Kyzee's POV Si Sir Stavros? Sasabay sa aming kumain? Naalala ko bigla yung pagmura niya sa amin ni Kal. Bakit kaya nagalit siya? Sabagay sino ba naman hindi mabibitter kung ganon nga nakita niya diba. Sus. Playboy naman siya kaya hinding hindi mabibitter yan. May binulong si Cole sa kanya at tumango naman ito at tumingin sa akin na agad kong iniwasan. Si Cyane naman ay halatang kinikilig. Tsk. Kumain lang ako ng tahimik habang yung kaibigan ko, dinadaldal si Cole habang yung katapat ko, tahimik lang ring kumakain. Matapos kumain ay dumaretso kami agad ni Cyane sa locker. Sa may Bar area kami ngayon the whole night. Si Hyacinth ay hindi pumasok kaya labis kaming nag aalala sa kanya ngayon. >"Yane, cr lang ako, a." Cyane nodded kaya dare daretso na ako papuntang comfort room.

