Nabuburyong ibinaba ko ang kamay na may hawak ng cellphone! Mag-aalas dose pa lang, hindi ko na alam ang gagawin ko!
Sa karami-dami ba naman kasing alarm ang inihanda ko para ngayon ay saka pa ako hindi nagising! Isa pa itong si Mimi! Akala ko personal siyang pupunta rito para gising ako kapag hindi ko nasagot ang nga texts o kaya ang nga tawag niya!
“Nakakainis..” inirapan ko ang ceiling at tumagilid, paharap sa may bintana!
Tutal hindi na rin naman ako nakapasok ay susulitin ko nalang, pero ano naman ang gagawin ko dito buong maghapon? Tutulala?
Bigla ay naalala ko ang ngiti ni Matteo kahapon sa canteen! Para saan ba ang ngiting 'yon? Alam ba niyang naiinis ako sa kaniya kaya nginitian niya ako ng ganoon para inisin ako lalo?
“Pero hindi naman nakakainis ang ngiting 'yon!” muli ay naramdaman kong may kumikiliti sa loob ng tiyan ko! “Walang hiya talaga!” ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko!
Hindi naman ako ganitong kiligin, ngayon lang! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at awtomatikong naglakad ang mga paa ko papasok sa banyo saka ako nagmamadaling naligo!
Nang matapos magsabon ay minadali kong tuyuin ang katawan at buhok ko! Nagbihis ako ng uniform! Lalabas pa lang sana ako sa sariling pinto nang may kumatok roon! Bigla ay kinabahan ako! Sino naman kaya ito?
Mariin akong kinagat ang labi ko at iwinasiwas sa isip na si Matteo ang naroon! Ipinikit ko pa ang dalawang mata ko habang binubuksan ang pinto. Hindi ko pa man naimumulat ang magkabilang mata ay nakatanggap na ako ng malakas na hampas sa ulo!
“Ikaw talagang babae ka! Muntik na akong malate kanina kakahintay sa'yo! 'Yon naman pala hindi ka pumasok!”
“Aray, aray! Tama na Mimi!” nginusuan ko siya! “Hindi ko naman alam na hindi pala ako magigising ng maaga, eh!” sinamaan niya ako ng tingin saka hinablot ang kamay ko papalabas ng boarding house!
“Bilisan mo na! Baka malate na talaga ako ngayon! Ano? Nagtanghalian ka na?” kuda niya habang naglolock ako ng pinto!
“Hindi pa. Plano ko ngang dumaan muna kina ate Ray.” imbes na makatanggap ng maayos na trato ay binatukan na naman niya ako!
“Tignan mo naman talaga ang babaeng ito! May baon ako! Share nalang tayo!”
“Hindi mo naman kailangang mamatok, ah?!” inis na bulalas ko at hinaplos-haplos ang parteng binatukan niya! Napakamasukista ng babaeng ito! “Hindi ka pa kumain?” iniba ko ang usapan!
“Hindi pa, magmumukha lang akong tangang mag-isang kumakain sa canteen, ano ka? Sinuswerteeee?” ininis niya pa talaga ako!
“Ang dami-dami mong kaibigan, ba't di ka sumabay sa kanila?” nginiwian ko siya! Para talagang elementary utak nito!
“Ayoko nga! Magmumukha rin akong tanga! Mas mukhang tanga pa nga siguro ang mga 'yon kung ikokompara sa akin na mag-isang kumakain!” tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya! May maichichika na naman 'to, alam ko.
“At bakit naman aber?” tinaasan ko siya ng kilay na siya rin namang ginawa niya kasabay ang pagtaas ng isang daliri sa ere!
“Naghahabol lang naman sila oras-oras sa lalaking 'yon!” hindi ko alam kung anong itsura ng mukha ko! Sabay kasing kumunot ang noo ko habang nakataas ang isang kilay!
Hinila ako ni Mimi para magpatuloy kami sa paglalakad papunta sa paaralan, pero syempre, hindi 'yon makakapigil sa amin para mag-usap!
“Mabuti hindi sila itinataboy at pinapatigil?”
“No way! Papaano mo nalaman 'yan?! ‘Wag mo sabihing stalker ka ng lalaking 'yon?” umawang ang labi ko! Nagulat sa biglaang pagsigaw niya kasabay sa mga salitang lumabas sa bibig niya!
“Baliw ka ba?! Hinaan mo nga 'yang boses mo! Saka hindi 'no! Kahit kailan hindi ako magiging stalker ng isang lalaki!” ipinagsalikop ko ang magkabilang braso!
“Hindi mo talaga ako maloloko, Alliyah! Buking na buking ka sa'kin!” sabay na nagtaas-baba ang dalawang kilay niya habang nakangisi!
“Baliw! tigilan mo'ko! Magkaklase kami kaya alam ko ang ginagawa niya sa mga nababaliw sa kaniya!” ibinalik ko sa kaniya ang ngisi niya!
Dahil sa gulat ay napatigil siya sa paglalakad habang umaawang ang labi, palaki ng palaki! Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang reaksyon niya! Nakakatawa!
Parang siyang nakakita ng multo dahil nagbibilog ‘o’ pati ang mata niya! Isama mo na rin ang ilong at bibig niya, hahaha!
“A-ano kamo?!” gulat at hindi parin makapaniwalang tanong niya!
Nakangisi ko pa ring sinabi sa kaniya ng pangalawang beses! “Magkaklase kami.”
“Oh my god.” kasabay ng tatlong salita niyang iyon ay ang paglakad niya ng tatlong hakbang rin papalapit sa'kin, parang baliw! “Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?!” niyugyug niya ang buong pagkatao ko!
“Ano ba, ano ba!” maingat ko siyang itinulak palalayo sa akin! “Umaacting ka na naman, eh!”
“Totoo nga?!” tinanguan ko siya saka nagpatuloy sa paglalakad! “Hoy! Alliyah! ‘Wag mo'kong tinatalikuran ha!” natatawang hinintay ko siyang makahabol sa'kin!
Nang makarating sa paaralan ay dumeretso kami sa student lounges malapit sa may canteen saka kami sabay na kumain. Bumili lang ako ng kunting pagkain sa canteen at ang iba ay kinuha ko na galing sa baon ni Mimi.
Hindi na kami nagtagal roon dahil kalahating oras nalang ay magsisimula na ang klase. Naghiwalay kami ng landas ni Mimi saka ako nakarating sa classroom.
Sa oras na lumapat ang paningin ko sa bandang likuran ay nakita ko kaagad ang kumpulan ng mga babae! Hindi na ako magtataka kung nandiyan sa loob ng kumpulan si Matteo!
Napabuntong-hininga ako. Hindi pa ako makakaupo sa upuan ko dahil sa sobrang raming babae ang naroon ay napasok na sa kumpulan nila ang upuan ko! Kaya imbes na tumuloy ay bumalik ako sa labas ng classroom.
Nagpalipas ako ng ilang sandali roon, nauupo lang sa may pinto. Nang mainip ay tumayo ako nang makapasok ay laking pasasalamat ko nang naupo na sila sa kaniya-kaniyang pwesto!
Habang naglalakad papunta sa pwesto ko ay parang tumigil ang oras! Nagkatinginan kami sa isa't-isa isa saka ko naramdaman ang pag-iba ng paligid ko! Hindi iyon ang classroom ko sa pagkakaalam ko!
Nanlaki pa ang mata ko nang maisip na nasa isang hardin ako habang nakikipagtitigan kay Matteo! Hindi iyon ordinaryong hardin lang dahil may kakaibang nilalang ang nasa paligid na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko!
Anong nangyayari?
Kumunot ang noo ko! Hindi ko alam kung paanong nangyari 'yon! Bigla ay nanghina ang buong katawan ko! Hindi ko na rin namalayan ang pagkatumba ko!
Nang magising ay halos puti lahat ang nakikita ko bukod sa ilaw na medyo madilaw! Nang itagilid ko ang ulo ko ay nakita ko si Mimi. Nakaupo habang nagbabasa ng libro sa math. Ibinaling ko rin sa kabilang banda ang paningin ko at nakita ang bag ko.
“Oh, mabuti at gising ka na?” bahagya akong nagulat sa boses ni Mimi sa sobrang tahimik ng kwartong ito!
“Nasaan tayo, Mimi?” napakamot siya sa ulo at isinarado ang librong binabasa niya.
“Nasa clinic.” napabuntong-hininga siya saka palang mas lumapit sa kamang hinihigaan ko. “Ano ba kasing nangyari?” kunot na agad ang noo nito nang masulyapan ko!
“Hindi ko alam..” pahina nang pahinang sabi ko. Dahan-dahang bumalik sa utak ko ang nangyari bago ako magising rito sa loob ng clinic!
Nanlaki ang mata ko nang maalalang naglalakad lang naman ako papunta sa upuan ko!
“Liyah? Ano? Naalala mo na?” kumunot ang noo ko!
“Naglalakad lang naman ako papunta sa pwesto kong upuan, Mimi.” kunot ang noong tiningnan ko siya sa mata.
Nang sabihin ko iyon ay parang may mali. Alam kong meron, pero hindi ko maipaliwanag. Hindi ko nga maklaro sa sarili ko kung anong mali. Basta alam ko sa sarili kong hindi lang iyon ang nangyari, bukod sa naglalakad ako papunta sa upuan ko ay mayroon pa, hindi ko lang talaga matukoy o maalala kung ano.
“Liyah? Ano? Okay lang ba ang pakiramdam mo? Pwede namang manatili ka nalang muna rito sa clinic. Pero papasok ako, ha? Iiwan muna kita. babalik nalang ako mamayang hapon para sabay tayong umuwi.” hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagdesisyon na siya kaya mabilis na inabot ko ang laylayan ng palda niya.
“Ayos lang naman ako, kaya kong pumasok sa klase.” bumaba ang paningin niya sa mata ko, alam kong hindi niya mababasa iyon sa ngayon dahil naguguluhan pa ako sa nangyari.
Hindi naman ako nalipasan ng gutom, hindi nga ako nagkukulang sa tulog bukod kagabi na nagising rin naman ako ng tanghali bilang pambawi!
“Ano ba kasing nangyari? Nagpapagutom ka yata, eh? Alam mo bang nag-alala ng sobra si mama kanina nang itawag ko sa kaniya ang nangyari sa'yo?” napakamot ako sa ulo.
“Okay lang naman ako, Mimi. Maganda nga ang pakiramdam ko sa katawan ko, eh. Hindi ko alam kung pano nangyari 'yon. Saka alam mo namang kumakain at natutulog ako sa tamang oras. Saka alam mo namang hindi ako depress, 'di ba?”
“Oo, siya. Ililigpit ko lang muna 'tong mga gamit ko. Ihahatid lang kita sa classroom mo saka ako dederetso sa'kin.” sabay kaming tumayo at kinuha ang mga gamit namin. Inayos ko pa muna ang kumot na ginamit ko saka ako nilapitan ni Mimi at inalalayan.
“Mimi, ayos lang ako. Nakakapaglakad naman ako ng matino.” natawa ako sa sariling sinabi! Saka iyon dinugtungan, “Hindi naman ako nalasing.” inirapan niya ako!
“Psh! Tumahimik ka na nga! Ihahatid na nga kita, 'di ba?” hindi ko na siya sinagot at hinayaan siyang tulungan ako.
Nang makapasok sa classroom ay hindi pa ako iniwan ni Mimi. Hinatid niya ako papunta sa upuan ko—kung nasaan ay nasa likuran ko si Matteo—matapos manigurado ni Mr. Matsumoto na okay na talaga ako saka palang rin umalis si mimi.
“Okay, let's continue the discussion. Are you sure you can cope up, Ms. Alliyah?” marahan akong tumango at inilabas ang libro ng History.
Ilang sandali pa ay nagbigay ng groupings si Mr. Matsumoto, tatlong estudyante kada grupo! Hindi ko inaasahan na makakasama sa grupo si Klea at Matteo!
“Okay. Make sure to finish the task I have given you today. Because you will need it tomorrow with your group mates.” nagtanguan ang lahat at nagpunta sa kaniya-kaniyang grupo.
Para magkaharap kaming tatlo ay sabay na inikot namin ni Klea ang upuan na agad namang napigilan ni Matteo! “I should be the one to sit right there.” itinuro ni Matteo ang bakanteng silya sa harap namin ni Klea kaya napapahiyang ibinalik namin sa dating puwesto ang dalawang upuan.
“Ah.. okay. So paano natin sisimulan ang task?” si Klea ang unang nagsalita!
“Well, we should discuss or research about the topic that has been given to us?” si Matteo! “What do you think, Ms. Alliyah?” bumaling ito sa akin pero nang akma kong sasalubungin ang paningin niya ay mabilis niya itong iniwas!
“O-okay naman 'yon. Walang problema sa'kin.” pinilit kong ngumiti nang magkatinginan kami ni Klea!
“Okay. So.. saan natin gagawin ang kailangang gawin?” si Klea pa rin ang nag-iisip sa lahat ng pwede naming gawin!
“Library?” hindi siguradong nagbigay ako ng suhesyon kasabay naman ang kay Matteo! “It should be a house.”
“We can pick, guys.” natatawang sabi ni Klea, “Or we can make it at a twenty four hour caffee?” sabay na tumaas-baba ang dalawang kilay ni Klea. “Well, if you guys don't want to, we can choose, either in a library or in a house? So what is it?” isinasayaw-sayaw ni Klea ang ballpen niya na dahilan para gumawa ito ng tunog, ang tanging ingay na naririnig namin habang walang nagsasalita!
“Pwede rin namang sa bahay nalang, mas comfy.” sinugalan ko narin ang suhesyon ni Matteo, may point rin naman kasi.
Tumango si Klea at akmang magtatanong pero naunahan ko siya!
*Correction, naunahan namin siya ni Matteo.
“Not in my house.” iyon ang sinabi ni Matteo habang ang sa akin ay, “Hindi pwede sa bh ko.”
Pareho kaming tinaasan ng kilay ni Klea. “Freaking fine. Sa bahay ko nalang.” napairap siya sa aming dalawa ni Matteo saka ibinigay sa amin ang address niya!