Chapter 4 : The First Chance

1996 Words
“Kung mahal mo ang isang tao, willing ka talagang magbigay ng chance kahit nasasaktan ka na!” -Reighna POV- KINABUKASAN… Nagising ako sa lakas ng tunog ng aking cellphone. “Hello? Sino to?” matamlay kong sagot habang nakapikit pa ang aking mata. “Hindi ba nakasave sa phone mo ang number ko, baby princess?” tanong nito. “Daddy? Hahaha. Sorry po! Di ko kasi tiningnan sinong tumawag! Nakapikit pa nga ako ngayon eh! Hihihi” nakatawa kong sagot. “Ikaw talaga! Bumangon ka na diyan! Dahil birthday ngayon ng Ninang mo! Gusto niyang pumunta ka!” paalala nito. “Pero Daddy! I'm tired!” pagsisinungaling ko pero ang totoo ayaw ko lang pumunta doon! Baka kasi makita ako ni Raf. “Kung hindi ka pupunta sa birthday ng Ninang mo, I-announce ko na sa public na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng R.A Empire! Gusto mo yon?” pagbabanta nito. “No! Dad! Sige, pupunta na ako!” naiinis kong sagot. Wala akong magawa kaya pumayag nalang ako. “Good! Mabuti at nagkaintindihan tayo! Sige, bye! My princess!” sabi nito sabay off sa kanyang phone. Kaya tinawagan ko kaagad ang aking assistant na bumili ng gift para sa Ninang ko. “Hello, Maam Reighn! Napatawag ka?” tanong nito sa kabilang linya. “Gusto kong bumili ka ngayon ng gift para kay Tita Greta at dalhin mo rin dito ang isusuot ko mamaya.” utos ko kay Jhea. “Copy, Maam!” sagot nito. “Okay, Thanks!” reply ko sabay end call. Dahil ayaw kong magtagpo ang landas namin ni Raf mamaya, tinawagan ko muna siya. "Good morning babe," masaya kong bati sa kanya. "Morning, bakit napatawag ka?" matamlay nitong sagot. "Meron ka bang lakad mamayang gabi?" tanong ko sa kanya na may halong kaba. "Oo, isasama ako ni Aya mamaya. Bakit?" walang gana nitong tanong. "Wala lang, just asking!" taray kong sagot. "Okay! Sige bye! Busy pa ako!" sagot nito sabay end call. "Thanks God! Sana di kami magkikita mamaya." bulong ko. -Birthday Party- Early akong pumunta sa Mansion nina Tita Greta para hindi ako makita sa ibang guest na nakakilala sa akin. Nang makapasok na ako. "Hi, Tita!!Greta! Happy Birthday!" bati ko sa kanya sabay yakap. "Thank you, Iha! Mabuti at pumunta ka ngayon. Ewan ko ba sayo bakit kailangan mong itago yong pagiging heiress mo!" sabi nito sabay pisil sa pisngi ko. "Sorry, Tita. By the way, gift ko sayo!" sabay bigay sa gift ko na "Patek Philippe Nautilus Automatic Diamond Watch". "Wow! Reighn, ang mahal nito. Maraming salamat," teary eyed niyang sabi. "You are always welcome, Tita!" sagot ko. Si Tita Greta kasi ang close ko sa lahat ng ninang ko. Nang nagsimula na ang party, lumabas na ako ngunit nakita ko si Aya at Raf kaya nagtago ako ngunit huli na ang lahat dahil nakita na ako ni Aya. "Hey! Reighn! Nandito ka pala?" tawag niya sa akin. "Yes! Kasi birthday ng Ninang ko. Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "Of course! Invited ako kasi, Tita Greta, is my mom's business partner." pagmamalaki nito. "Okay! Sige mauna na akong umuwi!" paalam ko sa kanya ngunit di ito pumayag. "Easy! Reighn! Ayaw mo bang makita ka dito ni Raf?"pang-iinis niya sa akin. "Paki mo?" galit kong sabi sa kanya. Aalis na sana ako ngunit hinila niya ako. At bigla siyang bumitiw sa pagkahawak sa akin kaya nadapa siya sa sahig. "Best, help, tinulak ako ni Reighn!" umiiyak niyang tawag kay Raf. At madaling pumunta si Raf sa kinaroroonan namin. "Reighn? Bakit ka nandito? Bakit mo tinulak si Aya? Baliw ka ba?" galit nitong tanong sa akin kaya nagtinginan ang mga tao. "Hindi ko siya tinulak!" maikli kong sagot. "Best, nagalit siya dahil ako ang kasama mo ngayon, hindi siya." pagsisinungaling ni Aya. "For God sake, Reighn! Ganun ka na ba kababa para itulak si Aya? Mag-sorry ka sa kanya, ngayon na!" utos nito. "Bakit ako mag-sorry ? Wala naman akong kasalanan!" sagot ko. "Best, tayo na! Baka hinahanap na ako ni Mommy." sabi ni Aya sabay taas ng kilay sa akin. "No! Hindi tayo aalis dito kapag di mag-sorry si Reighn sayo!" pagmamatigas ni Raf. "How many times na sabihin ko sayo, na hindi ko siya tinulak!" giit ko. "Reighn..... magsorry kana habang cool pa ako ngayon!" galit nitong sabi. "Wala nga akong kasalanan! Bingi ka ba?!" galit kong sagot sa kanya. "Sige Best, dahil nagmamatigas siya, itulak mo rin siya!" utos ni Raf kay Aya na ikinabibigla ko. "What? Are you insane, Raf?" di ko makapaniwalang tanong. "Sorry, Reighn! Utos ng bf mo eh!" sabay tulak sa akin ng malakas. At nagtatawan silang lahat. "Aray!" sigaw ko habang hawak-hawak ko ang aking balakang. "Yan, ang napapala mo Reighn kapag di ka sumusunod sa utos ko!" galit na sabi ni Raf. "Thank you so much, best! Let's go!" anyaya ni Aya sabay yakap kay Raf. "Bakit siya ang kinakampihan mo Raf?" umiiyak kong tanong sa kanya. "Dahil special siya sa akin!" sabi niya na dumudurog sa aking puso. "Bakit nagmahal ako sa ganitong lalaki? Bakit siya ang binigay mo sa akin Lord?" bulong ko habang tumutulo ang luha ko. Huli na nang dumating ang aking assistant. Di na nila nakita ang ginawa sa akin ni Raf at dali-dali nila akong dinala sa hospital. -Hospital- Nang nasa hospital na ako, hinintay ko si Raf na mag-sorry sa akin pero wala akong tawag or text na natanggap galing sa kanya. Instead masaya pa siya kasama si Aya, nakikita ko sa post ni Aya sa “Insta.”. Dahil nasasaktan ako, nag-myday ako ng pic ko dito sa hospital with a caption: “First Chance” … Nagulat ako dahil biglang tumawag sa akin si Damien, my bestfriend. “Yes, best! Bakit ka tumawag? Baka magalit si Princess!” nagtatampo kong sabi isa kanya. “Anong nangyari sayo? Bakit nasa hospital ka?” nag-alala nitong tanong sa akin, makikita mo talaga sa mukha niya pero infairness, ang gwapo ng bestfriend ko. “Reighn! Tinatanong kita! Anong nangyari sayo?” naiinis nitong tanong. “Don’t worry about me bestie! Kaya ko ‘to!” pagsisinungaling ko pero in my heart, need ko talaga siya ngayon dahil nasasaktan ako. Hindi ko lang masabi sa kanya dahil meron na siyang girlfriend. “Anong don’t worry? Nasa hospital ka! Nasaan ba ang magaling mong boyfriend?” galit nitong tanong. “Nasa kabilang mundo!” biro ko sa kanya. “Best? Okay ka pa ba? Anong pinapakain ni Raf sa’yo?” nalulungkot nitong tanong. “Wala bestie! Hwag kanang tumawag, ayaw kong magselos si Princess sa akin, dahil alam ko ang pakiramdam na ipagpalit ka sa isang kaibigan.” sabi ko sabay end call at tuluyan ng tumulo ang aking luha. Tumawag ulit si Damien sa akin pero di ko na sinagot. Ayaw kong makasakit ng tao. Dahil brokenhearted ako ulit, nag-chat ako kay Dhale. “Dhale? Busy ka ba?” pero hindi ito nag-reply at online siya 12 hours ago. Kaya natulog nalang ako dahil sa sakit ng aking dibdib. Nagising ako na parang merong lalaki na humahalik sa aking noo. Pagdilat ko, nadismaya ako dahil ako parin mag-isa dito sa loob pero meron akong napansin na bouquet of pink tulips, which is, si Damien lang ang nagbibigay sa akin. Pero impossible na pupunta siya dito sa Pinas, eh nandun siya sa Paris. Kaya kinuha ko nalang aking cellphone at tiningnan ko if online ba si Damien pero 10 hours ago pa itong online kaya napabuntong hininga nalang ako. “Hi My Reyna!” tawag sa akin ng taong bago lang pumasok sa pinto. “Best? Nandito ka?” naluluha kong tanong sa kanya. Mixed emotions ang nararamdaman ko, hindi ako makapaniwala na nag-effort talaga ang bestfriend ko. “Yes! At ayaw kong nakikita kang nahihirapan! Come here!” sabi niya at niyakap niya ako ng mahigpit for about 2 minutes. “Thank you, best! At pumunta ka dito! I’m sad talaga ngayon!” umiiyak kong sabi sa kanya. “It’s okay! I know! Pero bakit wala kang girl na friend?” nag-alala nitong tanong. “Ayaw kasi ni Raf na magkaroon ako ng mga barkada, bad influence raw!” malungkot kong kwento. “What? Happy ka pa sa buhay mo best? Ang toxic naman ng boyfriend mo!” galit nitong sabi. “Ewan ko best, mahal ko kasi siya best.” sabi ko sa kanya sabay pahid sa aking luha. “Mahal? Ikaw? Mahal ka ba niya?” tanong ni Damien na di ko nasagot. Sa mga ginawa sa akin ni Raf parang hindi ko na alam pero kailangan ko pa rin siyang bigyan ng chance para magbago, sayang kasi ang 3 years naming relasyon. “Best, not this time. Please!” hiling ko sa kanya. “So, tell me, anong nangyari sayo?” seryoso nitong tanong pero ayaw kong sabihin sa kanya ang dahilan, baka magalit siya kay Raf at ma-bankrupt ang kompanya ni Raf. Gusto ko pa rin siyang protektahan. Si Damien ang Top 1 billionaire sa business world kaya kung sino ang kumakalaban sa kanya. Mag-goodbye ka talaga! Kaya I’m so proud of my bestie! Dahil kahit busy siya, meron pa rin siyang time sa akin. Ang swerte ko siguro kung kami ang nagkatuluyan. Hahaha… “Best? Okay ka lang? Bakit ka nakangiti?” naguguluhan nitong tanong. “Ha? Wala lang best, happy lang ako kasi dumalaw ka sa akin. Thank you, bestie! At regarding sa pagka-hospital ko, ahmmm, madulas kasi ang sahig best kaya yun, na-slide ako,” pagsisinungaling ko. “Sure ka?” nag-aalinlangan nitong tanong. “Yes! sure na sure best! At dahil, Im not feeling well today, dapat, hindi mo kinukulit ang pasyente.” sabi ko sa kanya para hindi na ako kulitin. Baka hindi ako makapagpigil at masabi ko ang totoo. “Okay! Pero di ako convince sa sinasabi mo! I know meron kang pinoprotektahang tao. Ang swerte naman ng taong yon best! Deserve niya ba ang protection mo?” malungkot nitong sabi. “Bestie! Please!” pakiusap ko sa kanya. “Okay! Let’s eat na!” anyaya nito. Masaya kaming kumakain ni Damien, binili niya lahat ng favorite food ko. Ngunit merong epal na dumating. “Ang sweet naman! Sino siya?” galit na tanong ni Raf sa akin. Kaya kinabahan ako baka mag-away sila. “Pakialam mo? Ikaw lang ba ang merong bestfriend?” sagot ko habang tumitingin kay Damien. “So, gusto mong gumanti sa akin!” sigaw nito. “Best, ito ba ang boyfriend mo? Di ko alam, asal kalye pala ang napili mo!” galit na sabi ni Damien sabay tingin kay Raf. “Wala kang pakialam kahit ano pa ang gagawin ko kay Reighn, ako pa rin ang pipiliin niya!” pagmamayabang ni Raf kaya nasasaktan ako para kay Dam. Alam kong hindi na ‘to healthy ang relation namin pero bibigyan ko pa rin siya ng chance. “Best? Totoo ba ang sinabi ng bf mo? Ginayuma ka ba niya?” di makapaniwalang tanong ni Damien sa akin. “What? Naniniwala ka ba sa gayuma? Hahaha, so funny! Sa akin lang kumakapit si Reighn dahil mayaman ako!” mayabang na sabi ni Raf kay Damien. “What? Mayaman? Di pa nga kilala ang company mo! Hahaha! Kung alam mo lang!” natatawang sabi ni Damien. “Kung makuha ko ang 100 million dollars contract sa -R.A Empire! Makita mo! Kaya ikaw! Umalis ka na!” taboy niya kay Damien. “Walang pwedeng makapaalis sa akin dito sa Hospital! Kahit pa ang may-ari nito!” seryosong sabi ni Damien habang hawak ang cellphone. “Hahaha! Sino ka ba? Kahit anong gawin mo! Ako pa rin ang piliin ni Reighn!” sagot nito. “Pwede ba? Bigyan niyo ako ng peace? I want to be alone!” sigaw ko. “Babe, sorry sa nagawa ko. Hindi na po mauulit!” seryosong sabi ni Raf. Pero bakit hindi ako masaya? Nang tiningnan ko si Damien, bigla itong nalungkot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD