Lazarus POV Matapos ang pagpupulong para sa paghahanda sa nalalapit na pagdating ng mga deligates mula sa iba’t ibang Free City ay nagdesisyon akong magtungo sa Training facility kung saan naroroon ang mga esports players. Gusto kong personal na makita ang kanilang improvements. Ilang araw din akong hindi nakadalaw sa kanila dahil sa mga importanteng pagpupulong para sa Tech Summit. Ayon sa mga report ng kanikanilang mga personal coach ay malaki na ang pinagbago ng Clan of Kings Pillars. Mas nakatulong ang pagkakayos nilang sampu sa routine na binibigay sa kanila. Gamit ang private road ay mabilis kong narrating ang facility. Malapit na ako sa entrance nang biglang nagbago ang panahon. Mula sa tirik na sinag ng araw ay biglang naipon ang madidilim na ulap. Sinundan ito ng kulog at pagk

