Chapter 13

1172 Words
Matapos ang kanilang pag-uusap tungkol sa pamilya ni Mark ay bumalik na sa kanyang opisina si Gemma dahil narinig na nila ang mahinang katok mula sa pinto.Nagtatakang lumapit si Jennica sa pintuan para pagbuksan ang sino mang kumakatok dahil nang makita niya ang schedule kanina ay sigurado siyang nasa alas onse pa ang unang pasyente dahil may isang nagkansela. “Hi,may I help you po?”tanong ni Jennica pagbungad niya sa matangkad na lalaking kumakatok, wala itong kasamang bata kaya siguradong iba ang pakay nito. “Ah,hinahanap ko sana si Doktora Gemma hindi ko kasi siya macontact,”sagot nito. “Tungkol saan?Pasok ka muna,tatawagin ko.Teka ano nga palang pangalan mo?”tanong niya dito,habang niluluwagan ang bukas ng pinto. “Vincent,pakisabi nalang I’ll wait here,”tanggi ng binata na may alanganing ngiti sa labi. “Okay,”marahang sinirado ni Jennica ang pinto at kunot’ noong pumunta sa opisina ng Doktora. Nagbigay muna ng warning knock si Jennica bago binuksan ang pinto sa kwarto ni Gemma,mabilis na nagtaas ng ulo ang Doktora mula sa binasa nitong files sa computer. “Meron nabang pasyente?”takang tanong din nito. “May naghahanap sayo Doktora,Vincent daw,”imporma niya. “Sino?!”ulit na tanong ng Doktora na hindi inaasahang may darating para hanapin siya,napatayo pa ito. “Vincent,ayaw pumasok e nasa labas naghihintay,”naguguluhang sagot niya. “Okay lang,anong oras ba ang unang schedule today?”tanong ng Doktora. “Mga alas onse pa ata,nagcancel yung pang alas diyes e,”sagot ni Jennica. “Sige,I have enough time to talk to Vincent then,”mahinang sabi nito habang nakatingin sa relong nasa bisig nito. Nagpatiuna ng lumabas si Gemma at nagpaalam na magkakape muna kasama si Vincent,nahihinuha na ni Jennica na iyon ang lalaking nakadate nito kahapon.Hindi niya mapigilang mapangiti habang tinitignan ang kaibigang masayang nakikipag-usap sa lalaki. “Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyan?”hindi napigilang sabi niya sa sarili,mapait siyang napangiti ng maisip si Adrian,pano kaya siya magkakaboyfriend iyong katalking stage niya na lalaki wala namang sinasabi about sa relasyon. Mabilis na lumipas ang isang oras,mayroon ng dalawang pasyente naghihintay ng dumating ang Doktora,pero dahil nga may mga laruan at babasahin ay hindi naman nainip sa paghihintay ang kanilang pasyente ng araw na iyon. “Pasensiya na kayo kailangan kong magkape muna,”hinging paumahin nito. “Just give me 5 minutes Jennica and send the patient in na,” “Sure,Doc!”mabilis na sagot ni Jennica habang binibigay ang chart ng unang pasyente. Kailangan talaga nilang kumaen muna bago pumasok dahil usually ay hindi sila nakakapagtanghalian para icover ang mga pasyenteng nakapila pero dahil iilan lang ang nakaschedule ng araw na iyon maaga silang natapos. “Wala ng darating Jennica?”tanong ng Doktora na halatang nakapag ayos na ng sarili sa opisina nito. “Wala na Doc,nagcancel ng last minute si Mrs. Romero,”imporma niya. “Mabuti,may lakad din kasi ako,”nakangiting sabi nito. “Si Vincent ba yang lalakarin mo Doktora?”nanunudyo ang tinig na komento ni Jennica. “Oo,wag kanga!”natatawang pag-amin naman ng Doktora. “Iyan ba iyong kadate mo kahapon?Akala ko ba not good?”takang tanong niya. “Akala ko din not good pano walang sinabi matapos naming maghiwalay matapos iyong dinner namin,nagulat talaga ako na andito siya kanina at naghihintay pa rin hanggang ngayon sa may lobby,”masayang kwento nito. “Nakakainngit naman,”sabi ni Jennica na hindi naitago ang pananaghili sa boses. “Wag kanang mainggit ikaw din magkakaroon,I’m sure!”pagbibigay assurance nito sakanya. Matapos magpaalam ng Doktora ay walang pagmamadaling nagligpit ng mga gamit si Jennica,at naglinis na rin dahil marami panaman siyang oras at hindi pa din siya nagugutom. Gusto mang umuwi ni Jennica ng maaga pero parang may pumipigil sakanya,nakita niya nalang ang sarling tinatalunton ang daan patungo sa ICU kung nasaan naroon ang pasyenteng si Mark. Saglit lang talaga,sisilip lang ganon. Pagkukumbinsi ni Jennica sa sarili. Nang makalapit sa pasilyo kung nasaan ang kwartong inuukupa ni Mark ay namamalikmatang napakurap si Jennica nang mamataan niya si Miss Dantes na patungo naman sa exit ng Hospital na kanyang pinagtatrabahuan. “Ano kayang ginagawa niya dito?”takang tanong niya na hindi na masiyadong inisip pa kung bakit ito naroon. Baka nagpacheck up lang,tatanungin ko na talaga siya mamaya or over the weekend. Determinadong sambit ni Jennica sa sarili. Sinigurado muna ni Jennicang walang tao sa paligid bago siya mabilisang pumasok sa kwarto,katulad kahapon ay marahan niyang hinaplos ang mukha ni Mark ng makalapit dito at biglang nagpupumilit na pumasok sa kanyang isip ang tinig ni Adrian. “Adrian…”hindi napigilang sambit ni Jennica,hindi niya napansin ang pag galaw ng daliri nito dahil nakafocus siya sa kakatingin sa payapang mukha nito. “Mark pala,Bakit ba hindi ka maalis sa isip ko?pagtatama niya sa pangalang binanggit. “Gumising kana…”dugtong niya,hindi siya nakontento sa paghaplos sa pisnge nito marahan niya rin dinampian ng kanyang daliri ang kamay nitong nasa higaan. Napakagaan ng kamay nito dahil nasa vegetative state ito kaya dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa kamay nito para maramdaman niya init na nagmumula roon. Mabilis na napapikit si Jennica ng maramdaman ang palad nito sa kanyang pisnge,ninamnam niya ang pakiramdam ng init na nagmumula sa palad nito.Hindi niya mapigilang isipin kung saan niya unang naramaman iyon,pilit na may alaalang pumapasok sa kanyang isipan tungkol sa maiinit na palad na humahaplos sa kanyang pisnge. “Anne…”napamulat ng kanyang mata si Jennica ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon ni Adrian,kaya dali dali siyang napabitiw sa kamay ni Adrian at napabangon sa pagkakaupo sa sahig. “Adrian?”hindi napigilang tanong ni Jennica sa paligid pero wala siyang narinig na ingay maliban nalang sa aparatus na nagbibigay indikasyon ng heartbeat ni Mark.Hindi talaga siya matatakutin na tao,pero bakit niya maririnig ang boses ni Adrian sa kwartong iyon. Nababaliw na ata talaga ako. Komento ni Jennica sa isip. “Pipilitin kong bumalik ulit bukas, Mark.”Paalam niya. Bago umuwi ay dumaan muna sa cafeteria si Jennica para makakain ng late lunch,nakakwentuhan niyaang kanilang receptionist pero pinigilan niyang banggitin ang tungkol kay Mark dahil baka ichismis na naman siya sa kanyang boss. Iiwasan talaga sana niyang mapaupo sa kinauupuan ni Jacquelyn pero namataan siya nito habang nililibot niya ang panigin para makahanap ng mauupuan. "Dito kana maupo,"tawag nito sakanya. "Sige,"napipilitang sabi ni Jennica habang papalapit sa inuupuan ng kanilang receptionist kasama pa ang ibang assistant nurse na kagaya niya. "Ang dami niyo ngayon dito ah,"hindi napigilang komento ni Jennica nang makaupo. "Oo,konte lang ang pasyente ngayon pero may nakatao sa nurse station,"nakangiting sagot ni Jacquelyn. "Alam mo ba iyong tungkol sa pasyenteng nasa coma?"tanong ng isang assistant nurse sa kanilang receptionist. "Ay oo,syempre,"mabilis na sagot nito. Hindi mapigilang makinig ni Jennica sa usapan ng mga ito, mabuti na lamang at hindi binuksan ni Jacquelyn ang patungkol sa pagtatanong niya tungkol kay Mark kung hindi ay baka maging sentro siya ng usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD