"No, Darling," seryosong saad ni Gerard nang gabing iyon habang naghahapunan sila. Isang linggo na ang nakalipas ngunit iyon at iyon pa rin ang desisyon nito. Ayaw nitong makipaghiwalay sa kaniya kaya labis ang galit na nadarama niya sa asawa. Hindi na niya alam kung ano ang nararapat gawin para lang kumbinsihin ito sa nais niyang mangyari. "Hinding-hindi ako papayag sa plano mong annulment," patuloy pa nito. Itinigil niya ang pagkain. Nawalan na siya ng gana. Uminom siya ng tubig saka pinunasan ang labi. "Then, don't expect me to be your wife anymore," tugon niya sa mababang tinig. "Para sa akin ay tapos tayo, Gerard. Gawin mo ang gusto mo at gagawin ko rin ang gusto ko." Gumalaw ang magkabilang panga ni Gerard. "No. You are still my wife and I am still your husband. Walang puwede

