Chapter 7

1364 Words
Dalawang taon na ang nakakaraan sa Bulacan… “Jennica,talaga bang hindi na magbabago ang isip mo?”nag-aalalang tanong ng mama niya habang pinapanuod siyang mag-empake ng mga damit,huminto sa pagliligpit si Jennica at lumapit sa kanyang inang nakamasid sakanya sa may higaan. “Kaya ka naman naming pag-aralin pa, para maging ganap ka nalang na Doctor,”pangungumbinsi pa ng kanyang ina habang gagap ang kanyang kamay. “Buo na po kasi ang desisyon kong huminto na sa pag-aaral,isa pa po hindi na kakayanin ni papa ang dalawa pang taon.Magtatrabaho na po ako para makatulong na rin,”matatag na sambit ni Jennica. “Hindi papayag ang papa mo sa ganyan,” “Walang magagawa si papa dahil lubog na lubog na tayo utang ma,”mapait niyang turan. “Ako na lamang ang magtatrabaho kung ganoon,” “Hindi papayag si papa,ma ilang beses mo na bang sinubukan yan? isa pa kailangan ka niya dito sa bahay pati ni Jacob,”pagpapaliwanag niya. Hindi naman talalga sila mahirap pero dahil naaksidente ang kanyang ama ay kailangang huminto ng kanyang papa sa pamamasada at doon na rin sila nagsimulang magkaroon ng mga utang para matustusan ang kanyang pag-aaral sa Maynila.Dahil hindi pa naman masaydong maunlad ang kanilang kumunidad ay kailangan niyang sa Maynila mag-aral kung saan mas mura ang tuition fee kaysa sa mga private school na malapit sakanila. Hindi siya napilit ng kanyang inang hindi huminto sa pag-aaral,maging ang kanyang ama ay hindi na siya kinibo mula noon dahil sa pagsunod niya sa gusto niyang mangyari. Nakapasok siya bilang isang cashier sa isang department store sa North Edsa at nakakapagpadala ng regular tuwing buwan sa kanyang ina sa loob ng limang buwan,iniiwasan niya talagang umuwi noon dahil magastos lang.Madalas ay nagtitext lang siya sa kanyang mama,may mga panahon ding tumatawag siya kapag medyo nakakaluwag.Hindi naman nag tagal ay nagkabati rin sila ng kanyang ama dahil na rin nga kailangan talaga nila nang may mapagkukunan. Maging ang pakikipagkita sa kanyang mga kaibigan sa kolehiyo ay iniwasan niya,mabuti na nga lang ay kahit ni isang beses hindi sila nagpang abot ng mga ito, marahil ay abala rin ang mga ito sa kanya kanyang karera sa buhay na tinatahak. Nabalitaan niyang mabuti na ang pakiramdam ng kanyang ama nang nasa ika-anim na buwan na siyang nagtatrabaho,kaya naman pinipilit na siyang pauwiin ng kanyang ina para makapag-patuloy na siya sa pag-aaral na tinanggihan niya. Pinili niyang magtraining na as nurse sa Quezon city habang nagtatrabaho ,dahil nga nakakapasada na ulit ang kanyang ama ay inihinto niya na ang pagpapadala para matustusan niya naman ang kanyang pagtitraining sa Hospital. Mahirap dahil kailangan niyang hatiiin sa dalawa ang kanyang katawan, pero nakaya naman niya kaya laking tuwa niya ng makakuha ng cetificate of complication para sa pagtitraining.Mas makakatulong na siya sakanyang pamilya. Umuwi si Jennica sa kanila sa Bulacan at laking gulat niya na naghanda pa ng munting selebrasyon ang kanyang magulang para sa kanyang tagumpay,naroon ang malalapit nilang kapitbahay at ilang sa kanyang mga kababata. “Ui,big time kana Jen-jen!”bati ni Poleng sakanya,habang nagsasandok ng pansit sa plato,malapit lang ito sakanya dahil nasa hapag siya para umasistima ng mga bisita, “Sus, ikaw nga diyan ang balita kong mag-aabroad!”bawi niya dito,kumalat na kasi ang balitang mamamasukan itong housekeeper sa Hongkong. “Naku,alam mo namang hindi talaga ako pala-aral mula pa noon kaya pinatos ko na to kung hindi ay baka maaga akong makakapag-asawa dito!”nakatawang sabi nito,parehas na silang naka upo sa kumidor dahil ang ibang bisita ay nagsimula ng magsiuw ian. “Kaya nga ako nag-aral talaga,buti na nga lang din at si papa ay laging andiyan naka bantay,”malakas na napabungingis si Jennica na ikinalingon ng kanyang ama, naramdaman siguro nitong sinali niya ito sa usapan. “Loka ka -uhm talaga,”sabi ni Poleng,matapos nitong lunukin ang pagkaen. “Buti nga hindi ka nag Japan,”maya maya ay sabi niya. “Ay,ayaw ko naman doon no!”mabilis na tanggi nito. Nang panahong iyon ay nauso na talaga ang pangingibang bansa ng mga Pilipino, madalas ay nagiging entertainer sa Japan, ang iba ay housekeeper sa Hongkong o Middle East at ang iba naman ay nurse/caregiver sa US o Europe . “Yang agency bang napasukan mo eh,lehitimo?baka mga mandarambong yan?”nag-aalalang tanong niya, “Oo naman,kakilala nila mama yung ibang nakapangibang bansa na rin galing sa agency na yon,”pagpapaliwanag nito sa kanya.Tumango tango lang si Jennica nang pakumbinsi. “Siya nga pala,umuwi pala sila Mark galing ibang bansa,”masiglang pag-papaalam nito,kumunot ang noo ni Jennica, dahil hindi niya maalala kung sino ang tinutukoy nito. “O e tapos?” “Nakalimutan mo na nga, bata pa rin naman tayo noon.”sabi nalang ni Poleng na hindi na siya kinulit pa,nagkibit balikat na lamang si Jennica, matapos ng handaan ay tumulong pa si Poleng na magligpit ng mga pinagkainan at mag-urong ng mga plato. Dahan-dahang binuksan ni Jennica ang pinto sa kanilang bahay para hindi makagawa ng ano mang ingay,papasok na siya sa kanyang kwarto ng bigla siyang impit na napatili at marahas na mapahinto sa gulat. “San kanaman ba galing Jennica Anne?”tanong ng mama ni Jennica na prenteng nakaupo sa sofang mag-isa,hindi maganda ang templa ng kanyang ina base na rin sa pagtawag nito ng buo sa kanyang pangalan. “Ma,naman alas diyes palang o,”nakangiti siyang lumapit sakanyang mama para maglambing. Sa kanilang tahanan ay ang kanyang mama ang batas, malamang ay natutulog na ang kanyang butihing ama.Dalawang buwan na siyang nakatambay lamang sa kanilang bahay at madalas na lumalabas ng gabi. “Naku Jennica hindi mo ako madadala sa pag ganyan ganyan mo,”nakairap na sabi ng kanyang mama,pero hindi na ganoong katigas ang bukas ng mukha nito,kuhang kuha niya talaga ang killiti ng ina. matagumpay na naisip niya. “Si Poleng kasi ma,napatagal ang kwentuhan namin,”pagpapaliwanag niya. “SI Poleng na naman ang kinasangkapan mo!Ku- bata ka ba’t hindi mo nalang aminin na lalaki ang kinikita mo?pananalakab ni Janice sa kanyang anak. “Naku,ma!wag kang maniniwala sa sabi sabi, si Poleng talaga kasama ko,”mariing tanggi niya sa akusasyon ng ina. “Ewan ko ba sayo,hindi naman kami magagalit ng papa mo,nasa tamang edad ka naman na,” Napahinto saglit si Jennica at napatitig sa kanyang mama, napakabait talaga ng kanyang mga magulang.Kaya nga gusto niya talagang masuklian ang mga ito.Napayakap ng mahigpit si Jennica sa ina. “Naglambing na naman,ang tanda tanda na!”nang aasar na sabi ng kanyang ina. “Ma,babalik na po ako ng Maynila para magtrabaho sa susunod ng linggo,”pagpapaalam ni Jennica na ikanagulat ng ina. “Bakit sa Maynila pa?Pupwede naman nalang sa ibayaong lungsod ka magtrabaho ang layo ng Maynila,” “Mas malaki po ang oportunidad doon,” “Ikaw, ang bahala sabi ko nga e matanda kana.Basta ba wag kang makakalimot na tumawag at magtext ah?”tumango lang si Jennica sa Ina at nagyaya nang matulog. Kasalukuyan taong 2012 “Tapos ano pang nangyari,ma?”pangungulit niya pa,dahil hindi na niya natandaan ang pangyayari pagkatapos ng handaang naganap sa kanila.Bumuntong-hininga ang kanyang ina bago muling nagsalita, “Bumalik ka sa Maynila pero hindi na ako nakatanggap ng mga tawag mula sayo,akala ko naman e busy kalang…”tumingin muna ito sakanya bago nagpatuloy, “May tumawag sa akin dito at tinatanong kung ka ano-ano ba kita,takot na takot ako ng marinig kong nasa Hospital ka’t walang malay tao,inuwi ka namin dito sa bahay.Pero wala kana ngang natatandaan,ilang linggo ka ring nakaratay sa higaan lang,”Malungkot sa pagkukwento ng kanyang mama. “E bat nagyon mo lang sinabi?”tanong niya sa naghihinakit na tono. “Mukha kasing hindi kapa handa noon,isa pa’y kinailangan mong mag therapy dahil nasa coma ka noong nasa bahay ka lang diba,” “Sorry ma,”naluluhang sabi ni Jennica sa ina,grabeng sakripisyo talaga ang ginawa ng mga ito sakanya. “Ano kaba,ang mabuti’y nasa maayos kanag lagay ngayon, at alam ko kung saan ka pupuntaha,”kangiting saad nito. Nag-tatawag na ang kundoktor kaya napilitan ng magpaalam ang mag-ina sa isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD