Chapter 6

1512 Words
Alas diyes na ng umaga basa niya sa oras sa kanyang cellphone na de-keypad, may iba nang naka touchscreen pero dahil nga sa nag-uumpisa palang ulit siya sa trabaho ay pag-iipunan niya na iyon sa ibang araw, ang ingay ng mga batang naglalaro sa labas ang nagpagising kay Jennica,pero tamang tama iyon dahil may lakad siya ng araw na iyon. Dahil isang buwan na siya mula nang lumipat sa Maynila ay kailangan niyang umuwi sa kanila sa Bulacan, nangako siya sa kanyang mama.Baka ito ang lumuwas kung hindi siya uuwi, may edad na ang kanyang mama kaya hindi niya gugustuhing bumabyahe ito ng malayo para lang makita siya. Matapos maligo't mag-ayos ay nag mamadali nang bumaba ng hagdan si Jennica para matanggal din niya ang mga nakasaksak na appliances,nang masigurado niyang nakalock ng maayos ang kanyang pintuan ay umalis na siya. Hindi na siya nagdala ng bihisan dahil marami naman sakanila, Tiyak na masusurprisa si mama! naisip niya habang nasa biyahe. Mabuti nalang at patay na oras ang pagbyahe niya pauwi, kaya kahit na malayo ang lalakbayin niya hindi na masaydong nakakabagot.Minabuti niya na ring maidlip katulad ng ibang pasahero, pinaalalahanan naman niya ang kundoktor na gisingin siya kapag nasa Bulacan na sila. Ala-una na ng tanghali nakarating sa kanyang destinasyon si Jennica, bumungad sa kanya ang maluwag na ngiti ng kanyang inang si Janice,nang pagbukas siya nito ng pinto. “Jen-jen!mabuti naman at umuwi ka,”tuwag tuwang sabi nito, habang ginagaya siya sa hapag. “Kaya pala nagluto ako ng marami ngayon, nararamdaman kong uuwi ka!Alam mo bang kakaen palang kami?” Pagkalapag ng kanyang bag at pasalubong na mangga na nadaanan niya sa bungad ng sabdivison,ay nagmano si Jennica sa kanyang ama’t ina.Pinagmano naman sa kanya ang kanyang bunsong kapatid na lalaki na kakaumpisa palang sa highschool. “Bakit hindi kanaman nagtext,hindi ko tuloy nalinis iyong kwarto mo,” nag aalalang tanong nito habang inilalagay sa harap niya ang plato. “May masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong ng kanyang amang si Arturo, pati ang kanyang kapatid na si Jacob ay napatingin din sa gawi niya. “Naku , wala ho!”mabilis na tanggi niya,napangiwi si Jennica sa takbo ng isip ng magulang habang nagsasalin siya ng pagkaen sa plato. “Ang oa mo ,ma at pa!Ma,diba nga nangako akong uuwi after a month kasi nga eh susugod ka sa tinutuluyan ko pag di ako umuwi?”pagpapaliwanag niya sa kanyang pamilya. “Ay, oo nga pala!Tumatanda na talaga ako makakalimutin na,”natatawang sambit ng mama niya. Masagana silang kumaen ng tanghalian, inabot na sila nang isang oras sa hapag dahil sa pagkukwentuhan. Pagkatapos magligpit ay pumwesto na ang kanyang ama sa harap ng telebisyon at nanuod ng boxing, habang nagpaalam naman na magba-basketball ang kanyang kapatid.Magkatulong na inayos niya at ng kanyang ina ang kanyang kwarto, Maliit at payak ang kanilang tahanan, na pinagpapasalamat nila ng malaki dahil libre lamang itong ipinagkaloob ng gobyerno sa kanila.Isang palapag, pero may dalawang kuwarto, isang kusina at sariling palikuran sa loob ng tahanan at meroon ding silang maliit na kumidor malapit sa kusina at maliit na sala. “Anak, may bagong pinapatayong building diyan sa bayan, balita ko gagawing Hospital iyon eh,”umpisa ng kanyang ina habang dinadamitan ang kanyang kama ng panibagong bedsheet, “Ma…”hindi panaman nadudugtungan ni Jennica ang kanyang sasabihin ay nagsalita ulit ang kanyang mama. “Ito naman, hindi pa naman ngayon baka matagal pa matapos iyon,”depensa agad nito sa pagtutol niya. “Nakasama ko ulit iyong mga kaibigan ko noong college,ma…”pag-iiba niya sa usapan habang nagwawalis. “Abay, mabuti kung ganoon,” Matapos silang maglinis ay naupo sila sa kanyang kama para magkwentuhan pa,halos tungkol sa trabaho niya ang kanilang napag-usapan at kung nakakapag-adjust na ba siya sa buhay Maynila ulit.Maya maya ay nagtanong naman si Jennica tungkol sakanila sa bahay. “Kapag sabado ba ay hindi na pumapasada si papa?”pag-uusisa ni Jennica. “Hindi na, malaki na kasi ang kinikita ko sa pagtitinda ng mga ulam sa palangke,”pagkukwento nito, na ikinagulat ni Jennica,maging ang kanyang ina ay nagulat din sa nasabi nito. “Parang noong nakaraang buwan lang e, nasa bahay ka lang ah,”nangunot ang noo ni Jennica sa nalaman, wala siyang ideyang nagtitinda pala ang kanyang mama ng pagkaen sa palengke. “Iyong kumare ko kasing si Berta,nagyayang magtinda sa palengke ng mga pang umagahan e malaki naman kinikita ko at saka hinahatid ako ng papa mo sa umaga,”pagpapaliwanag nito sakanya “Papa,okay lang sa inyong nagtatrabaho si mama?”malakas ang boses na sabi niya, para marinig ng kanyang papang na nanunuod pa rin sa telebesyon. “Oo naman.”tugon nito sa malakas din na tinig. Hindi makapaniwalang napatingin ulit si Jennica sa inang si Janice, mula nang mamulat siya sa mundong ibabaw ay nasa bahay lang ang kanyang ina masyadong makaluma ang kanyang ama.Naalala niya pa noong panahong hirap na hirap sila ay ginusto ng kanyang inang magtrabaho ng Janitres sa bayan para makatulong pero todo ang tanggi ng kanyang ama.Kaya ano itong nagtitinda ang kanyang mama sa palengke? “May tinatago ata kayo sakin eh?”pananalakab siya sa ina na umiwas ang tingin sa kanya, “Naku, ikaw na bata ka, kung ano ano ang sinasabi!Mas maganda na ang nagtatrabaho ako, exercise na din,”sagot nito sakanya na tumayo na sa kanyang higaan. Mabilis siyang tumayo at humabol dito, naglalambing na yumakap sa likod ng kanyang mama si Jennica. Hinarap naman siya ng kanyang ina at niyakap din. “Namiss mo ako ano?”e Kung andito kalang ba sa bahay e kaya naman namin ng papa mo,”sabi nito sa habang hinahagod ang kanyang buhok. “Mama naman!Malaki na ako kailangan ko ding magtrabaho,”sagot niya sa pangungulit nitong magstay nalang sa Bulacan. Nang gabing iyon ay magkatabing natulog ang kanyang papa at si Jacob habang tumabi naman ang kanyang mama sa kanya, mama’s girl talaga siya simula palang noong bata pa siya dahil ang kanyang ina ang lagi niyang kasa-kasama sa bahay. “Ma, alam mo ba may laging tumatawag sa akin tuwing madaling araw…”pagkukwento ni Jennica sa kanyang caller, nakatagilid na nakayakap siya sa kanyang mama. “Ay, bakit naman madaling araw?”takang tanong ng kanyang mama na humarap sakanya. “Pang gabi daw trabaho niya eh, tapos ganoong oras lang daw siya pupwedeng tumawag,”pagpapaliwanag niya. “At naniwala kanaman?”pinandilatan siya ng mata ng ina “Baka may ibang pamilya yan, Jennica Anne!” “Naku, wala daw po!Talagang pang gabi daw po talaga ang trabaho niya,”pag tatanggol niya sa kanyang callmate. “Ay naku mahirap na,basta wag ka pa ding pakampante,”pagpapaalala nito sakanya na bumalik sa puwesto ito patagilid sa kanya. “Nauusa talaga yang call mate call mate na yan ngayong panahon, mag-iingat ka! Noong nakaran may nabalitaan ako sa radiyo tungkol sa babaeng nakipagkita sa kanyang call mate, ayon di na nakauwi,nakita nalang sa talahibaan wala ng buhay sa Pampanga ata banda,”pagkukwento nito sa kanya. “Opo,tatandaan ko yan,pamangkin daw siya ng landlady ko,”dagdag niya. “Nakumpirma mo na ba yan?”tanong nito, na kinatahimik niya dahil hindi pa naman niya iyon nakukumpirma sa kanyang landlady.Nabasa ata ng kanyang ina ang kanyang naisip dahil sinabi nitong kumpirmahin niya muna para sigurado. Itatanong pa sana ni Jennica ang tungkol sa kanyang alaalang hindi pa rin bumabalik pero narinig niyang mabining humihilik ang kanyang mama,mahigpit niyang niyakap ang kanyang mama at nakatulog na rin. Araw ng linggo, dahil sama-sama sila ay naisipang magsimba ng kanyang papa.Maaga palang ay nasa simbahan na sila kaya marami pang bakanteng upuan sa unahang bahagi, maliit lamang ang kanilang lugar kaya halos lahat ay magkakakilala. Dahil may pasok pa kinabukasan ay hindi na napilit pa ng kanyang ina si Jennica na kinabukasan na lumuwas pa-Maynila.At dahil nagsimba sila at maraming kakilala ang kanyang mama at papa nakipagkwentuhan pa ito sa mga ito,hindi naman niya masisi ang kanyang magulang dahil grabe ang tsismis sa kanilang bayan.Tahimik lang siyang nakikinig at sumasagot lang kapag tinatanong,binibida talaga siya ng mga magulang. Napansin ni Jennica ang makahulugang tingin ng ibang tao sa kanya, mostly iyong hindi kahuntahan ng kanyang magulang,nakakapagtaka dahil ang iba sa mga taong naroon ay close din naman sa kanyang mga magulang pero bakit ilag ito sakanila? Pagkatapos silang ihatid ng kanyang mama sa terminal ng bus ay umalis muna ang kanyang papa para bumili ng gamit sa hardware,sinamahan muna siya ng kanyang mama habang nagpupuno pa ang bus. “Ma, bago ko makalimutan…Ano ba talagang nangyari sakin?”tanong niya sa ina na nasuprisa sa tanong niya.Nangilid agad ang luha sa mata ng kanyang mama, nagulantang siya sa reaskyon ng ina. “Ay,wag naman kayong umiyak ng ganyan!”mahinang sabi niya habang pinapahid ang luha ng kanyang ina.May ilang pasaherong naghihintay din ang napatingin sa gawi nila. “Sa totoo niyan anak, hindi ko rin talaga alam,”umpisa nito nang mahimasmasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD