalang daw niyang nakita sa panaginip at nang gumising niya ay nasa Russia na ito at nandoon na siya sa lugar kung saan hinahabol si Matt ng iba pang mga Rayka. Doon niya nalaman na Rayka si Mall at nagpalit balat ito at tumakbo pa lalo ng mabilis hanggang sa mahulog nga silang dalawa mula sa kisame. “Jeremy, Mukha namang nagsasabi si Arkie ng totoo. Let’s drop the issue na lang ang mahalaga ay naririto na si Matt.” Kahit kaylan talaga itong si Rigo, mas pipiliin ang side ni Arkei. “Agree. Now we already know kung ano ang dahilan ng pagiging missing in action.” Segunda naman ni Drew. Pero hindi pa din ako mapalagay. Pakiramdam ko ay may kulang sa kwento o hindi buo ang kwento. Hindi sa wala akong tiwala kay Arkie. I’m worried lang talaga for him at ayaw kong mapahamak siya. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung nagkataon. For how many years ko siyang iningatan na higit pa sa kapatid at mapapahamak pa siya ng wala ako sa tabi niya. Hindi ko papayagang mangyari iyon. “Can we eat na ba?” Tanong ni Alex. Nang lingunin koi to ay nakatingin ito kay Matt na maganang kumakain. Samantalang tuwang tuwa naman si Arkie na pinapanoon ito. “Baka wala na tayong makain pag hindi pa tayo kumilos ngayon. Napailing na lamang ako. Sumenyas na lang ako na mauna. Nawalan ako ng gana kumain. “I’ll go out for a while.” Pagpapalam ko. “Hindi ka kakain?” Habol ni Arkie. “Just play with your new toy. Mukha namang nag-eenjoy ka.”  Wala sa loob kong sagot sa kanya. “Okay. Sabi mo e.” Lalong uminit ang ulo ko sa sinagot niya. Ewan ko kung bakit galit na galit ako ngayon. Hindi ako galit sa kanya pero talagang gusto kong manapak. I know Arkie is a sweet guy pagdating sa mga kaibigan namin. Napaka inosente nito sa mga bagay-bagay. childish nga ito madalas. Parang sa game na nga lang siya nagseseryoso. Ganoon pa man, I accept naman iyon ang lahat sa kanya. Taking care of him is part of my routine. Kahit nga siguro nakahubad ako ay hindi ako mag-iisip iti-take advantage niya ang pagkakataon kasi I feel comfortable with him. Kakailanganin ko talagang makapagrelease ngayon para marelax ko ang katawan ko ay mawala ang kung anu mang naiisip at nararamdaman ko. Naisipan ko nalang na pumunta sa training gym. Tutal an matagal na din akong hindi nakakapagtraining doon. Pagdating ng Training Gym ay agad akong nagbihis. Buti at palagi akong may dalang mga extra clothes para sa mga pagkakataon gaya nito. Tumapit sa akin ang head trainer ng gym at kinamusta ako. Ang training gym dito sa Capital City ay ang official gym na pinupuntahan ng mga members ng Lira Battalion at mga Kahalili. Paminsan-minsan ay may mga Elite members din na nagpupunta rito. Kaya masasabing mixed people ang mga naririto. Nang makapag warm up na ay agad akong inasist ng Head Trainer para maging sparring partner ko.   “Jeremy?” Tawag ng isang pamilyar na boses. “Himala at naririto ka.” May bahid ng sarcastic niyang dagdag. “Shut up, Kuya Gio.” Sagot ko sa kanya. Pero dahil nga si Kuya Gio yun ay hindi iyon nakinig at pinalitan nito si Head Coach bilang sparring partner ko. At gaya ng mga nakaraan ay kahit kapatid ko siya ay hidni ako basta basta nagpapatalo. “Sabihin mo nga sa akin, nag-away kayo ng asawa mo?” Hindi ko alam kung biro niya iyon o seryoso. “Anong asawa ang pinagsasabi mo d’yan?” “Iisang tao lang naman nagpapaganito sa iyo. Itatanong mo pa ba? Ilang araw nmo nan gang binabahay.” Nang magets ko ang sinasabi niya ay saka ko siya kinulong sa braso ko. “Ul’ol!” “Hay naku. Sige magpakamanhid ka para sa  sarili mong nararamdaman. Pero payo ko lang sayo, aminin mo na sa sarili mo ang totoong nararamdaman mo at baka sa huli ay maunahan ka pa ng iba.” Anito bago ako binalibag sa sahig. Natigilan naman ako sa sinabi ni Kuya Gio. “Ano nga ba ang totoong nararamdaman ko para kay Arkie?” naitanong ko sa sarili. Pero ang tanong na iyon ay hindi ko masagot sagot. Hanggang matapos na lang kami ni Kuya ay wala pa rin akong sagot na mahanap. “Darating na mamaya ang isa ninyong kasama. Are you going to fetch him or do you like us to do that for you?”  Muntik ko nang makalimutan na darating mamaya si Carl o IamMageUser. “Arkie want to fetch him so kami na lang ang susundo.” Tinignan naman ako ni Kyua Gio ng nakakalokong tingin. “Anu nanaman iyang tingin na iyan?” Kumibit balikat lang si Kuya. Naalala ko ang nangyari kanina kaya kakailanganin ko ang tulong niya. “By the way, Kuya, I need your help.” Seryoso kong pag-iiba ng topic. At saka ko kinuwento ang nangyari. Tiwala naman ako sa kanyang hindi niya ipagkakalat ito sa halip ay tutulungan niya ako. Pero laking gulat ko na parang hindi man lang natinag si Kuya sa ikinuwento ko. “To tell you the truth, Matt is a Russian Raykan Alpha’s son. The one that is coming later is from an Almerdine family. Hindi kami nagka problema kay Carl dahil ang pamilya niya ay may pending application. We never able to talk to Matt’s family dahil nga hindi nila alam na naglalaro ang anak nila. So we sent it to Matt personally. We try to help him but his father’s guard pick him up already. Hinndi ko alam na nakatakas pa siya. Don’t worry; I’ll talk to Tito Gareth.” “So you knew already about them?” Tanong ko. “Our team get their information and the Elites conduct investigation. Syempre, we don’t give invites to strangers.” Sagot ni Kuya, “How about our other two members?” Tanong ko muli. May kutob akong hindi pa nasasabi ni Kuya ang lahat. “The two are classified. All I knew is that both of them are from Black Line.”         ***** Rigo POV Sa totoo lang ay diskompyado ako sa kwento ni Arkie. Pero kilala ko naman si Arkie. Itatago at itatago niya ang ayaw niyang ipaalam sa iba. Hidni ko din naman makumpronta si Matt dahil palagi silang magkasama ni Arkie. Wala naman sa aking kung isang Rayka si Matt. Walang problema sa aking kung ano man ang nangyari. Masaya akong nakitang ligtas silang dalawa. Gusto lang talaga naming malaman para sa susunog ay alam na naming ang gagawin o makahingi  ng tulong kung kinakailangan. Pero tulad nga ng sinabi ko, si Arkie ay hindi mo basta mapipilit na sabihin ang totoo kung ayaw talaga niyang sabihin. “Anong sa tingin mo ang gagawin natin?” Rinig kong boses sa isip ko. Napatingin ako sa taong nagmamayari ng boses. “Sa ngayonn ay kailangan muna nating obserbahan ang kilos niya.” Sagot ko sa kanya na gamit rin ang isip. “Hindi ba natin ito ipagbibigay alam kay Pinonong Amilia?” Tanong niya muli. “Wala pa tayong detalye ng totoong nangyari. Wala ding saysay kung sasabihin natin sa pinunu kung wala naman tayong sapat na basehan. “ Hindi na nagsalita pa ang aking kausap. Muli kong binaling ang tingin sa dalawang taong naglalaro sa loob ng game room. “Wala pa ba si Jeremy?” Tanong ni Jonas na kanina pa balisa. Marahil dahil kay Matt na isang Rayka. Kilalang is sa kinikilalang mortal ang pamilya ni Jonas  dahil sila ay mga Kahalili ni Von Yuri Adachi ng Adachi District. At galit ito sa mga Rayka. Kahit naman Naging matagumpay ang pagtatatag ng Free City ay may mga galit o puot na hindi agad agad nawawala. Naisakatuparan man ang misyon ng Free City na mag-coexist ang bawat nilalang ay may mga nilalang pa rin hindi basta-basta mababago pinaniniwalaan. Kaya nga madalang lang ang kabilang sa lahi ng Rayka ang nakakapasok sa Freedom City. At ngayong may isang Rayka sa Capital City ay walang nakakaalam kung ano ang ikikilos ng mga Von. “I called him already. Papauwi na daw siya.” Si Alex. “Ba’t kaba hindi mapakali d’yan?” Tanong ni Drew na mukhang naiinis na din sa ikinikilos nito. “Dude, we have Rayka in our house.” Anito na pa bang nakabig deal noon. “Dude, he is one of our teammate. Rayka man siya or whatever it doent matter. We are  friends already. Magbabago ba iyon dahil isa siyang Rayka? Paano kung isa pa sa kanila Bampira? Okay lang sa inyo ganoon? Paano kung ako naman ang hindi komportable sa bampira?” Nakakapuno na ang pagiging judgemental niya. Hindi ko siya kilalang ganito pero nakakawa ng respeto kapag may ganyang pag-iisip ang kasama mo. Ni hindi pa nga nila nakakausap yung tao, jumping to conclusion kaagad. Hindi naman sumagot pa si Jonas dahil alam niyang papatulan ko siya sa ginagawa niya. Maya maya pa ay nabalot ng katahimikan ang sala. Tanging ingay nina Arkie at Matt lamang ang naririnig namin. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok si Jeremy kasama ang apat na members ng Silver Elites. “What the F*ck, Jeremy!” Hindi ko mapigilang sigaw. Hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin niya. “I have no choice.” Sagot niya “What happen?” Takang tanong ni Arkie. Marahil ay narinig nito ang sigaw ko. “Arkie , the Silver Elites need to take Matt for questioning.” Madiing saad nito. “What for? Wala naman siyang ginagawa?” Mas lalong nagpalito it okay Arkie. “He is a Rayka. For that reason alone ay kailangan niyang dumaan sa questioning process.” “Dahil isa siyang Rayka? Iyon lang ang dahilan mo kaya ka nagreport?” Lumapit si Jeremt sa kanya. “We just need to make sure na walang hiden agenda ang mga Rayka kaya pinayagan siyang pumunta dito.” “That’s bull sh*t, Jeremy!” Sigaw ni Arkie. “Arkie, calm down, I can just go with whoever they are. It’s okay.” Ramdam ko anng kung anong pagkabahala ni Matty kay Arkie. “No, it’s not okay!” Sabay sa pagsigaw ni Arkie ay ang pagpatay-sindi ng mga ilaw. Nakita ko ang pagkagulat ng lahat sa nangyari. Agad kong nauunawan ang nangyayari. “Arkie, Calm down.” Sambit ko pero mukhang walang saysay na din. “Matt is your friend before you knew that he is a Rayka, Jeremy. At dahil hindi pasaok sa standard mo ang isang nilalang itatapon mo ang pinagsamahan ninyo. Paano kung ako ang iba sa inyo? Will you report me?” “We need to get them both!” Sigaw ng isang Siver Elite. Ngunit bago pago pa sila makalapit ay mabilis na ikinumpas ni Arkie ang kamay niya dahilan upang tumilapon ang mga elites. Maging si Jeremy ay animoy itinulak ng malakas na hangin. Gulat man sa ginawa ay mas nangibabaw sa akin ang pag-alala. Agad akong lumapit sa kanya.    “Arkie, don’t do this please.” Gusto ko siyang pakalmahin pero mukhang  huli na ang lahat. Nararamdaman ko ang magkahalong galit, disappointment at betrayal. Masyadong mabigat ang damdaming nararamdaman niya na kahit ako ay hirap pahupain. Walang panama ang kapangyarihan ko sa katulad niyang Manghahabi. Oo, alam kong si Arkie ay isang Manghahabi. Isang uri ng Almerdine na binigyan ng kalikasan ng higit na kapangyarihan kaysa normal na Almerdine. Sa lahat ng mga angkan ng natatanging Almerdine ay ang kanyang angkan ang higit na makapangyarihan dahil hindi nila kinakailangang gumamit ng grimoire. Nakita kong inabot ni Arkie ang kamay ni Matt at saka lumakad papasok ng kwarto nang habulin ko sila sa loob ay wala na silang dalawa.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD