"Beshie." Niyakap ni Katrina si Lianne. Naroon silang dalawa sa loob ng chapel kung saan nakaburol ang labi ni Tiya Pura. "Nakikiramay ako." Hinaplos nito ang kaniyang likod. Tatlong araw ng nakaburol si Tiya Pura at sa mga araw na iyon ay hindi man lang kakikitaan ng lungkot ang mukha ni Gerard. Tila ayos lang dito ang pagkamatay ng sariling tiyahin. Parang nabunutan ito ng tinik sa kinakaharap na sitwasyon. Si Lianne ay hindi matanggap ang nangyari kay Tiya Pura. Ito lang kasi ang nakilala niyang kamag-anak ni Gerard. Napakabait nito sa kaniya at itinuring siya nito na parang tunay na anak kaya napakasakit sa kaniya ang biglaang pagkamatay nito. "Dinalaw ko pa siya last week, Kat," usal niya habang nakatingin sa coffin ni Tiya Pura. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Namumula rin ang m

