Pagal na pagal na ang katawan ni Jennica ng makarating siya sa kanilang kanto,lumapit muna siya sa drugstore para ilapag ang kanyang dala-dalang paper bag na may lamang mga lutong ulam at kakanin sa bakanteng upuan, imbis na shoulder bag niya lang ang dala pabalik ay pinabaunan pa siya ng ina na hindi niya naman natanggihan.
Si mama talaga,humihingal na sabi niya habang nagpupunas ng pawis sa noo.
ilang saglit nalang ay makakauwi na siya at makakapagpahinga,kaya nabuhayan ng loob si Jennica at nagmamadali nang binitbit ang nilapag na bag.Hindi niya inaasahang matatraffic pa rin siya sa pag-uwi dahil araw naman ng linggo.
“Jennica,ikaw ba yan?”napalingon si Jennica ng makakilala ang tinig ng kanyang landlady.
“Ms. Dantes andiyan po pala kayo,”nakangiti niyang bati,gumanti rin ito ng bati sakanya habang ngababayad ng pinamiling gamot.
“Umuwi ka ba sa inyo?”maya-maya ay tanong ng kanyang landlady habang naglalakad na sila.
“Ay, opo si mama kasi pinangakuan kong uuwiin ko,”
“Gusto mo bang tulungan kitang magdala niyan,parang ang bigay bigat ng laman niyan ah,”
“Ay opo,si mama kasi nagpabaon,may ipapagibay din po sa inyo,”nakangiti niyang imporma.
Nang makarating sila sa kanilang munting compound ay inabot na ni Jennica ang nilutong kakanin na pinabibigay ng kanyang mama sa kanyang landlady na tuwang tuwang tinanggap nito.Matapos magpasalamat ay dumiretso na siya kanyang apartment.
Lagi niyang nakakaligtaang tanungin ang tungkol sa pamangkin nito,
“Di bale marami pang ibang pagkakataon,”sambit niya habang nilalagay sa refrigerator ang mga lutong ulam.
Iksaktong limang minuto bago mag-alas tres ng madaling araw ay tumunog ang makalumang telepono,pupungas-pungas na bumangon si Jennica para sagutin ang tawag.
“Hello?”namamaos ang tinig na tanong niya sa kabilang linya,may naririnig siyang static noise sa kabilang linya pero medyo malabo kaya inulit niya pa ang kanyang tanong at ilang minuto lang ay narinig niya na ang tinig na natutunan niyang makilala.
“Anne!I’m glad you’re back, I haven’t heard from you!”masiglang masiglang bati ng binata sa kanya.
“O awat na, speaking dollars ka naman sakin,”natatawang sabi ni Jennica habang nagkukusot ng mata,automatic na siyang umupo sa sahig na naka-lotus position,hindi man niya aminin ay namiss niya ring makausap ang lalaki kahit na isang beses lang naman silang hindi nakapag-usap.
“Ui,If I know you misses me too,”panunudyo nito sakanya
“Alam mo pag ganyan ganyan ka bababaan kita ng telepono!”papanakot niya,pero syempre hindi niya gagawin yun.
“Ops,ikaw naman hindi na mabiro,where have you been?”tanong nito kapagdaka.
“Binisita ko sila mama,”
“Is that so?How are they?”tanong nito,
“Aba,kilala mo ba magulang ko maka how are they kanaman?”
“Well, let’s just say I wanna get to know them,”sagot nito.
“Maayos naman ang lagay nila,ikaw ba kumusta?”sagot tanong niya dito.
“Okay lang din naman,”maiksing sagot nito.
“Boring ka talagang kausap,kung di lang maganda boses mo eh,”
“May pasok pa ako bukas,nextime na nga lang tayo mag-usap,”naiinis na sabi niya,nagi-effort siyang di matulog tapos ganito lang.
“I’m really okay,I’ve been sending out photographs to my boss abroad,”mabilis nitong sabi para hindi na muna niya ibaba ang telepono.
“Natakot ka ano?”natatawang tudyo niya.
“So photographer ka pala?”
Masiglang tanong ni Jennica na sinagot naman ni Adrian,nalaman ni Jennica na ang madalas na topic na pinipikturan ni Adrian ay mga scenery,pero depende na rin sa kung ano bang gusto ng kanyang client.
“Ano pang hobby mo?”tanong niya pa.
“Mamasyal…”mahina nitong sabi na halos hindi na umabot sa pandinig ni Jenica.
“Ano?mamasyal ba kamo?”kunot noong tanong ng dalaga,inilipat niya sa kabilang tenga ang telepono dahil naisip niyang baka dahil sa tagal ng nakababad ng kanyang kanang tenga ay nabibingi na ito.
“Ako man eh,mamasyal din pero hindi pa sa ngaon, pag naka luwag luwag na,”pagkukwento niya sa sariling gusto.
“I’ve been to many places,because of what I do,I hope I’ll be able to bring you too…”
“Bast ba libre mo ay sasama talaga ako,”
“Of course, I’ll never let you pay,”
“Ilang beses ko ng nakita si Miss Dantes kaso lagi kung nakakalimutang tanungin iyong tungkol sayo,”himutok ni Jennica.
“You really don’t trust me that easily huh?”panunuyang tanong ni Adrian na kinapula ng pisnge ni Jennica,kahit hindi naman siya kaputian ay namumula siya kapag napapahiya.
“Hindi naman sa ganon,malay ko ba kasi kung totoo ka ba o baka mamaya multo kalang,” defensive na sagot niya,malutong na tumawa sa kabilang linya si Adrian na nag vibrate sa tenga ni Jennica.
“Pagmulto ba ako kakausapin mo pa din ba ako?”tanong nito matapos ang nakakalokong pagtawa nito sa sinabi ni Jennica.
“Syempre hindi!”mabilis na sagot niya.
“That’s too bad,mamimiss kita at siguradong mamimiss mo rin ako…”nang-aasar na sabi nito na ibinitin pa ang sasabihin.
“Hindi ka nakakatuwa, Adrian!”mas lalo pang namula ang mukha ni Jennica maging nag kanyang tenga ay nag-iinit narin sa sobrang asar sa kausap.
“It’s late,don’t raise your voice, I’m only playing with you,”
“Wag mo kong pinagloloko ng ganyan,”maya-maya ay sabi niya, hindi man niya aminin ay kinabahan siya sa pang aasar ni Adrian sa kanya,hindi matitake ng beauty niya ang makpaglandian sa ghost!
“Pano ba tayo napunta sa ganoong usapan?”
“Well,ako naman talaga nag-umpisa,”nahihiyang sabi niya ng maalala kung paanong umabot sa ganoon ang kanilang usapan.
“Saang lugar ka umuwi?”pag-iiba nito sa usapan.
“Sa Bulacan, andoon pa rin naman nakatira magulang ko,wag kang magkakamaling puntahan sila mama doon wala kang mapapala,”pagbabanta ng dalaga sa binata.
“Ikaw nga hindi ko mapuntahan sila pa kaya,”narinig ni Jennicang napahugot ito ng malalim na buntong hininga.
“E sabi mo nasa probinsiya kalang din naman ah,pagbalik mo nalang”susog niya dito,hindi niya sinasadyang sabihin iyon pero gusto niya rin namang malaman kung ano bang itsura ng lalaki.
“Gwapo nga ako, Anne maniwala ka sa-”pangungumbinsi nito sakanya.
“Hindi rin,to see is to believe paniniwala ko,”pakli niya sa gusto nitong sabihin.
“Teka,iinom muna ako ng tubig,”mabilis na ibinaba ni Jennica ang telepono sa lamesa dahil nakaramdam siya ng uhaw.
Kinailangang kumapit ni Jennica sa kabinet para makatayo,pero dahil na rin sa matagal na pagkakaupo ay pinulikat ang kanyang mga binti,muntik siyang matumba pero himalang napatayo siya agad na para bang may umalalay sakanya.
Nagtaasan ang balahibo sa batok ni Jennica ng may malamig na hanging dumampi sa kanyang braso,dahil sa gulat ay napaatras siyang tuluyang at natumba na una ang pang upo.
Napaigik sa sakit si Jennica dahil sa malakas na impact ng kanyang pang upo sa sahig,
“Napakatanga ko naman talaga,iinom lang eh,”naiinis na sabi ng dalaga sa sarili.
Matapos makainom ay dali dali na siyang umakyat para mabalikan ang kanyang kausap na baka bibaan na siya ng telepono.
“Andiyan ka pa ba?”nag-aalangang tanong niya.
“Oo,I heard a loud thud,was that you?okay ka lang ba?”tugon-tanong naman ni Adrian sa nag-aalalang tono.
“Naku!iyong upuan natumba,”mabilis na tanggi niya nungka siyang aamin na dahil sa pagmamadali ay bumagsak siya.
“Are you sure?Anne,try to be careful,”himig nangangaral na sabi ni Adrian,na nagpaalala sakanya sa sinabi nito noong uli silang magkausap.
“Teka,noong nakaraan paano mong alam na nag-inom ako,hindi ko naman binanggit sayo iyon ah?”
Kunot-noong tanong niya.
“Hindi mo ba bi-nanggit?”nautal na balik tanong din nito sa kanya.
“Stalker talaga ata kita eh!”pang-aakusa niya,
“Wala kanaman ata talaga sa probinsiya eh,”naghihinalang dugtong pa ng dalaga.
“I’m really in the province right now,kung maari lang napuntahan na kita,”kumbinsi nito sakanya.
“I noticed it in you voice,right!your voice and then you were out with your friends,”
“Alam mo ikaw,ba’t hindi mo nalang aminin na stalker talaga kita?”hindi rin matandaang nabanggit ni Jennica’ng lumabas siya kasama ang mga kaibigan.
“That doesn’t sound nice at all,we can say I’m a fan of yours,”
Loko talaga to nagpapakyut pa ang mokong. Nairitang sabi ni Jennica sa isip dahil himig nanunudyo ang binata.
“Thank you, ah!”labas sa ilong na pasasalamat niya.
“You’re very wel-”
Hindi na narinig ni Jennica ang sumunod na sinabi ni Adrian dahil nawala na ito sa kabilang linya,sinubukan niya pang tawagin ang pansin nito pero wala na talaga siyang naririnig sa kait na dial tone, kaya minabuti niya nalang ibaba iyon.Gumuhit ang gitla sa noo ni Jennica dahil ni hindi niya pa rin pala natatanong kung ano bang numero ng lalaki para siya na lamang ang tumawag dito.
Bukas nalang ulit…naisip niya habang pahiga sa kanyang kama.