Chapter 5

682 Words
Kyzee's POV Sumunod na araw pagkatapos kami murahin ni Sir Stavros ay hindi muna ako pumasok sa part time ko dahil may exams kami ng kinabukasan kaya kailangan ko mag review dahil nga scholar ako. Hindi rin ako ginulo ng mga kaibigan ko at ni Kal dahil alam nilang importante ito sa akin. Papasok ako ng school ngayon at malapit na ako malate dahil sa traffic. Rinig ko ang mga bulungan ng mga babae dito sa paligid ko kaya nagtanong ako sa isang grupo ng mga nerdies kung anong nangyayari. "Meron kasi atang new student na lalaki. I think ka year mo siya and same course kayo, Kyzee." napatango nalang ako sa kanila at nagpasalamat. New? Sino kaya iyon. Tumakbo na ako paakyat ng second floor dahil tumunog na ang bell. Mabuti nalang talaga at 3 lang exam ko ngayon. Tsk Napahinga ako ng malalim ng matapos ko lahat ng exam ngayong araw. Papunta na rin ako sa next class ko dahil kasunod lang naman na room iyon sa last prof ko. Pagkapasok ko palang ay may pinag bubulungan na ang mga kablockmates ko. Pumwesto na ako sa likod na usual kong pwesto rati ngunit iba nga lang ang katabi ko ngayon. Nakaitim itong tshirt at denim pants with matching white shoes. Nako. Pag nakita ito ni Cyane, siguradong mababaliw iyong babaeng iyon. Di ko nga sure kung papasok iyon ngayon e. Humarap ito sa akin at nginitian ako, ngumiti ako ng pilit pabalik. "Hi, Miss!" bati nito sa akin. Teka, he's familiar. "Do you remember my handsome face?" kumindat ito sa akin. Ngumiwi ako at umupo na sa tabing upuan niya. "Oh so, this beautiful lady can't remember me." sabi nito sa kanyang sarili. Baliw ba ito? Bagay na bagay sila ng kaibigan ko. Parehas na baliw. Tinawag ako nito ng paulit ulit kaya lumingon na ako rito ng may naiinis na ekspresyon. "My name is Cole Maximus Del Mundo, at your service." he winked. Argh! Naalala ko na siya! Siya yung morenong katabi nung matanda sa Retro! "Ikaw yung kasama ni Sir Stavros nung minsan?" napaisip pa ito na para bang kay tagal na nito. "Ah oo! Diba nagtatrabaho ka sa R----" tinakpan ko na ang bibig nito bago pa man niya ito matuloy. Ang daldal. "Shh. Pakiusap, Cole. Wag na wag mong babanggitin iyan dito." pakiusap ko sa kanya. Tumawa naman ito at tumango. Humarap na ako sa board at nakitang pinagtitinginan pala kami ng blockmates namin. Yung iba ay parang naweweirduhan tapos yung iba naman para iniisip na lumalandi ako. Duhhh! Er lang! Though gwapo siya sa paningin ko ngunit wala talagang papalit kay Kal. Hihi. Dumating na nga ang prof namin kaya lahat ay nagsiayos na. Tapos na ang klase ko ngayong araw at ngayo'y nag aabang na ng masasakyang jeep papunta sa Retro nang biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Bumukas ang bintana at si Cole pala ang laman nito. "Hey Kyzee. Saan punta mo? Sa Retro ba? Tara, sabay ka na!" umiling ako sa kanyang offer. Baka akala naman kasi niyan. He smiled at me and my back. "Hi Sir Cole! Hihihi. Sasabay po ba kamo? Gora na gorabels po! Wala pa naman niyang jeep na masasakyan. Dibuh Kyzee? Dibuh?" I glared at my bestfriend na hindi ko alam na nasa likod ko na pala. "Cyane!" pagbanta ko sa kanya ngunit ngumiti lamang siya sa akin "Ayun naman pala, Kyzee e! Sakay na! Sige ka, di na kita kakausapin niyan." he pouted. Sapakin ko kaya ito? Nagpapacute pa. Naiinis akong tumango sa kanya at sumakay na.  I sat at the backseat while Cyane at the shotgun seat. Parehas na nagtatawanan ang dalawa. Hmm, bagay sila. Feeling ko tuloy magkakatuluyan itong dalawang ito. Sana. Sana nga para tumino naman si Cyane ng kahit kaunti. Pagkadating sa Retro ay sa akma sana kaming magpapalit ng damit ni Cyane sa locker pero sabi sa amin ni Cole ay kumain muna kami. Nilibre niya kami sa resto ng Retro. Ayaw ko sana ngunit itong walanghiyang Cyane na ito ay gora lang ng gora. Wala talagang hiya. Akala ko tatlo lang kaming kakain ngunit hindi pala.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD