“Andres, anong oras na, bakit wala pa rin sina Ama?” Hindi mapakaling tanong ni Allana. Kanina pa ito papunta paroon na tila walang kapaguran. “Allana, pumirme ka nga muna at ako ang napapagod sa ginagawa mo. Ang sabi ng Ama mo ay tinitipon nila ang kaanak ng mga nawawalang mga babae. Natitiyak kong walang masamang mangyayari sa kanya. Isa pa, kung ang mga Salasar ang siyang tumutugis sa mga salarin ay natitiyak ko ding ang mga Alegria ay kumikilos din. “Wala akong pake-alam sa mga pamilyang iyon. Ang akin lang ay ang masigurado ang kaligtasan ng Ama ko.” Nagmadali itong tumungo sa pintuan subbalit agad naman itong napigilan ng Andres. “Saan ka pupunta? Hindi ba’t binilin ng Ama mo na wag kang lalabas dahil delikado?” Saway ni Andres. “Andres, hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko na

