Chapter 9

1131 Words
“Kanina kapa hikab ng hikab diyan Jennica,”agaw pansin ni Doktora Gemma sa sinusulat ni Jennica,napataas ng tingin ang huli para tanungin kung may iuutos ba ito. “Wala naman,e naririnig ko kasi yung hikab mo mula sa loob,”sabi nito at umupo sa waiting area habang nagtitipa ng kung ano sa hawak nitong cellphone. “Med-yo napuyat kasi ako, sorry!”sagot ni Jennica habang humihikab pa rin,at muling pinagpatuloy ang pagsusulat sa chart. “Noong biyernes tayo lumabas ah,ba’t ka puyat?”takang tanong nito. “Umuwi din kasi ako sa Bulacan,” “Ah,kaya pala kumusta naman ang magulang mo?” “Okay naman sila,yung kapatid kong lalaki mag ha-highschool na,”pagkukwento niya. “Alam mo kahit kailan di mo kami nadala sainyo,” “Well, medyo busy kasi tayo sa pag-aaral noon at nauwi sating kanya kanyang pamilya pagbakasyon diba?”pagpaalala niya dito. “Nextime punta tayo ah,kasama si Clarisse,” “Uhm uhm,” Maagang dumating ang Doktora pero wala pang pasyente ang naroon dahil alas onse pa ang pinakaunang schedule at alas diyes palang ng umaga noon.Matapos tawagan ni Jennica ang mga nakaschedule for confirmation ay nagpaalam siyang kukuha muna ng kape,baka makatulong iyon at hindi na siya masiyadong antukin. Bago palang siya sa Hospital at hindi pa masaydong alam ang pakisot sikot, madalas ay sa cafeteria lang siya nagpupunta para magkape o kumaen. “Baka tanggalin na iyong apatus sa kanya,” “Matagal na rin naman kasi siyang nakaratay,”narinig ni Jennicang usapan ng dalawang nurse na nakasalubong niya sa hallway pabalik sa pediatric ward. Hindi paman naiinom ni Jennica ang kapeng kinuha sa Cafeteria ay bigla nalang nabuhay ang kanyang sistema.Hindi napigilan ni Jennica na maawa sa kung sino mang pasyente ang tatanggalan na ng tubong nagsusuporta dito para mabuhay pa. “Doktora Gemma,alam mo ba iyong tungkol sa pasyenteng nakacomatose?”hindi napigilang magtanong ni Jennica sa kaibigan ng makabalik. “Ay oo,siya lang ang nag-iisang nasa comatose,Mark pangalan noon.”pagiimporma nito sakanya. "Nakakaawa nga dahil pinapatanggal na nung magulang iyong mga aparatus,"dagdag nito. Hindi malaman ni Jennica kung bakit parang may bumundol na tren sa kanyang dibdib,bigla nalang iyong sumakit nang marinig ang pangalan ng lalaki. Marahil dahil nasa Comatose stage din siya ay nakikisimpantiya siya sa lalaking hindi pa niya nakikita,mabuti nalang kahit na nasa bahay lang noon ay inalagaan din talaga siya ng magulang hanggang sa magising siyang muli.Naalala niya pa kung gaano ang galak sa mukha ng kanyang ina kahit pa umiiyak ito ng bumukas ang kanyang mga mata,hindi pa niya naiintindiha ang nangyari noon at nahihirapang kumilos pero lagi nang nakaalalay sa kanyan ang magulang,hindi niya maisip paano kung hindi rin siya nagising tatanggalan rin kaya siya ng tubo? “Okay kalang ba?namumutla ka Jennica!”tumayo ang Doktora at lumapit sa kanya,inaalalayan din siyang umupo nito. “Sorry,nabigla lang ako,narinig ko kasing tatanggalan na siya ng tubo,totoo pala,”sagot niya pilit pinapakalma ang kanyang pulso,mabilis na kumuha ang doktora ng inumin at binigay sakanya na dali dali niyang ininom. “Kakayanin mo bang magtrabaho sa lagay na yan Jennica?”tanong nito sakanya na pilit inaarok ang katutuhanan. “Oo naman,”pilit ang ngiting tugon ni Jennica at tumayo na nang tuluyan. “Sabi mo eh,pero magsabi ka ah,”nag-aalalang sabi nito sakanya. Maya maya lang ay may dumating nang mga pasyente kaya hindi na masayadong inalala ni Jennica ang tungkol kay Mark,kailanga niyang magfocus lalo na’t mga bata ang kanyang inaasikaso. Maaga rin silang natapos ng araw na iyon,gustong isabay ni Doktora si Jennica pauwi pero tumanggi ang huli. “Nexktime nalang Doktora,”mariing tanggi ni Jennica habang inaayos ang mga gamit na nakakalat. “Pano ba yan mauuna na ako sayo ah,may blind date kasi ako ngayon,”nahihiyang sabi nito. “Sige,goodluck and enjoy!”pilit na pinasigla ni Jennica ang boses para sa kaibigan, ayaw niyang sirain ang gabi nito dahil lang sa biglang pag-iba ng templa ng kanyang katawan. Magkakasakit pa ata ako,mahinang sabi ni Jennica sa sarili habang sapo-sapo ang noo. Nahihiyang lumapit si Jennica sa Hospital Information Desk para tanungin kung nasaang kwarto naroon si Mark,sa hindi maipaliwanang na pangyayari ay naroon ang kagustuhang makita niya ang pasyente ng araw na iyon. “Jennica,may itatanong kaba?kanina ka pa diyan,” di na napigilang tanong ng nurse ng napansin nitong paroon at parito si Jennica hindi kalayuan sa Information Desk. Dahil maggagabi na ay iilan nalang ang tanong naroon para sa appointment at dahil tapos na talaga ang visiting hours. “Oo sana,”bantulot na lumapit si Jennica. Hindi naman talaga mahiyaing tao si Jennica pero may mga panahong,bumabahag ang kanyang buntot lalo na kung hindi niya alam ang gagawin. “Okay ka lang ba?”tanong nito sakanya. “Oo,si Mark…iyong pasyenteng nasa coma saang kwarto makikita?”mahinang tanong niya. “Kakilala mo?”takang tanong nito,habang chineck ang monitor. “Hindi na parang oo,”naguguluhang sagot niya na ikinataas ng kilay ng nurse. “Hindi talaga pwedeng ibigay pero dahil dito kanaman nagwuwork at tayo tayo lang,nasa ICU.”nakangiting inporma nito sa kanya,gumanti rin ng ngiti si Jennica at nagpasalamat. Nagmamadaling pumunta si Jennica sa ICU,halos maglakad takbo ang ginawa niya para lang makarating agad agad. Nang makalapit sa pinakadulong bahagi ng Hospital kung saan naroon ang ICU ay bumagal ang lakad ni Jennica hindi dahil sa nakita niyang papalabas ang ilang nurse at Doktor roon dahil na rin sa antisipasyong kanyang nararamdaman. Nang masiguradong wala nang tao sa paligid ay pigil ang hingang binuksan niya ang pintuan,bumungad sa kanya ang kakaibigang amoy ng matapang na antiseptiko at pinaghalong amoy ng sabon at panglinis.Ibang iba sa amoy na nakasanayan niya sa Pediatric ward. Iniwasang titigan ni Jennica ng matagal ang mukha ng lalaking nasa Hospital bed,pero hindi niya maiwasang pansinin na magandang lalaki ito,meron itong makapal na kilay na bumagay sa mahahabang pilik mata nito at matangos na ilong ,ang maputing kulay nito ay lalo pang naging mapusyaw dahil sa hindi ito nasisikatan ng araw.napansin niya ding bagsak ang katawan nito na hindi naman nakakapagtaka. Maganda naman ang heart rate,breathing at level of blood pressure nito basa niya sa monitor screen kaya bakit kailangan pang tanggalan ito ng ventilator? Hindi man niya nakikitang nakabukas ang mata nito ay nakikinita niyang napakaganda nito,marahan niyang hinaplos ang mukha ng lalaki. “Gumising kana…”mahinang sabi niya, paulit ulit niya pang sinabi iyon hinhintay na sanay sumagot ito sakanya. Hindi pa siya na kontento marahang niya ring hinaplos ang kamay nitong nasa gilid ng higaan,napapantastikuhang pinunasan ni Jennica ang luhang sunod sunod na umagos sa kanyang mga mata.Masiyado siyang apektado na nakakapagtaka,nang mahimasmasan ay pinilit ni Jennicang tumayo para magpaalam na kay Mark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD