Chapter 69

2018 Words

Dalawang araw na ang nakalilipas. Hanggang ngayon ay abala pa rin ang search and rescue operation sa nangyaring aksidente sa mag-asawang Gerard at Lianne. Si Melinda ay naka-confine sa ospital dahil inatake ito sa puso nang malaman na hindi pa rin mahanap ang katawan ng nag-iisang anak. "Huwag po kayong mag-alala, tito," saad ni Issy na naroon sa ospital para dalawin ang ina ng kaibigan. "May inatasan na pong mga tao si papa para tumulong sa paghahanap kay Lianne. Pasasaan ho ba't mahahanap din po nila ang kaibigan ko." Kinagat nito ang sariling labi para mapigilan ang napipintong pag-iyak. Awang-awa ito sa kasalukuyang sitwasyon ng pamilya Borromeo. Nakaupo si Andres sa mahabang sopa na naroon sa loob ng silid, nakatingin lang ito sa walang malay na asawa. Panay ang pagkusot nito ng sar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD