Kyzee's POV
"Kyz! May order ang table 9! Pakikuha naman, may inaayos ako eh." sabi sa akin ni Cyane. Seryoso itong nagtatrabaho ngayon lalo na't gabi at maraming customers dito sa resto.
Sa resto ako nakadestino ngayong mga 8-10 pm pagkatapos ay hanggang alas dose naman ako ng madaling araw naman ako sa may bar area mamaya.
Lumapit na ako sa table 9 at kita sa aking mata si Sir Stavros (na nung minsan ko lang narealize na siya iyon) kasama ang isang babaeng maputi na may matangos na ilong, matalas na mata at maalon na buhok.
Tumingin sa akin si Sir Stavros ng pagkalamig lamig kaya hindi ko maiwasang mautal. Hindi sa gusto ko ito ngunit dahil nakakatakot ito kung tumingin.
"G-good evening p-po, Ma'am and S-sir. What's your order po?" I nicely said. Bakit hindi sinabi sa akin ni Cyane na sila ang customer?! Masasapak ko iyong babaeng iyon! O kaya ibudbod ko iyon sa lahat ng gwapong kinahuhumalingan niya! Hahaha!
Binaling ni Sir Stavros ang kanyang tingin sa babaeng nasa harapan niya. "Hera, what do you want?" tanong nito.
The girl smiled at me.
"Miss, one chicken lettuce wrap and one Gua Bao. Then water for me is fine. You Stavy? What's your order?" tumango ako at sinulat ito.
"Coffee is fine with one glazed doughnut."
"Okay na po ba?" the girl nodded and smiled at me. She seems nice.
Girlfriend ba iyon ni Sir Stavros? Bagay sila! Hihi.
(At the Bar Area)
"2 malibu sunset, please." sambit ng isang babae sa akin, kasama nito ang kanyang isa pang babae sa likod nito.
Mabuti nalang talaga ay marunong ako magmix ng mga alak lalo na sa mixed cocktails dahil nagHRM muna ako bago mag tourism.
Ang gusto kasi nila mama ay mag HRM ako tutal magaling pa ako sa chef magluto, kaso nga lang. Hobby ko lang ito at ang gusto ko talaga'y maging stewardess dahil gusto kong malibot ang bawat sulok ng mundo at gusto kong matulungan ang pamilya ko.
Yung dalawang kapatid ko kasi, hindi maasahan. Puro basag ulo alam.
Binigay ko na ito at alas dose na rin kaya kailangan ko na mag out.
Papasok na sana ako ng locker ng biglang may humila sa akin.
*
"Aray! Ano ba! Nasasaktan ako! Sino ka ba!" nasasaktan kong sabi. Mahigpit ang pagkahawak nito sa aking kamay kaya hindi ko matanggal.
Humarap ito sa akin at nagulat nang si Kal ang nakita ko.
"A-anong ginagawa mo dito, love?" kinakabahang sabi ko dahil natatakot akong malaman niya na, nagtatrabaho ako dito.
"Iyan dapat ang itanong ko sa iyo, Kyzee! What the hell are you doing here?!" galit nitong sabi.
"Nagtatrabaho ako rito, Kal..... I was about to say this to you kanina kaso natatakot ako sayo. Kasi iba kang magalit." takot na takot kong sabi.
"Nagtatrabaho? Ha! Baka nanlalalaki!" tumulo ang luha ko nang sabihin niya iyon.
"No Kal.... Hindi ko magagawa iyon sa iyo. Just let me explain first." naluluha kong sabi.
Tumango ito at kumalma ng kaunti. Bumuntong hininga ako at nag explain.
"I was fired in Cafe hub, okay? So tinanong ko ang kaibigan ko kung may alam siyang trabaho and she said eto, no choice ako kundi pumasok sa ganitong trabaho dahil gipit sila Papa ngayon lalo na't walang maayos na trabaho yung mga kapatid ko. Ako lang ang maaasahan ni papa at mama. So please understand me." i explained.
"Oh tapos? May halong panlalandi? Ganoon ba?" pagdududa pa nito.
"No! Eh ba't ikaw? Bakit ka narito?" panumbat ko sa kanya.
Oo nga no, paano niya nalaman na narito ako?
Nambabae? Nice.
Hindi ito makasagot kaya tumalikod ako sa kanya. Alam ko na ang sagot.
"It's fine, Kal. Let's just cool off, ha?"
"No, love. Please wag ganito. Please.... Wala akong pake kung itakwil na ako ni mom, makasama ka lang." pagmamakaawa nito.
That's it. That's the reason kaya nagbabar siya. Its her mom.
"It's for our sake din, Kal. Alam mo namang may sakit sa puso ang mama mo, ayokong maging dahilan niyon." tumango ito ng matamlay at niyakap ako.
"This is a public place, not a motel." umalingangaw ang boses na iyon.
Humiwalay sa yakap si Kal at sabay kami napatingin sa kung saan banda iyong nagsalita.
Sir Stavros.
Patay!
"Oh my God! Sorry po sir! Hinding hindi na po mauulit!" pagpapasensya ko.
"Why do you apologize, Ky? Its a bar so its normal to see like this." umiling ako sa kanya. Baka tanggalin ako ni Sir Stavros.
"Wag, Kal...." pagbabawal ko sa kanya nang simulan niya akong halik halikan sa harap ng boss ko.
"Masisisante ako, Kal. Ano ba!" hindi na kasi nakakatuwa e.
"Get a room. Motherfvckers. Not in my territory." Sir Stavros coldly said then left.
What the hell? Minura niya ba ako?