CHAPTER 1 - THE CHOSEN
PROLOGUE - ROMANOV'S SIBLINGS
NIKO'S POV
Mainit ang hapon. Pero mas mainit ang tensyon sa loob ng Romanov Private Basketball Court. Dapat sana ay katuwaan lang—friendly game naming magkakapatid laban sa team ng mga
anak ni Tito Lukas at mga pamangkin nito. Tito Lukas is one of the Board directors ng Romanov Estate. Pinag-seselosan din siya dati noon ni Daddy kay Mama. Well, bata pa ako noon.
Pero iba na ang nararamdaman ko habang lumilipas ang mga minuto ng laro.
Pinunasan ko ang pawis ko habang minamasdan si Nikola. Halata sa bawat galaw niya ang inis. Mula pa sa unang quarter, hindi niya tinantanan si Nivie. Ilang beses ko nang nakita—pasa rito, sigaw doon. Lalo na tuwing nabibitawan ni Nivie ang bola.
Pagod na kami. Last two minutes. Pantay ang score. Pinasa ni Nikola kay Nivie ang bola—pero tumalbog lang ito sa palad ng kapatid namin at tuluyang nahulog. Tumigil ang mundo ko sandali.
“Tsk! Ano ba ‘yan, Nivie?!” bulyaw ni Nikola. “Lagi kang ganyan! Para kang hindi lalaki kung umasta! Bakla ka ba talaga, ha?!”
Napapikit ako. Hindi na dapat lumagpas pa ro’n. Agad akong lumapit sa kanya.
“Cool ka lang, bro. Laro lang ‘to.” Tinapik ko siya sa balikat pero naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Ramdam ko rin ang bigat ng tanong na binitiwan niya. Hindi lang galit ‘yon sa laro. May pinaghuhugutan.
Hindi umimik si Nikola, pero kita sa mata niya—galit. Pagdududa. Takot, siguro. Hindi ko masabi. Basta alam kong hindi lang dahil sa pagkakabitaw ng bola ni Nivie ang pinanggagalingan niya.
Si Nivie naman... tahimik lang. Nakayuko. Hindi nagsasalita. Nakakabingi ang katahimikang ‘yon.
“Kuya Nikola! Tama na ‘yan!” sigaw ni Nayasha mula sa gilid. “Kuya Nivie, focus!”
Lumapit si Nikita at pinalakas ang loob ni Nivie. “Kaya mo pa ‘yan.”
Nag-resume ang laro. Sa huling segundo, nagulat ako—si Nivie, nagawa ang perfect assist. Ako na lang ang tumira. Swak. Buzzer beater. Panalo.
Pero hindi ko maenjoy ang panalo. Habang nagtatawanan kaming lahat, nakita ko si Nikola—tahimik na naglakad palabas. Hindi siya tumingin. Hindi rin siya nagsalita.
“Tsk,” narinig kong bulong niya. Binato niya ang tuwalya sa bench. Tuloy-tuloy lang siya. Umalis.
Nagkumpol kami sa gilid.
“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Nikol.
“Para laro lang naman ‘to. Sobra naman si kuya Nikola,” sabat ni Nikita.
Tahimik lang ako. Tinitigan ko si Nivie. Hawak pa rin niya ang bola, pero hindi siya tumitingin kahit kanino.
“Hindi lang ‘to tungkol sa laro,” sabi ko sa wakas. Tumingin ako kay Nivie ”Is something wrong ba, Nivie?"
Nakayuko lang. Tapos nagsalita lang ng, "No." At naglakad na din umalis palabas ng court.
Walang nakapagsalita. Pero lahat kami, sabay-sabay na napatingin kay Nivie.
At sa sandaling ‘yon, alam kong nagsisimula na ang pagbabago. Sa amin. Sa kanya. Sa buong Romanov Empire.
CHAPTER 1 - THE CHOSEN
Mula sa kinauupuan ko sa dulong bahagi ng mesa, tanaw ko ang kabuuan ng pamilya—lagi naman kami kompleto , maliban kay Nikola. Lagi bakante ang upuan niya sa hapag. Minsan buwan bago siya nakakauwe. Hindi namin alam kung saan siya naglalagi. Hindi na ‘yon bago. Sanay na kaming nawawala siya sa mga ganitong hapunan, kadalasan walang paalam, pero may pasabi naman minsan kay Mama.
Tahimik akong kumakain habang nagsasagutan sa kabilang dulo sina Nikita at Nayasha tungkol sa kung sino ang dapat na MVP sa laro kanina. Si Nikol, gaya ng inaasahan, tahimik lang pero alerto, nakikinig sa lahat. Si Nivie, may sariling mundo, pero alam kong nakikiramdam.
Ako? Mas gusto ko lang mapag-isa sa isip ko. Mas gusto ko yung katahimikan kaysa gulo.
“Niko,” sabay ng boses ni Daddy—si Nikolai Romanov, ang haligi ng pamilya. Matigas ang tinig pero may bigat. Iba na naman ‘to.
“Yes, Dad?” tugon ko, itinigil ko ang pagkain at hinarap siya.
“I need you to go to the Philippines.”
Saglit akong natahimik. Philippines?
“Why me?”
Tumango siya. “Because I trust you with this.”
Isang pangungusap, pero punong-puno ng responsibilidad. Tumindig ang balahibo ko. Hindi dahil sa takot—kundi dahil alam kong may mas malalim pa sa likod nito.
“The foundation your grandfather helped build decades ago... it's at risk. There are land disputes, papers being manipulated. I want someone I trust on the ground.”
Sumingit si Mama. Naya Castello Romanov. Ang ilaw ng Mansion na to. “We need someone calm. Someone smart. That’s you, Niko.” Napangiti siya sa akin. Kahit may edad na siya. She is still very beautiful. Kaya nga dumami kami.
Tahimik akong tumango. Alam kong hindi ‘to request. Isa itong pagtatalaga.
Kelan ba ako huling nakatungtong ng pilipinas? Inisip ko pa. Oo. Matagal na pala noong kinasal sila Daddy at Mama.
I was just four years old back then. Naalala ko tuloy si Papa. I call him Papa. Dahil siya nakagisnan kong ama. Nikolas Romanov. And he is actually my grandfather. Because of my parents complicated love story.
I am 30. Well, mag 31 na rin. Pero hindi ko pa na experience ng sinasabi nilang "ma-inlove" dahil I am so busy being a son at CEO. Lalo na at panganay ako. Sa akin lahat inasa ang buong empire.
May karanasan naman ako sa mga babae. Pero ma-in love, hindi.
Napabuntunghininga ako.
Tatlong araw. Tatlong araw para magpaalam sa mundong kinalakihan ko at sumabak sa isang misyon na tila simpleng pag-aayos ng dokumento lang, pero sa pakiramdam ko… may mas malalim pa roon.
Tiningnan ko ang bakanteng upuan ni Nikola.
Hindi siya sumabay sa amin kumain sa hapunan. Asan na naman kaya iyon?
Minsan naiinggit ako sa kanya. Free-spirited. Walang pakialam. Pero habang mas lumalaki ako, mas naiintindihan kong ang pagiging Romanov ay may kabuntot na bigat. Hindi lahat ay puwedeng takasan.
At ngayong ako ang pinili ni Daddy—wala na akong kawala.
Pwede namang si Nikol. Si Nikola. Pwede namang isa sa kanila utusan ni Daddy pumunta ng pilipinas. Bakit ako pa. Hawak ko na ang Estate.
Habang nasa ganun akong pag-iisip, may dumating na bisita.
Si Bella. Kaibigan ni Nayasha. Bestfriend niya from school.
Inaya ni Nayasha na makitulog dito sa mansion.
"Bella.....come. Sabay ka na mag dinner sa amin." Sabi ni Nikita.
Ilang beses na rin siyang pumupunta rito.
Hinila ni Nikita ang upuan sa katabi ni Nayasha. Mukhang nahihiya pa ito.
Good evening po," simple ngunit mahinhin ang bati ni Bella.
Tumayo na sina Mama at Daddy matapos kumain, kaya kami na lang magkakapatid ang naiwan sa mahabang dining table. Nahihiyang naupo si Bella sa tabi ni Nayasha, parang gusto niyang lamunin siya ng upuan.
Pero namumula siya. Kitang-kita ang pamumula hanggang sa punong tainga.
Saktong dumating si Nikola, mukhang kararating lang mula kung saan. Wala siyang pakialam sa paligid, dumiretso lang sa upuan niya sa dulo ng mesa, kinuha ang plato, at nagsimulang maglagay ng pagkain.
Tahimik lang siya, seryoso. Pero sapat na ang presensya niya para mabaliw si Bella.
Napatulala si Bella. Para bang may slow motion na nangyayari sa paningin niya habang sinusundan ng mga mata ang bawat galaw ni Nikola. Mula sa paghawi ng kanyang manggas, sa tikas ng pagkakaupo, hanggang sa paraan ng pagnguya niya ng steak—lahat parang eksena sa isang sensual na cologne commercial.
Tahimik kaming lahat. Parang biglang lumamig ang hangin sa paligid, pero si Bella—mukhang nilalagnat na sa init.
Napansin iyon ni Nayasha.
"Bella, okay ka lang ba?" tanong niya, nakakunot ang noo. "Parang hindi ka yata mapakali sa upuan mo, a?"
"Sis…" halos pabulong ang sagot ni Bella habang umiikot ang paningin sa buong mesa. Para siyang nawawala sa sarili habang pinagmamasdan ang bawat isa sa amin.
Ako- naka-upo sa kabilang dulo, naka-unbutton ang top ng polo.
Si Nikol — chill lang pero sharp ang features, hawak ang wine glass na parang modelo ng isang vintage label.
Si Nikita — palihim ang mga ngiti, pero bawat sulyap ay parang pang-akit.
Si Nivie - tahimik lang same as Nikita may pang akit na sulyap.
At si Nikola — ang pinakamatindi sa lahat. Tahimik pero grabe ang aura. Rugged look.
Kahit sinong babae naman mapapa-awang ang labi sa aura niya. Para siyang si Daddy.
"Pano ba ako hindi mapakali," bulong ni Bella kay Nayasha, pero sinadya niyang marinig ng iba, "kung ganito ka hot ang mga Romanov boys sa isang dinner table? Para akong pinalibutan ng living Greek statues!"
Nagulat ako, napailing at napangiti.
“Lakas ng loob mo,” sabi ni Nivie, inis at mukhang irita.
Napakagat-labi si Bella at saka nagtakip ng mukha gamit ang kamay niya. “Char lang!” Pero bakas sa kanya ang kilig at pagpipigil.
Kahit kunwari mahiyain siya, halata sa katawan niyang hindi niya mapigilan ang kilig at tensyon. Hawak ang kutsara pero hindi makakain. Panay ang sulyap niya kay Nikola, na ni hindi tumitingin sa kanya.
Pero ewan kung sinadya ni Nikola na biglang magsalita.
Maingay pala 'yang kaibigan mo, Yasha," mahinahon niyang sabi, hindi man lang tumitingin kay Bella.
Tumigil si Bella sa paghinga.
"H-hala," pabulong niyang sabi. "Narinig niya ako. Diyos ko, kunin mo na ako."
Nagkatawanan kaming lahat.
Habang hindi pa rin makakilos si Bella, biglang nagsalin ng malamig na tubig si Nikola mula sa carafe. Umangat ang tingin namin sa kanya, tahimik pa rin siya, pero kita sa ekspresyon na narinig talaga niya ang bulong ni Bella kanina.
Inabot niya ang baso ng tubig kay Bella—diretsong tingin, walang ngiti.
“Uminom ka muna ng tubig,” kalmado niyang sabi. “Para mawala ang init ng katawan mo.”
Sabay tayo ni Nikola, parang walang nangyari. Kinuha ang cellphone sa bulsa at naglakad palayo mula sa dining table.
Tulala si Bella. Nakahawak lang sa baso, pero hindi pa rin umiinom.
“Girl…” pabulong niyang sambit, halos hindi makahinga. Pagkaalis na pagkaalis ni Nikola, bigla siyang napasigaw ng mahina.
“OH. MY. GOSH. Girl!” Niyugyog niya ang braso ni Nayasha. “ANG LAKAS TALAGA NG APPEAL NIYA! Bakit ngayon ko lang siya nakita?!”
“Kalma lang, Bella,” natatawang pigil ni Nayasha, habang sinasapo ang mukha sa hiya.
"Hindi ko kinaya 'yun. Naubos 'yung oxygen ko, promise.”
Tinitigan niya ang baso ng tubig na iniabot ni Nikola, parang sagrado na iyon.
“Touched by the gods ‘to, sis. Nikola-touched water.”
Nagkatawanan kami lahat halos mapatalsik ang tubig sa kakatawa. Si Nikita naman, nagbulong, “’Pag 'yan ang nalasing, baka mamaya magpropose na kay Kuya Nikola.”
Ngunit si Bella… panay pa rin ang sulyap sa pintuan kung saan lumabas si Nikola.
“Grabe siya. 'Yung tipong kahit di ka pa nagkakagusto, pipilitin ng katawan mong mainlove.”
Inaya na ni Nayasha ang kaibigan na umakyat na sa kwarto niya.
Kaya bumalik sa isip ko ang pinapagawa ni Daddy.
Pero sa loob-loob ko, alam kong ito na ang simula ng isang kwento na hindi ko inaasahan.