Isang buwan na ang nakalipas simula ng bumalik sila sa bansa matapos ang business trip ni Gerard sa Hongkong. Mag-a-alas singko na ng hapon ngunit tila walang planong umuwi ng bahay ang huli. Nakaupo lang ito sa opisina at nakatanaw sa labas ng glass wall. Sandamakmak na papeles ang naroon sa ibabaw ng office desk nito at tila wala itong planong basahin ang mga iyon. "Mukhang napakalalim ng iniisip natin, ah," nakangiting saad ni Andrea nang mapansin na wala na namang kibo si Gerard. Sumimangot si Andrea nang walang matanggap na tugon. "Si Lianne na naman ba, ha, Babe?" Kumuyom ang magkabila nitong palad at hindi maitago ang inis. Lumapit ito sa kinauupuan ni Gerard saka masuyong niyakap ang huli, subalit tila wala iyong epekto. "Babe." Tinanggal ni Gerard ang mga braso ni Andrea. "S

