Chapter 10

1309 Words
Nakauwi na sa kanyang apartment si Jennica ay hindi pa rin maalis-alis sa isip niya kung bakit siya na luha habang haplos ang kamay ni Mark at kung bakit ganoon ang kanyang naging reaksyon. Pinipilit niyang isipin kung saan niya ba nakita ang makakapal na kilay na kaparehas ng kay Mark,at ang pilit na umuukupa sa isipin niya ay walang iba kung hindi ang kanyang caller na si Adrian…Pero malabong mangyari iyon dahil nakakausap niya tuwing madaling araw ang huli. Bago siya umuwi kanina ay dumaan siyang muli sa Hospital Information Desk para tanungin kung bakit tatanggalin na ang tubong sumusuporta kay Mark pero hindi rin iyon nasagot ng nurse dahil kulang ang access nito sa patients records at against the policy na daw iyon,kaya hindi na siya nagpumilit pa. Napabuntong hininga si Jennica habang nagpiprito ng itlog na para sa kanyang hapunan,hindi na siya nag-abala pang magluto ng ibang putahe dahil gutom na gutom na siya.Kahit naman marami siyang iniisip ay ang pagkalam pa rin ng sikmura ang kanyang uunahin. Habang nagliligpit ng kanyang pinagkainan si Jennica ay narinig niyang tumunog ang kanyang ever reliable na cellphone,walang pagmamadaling kinuha niya iyon sa loob ng kanyang bag na nakapatong lang din sa lamesa.Kumunot ang kanyang noo ng makitang masyadong maraming number ang nakarehistro,nagdalawang isip siyang sagutin ang tawag kaya nilapag niya nalang iyon at hinayaang tumunog habang pinagpatuloy ang pagliligpit.Nang matapos ay pumanhik na siya sa kanyang kwarto sa ikalawang palapag nang bigla ulit tumunog ang kanyang cellphone,katulad pa rin iyon noong unang tumawag kaya sinagot niya nalang iyon kahit nasa kalagitnaan palang siya ng handan. “Hello?”nag aalinlangang tanong niya sa kabilang linya,huminto siya sa paglalakad nang sagutin ang tawag. “Ang tagal mo namang sagutin!”palatak ng babae sa kabilang linya. “E sino kaba?” di napigilang magtaray ni Jennica nang marinig ang tinig ng nasa kabilang linya. “To naman,wag mong ibaba ah,nakalong distance call ako baka masayang,”sabi nito imbis na sagutin ang tanong niya. “Poleng,ikaw ba to?”Nangunot ang kilay ni Jennica ng medyo makilala ang pamilyar na boses ng babae,pero di pa rin siya sigurado,kaya nag-alinlangan pa siya.Narinig niyang malutong na tumawa ang nasa kabilang linya kaya nakumpirma ni Jennica ang kanyang hula. “Bingo!kumusta kana?”tanong nito nang humupa ang tawa. “Mabuti naman,paano mo nakuha ang number ko?”takang tanong niya. “Pauwi na kasi ako,kakatapos lang ng kontrata ko tumawag ako kila mama tapos pinatanong ko sakanila ang number mo,”imporma nito sakanya. Nakahinga ng maluwag si Jennica, dahil pigil hininga siya sa isasagot ng kausap,hindi niya kasi napigilang isipin na baka si Adrian iyong gustong kumausap sa kanya.Nagpatuloy na siya sa pagpasok sa kanyang kwarto ng masiguradong nakapatay na ang ilaw sa ibaba. “Ah kaya pala,pero kailan kaba uuwi Poleng?”tanong niya habang prente nang umupo sa kanyang upuan. “Sa susunod na linggo na,marami akong gustong ikwento tungkol sa trabaho ko dito sa ibang bansa,” excited na sabi nito sakanya, “Panigurado,teka may chocolate kaba naman bang pasalubong?pagwala naku hindi ako pupunta!”natatawang pananakot niya. “Aba,syempre!marami,”mayabang na sagot ni Poleng. “Buti naalala mo pa ako?”kapagdaka ay tanong niya. “Maano bang hindi e, ikaw ang bestfriend ko!pwera sayo na iba ang tinuturing na bff,”nagtatampong himutok nito. “Ang drama mo pa nga, Poleng!”natatawang sabi niya pero tinamaan siya sa sinabi nito,dahil nang makilala niya ang kanyang college friend ay hindi na niya masyado pang nakakausap ang kababata. “Jen-jen malapit na atang maubos yung oras ng pantawag ko,baka bigla nalang maputol tong pag-uusap natin,”paalam nito. “Walang problema!pagnakaluwag ako, naman ang tatawag sayo,”nakangiting sabi ni Jennica. “Teka, kumusta na kayo ni Mark?”pag-iiba nito sa usapan. “Ha?”biglang nanlamig si Jennica sa tanong na iyon ni Poleng. “Hello?Mahina ba ang reception?Kako kumusta na kayo ni Mark?”ulit nito sa tanong nito sakanya. “Hin-di ko maintindihan ang ibig mong sabihin, Poleng…?”nanginginig ang boses na tanong niya. “Diba,bago ako umalis papunta ng ibang bansa ay sumama ka kay Mark?naguguluhan ding tanong nito sakanya. “Hindi ko ma-tandaan, Poleng,”nangingilid ang luhang sabi niya,pilit inaalala ang mukha ng taong tinutukoy nito. “Ui wag ka namang umiyak,diyan,” nag-aalalang sabi ni Poleng ng marinig ang pagpiyok ng boses ni Jennica. “Ikwento mo sa akin ang tungkol kay Mark, please!”pagmamakaawa ni Jennica,dahil sa pilit niyang inaalala ang pangalang binanggit ni Poleng ay nakaramdam siya ng p*******t ng ulo.Pinahid niya ang luhang tumulo sa kanyang pisnge at sinimulan niyang hilutin ang sintido. “Kababata din natin si Mark, Jennica.Siya iyong kalaro mo dati ng jolens….”umpisa nito, “Okay,parang natatandaan kong may kalaro ako ng jolens dati pero wala na akong maalalang Mark after niyan,”pakli niya. “Oo kasi,nangibang bansa na sila pagkatapos niyang mag-elementary,” “Paano mo tong alam?bakit ako hindi?tanong niya,humupa na ang pagpatak ng kanyang luha maging ang pagsakit ng kanyang ulo. “E nalaman ko lang to dahil kay mama,alam mo naman iyon,”sagot nito na ibinitin ang patungkol sa inang tsismosa. “Paanong nasa ibang bansa tapos sinamahan ko?nasa Pilipinas pa rin naman ako ah,”pangungulit niya pa. “Wait lang naman kasi,ako nga itong nagkukwento,bakit ba kasi di mo maalala?”naiinis na sabi nito. “Sorry na,nacomatose daw ako ng ilang linggo sabi ni mama,”mahinang sabi niya. “Ha?”gulat na tanong nito. “Paanong di mo alam,kumulat ata iyon sa atin ah,” “Walang nabanggit si Mama,madalas kasi e nagtitext lang ako pagnagpapadala,Pasensiya kana Jen-jen,hindi ko alam…” hinging paumanhin ni Poleng. “Wala iyon,hindi mo naman alam eh...isa pa okay na ako,meron lang mga alaalang hindi na bumalik,”malungkot na sabi niya. “Hanggang saan nalang ba ang naalala mo?” “Iyong araw na umuwi ako para icelebrate ang certificate of completion ko para sa pagtitraining as nurse,naalala mo ba iyon?” “Oo,naalala ko!Iyong taon na iyon ako nag-umpisang magtrabaho dito sa Hongkong at iyong araw din na iyon umuwi si Mark galing sa US,”imporma nito sakanya. "Naaalala mo sabi ko pa nga sa iyo ay dumating siya,kaso hindi mo na siya matandaan kaya hindi na natin pinag-usapan pa..."pag-papaalala nito sakanya. Namilog ang mata ni Jennica sa nalaman,ang huling naaalala niya lang ay ang araw na iyon pero hindi niya pa din matandaang may nakilala siyang Mark noon! “Wala siya doon,wala-”hindi na napagpatuloy pa ni Jennica ang sasabihin dahil nawala na sa kabilang linya ang kaibigan,tunog na lamang ng naputol na linya ang naririnig niya. “Anak naman ng pating, o!”hindi na pigilang pagmumura ni Jennica,malamang ay hindi na matawag ulit nag kaibigan dahil nabanggit nitong paubos na ang long distance call nito.Gustuhin man niyang tawagang ang kaibigan pero wala siyang load para sa ibang bansa. Napapapalatak sa sarili si Jennica habang naglilinis ng katawan,matapos niyang magbihis ng pantulog ay nahiga na siya sa kanyang higaan.Sinigurado niyang nasa lamesa lang ang kanyang cellphone para madali niyang masagot kung sakaling tatawag man ulit si Poleng na imposibleng mangyari sa gabing iyon.Hindi na rin siya makakabili ng load dahil gabi na iyon,maagang nagsisirado ang mga tindahan sa kanilang baranggay. “Paano kaya ako makakatulog nito?”tanong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. Makalipas lang ang kalahating oras na pagtitig sa kisame at pag-iisip ng tungkol sa kababatang si Mark ay namigat na ang talukap ng mata ni Jennica,marahil dahil sa pagod at sobrang pag-iisip ay iginupo na siya ng antok.Mabini nang naririnig ang hilik ni Jennica sa loob ng kanyang munting kwarto,maging ang pagtunog ng kanyang cellphone para sa pagdating ng isang mensahe ay hindi gumising sa himbing na pagtulog ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD