"Minsan, di mo kailangang ipakita na ika'y nasasaktan para meron kapang lakas para lumaban."
Third Person POV
Kahit nag-aaway sina Reighn at Raf, hindi pa rin matiis ni Reighn na hindi pansinin si Raf. Kaya siya na ang unang gumawa ng paraan para magkabati sila.
Tinawagan niya ito, unang tawag niya di ito sumasagot hanggang sa umabot ng apat na beses. End na sana niya ang call pero bigla itong nagsalita.
"Bakit napatawag ka?" cold nitong tanong.
"Namiss lang kita, saan kana? Kain na tayo. Niluto ko yong favorite mong ulam." masaya kong sabi sa kanya. Favorite kasi niya ang 'Adobo Royale'.
"Okay, pupunta ako diyan mamaya." sagot nito.
"Okay, Bye! I love you, babe!" saad ni Reighn.
"Okay! Thanks." sabay end call.
"Ouch! Hello? Raf?" Hindi makapaniwala si Reighn na pinatayan siya ni Raf at hindi nag-response sa kanyang magic words.
"Galit pa ba siya?" bulong niya sa kanyang sarili.
Kahit 10pm na, hindi pa rin kumakain si Reighn kahit gutom na siya dahil gusto niyang makasamang kumain si Raf.
At exactly, 10:04pm, merong kumakatok sa pintuan kaya dali-dali siyang lumabas pero ang excitement niya na makita si Raf, biglang nawala.
Reighna POV
"Aya?" di makapaniwala kong tanong sa babaeng inosente tingnan pero malandi.
"Bakit kasama mo siya Raf?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
"Gusto niyang makita ang Apartment mo! By the way, di mo ba kami papasukin?" sarkastikong tanong ni Raf.
"Sige, pasok!" galit kong sagot. At dumiretso ako sa kitchen, pagbalik ko, nandun na sila sa dining table kumakain.
"Seriously? Kumakain na kayo?" sabi ko sa kanila dahil hindi man lang ako hinihintay para kumain.
"Favorite ko kasi to Reighn, thank you at niluto mo!" masayang sabi ni Aya habang kumakain.
"Really? Same kayo ni Raf ng favorite?" nagtataka kong tanong.
"Actually, iba talaga ang favorite ni Raf, lobster. Ginaya niya lang ako. Ikaw talaga best! Magseselos tuloy si Reighn sa ginawa mo!" nakatawang sabi ni Aya.
"Ganun ba? Bakit naman ako magseselos? Friends lang naman kayo di ba? Friends with benefits! Ahw, sorry! Hahaha" pang-iinis ko kay Aya pero deep inside para na akong sumabog sa galit.
"Reighna! H'wag kang magbiro ng ganyan!" galit na saad ni Raf pero inirapan ko lang siya.
"Sorry, guilty ba kayo? Joke lang naman 'yong sinabi ko sa inyo." sabi ko sabay tawa ng mapakla.
Pagkatapos naming kumain...
"Reighn, uwi na kami. Ihahatid ko pa si Aya sa bahay nila." paalam ni Raf sa akin. Dahil wala akong magawa kahit labag sa kalooban ko, pumayag ako.
Hindi ako sumagot, tumango lang ako. Dahil kong magsalita pa ako, ramdam ko na 'yung panginginig ng boses ko, baka bumigay at maiyak pa ako.
"Thanks, Reighn! Salamat sa pagpahiram mo sa akin kay Raf!" sabay kaway sa akin.
Pero di ko siya pinansin, instead sinara ko na ang pinto. At dito na bumubuhos ang luha ko na kanina pa gustong kumawala. Ang sakit sa part, na meron pa kayong mga bagay na dapat ayusin bilang magkasintahan pero di niyo maayos-ayos dahil sa sa umaaligid na "girl bestfriend"!
Sa galit ko, pinalitan ko na ang profile picture namin ni Raf sa "Insta", at ang nilagay ko ang yung picture ko na si "Damien" ang nagcapture noong graduation ko.
Flashback
"Reyna! Ang ganda mo tonight! Selfie tayo!" sabay kuha sa phone niya.
"Tonight lang? Grabe ka naman!" biro ko sa kanya.
"Smile ka na!" utos niya sa akin.
Pagkatapos naming mag-selfie...
"Where's your phone?" saad niya habang tinatago niya ang kanyang phone.
"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sayang naman ang attire mo tonight at di makita ni Raf!" sabi nito sabay capture sa akin.
"Hayaan mo na yun! Di nga ako pinasuot ng mamahaling damit kasi sayang raw ang pera!" malungkot kong sabi kay Damien.
"Hindi ba niya alam na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng "R.A Empire"? Hahaha, kawawang Rafael!" natatawang sabi ni Damien.
"H'wag kang maingay! Lowkey lang dapat ako! Ayaw kong mahalin niya ako dahil mayaman ako!" nalulungkot kong sabi kay Dam.
"Kung ako pa ang sinagot mo, wala kang problema dahil gwapo ako, billionaire at syempre mahal ka!" nakangiting sabi nito sabay kindat.
"Damien! Hwag kang magbiro ng ganyan! Baka marinig ka ni Princess!" paalala ko sa kanya at biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Okay! My Reyna! Sorry!" malungkot nitong sabi.
"Hey! Okay ka lang? Sorry na My King!" saad ko sabay pisil sa pisngi niya.
Ganun kami ka close ni Damien dati noong bata pa kami. Pero ngayong meron na kaming mga kasintahan, need na naming dumistansya sa isa't-isa.
End of Flashback
Pag-upload ko sa new profile picture ko, biglang tumawag si Raf sa akin.
"Bakit ka nag-change ng profile picture? At bakit ganyan ang suot mo? Kailan ka nagsuot ng ganyan?" sermon nito sa akin.
"Pakialam mo?" taray kong sagot sa kanya.
"So, nagagalit ka kasi kasama ko palagi si Aya? How many times ko nang sinabi sayo na friends lang kami!" galit nitong sabi.
"Anong kinalaman ni Aya sa profile picture ko?" tanong ko na di niya masagot.
"Basta! Ibalik mo yong picture natin!" utos nito.
"Ibalik ko lang yong picture natin kapag layuan mo na si Aya. Kung ayaw mong layuan! Yan na ang forever picture ko!" sabay end call.
"Four Chances lang ang ibibigay ko sayo Raf, kapag sinayang mo pa ang ibinigay ko sayo na pagkakataon. Sorry nalang kahit mahal pa kita, Iiwan kita ng walang pag-aalinlangan." bulong ko sa aking sarili.
Matulog na sana ako, ngunit nagchat na naman si Dhale.
"Wow, ang ganda mo pala kapag single!" with heart emoji.
"What? I'm not single kaya!" reply ko.
"I mean, single ka na sa profile pic mo! Hahaha! Sorry!" reply nito with laugh emoji.
"Okay! Matulog ka na! Baka magalit ang asawa mo!" biro ko sa kanya.
"Hwag kang maingay! Nandito siya sa tabi ko, natulog. Gusto mo, send ko sayo picture niya?" reply niya.
Sa takot ko na baka, magalit sa akin ang asawa niya. Di na ako nagreply.
"Hey? Okay ka lang?" tanong nito.
"Reighn? Galit ka ba?" chat nito pero di ko siya nireplyan. Iblock ko na sana siya kaya lang, nagsend siya ng picture.
"Look, my wife! Di ba cute?" sabay send ng picture ng super cute na aso.
"Hahaha! Sorry, akala ko totoong wife talaga! By the way, ang cute ng puppy mo! Mabuti nalang nagsend ka ng picture, i-block na sana kita! Hahaha" natatawa kong reply sa kanya.
"Grabe ka naman! Ang bad mo ha!" nagtatampo nitong sagot.
"Sorry na nga! Send me more pic ng puppy mo, para i-myday ko. Para di kana magtampo sa akin." offer ko sa kanya.
"Really? Kasama ba pic ko?" reply nito with laugh emoji.
"Gusto mo ba? Sige videocall tayo! Para makita ko mukha mo!" dare ko sa kanya.
"Bukas na baka magising ang wife ko!" reply nito kaya nirespeto ko ang desisyon niya.
Pagsend niya ng pic sa puppy niya, nag-myday agad ako.My caption:
“Meet my newfound online friend and his adorable puppy 🐶”
Nakita kong nag-angry react si Raf pero di ko pinansin.
"Wow, thanks Reighn! Good Night.Sleep tight!" chat niya sa akin.
"Welcome, good night too." reply ko. Tapos nag-offline na ako.
Namimiss ko tuloy, yung ganito kami ni Raf dati. Palaging magkachat kahit magkasama kami palagi.
May chance pa ba na maibabalik yung dating kami? Yung wala akong kahati sa puso ni Raf?