Chapter 12

1213 Words
Malalim na buntong hininga ang sinagot ni Adrian sa tanong ni Jennica. “I don’t really want to ruin this moment, Anne,”sabi ni Adrian. “E okay naman na nga,ikaw itong buntong hininga ng buntong hininga,syempre hindi ko naman talaga malalaman kung anong nararmdaman mo ngayon dahil hindi naman kita nakikita,”pagpapalakatak ni Jennica. “Kung ayaw mo naman ng makipag-usap, tapusin nalang natin tong pag-uusap na to,”dagdag niya. “I really want to be honest with you since you were able to open yourself to me,”umpisa nito. “But most of the time, you make sure to push me away, I don’t really understand if you wanna get to know me or what,” “Gusto ko Adrian, magi-effort ba naman ba akong gumising ng madaling araw para kausapin ka?” “Sige na magkwento kana,” sagot ng dalaga na kinatameme ng binata,narinig niyang napalunok ito. “I may not be able to contact you like this,” sabi ng binata sa malungkot na tinig. “Ba-kit naman?”?” nabiglang tanong ng dalaga. “It’s hard to explain,you may not understand me…” “Tagalugin mo kasi, mas maiintindihan ko,”seryosong sabi ni Jennica na ikanatawa ng binata. “Ever since I met you, you were always this witty and funny, you always find a way to say something spectacular to change the atmosphere,"komento ng binata sa hirit niya. "Maka-spectacular ka naman ano ako kakaibang species?naiiritang sagot ni Jennica. “Gagi,seryoso kasi ako,english ka ng english Filipino ka rin naman ah!” “Yeah, but I got use to this language…As long as you understand me, right?” “Oo na oo na!”pag sang-ayon niya sa sinabi nito. “I’ll try to call you tomorrow, this call is about to end,”pagpapaalam nito “Namputcha! Hindi ka pa nag-uumpisa eh,”maktol ni Jennica. “Wait anong number mo ako tatawag,hintayin mo kukuha ako ng papel at ballpen,”narinig niyang pinigilan siya ni Arian pero nagmamadaling binababa ni Jennica ang telepono at hinagilap sa loob ng kanyang bag ang kanyang maliit ng notebook at ballpen. “Adrian, anong number mo?”Tanong niya ng makabalik,tangan tangan niya sa kanyang balikat at ulo ang telepono.Hawak niya sa kanang kamay ang ballpen habang nasa kaliwa naman ang notebook. “Hello?” tawag niya ulit,pero wala ng narinig sa kabilang linya ang dalaga.Unti-unting napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. “Bakit ba naman kasi ng matapos akong mag-aral hindi na ako marunong magkabisa ng mga numero,” nagmamaktol na sabi ng dalaga habang binababa ang telepono. Nang makabalik sa higaan ay tinignan niya muna ang kanyang cellphone dahil napansin niyang umiilaw iyon,indikasyon na may natanggap siyang notipikasyon.Napatuptop sa kanyang bibig si Jennica ng mabasa ang mensahe galing kay Poleng,una niyang binasa ang pangalang mensahe. K4lngn ntng mhnp c M4rk, s4ks! Q s4 p4gm4x2l4n nyng 2. "Bakit naman kailangan makiuso tong si Poleng sa mga jejemon!"sambit ni Jennica habang napapiling. Nilihim mo pa kasi relasyon niyo sa magulang mo.basa niya sa ikalawang mensahe nito na nasa maayos na litra na ang lahat ng mensahe. Naisip ni Jennica ang panahong binanggit ng kanyang mama kung saan umuuwi siya ng gabi at dinadahilan niyang galing siya kila Poleng,tugma kaya iyon sa pangyayari?naitanong niya sa sarili, napapikit ng mariin si Jennica dahil sa biglang pagsakit ng kanyang ulo.Dahil sa pagpipilit na maalala ang kaganapan sa kanyang buhay ay napapansin niyang madalas ng biglang inaatake ng sakit ang kanyang ulo.Minabuti niyang bumaba muna sa sala para uminom ng gamot. Kinabukasan ay mabigat ang ulo ni Jennica nang papasok sa kanyang trabaho, minabuti niyang agahan ang pag-alis para hindi na siya kailangan pang magtaxi.Mas nakakapag-isip siya ng maigi habang nasa byahe kung saan kailangan niya pang maglakad para lumipat ng ibang masasakyan. “Hi nurse Jennica!”magkapanabay ng bati ng dalawang batang babaeng papasok na rin sa eskwela,parehas niyang kapitbahay ang magkaibigan. “Magandang umaga rin sa inyo, hindi ba kayo susunduin nuong inarkilang tricycle diver ng magulang niyo?takang tanong niya ng makitang sumabay ang dalawa sa paglalakad sa kanya. “Opo eh,” sagot ng matangkad na dalagita na nag-ngangalang Rica,marahan namang tumango ang hindi katangkarang si Vanessa. Tahimik silang naglalakad sa gilid ng kalsada papunta sa sakayan,maririnig lang ang ingay ng tindero ng naglalako ng taho at tahol ng mga aso. Baka nahihiya silang magkwentuhan dahil kasabay ako,naisip ni Jennica kaya mas nilakihan niya ang hakbang. “Nagtitipid sila mama,” mayamaya ay sabi ni Vanessa,napatingin si Rica dito.Maging si Jennica ay napalingon din kay Vanesssa. “Hala sabi mo sakin gusto mo lang na may exercise tayo,” Huminto si Rica at hinarap ang kaibigang si Vanessa,habang hindi naman malaman ni Jennica kung iiwan niya na ba ang magkaibigan o makikinig pa siya sa mga ito. Pinili niyang mauna nalang sa dalawa, narinig niya pang inaalo ni Rica ang kaibigan,napailing nalang si Jennica.May mga pangyayari talagang bigla nalang nagaganap sa hindi mo inaasahang pagkakataon.Bumalik sa isipan niya kung ano ang pinagdaanan nilang mag-anak ng magkasakit ang kanyang ama.Isinantabi niya ang tungkol sa pamilya at itunuon ang isipan sa paglalakad. "O Good morning, Doc! Ang aga mo ulit today ah?"takang tanong niya habang ibinaba sa kanyang lamesa ang bag,nabungaran ni Jennica ang ang Doktora na nakaupo sa waiting area. "Oo,maaga kasi akong nakauwi kagabi at maaga ding nagising,"sagot nito na lumapit sakanyang mesa. "Kumusta ba ang date mo?"excited na tanong ni Jennica sa kaibigan habang inilalabas sa drawer ang kanyang clipboard.Kahit naman magkalayo ang agwat ng kanilang estado ay balewala iyon kay Gemma dahil na rin siguro matagal na silang magkaibigan.Hindi sumagot ang Doktora,bagkos ay nangalumbaba ito sa kanyang lamesa. "Eto naman,ganito nalang Good or not good?"tanong niya ulit. "Not good,"malungkot na sagot nito, "Okay lang yan Doktora,marami pang iba diyan,"pag-aalo niya dito. "Oo marami pang iba diyan,teka bakit ka nga pala nagpaiwan kahapon?Saka diba masama pakiramdam mo?kumusta kana ngayon?"sunod sunod na tanong nito sa kanya. "May dinaanan lang ako saglit,"sagot niya habang iniiwas ang tingin. "At okay na ako ngayon,"dagdag niya kahit pa binabagabag pa rin siya ng pinag-usapan nila ni Poleng. "Sus,ayaw pang sabihin,nakasabay ko kanina sa elevator si Jacquelyn,iyong receptionist," "Toh naman,alam mo naman pala tatanungin mo pa,"di napigilang mapamulagat ni Jennica sa kaibigan. "Haha!Syempre gusto ko sayo manggaling,"panunudyo nito sakanya,lumapit si Gemma kay Jennica at tinignan siya ng matiim. "May gusto ka kay Mark no?" "Ha,wala ah!Saka nakaratay iyong tao,"depensa ni Jennica.Kahit naman may kayumanngi ang kulay ni Jennica ay namumula ang kanyang magkabilang pisnge tuwing nahihiya. "Kahapon ko nga lang siya nakita,saka pang taas na mukha lang nakita ko,"dagdag niya. "Hindi ko pa rin nakikita iyong pasyente,pero nabanggit nila before na may itsura talaga iyong lalaki ilang buwan na siyang nasa comatose stage sa tingin ko dahil wala naman daw responses na mula sa pasyente kaya gusto ng ipatanggal iyong tubong sumusuporta sa kanya,"paliwanag nito. "Iyong pamilya ba e walang say tungkol dito?"nagtatakang tanong niya,tumututol ang kanyang puso sa gustong gawin ng mga ito kay Mark. "Masyado kang invested doon sa tao,ganyan talaga dito alam mo naman iyon,"sagot nito "Ang alam ko lang e,iyong tiyahin tutol talaga sa gustong mangyari nung mga magulang,nahihirapan silang makita iyong anak nila na nasa ganoong sitwasyon,"balewalang sagot ng Doktora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD