"L-Lianne?" nauutal na wika ni Gerard. Napako ang paningin nito sa pintuan kung saan nakatayo ang sariling asawa. Pinilit ni Lianne na maging mahinahon sa mga oras na iyon. Walang mababanaag na galit o sakit sa mukha niya. Nakatitig lang siya sa asawa niya at sa bestfriend niyang si Andrea. Maraming katanungan sa utak niya. Kung saan ba siya nagkulang at ano ang malaking kasalanan niya sa dalawa para traydurin siya nang ganoon. Maging ang mga magulang niya ay idinadamay pa ni Andrea sa maitim nitong balak. "Bakit ninyo ginawa sa akin ito?" Mahinahon pa rin ang boses niya. Pinilit niyang huwag umiyak sa harapan ng mga ito. Ayaw niyang maging emosyonal para na rin sa batang dinadala niya. Mas mahalaga sa kaniya ang kapakanan ng sanggol kaysa sa ano pa man. "Bakit nagawa ninyo akong tra

