Saktong pagtunog ng telepono ay ang pagsabay ng pagmulat ng mga mata ni Jennica,halos magkandarapa ang dalaga sa pagbagon para masagot agad ang tumutunog na aparato.Ngunit dahil sa pagmamadali ay sumabit ang kanyang kanang paa sa kumot,
“Ano ba naman,katangahan to!”Impit niyang daing habang ika-ikang lumapit sa lamesa kung saan naroon ang telepono,dahil natapos na ang pagtunog ng unang tawag ay ilang minuto muna ang dumaan bago iyon tumunog ulit.
“Hello?”sagot niya sa tawag sa malumanay na tinig,matapos niyang tumikhim.
“Anne,are you okay?”Nag-aalalang bungad ni Adrian sakanya.
“Oo naman!”natatawang sagot niya.
“musta?”
“I’m okay,”sagot nito sa malungkot na tinig.
“I’m okay, tapos ang lungkot naman ng boses mo…”puna ni Jennica.
“I’m really okay,how about you though?”Giit na Adrian.
“Okay,sabi mo eh…Okay lang din,”sagot naman ni Jennica na hindi mapigilang mapabuntong hininga ng maalala ang napag-usapan nila ng kaibigang si Poleng.
“Hey,between us you seem not okay at all,”
“Sa totoo niyan,medyo hindi talaga okay.Mayroon akong kaibigan,tumawag galing abroad…”nagdadalawang isip pa si Jennica kung ikukwento ba niya ang naging sitwasyon niya.
“Okay,Go on?”Paghihikayat ni Adrian.
“Maka Go-on kanaman,parang ang close natin ah!”napansin ni Jennica na pag si Adrian ang kanyang kausap ay nagiging careless talaga siya sa pananalita.
“We are closer than what you think,”sagot nito sa seryosong boses na nagpatayo sa balahibo sa braso ni Jennica,
Hindi napigilang mapayakap ni Jennica sa kanyang braso sa lamig na dumapo sakanya,mabilis siyang napalingon sa bintana para siguraduhing hindi iyon nakabukas.
Ang weird,nakasirado naman ah!Bala iyong electric fan lang.Pagkukumbinsi niya sa sarili kahit na nakaharap ang electric fan sa gawi ng kanyang kama.
“Nanahimik kana diyan,Anne…”untag ni Adrian sa pananahimik ni Jennica.
“Sorry,lumamig kasi,nasaan na ba tayo?”hinging paumanhin ni Jennica.
“You get easily distracted, Anne. You were about to tell me about your friend,”pagpapaalala nito.
“Ah,oo!Nakwento niyang mayroon akong kaibigang sinamahan bago ako nacomatose,”pag-uumpisa niya sa malungkot na tinig,nang hindi sumagot sa kabilang linya si Adrian ay pinagpatuloy ni Jennica ang pagkukwento.
“Nacomatose ako for a week or so buti nalang at nagising pa ako pero pag gising ko ay may mga bagay na hindi na ako maalala,”
“Bakit ka nacomatose,anong nangyari?”tanong nito.
“Hindi ko rin talaga alam kung anong nangyari kung bakit ako nagkaganoon,nakwento ni mama na tinawagan nalang sila ng hospital kung saan ako nakaconfine at dahil hindi naman namin afford ang hospitalization ay napilitan silang iuwi nalang ako,”mahabang sagot niya sa tanong nito.
“Wala ba silang nabanggit kung may kasama ka?”kapagkuwa ay tanong nito.
“Wala akong maalalang may binanggit sila…”kunot noong sagot ni Jennica dahil hindi niya rin maalala kung may nabanggit ba ang kanyang mama.
Mukhang kailangan kong lumuwas ulit sa amin.naisip ng dalaga.
“Is that so,”walang kumentong sabi nito,na sa pakiwari ni Jennica ay sarili nito iyon sinasabi.
“Adrian, are you okay?”hindi napigilang tanong ni Jennica sa pananamlay ng boses ng binata sa kabilang linya.
“Yes!So anyway why are you sad?Is it because you haven’t remember a thing after what happened?”tanong nito.
“Medyo…”sagot niya.
“Maybe it’s better to not remember it anymore,there are some memories that are worth burying underground.”makahulugang sabi ni Adrian.
“Sa tingin mo mas maigi ba iyon?”
“Perhaps,especially if that memories bring you sorrow,”malungkot na sagot ng binata.
“Bakit naman ganyan ka magsalita ngayon Adrian?”Mas gusto ni Jennica ang masaya at kacornehan Adrian kaysa sa malungkot na version nito.
“I have a lot of things to share with you but my limited time are getting lesser,”
“Adrian,wag kangang ganyan!bababaan kita ng telepono!”pananakot ni Jennica sa pagpapatuloy na pagdadrama ni Adrian.
Hindi man gusto ni Jennica ay nababagbag talaga ang kanyang damdamin sa pinagsasabi ng binata,kaya napatayo siya sa pagkakaupo.Balak niya na talagang putulin ang kanilang pag-uusap.
“Don’t!”mabilis na pigil ng binata sa balak ng dalaga.
“Ako iyong,malungkot kanina tapos ikaw tuloy ang mas naging madrama sating dalawa,”palatak ni Jennica habang umaayos ng upo sa sahig.
“I’m sorry…”hinging paumanhin nito.
“Basta wag mo na uulitin,kanina may pinuntahan akong comatose patient sa hospital na pinagtatrabahuan ko,”pag-iiba niya ng usapan.
“That’s...That’s…”hindi maapuhap ni Adrian ang dapat sabihin.
“It’s sad,”pag-pupuno niya sa gustong sabihin ni Adrian.
“You s-said not to talk about dr-dramatic things,”pautal na sabi ng binata.
“Alam ko pero siya ang unang pumasok sa isipan ko para ibahin ang usapan,”sansala niya.
“Ewan ko ba nai-imagine ko kaninang ganon ang itsurang meron ka,”
“Why do you think that?”hindi makapaniwalang tanong ng binata.
“Basta lang!"
"Alam mo nakakarelate ako sakanya,siguro dahil nasa ganoong sitwasyon din ako pero thankfully nagising ako,”napabuntong hininga si Jennica ng maalala si Mark.
“Pasensiya kana Adrian,sa totoo niyan nakwento nga kasi sakin ni Poleng na may sinamahan ako bago ako mawalan ng alaala…”
“Just forget about that,”susog nito sa dalaga.
“Gustuhin ko man pero paano kung malaki pala ang halaga ng taong iyon sa akin?”
“Mark din pangalan nung lalaking sinamahan ko sabi ni Poleng,kababata namin,”
“There’s a lot of Mark in the Philippines,even in the other country,”
“Paano kung iisa sila, Adrian?”tanong niya.
“Okay,what if they’re the same person?”balik tanong din nito sa dalaga.
“Ito!Itong Adrian ang bet ko,”natatawang sabi ni Jennica dahil sa tanong din nito sakanya,ngayon niya lang napansin na kapag pala ninerbyos ay natatawa siya.
“Answer my question, Anne,”seryosong saad ni Adrian,na nagpatahimk sa pagtawa ni Jennica.
“Ikaw una kong tinanong eh,”depensa niya.
“I don’t know what to say,so I’m asking you instead…”
“Kailangan kong makausap ulit si Poleng,”imbis na sagutin ang tanong ni Adrian ay nasabi ni Jennica.
“I guess you’re not ready to answer that question yet,”kumento nito.
“Oo eh,hindi pa talaga,pero I will cross the bridge when I get there,”
“Pak,english iyon Adrian!”pagju-joke ni Jennica para pagaanin ang kanilang usapan.
“Oo ang galing mo mag-english Anne,kumusta kanaman sa trabaho?”magiliw na tanong ni Adrian.
“Okay lang,mas lalo akong nagiging pamilyar,ikaw ba bakit malungkot kanina?”
“I wasn’t!”tanggi nito.
“Magkwento kana kasi,ako lang naman ito,”pag-uudyok niya sa binata.
"There are some changes in management..."umpisa ni Adrian.
"Mawawalan kaba ng trabaho?"tanong niya
"Sorry,nakakalungkot nga iyon,"