Parehong nasa labas na kami ng gate nina Klea, naghihintay kung sino ang bubukas sa amin. Nabuburyo narin ako dahil hindi man lang nagsasalita itong si Matteo.
Ang pangit naman siguro kung ako ang mauunang mag-ingay? Baka mapagkamalan pa akong feeling close!
“Ma'am, Sir. Kanina pa po ba kayo rito?” nakangiti sa akin ang babaeng halatang katulong rito sa bahay nina Klea.
“Opo. May mga ilang minuto na rin po.” nginitian ko siya pabalik saka niya binuksan ang gate para makapasok kami ni Matteo.
Hanggang sa paglalakad papasok sa bahay nina Klea ay tahimik lang si Matteo. Hindi ko alam kung pinanganak ba talaga siyang ganito o kapag ako lang ang kamasa niya ay tahimik siya.
“Klea keep ignoring my messages. Is she here already?” nang ihatid na kami ng katulong sa sala kung saan pwede naming hintayin si Klea ay nagsalita si Matteo!
“Ah.. nandito na po, sir. Nasa kwarto niya po kasama iyong kaibigan niya 'ata.” napapakamot sa ulo na sagot ng katulong. “Sandali lang po at tatawagin ko lang, ha? Maupo na po muna kayo diyan at dadating po iyong juice na ipinahanda ko.” ngiti nito at nagmamadaling lumakad palayo, papunta kay Klea.
Habang naghihintay ay napapansin ko ang mga nakaw na tingin ni Matteo sa'kin! Tinaasan ko siya ng kilay at hinarap, kung kanina sa klase ay hindi niya masalubong ang tingin ko ay kasalungat iyon ngayon!
“Ano?” matigas na usal ko at ibinaba ang paningin sa juice na nasa harap ko. Marahan ko iyong ininom.
“Are you.. feeling better now?” ang limang salitang iyon ay nagpataas ulit ng kilay ko! Itinigil ko ang pag-inom at mariin siyang tinitigan!
Hindi pa man umaabot ng ilang segundo ay iniwas niya ang paningin at sumandal sa malambot na couch. Kumunot ang noo ko, anong problema ng lalaking 'to?
“Feeling better now? Pupunta ba ako dito kung hindi?" ginaya ko siya at pilosopong sinagot dahilan para lingunin niya ako habang nakataas ang isang kilay!
“You don't have to talk to me if you don't want to, you know.” muli ay iniwas niya na naman ang paningin! Kahit pa bahagyang nakatagilid na ang mukha niya sa akin ay nakita ko ang pagngiwi niya!
“Pshh, you don't have to talk to me if you don't want to.” mahinang ginaya ko siya nang ako lang ang nakakarinig pero akala ko lang pala 'yon!
“I heard that.” aniya at sinapo ang noo! Napailing pa ito bago inilabas ang maliit na libro galing sa bag niya!
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko nang naglalakad si Klea papunta sa direksyon namin! Hindi ko na masyadong napansin ang reaksyon ni Matteo nang makita si Klea pero nagulat talaga ako nang bahagya dahil sa nakita ko!
Medyo makalat ang buhok niya halata rin ang gusot sa school uniforms niya. Tumaas ang isang kilay niya at ipinilig ang halos lahat ng buhok niya sa iisang banda! Mamaya pa ay may biglang tumabing lalaki sa kaniya, ipinulupot nito ang mga braso papunta sa bewang ni Klea.
“Well, how's meryenda?” bumaba ang paningin ni Klea sa nasa maliit na mesa na pumapagitna sa amin ni Matteo.
“Your meryenda went well, eh?” bulalas no'ng lalaking katabi ni Klea!
Tinabig ni Klea ang kamay nito dahilan para ipagsalikop niya ang mga braso at ilagay sa sariling dibdib saka ngumiwi!
“Okay naman.” sagot ko at nilingon si Matteo.
Magsalita kang impakto ka! Mariing pinisil ko ang bandang likuran ko! Napaka awkward ng atmosphere!
“Shall we start?” nakahinga ako ng maluwag nang walang anu-ano'y nagyaya itong magsimula na!
Dinala kami ni Klea sa study room niya na naka separate sa mismong kwarto niya kasama iyong kaibigan niyang lalaki. Nang makapasok ay hinarap niya kaming dalawa ni Matteo.
“Please feel at home. You can use any computer here. Feel free to use any books, too. Let's do this individually, is it okay? Then after pwede na nating pag-isahin 'yong mga nasearch natin?” nalito ako sa sinabi niya, kung suggestion ba o utos? Ewan ko.
Tumango nalang ako at naghanap ng komportableng pwesto para sa akin. Naupo ako sa harap ng isang unit at maingat na binuksan ito. Napansin ko naman si Matteo na naglalakad, naghahanap ng libro sa shelves.
Sandaling napasulyap ako sa kaniya, sinusundan siya ng tingin! Hindi ko alam kung bakit, pero parang hinihigop ng kung ano ang mata ko para matitigan lang si Matteo!
“You know staring is rude, Alliyah.” nanigas ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi niya! Nagpatuloy lang siya sa paghahanap ng libro matapos iyong sabihin!
Mabilis na yumuko ako at kunwaring binalingan ang unit na naghihintay nalang na gamitin ko! Umiling ako at inilapag ang bag sa sahig para ilabas galing roon ang notebook at libro ko sa history!
BABALA: Ang parteng ito ng episode ay naglalahad ng malisya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay napapatigil ako nang marinig ang kung ano mang mahinang ungol! Kumunot ang noo ko at akmang lilingon sa unahan nang biglang saluhin ng kung sinong kamay ang mukha ko at ibalik ang paningin ko sa kabilang dako ng study room!
“You're not suppose to see that.” aniya at napasulyap sandali sa unahan saka niya hinawakan ang pala-pulsuhan ko at inakay ako papalayo sa bandang iyon!
“'Yong gamit ko.” pinigilan ko si Matteo sa panghihila sa akin! Naiwan ko roon ang gamit ko!
“I'll get that for you. Stay here.” tumango nalang ako at naghintay na makabalik siya.
Malakas ang t***k ng puso ko hindi dahil sa ginawa ni Matteo, kung hindi dahil sa narinig ko at kung ano man ang hindi ko pwedeng makita na sinabi ni Matteo. Alam ko sa sarili kong may ideya ko sa narinig ko, pero tama nga si Matteo. Hindi ko na dapat 'yon makita!
Napabuntong-hininga ako nang makita na si Matteo bitbit ang bag, libro at notebook ko. Ibinigay niya sa akin ang libro at notebook ko saka ako hinila papunta sa isang sulok kung nasaan ang mga gamit niya.
“Wait.” aniya at mabilis na niligpit ang mga 'yon saka niya ulit ako hinila papalabas ng study room!
Nang makalabas ay narinig ko siyang mahinang magmura! Kitang-kita ko ang pawis sa noo niya habang napapalingon siya pabalik sa study room!
“Are you okay?” magkasalubong ang kilay na tanong niya sa akin! Tumango lang ako at tahimik na napaupo sa couch. “They could make out in the bedroom, not in the study room!” bulalas pa nito at pinahiran ang pawis niya! Muli ay narinig ko na naman siyang magmura!
Nakagat ko ang labi ko saka binalingan ang hawak kong libro at notebook. Hindi pa ako tapos magresearch! Anong oras narin, dapat ay makauwi pa ako sa bahay para makapagbihis! Kagaya ni Matteo ay suot parin namin ang school uniform!
Sa katunayan ay sabay kasi kaming pumunta ni Matteo rito, pinasakay niya ako sa kotse niya. Nagpaalam rin ako kay Mimi na hindi makakasabay sa kaniya pauwi kaya nauna na siya.
“A-ano nang gagawin natin?” kinunutan ko siya ng noo! Kailangan na namin 'to bukas kaya hindi pwedeng ganito nalang 'yon!
“Do you know other places where we can continue this research?” malalim na bumuntong-hininga ako! Hindi pwede sa bh ko, hindi rin pwede sa bahay niya, napapaisip ako kung saan pa pwedeng gawin ang project na'to?
Kina Mimi!
Iyon ang unang pumasok sa isip ko! Alam kong medyo magiging maingay do'n kapag dinala ko si Matteo sa kanila, pero wala nang ibang lugar na pagdalhan sa kaniya!
Habang nasa byahe ay tahimik kaming pareho ni Matteo. Hindi na rin kami nagpaalam kay Klea dahil sabi ni Matteo ay busy raw ito at may ibang ginagawa.
Ilang minuto ang lumipas ay nakaramdam ako ng marahang pagtapik sa braso ko! Dahan-dahan kong ibinuka ang mata at nakita si Matteo na nakatunghay sa akin! “I guess we're here.” halos pabulong na niyang sabihin iyon!
“Hmm..” umayos ako ng upo at kinusot ang dalawang mata. “Tara, baba na tayo.” nauna kong binuksan ang pinto ng sasakyan saka sumunod si Matteo.
Pero bago ko pa man pinihit ang pinto ng grocery store nina Mimi ay sinulyapan ko muna ang relo ko. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makitang pasado alas dyis na ng gabi!
“What?” inosenteng tanong niya at napabaling sa hawakan ng pinto.
“Alas dyis na. Sarado na.” nabuburyong tumingala ako saka inaantok na ibinalik ang paningin kay Matteo! “Ano? Saan na natin tatapusin 'to?”
Walang emosyon na nilingon ni Matteo ang sariling sasakyan saka nagsalita! “Well, I guess we'll finish it in the car? Bakit ba kasi ayaw mo sa bahay mo?” imbes na sagutin siya ay tinanong ko rin siya pabalik!
“Eh, bakit bawal sa bahay mo?” nagkibit balikat ito saka humugot ng hininga!
“You're not answering my question.” aniya at binewangan ako!
“Bawal ako mag-uwi ng bisita sa bh kapag gabi.” napabuntong-hininga siya at naglakad palapit sa sasakyan niya.
“Come on, inside.” sumakay ako sa sasakyan saka niya iyon pinalarga!
Akala ko ay naghahanap lang siya ng magandang lugar para doon namin tapusin ang pagreresearch, pero nagkamali ako nang pumarada siya sa labas ng gate ng isang magarang bahay!
Kinunutan ko siya ng noo, “Nasaan tayo?” kuryusong tanong ko pero hindi niya ako sinagot!
Bumaba siya ng sasakyan at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pinto! Aba! Akala mo naman ginawa niya 'yon sa'kin kanina!
“In my house.” aniya at inilahad ang kamay sa akin, tinaasan ko siya ng kilay.
“Kaya ko mag-isa.” sinalubong niya ang tingin ko saka umangat ang gilid ng labi niya!
“I know, but I don't care.” mas inilapit niya pa sa kamay ko ang kamay niya at tuluyang kinuha iyon ng hindi ako kumilos! “And try not to ask too many question when we're inside my house.” ginaya niya ang pagtaas ng kilay ko saka ako marahang hinila papalabas ng sasakyan!
Nang tuluyang makapasok sa loob ng bahay ni Matteo ay halo-halong pakiramdam ang nasa loob ko! Hindi ko maintindihan ang disenyo ng bahay niya!
May mga ugat ng mga bulaklak na malayang dumidikit sa pader. Mas marami pa yata ang mga bulaklak sa loob ng bahay niya kaysa sa mga gamit na nasa isang bahay!
“Mahilig ka sa bulaklak?” hindi ko na napigilan ang magtanong! Ang weird lang kasi! Siya lang ata ang kilala kong lalaki na mahilig sa mga halaman!
“I said don't ask—”
“Oh, you're finally home, baby!” akala ko ay jowa iyon ni Matteo, pero malaki ang pasasalamat ko at hindi ko isinatinig iyon matapos tawagin ito ni Matteo na..
“Mom. Good evening. By the way, I've brought a friend.” nasalubong ko ang bilog na mata at bibig ng mama niya! Hindi napigilang ipakita ang gulat sa mukha!
“What the.. You've brought a girl! Are you his girlfrie—” pinutol ni Matteo ang paglapit at akmang pagyakap sa akin ng mama niya!
“Stop it, mom. I said a friend.” idiniin ni Matteo ang huling salita!
Awkward na ngumiti ako sa mama niya! Mariin na hinawakan niya ang magkabilang kamay ko nang bitawan siya ni Matteo! “Of course, a friend.” pero kumunot ang noo nito, “But why are you bringing a friend this late, baby?”
Imbes na sagutin ni Matteo ang mama niya ay iba ang sinabi nito! “Mom, stop calling me baby. It's embarrassing!”
“Oh, is it because you'll be embarrassed in front of your friend? Or is it because you're already a big guy, huh?” tinukso pa siya ng mama niya pero dinilatan lang siya nito!
“Good evening po, Ms. De Leon.” mabuti nalang at naalala ko ang last name nila para hindi maging awkward kapag binati ko ang mama ni Matteo!
“Oh, please. Just call me tita. Besides, you're the first girl Clare brought here!” kinindatan ako ng mama niya saka ako nahihiyang umiling!
“Mom, I heard that!” bulalas ni Matteo galing sa kung saang sulok ng bahay niya!
Kumunot ang noo ko, tama ba ang narinig ko kanina? Clare?
“Pwede ko po bang malaman ang second name ni Matteo?” nagdadalawang-isip mang magtanong ay itinanong ko pa rin iyon!
“It's Clare, darling.” pinisil ng mama niya ang pisngi ko saka mahinang tumawa! “I'll prepare juice. And—oh! Haven't you changed your clothes yet? Come here, I'll let you borrow my clothes, go change inside the guest room. Call me when you're done, honey.” hindi na ako nakasagot sa bilis magsalita at maglakad ng mama ni Matteo!
Iniwan nga ako ng mama niya sa loob ng isang bakanteng kwarto! Bago nagbihis ay sinilip ko muna ang bawat sulok kung wala bang nakatingin o baka may camera o ano. Nang makita ko namang safe ay mabilis akong nagbihis.
Sinundo rin ako ng mama ni Matteo matapos kong magbihis! Nang sabay kaming bumalik sa sala ay naroon na si Matteo, Umiinom ng juice matapos nguyain ang cookies na nasa kamay niya!
Sandali siyang napatitig sa akin nang makitang suot ko ang masikip na damit at katamtaman kahabang skirt na umabot naman sa may tuhod ko!
“You like it, huh?” akala ko ay ako ang kausap ni tita, pero sandali akong napahiya nang makitang nakatingin siya kay Matteo!
“Mom, you should make her wear pajamas. It's evening and evening is cold.” ibinaba ni Matteo ang hawak niyang baso at nag-angat ng tingin sa mama niya!
“Oh, she'll change later after you guys finish your works. I'll see you later?” bumaling sa akin si tita at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. “Just call me if you need anything, dear.”
“Good evening po, tita.” ngumiti siya at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap bago niya kami tuluyang iwan ni Matteo sa sala.