Tatlong araw lang ang burol ng mga labi ni Lianne. Napagpasyahan ni Mr. Borromeo na makabubuting maihatid na ito sa huling hantungan dahil mas lalong lumalala ang kalagayan ng asawa niyang si Melinda. Hindi ito makakain nang maayos at bigla na lang maglulupasay sa sahig sa sobrang pangungulila sa nag-iisang anak. Hindi nito matanggap ang nangyari kay Lianne. Matapos ang libing ay umuwi ang mag-asawa sa sariling mansiyon na puno ng paghihinagpis. Hindi makausap nang maayos si Melinda. Patuloy lang ito sa pag-iyak at makailang beses ng nahimatay na labis na ipinag-aalala ni Mr. Borromeo. "Magiging maayos din ang lahat, Andres," wika ng ama ni Issy na si Rigor. "Bakit hindi kayo mangibang bansa para kahit papaano ay makalimot sandali si Melinda?" "Oo nga naman, Andres," sang-ayon ni Felic

