Inutusan niya ang driver na lisanin na ang lugar na iyon. Masama pa rin ang loob niya kina Gerard at Andrea. Gustuhin man niya na harapin ang dalawa at sumbatan ang mga ito ay hindi niya kaya. Nahihilo siya at nanghihina dahil wala siyang tulog magdamag. Ipagpapahinga niya muna ang katawan at saka na siya gagawa ng hakbang para paaminin ang dalawang iyon. Matapos makabili ng pregnancy kit sa drugstore, ay nagpahatid siya sa building kung saan naroon ang penthouse ng bilyonaryo. Doon na muna siya magpapalipas ng sama ng loob. Ibinigay sa kaniya ni Russel ang passcode niyon kaya malaya siyang makakapasok doon ano mang oras niya gustuhin. Papasikat na ang araw nang marating niya ang penthouse. Doon siya sa may swimming pool nanatili at iniisip kung ano ang gagawing hakbang para mapaamin ang

