Hindi maipaliwanag ni Mr. Borromeo ang sakit na nararamdaman nang bumungad ang balita nang araw na iyon. Ang mahigit dalawang linggo na search and rescue operation ay natapos na at hindi niya matanggap ang kinahinatnan ng kaisa-isang anak na si Lianne. Wala na ang kanilang anak. Patay na si Lianne. Nakita ang labi nito sa ilog ilang bayan ang layo mula sa kanilang lugar. Bloated na ang katawan at hindi na makilala pa. Tanging palatandaan na lang ay ang wedding ring na suot pati na ang hikaw at kuwintas na niregalo ng mga magulang noong eighteenth birthday nito. Iminungkahi ni Andrea kay Mr. Borromeo na huwag ng ipa-DNA test ang labi. Agad naman itong sumang-ayon dahil kitang-kita naman nito ang mga alahas na pag-aari ng nag-iisang anak. Pina-customize kasi nilang mag-asawa ang niregalo

