Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Matteo! Alam kong pagod na siya dahil ganoon rin naman ako, pero kailangan namin 'tong tapusin, kung hindi ay wala kaming maipapakita kay Mr. Matsumoto sa klase niya!
Nang sulyapan ko ang wall clock ay mas lalong nawalan ako ng gana! Alas dos na ng madaling araw at heto pa rin kami ni Matteo nakaharap sa kaniya-kaniyang gadgets para matapos ang task na'to. Samantalang si Klea ay naroon sa bahay niya at nagpapakasarap!
Iwinaksi ko ang ibang pumapasok sa isip ko at sa hindi mabilang na pagkakataon ay sinubukan ko uling ibigay ang lahat ng atensyon sa ginagawa. Nagbasa ulit ako sa article na binuksan ko at isinulat sa notebook ko ang may koneksyon sa task na ibinigay sa amin. Nang makita ko sa gilid ng mata ko si Matteo ay busy ito na nagpipindot sa keyboard ng laptop niya, gumagawa ng presentation.
“Nang sumapit ang ikalawang taon ay..” binigkas ko na ang mga salitang iyon habang isa-isang isinusulat sa notebook ang bawat salita para lang hindi ko ito malimutan at hindi na paulit-ulit na sumulyap sa monitor ng laptop.
“Keep quite. It's not only you who's working, noisy.” inis na nilingon ako ni Matteo kaya inirapan ko lang siya!
“Paraan ko 'yon para mabilis kong maisa-ulo. ‘Wag kang makialam.” inirapan ko ulit siya saka ibinalik ang paningin sa laptop.
Nakita ko siyang napa-iling saka pa lang ibinalik ang atensyon sa sariling ginagawa. Ilang sandali pa ay ramdam ko na ang pagod ng mga mata ko na kusa na itong sumasara para sa akin!
Bago tuluyang nalunod sa antok ay nakita ko pa si Matteo na patuloy at mas binibilisan pa ang ginagawa!
~~~~~~~
Na alimpungatan ako ng maramdaman kong nailapag na ng tuluyan ang buong katawan ko sa malambot at malaking kama! Bahagya akong napangiti at ipinilig ang buong katawan sa iisang banda saka ako nagpatuloy sa mahimbing kong tulog!
*Ring~ Ring~*
Marahan na idinilat ko ang isang mata at nakita ang ibang kwarto dahilan para buksan ko ang pareho kong mata, gulat! Inilibot ko ang paningin at naalala na nasa guest room ako ng bahay nina Matteo!
Nang aksidenteng malingunan ko na naman ang wall clock sa kwartong iyon ay namilog ang mata at labi ko! Alas nuwebe na!
Nagmamadaling tumayo ako at basta-basta nalang itinapon ang kumot sa kung saan at binuksan ang pinto ng kwarto na siya namang akmang gagawin rin ni tita!
“Oh, you're finally awake. How was your sleep?” magandang ngiti ang bungad sa akin ni tita na siya namang pilit na sinuklian ko!
Sobrang sarap po ng tulog ko kaya hindi ako nagising ng maaga at heto ako ngayon nagpipilit ng magandang ngiti dahil sobrang late ko na para pumasok!
Ganoon kahaba ang sagot na nasa isip ko pero ang tanging lumabas lang sa bibig ko ay, “It was so comfortable, tita.” ngumiti ako ng mas malapad matapos siyang sagutin!
“Oh, good! Good to hear that. Come, let's eat breakfast together. Do you know that I patiently waited for you for hours? So you can't say no, Okay?” akma na akong tatanggi dahil gusto ko nang umuwi ng bahay pero may bumara sa lalamunan ko nang marinig ko ang idinugtong ng mama ni Matteo!
“S-sige po.” nagpaakay nalang ako sa kaniya papunta sa kitchen nila saka kami sabay na kumain!
Napansin ko rin na pati pala dito sa kusina nila ay may mga bulaklak pa rin! Parang lahat yata ng bahagi ng bahay ay may mga halaman. Doon lang yata sa guest room ang wala!
“Oh, by the way, can you stay here a little bit longer? Clare will come home this lunch so he can pick you up then you will both go together at school.” walang anu-ano'y pakiusap na naman ng mama ni Matteo!
“Okay lang po ako, tita. Kaya ko na po'ng umuwi mag-isa.” matamis na nginitian ako ng mama ni Matteo saka ibinaba ang paningin sa pancakes niya.
“Well, I know. But we can't let you go alone, especially, Matteo. And let me tell you this, sinanay si Matteo ng daddy niya to be a thoughtful man, to be a gentleman. So, as her mother, I can't let you go until he comes back to pick you up.” kumunot ang noo ko!
Alam kong normal naman ang ganoong bagay, pero bakit parang may kakaiba? Bakit sa paraan ng pagkakasabi ng mama ni Matteo ay higit pa roon ang pagsasanay na dinaanan niya? Parang.. may tinatago sila?
At dahil sa pumasok sa isip kong iyon ay hindi ako nagdadalawang-isip na manatili sa bahay na'yon at mas kinausap pa si tita hanggang sa dumating nga si Matteo para kunin ako.
Idinaan niya ako sa boarding house ko at hinintay na makapaghanda saka niya ako isinabay papunta sa eskwelahan! Nang makababa ng sasakyan kasama ni Matteo ay ramdam ko ang matutulis na titig na ipinupukol sa akin ng mga schoolmates namin!
Alam ko, pinagseselosan na naman ako ng mga 'to!
“Salamat nga pala.” bago pa man kami makapasok sa classroom kung saan ay ipepresent namin ang ginawa namin ng buong magdamag kinausap ko siya!
“No proble—”
Hindi na natapos ni Matteo ang sasabihin nang may malakas at masakit boses sa tenga ang sumingit sa usapan namin! “Liyah! Ba't hindi ka pumasok kaninang umaga? Ha?!” sabay na napapikit kaming dalawa kaya napapailing na naunang pumasok si Matteo sa akin!
“Ano ka ba? Ang lakas ng boses mo!” imbes na sagutin ay nginiwian ko si Mimi!
“Ikaw naman kasi! Pinuntahan kaya kita sa bh mo! Tapos sabi ng mga kapit-bahay mo hindi ka raw umuwi kagabi! Ano? Sa'n ka natulog, ha?” mala imbestigador na tanong sa akin ni Mimi! Pero hindi ko pa rin siya sinagot!
Kailangan ko nang pumasok kasi isang minuto na lang ay darating na si Mr. Matsumoto at kailangan pa naming maghanda!
“Maiwan na kita!” hindi na ako napigilan ni Mimi kaya umalis na rin lang ito!
~~~~~
“So, Ms. Klea? I want to ask one last question.” nakataas ang kilay na ani Mr. Matsumoto!
Kinakabahang nilingon ko si Klea. Kanina pa man sa pagpepresent ay lutang siya o kaya naman ay hindi naiintindihan ang binabasa na siyang resulta ng pagiging pabaya niya!
“B-because.. because, t-the..” mariing napakamot si Klea sa ulo niya saka nagmamakaawang sinalubong ang tingin nito!“Mr. Matsumoto, please, I can personally explain at your office.” ipinagsalikop nito ang dalawang palad na nangangahulugang nagmamakaawa na siya ng sobra!
Natahimik ng sandali ang buong klase kaya nagkatinginan kami ni Matteo! Alam naming pareho ang dahilan kung bakit hindi niya maintindihan at maipresent ng maayos ang ginawa namin.
Hindi ko itatangging hindi ko alam ang nangyari kagabi na dahilan para lumipat kami papunta sa bahay nina Matteo para tapusin ang presentation. Alam ko sa utak ko kahit pa itanggi ko man iyon gamit ang salita!
“You can't, Ms. Klea. I have given you only one task per group. And yet you failed to do so. Face the consequences I'll give you.” doon na ako napasinghap ng malamig na hangin!
Kilala si Mr. Matsumoto bilang terror na guro sa paaralang ito. Hindi sa paraan ng pagtuturo kung hindi ay sa paraan ng pagdidisiplina!
Hindi na nakaimik si Klea at naunang nagtungo sa upuan niya saka kami magkasunod na bumalik ni Matteo sa kaniya-kaniyang upuan.
“Can I talk to you after class?” binulungan ako ni Matteo na siyang hindi ko inaasahan pagkaupo at pagkaupo namin!
Tinanguan ko lang siya saka namin sabay na ibinaling ang atensyon sa harap. Hindi ko alam kung para saan ang pag-uusapan pero siguro naman ay may maganda siyang dahilan! Kasi sa pagkakaalam ko ay hindi siya nagsasalita kapag wala namang kwenta ang sasabihin niya.
Nang matapos ang klase ay mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko, lalo na si Klea. Hinahabol niya si Mr. Matsumoto na siya namang singbilis ng kabayo kung maglakad!
“Alliyah.” nanigas ang buong katawan ko nang tawagin niya ako sa unang pangalan ko! Hindi iyon normal, alam ko.
May kakaiba sa paraan ng pagkakabanggit niya sa pangalan ko kung ikukumpara kay Mimi! Ewan ko ba, o nababaliw lang talaga ako? Maysado yata akong napapraning!
“Bakit?” marahang napalingon ako sa kaniya, naroon pa rin ang gulat.
“My mom wants to talk to you.” muli ay hindi niya na naman masalubong ang paningin ko habang inaabot niya ang cellphone niya!
Kumunot ang noo ko pero sa kabila ng pagtatakang iyon ay tinanggap ko ang telepono at idinikit sa tenga ko. “Hello, po, tita?” marahan kong nilingon si Matteo nang tuluyan kong marinig ang boses ng mama niya!
“Oh my gosh, dear! Finally! So, can you come here with Matteo after all your classes? I mean.. don't you have anything to do, like school works? Paper works, or whatsoever? You can come over, right?” tinanong iyon ng mama ni Matteo na parang isang choice lang ang pagpipilian ko—ang umo-o!
Pero bago ko iyon ibinigay sa kaniya ay narinig ko ang kontrang pagbuntong-hininga ni Matteo! “Wala naman na po siguro akong ibang gagawin, ano ho bang meron?” inisip ko na ang lahat nang kailangang isipin habang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.
“Well, we'll just have a little dinner for a special night. Is it okay?” kahit pwede akong tumanggi ay tumango ako na parang kaharap ko lang si Mrs. De Leon.
“A-ayos lang naman po sa akin.” nang sagutin ko naman ang panghuling tanong niya ay nakangiti kong nilingon si Matteo bago ibinaba ng mama niya ang linya.
“What was that?” nakataas ang isang kilay ni Matteo!
“Wala. Samahan lang daw kita sa bahay niyo.” binigyan ko siya nang matamis na ngiti saka naglakad papalayo sa kaniya!
Nang makarating ako sa canteen ay nakita ko kaagad si Mimi sa lamesa na palangi naming inuupuan! Naroon na ang usual na kinakain namin, pati na rin ang sa akin.
“Liyah! Upo ka na dali, chikahan mo'ko!” hindi na prinenohan pa ni Mimi ang boses niya, ganoon talaga iyon kalakas!
“I-abot mo muna pagkain ko.” natatawang inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Napapabuntong-hiningang inabot niya sa akin ang isang tray kung nasaan ang isang bundle ng mga pagkain.
Naroon ang kanin, manok na adobo, juice na orange, at pati na ang mga utensils. Naupo ako at nagsimulang magkwento kay Mimi!
“So, do'n ka natulog sa bahay nila?!—”
“Mimi! Hinaan mo nga 'yang boses mo! Pagtitripan na naman ako ng mga chismosang kagaya mo, eh!” reklamo ko at mahinang hinampas siya sa braso!
“Grabe ka naman sa'kin, Liyah! Hindi ko naman chinichika 'yong mga pinag-uusapan natin!” ngiwi ni Mimi bago sumubo!
Nakangiwi ko ring sinundan nang tingin ang kilos niya, “Talaga lang, ha! Baka bukas niyan kalat na kalat na sa buong campus na doon ako natulog ng isang gabi kina Matteo!” napailing akong yumuko sa sariling pagkain.
Nang matapos kaming kumain ni Mimi ay nagkaniya-kaniyang balikan na kami sa mga classroom namin.
Matapos ang buong klase namin sa hapon ay mabilis na inakay rin ako ni Matteo sa sasakyan niya nang walang nakakakita sa amin dahil paulit-ulit na tumatawag raw ang mama niya at sinasabing excited na siyang makasama ako ulit!
Hindi ko alam kung bakit ganoon agad kagaan ang loob ng mama niya sa akin, pero ganoon rin ang nararamdaman ko.
Nagtext na rin lang ako kay Mimi na hindi ulit ako makakasabay sa kaniya pauwi kaya magcocommute na lang raw ulit siya.
Nang makarating sa labas ng bahay nina Matteo ay awtomatikong kumunot ang noo ko! Napansin kong may mga iba't-ibang kulay ng ilaw ang masisilip mo sa mga bintana, halata rin na hindi lang sila ang naroon sa bahay nila ngayon!
Nang malingunan ko si Matteo ay nahuli kong nakatingin siya sa akin habang nakangiwi! Tinasan ko kaagad siya ng kilay! “Ano?” umiling siya at nagsimulang maglakad kaya sumunod na rin lang ako. “Ano ba'ng meron?” inosenteng tanong ko saka ako pinagbuksan ng pinto ni Matteo!
Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa amin na kaagad ang atensyon ng lahat nang naroon! Mabagal na nilingon ko si Matteo sa gilid ko na nakatayo rin lang! Minsan niya pa akong sinulyapan saka nakangiting inabot sa akin ang braso niya!
“Oh, god.” bulalas nito nang tiningnan ko lang ang braso niya! Kusa niyang inangkla ang kamay ko sa braso niya dahilan para maramdaman ko ang inis niyang pagbuga ng hininga!
Naglakad kami sa gitna ng mga taong nasa loob ng bahay. Ramdam ko ang paningin ng mga tao sa amin, alam kong mayroon sa mga 'yon ang matutulis at naroon rin ang kuryusong titig!
“Alliyah!!” umugong sa buong bahay ang boses ng mama ni Matteo! “Oh my gosh! I thought you weren't coming anymore!” bulalas pa nito at mariin akong niyakap!
Kung hindi ko pa siya inilayo sa akin ay hindi niya yata babatiin ang sariling anak! Naroon si Matteo sa gilid ko, nakataas ang isang gilid ng labi habang nakatingin sa ina niya!
“Good evening, tita.” bati ko sa kaniya saka kami nagbeso-beso!
“Good evening, too.” aniya at itinaas ang kamay sa ere para naman yakapin ang anak! “Happy Birthday, baby!” nakita kong umirap si Matteo nang marinig ang huling sinabi ng mama niya!
Kasabay no'n ay namilog ang mata at bibig ko! Buong araw ay inakala kong normal na araw lang ito para sa mag-ina at gusto lang talaga akong makita ni tita! Pero mali na naman ang buong akala ko!
Hindi ko man lang mahula-hulaan ang nangyayari sa mag-inang ito! Nakagat ko ang labi ko at ibinulong ang mga katagang, “Wala akong regalo..” eksakto namang naghiwalay ang mag-ina sa yakapan at sabay na bumaling sa akin!
“Oh, no need, dear! Come here, before I'll introduce you to everyone, you need to change clothes.” hinila ako ni tita papunta sa guest room kung saan ako huling natulog!
May nakalapag nang magandang damit sa kama ng kwartong iyon na sigurado akong hinanda na ni tita habang paparating palang kami rito!
Hawak ni tita ang baba niya habang pinapasadahan ako ng tingin, nag-iisip kung ano raw ang magandang gawin niya sa akin!
“Tita.. hindi na po kailangan. Nakakahiya naman po sa inyo. Ni hindi ko nga po alam na birthday ni Matteo ngayon, eh.” napakamot ako sa ulo at nagbaba ng tingin sa dress na kanina ay nasa kama lang at ngayon ay suot ko na.
“Don't bother thinking about that. Because I'm so sure that he didn't tell you about this.” sabay na napabuntong-hininga kami ni tita.
“Oh I know!” bulalas nito at naitaas pa sa ere ang isang daliri! “Can you close your eyes for a moment? I'll tell you when I'm done so you can open your eyes. Can you?” basta-bastang tumango nalang ako at ipinikit kaagad ang mga mata ko.
Mamaya pa ay marahang ibinuka ko na ang magkabilang mata ko at nagulat nang makita ang itsura ko! Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang mukha ko saka bumaling kay tita sa repleksyon ng salamin!
“You're so beautiful!” tili ng mama ni Matteo saka ako inalalayang tumayo! “I'm sure people will stare at you, darling! Just do your sweetest and normal smile, okay? Now, let's go.” tumango-tango pa si tita saka kami napahinto sa pinto nang kusa itong bumukas.
“Mom, what's taking so long—” natigilan si Matteo sa oras na makita niya ako! “What the—”
“Words, Clare.” istriktang pinutol ni tita ang akmang idudugtong ni Matteo! “Now, introduce her to them. Take extra care of her, okay?” may babalang ani tita na siya namang pagtalim ng titig sa akin ni Matteo!
“Fine. Let's go.” inabot na naman ni Matteo sa akin ang braso niya, pero kagaya kanina ay tinitigan ko lang iyon! “Oh come on! Why do you keep on staring, dork? You c—”
“Clare!” suway ni tita nang marinig na tawagin akong dork ni Matteo! “You want to be grounded for a month?” pinanliitan siya ng mata ni tita!
Parang lantang gulay na nasapo ni Matteo ang noo! “Mom! It's annoying! She keeps on staring at my arm! That sucks!”
“I said watch your words, Clare!”
“S-sorry..” napayuko ako. Nakakahiya! Kakakilala ko pa lang sa mag-inang ito pero nagagawa ko na silang pag-awayin! At ang mas malala, sa birthday pa ni Matteo!
“Tch! Come on.” marahas na hinila ni Matteo ang naka angkla kong kamay sa kaniya habang naglalakad kami!
Ang laki ng mga hakbang niya habang nahihirapan naman akong humabol dahil sa taas ng heels na ipinasuot sa akin ni tita! Sa tanang buhay ko ay first time ko palang magsuot ng heel kaya nangangapa pa lang ako!
“Ahh..” mahinang bulalas ko nang muntikan na akong matapilok! Saglit niya akong nilingon at nagpatuloy pa rin sa paglalakad!
Kinagat ko ang ibabang labi ko!
Ang sakit na ng paa ko!
Alam kong wala pang limang minuto ang pagsusuot ko ng heels, pero ang sakit sakit na ng paa ko, isang bagay na mahirap sabihin sa sitwasyon ko sa ngayon. Hindi ko na rin nasabihan si tita na hindi pa ako nakakapagsuot ng heels dahil ang hirap sirain ng masayang mga ngiti niya! At bukod sa rason ko ay hindi rin babagay ang flat shoes o sandal sa suot kong damit!
“Good evening.” nakipagpalitan pa ang mga ito ng batian. “I want you guys to know her. She's Alliyah Torres, my classmate. Alliyah, this is my family, relatives, and friends.” ngumiti at tumango ako sa kanila, nahihiya.
Ilang minuto pa ay bumaba kami at nakipagbatian sa iba. Marami akong nakausap, ang iba sa mga iyon ay ramdam ko ang inggit at galit, may iba rin naman na natutuwa sa pagpapakilala sa akin ni Matteo.
Nang i-anunsyo ni tita na kainan na ay nakahinga ako ng maluwag at nagtungo sa isang sulok para hubarin ang heels na suot ko! Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling kinagat ko na naman ang labi ko habang tinatanggal ang heels sa paa ko!
“Ahh..” nasasaktang anas ko nang tuluyang matanggal ko ito.
Ilang minuto pa ang pinalipas ko na ganoon lang ang posisyon ko. Napasandal ako sa pader na nasa likod ko habang nakapikit!
Gusto ko ng umuwi. Iyon ang nasa isip ko pero alam ko sa sarili kong hindi ko iyon magagawa ng basta-basta.
“Hi. I've brought you this.” nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang hindi pamilyar na mukha! Nasa kamay nito ang isang band aid at isang cream.
Bukod sa dala niya ay napansin ko rin ang napakamaamong mukha nito! Makinis, maputi, sobrang makapal na kilay at mga pilik mata na siyang pinapangarap ng lahat! Matangos rin ang ilong nito at may magagandang kulay ng mata! Mataas rin siya na kasing taas lang ni Matteo.
“Thank you.” ngiti ko at inabot ko ang dala niya saka inilapag sa tabi ko at akmang itataas ko na ang paa ko nang pigilan niya ako!
“Let me.” aniya habang naupo sa tabi ko, isenenyas niya na maupo ako nang nakaharap sa kaniya ang paa kong may paltos na.
Nagpaalam siya sa akin na hahawakan ang paa ko at ilalagay niya sa kandungan niya para magamot ito ng maayos na siyang ipinagpasalamat ko na lang.
Nang magsimula niya itong gamutin ay nagsalita siya nang hindi ko inaasahan! “I guess Matteo did not notice this, huh? You're good at pretending you're okay, but that's not gonna work on me.” rinig ko ang matunog niyang tawa!
“Hindi na rin naman siguro 'to problema ni Matteo.” hilaw na tumawa ako at aksidenteng napalingon sa bandang maraming tao!
Natigilan ako nang makita si Matteo mula doon na matulis nanakatingin sa amin! Kunot ang noo habang kinakabahang nag-iwas ako nang tingin! Ibinalik ko sa lalaking ito ang paningin ko, hindi man lang naistorbo sa ginagawa.
“Why didn't you tell me you're hurting?” napigil ko ang paghinga nang marinig ang matigas na boses ni Matteo!
Sa mga sandaling ito ay ramdam ko ang pagtigil ng lalaking ito sa ginagawa. Nag-angat ako ng tingin kay Matteo, pero hindi man lang nito nasalubong ang tingin ko. Sila ng lalaking gumamot sa akin ang nagkakatitigan!
“I can do that, you know.” hindi iyon patanong kun'di isang patapos na salita na galing kay Matteo!
“Yeah, I know that. It's just.. you did not noticed.” nginitian niya si Matteo at tuluyang tinapos ang panggagamot sa akin!
Akma nitong ibabalik sa paa ko ang heel na kaninang suot ko pero pinigilan siya ni Matteo! Lumapit ito sa amin at Mariin na hinawakan ang pala-pulsuhan ko!
Masakit iyon, pero kinaya kong hindi baguhin ang naguguluhan kong mukha! Lumipad naman roon ang paningin ng lalaking ito na mabilis na napansin ang pamumula ng pulsuhan ko!
“You're hurting her!” bulalas ng lalaki!
“Oh, that's none of your problems, Jack.” tumalikod si Matteo kasabay ng paghila sa akin kaya wala na akong nagawa at sumunod sa kaniya ng naka paa!
Idinaan ako ni Matteo sa parte ng bahay nila na hindi masyadong nadadaanan ng mga tao! Akala ko ay sa guest room niya ako dadalhin pero nagkamali ako! Ipinasok niya ako sa isang kwarto!
“Stay here, I will call mom.” nang makaalis siya ay doon ko pa lang na laman na nasa kwarto niya pala ako!
Ilang sandali pa ay bumalik si Matteo kasama ang mama niya! Nag-aalala ang mukha nito nang tuluyang makapasok sa kwarto ni Matteo!
“I'm so, so sorry, honey. I didn't know.” lumuhod ito sa harap ko at tiningnan ang paa kong may band aids na.
“It's okay, tita. Hindi ko rin naman po sinabi sa inyo.” napangiti ako ng pilit! Ako tuloy ang nakokonsensya! Sa nangyayari kasi ay parang sinira ko na rin ang birthday party ni Matteo! Ni hindi pa nga ako nakabati sa kaniya!
“I'm sorry, but don't worry, the party is almost over, we can settle down in an hour, okay?" tumango ako at napilitan ulit na ngumiti!
“I'll leave you guys here. I'll just take care of some things out there.” iniwan nga kami ni Matteo.
~~~~~~~
Nasa guest room na ako na halos maging kwarto ko na sa bahay na'to. Tapos na ang party, pero hindi ko pa rin nababati si Matteo! Busy kasi ito sa pag-aasikaso ng mga bisita na papauwi at dito magpapalipas ng gabi!
*Tok~ Tok~
Binuksan ko ang pinto, tumambad sa akin ang nakapantulog nang si Matteo! Nang makapasok siya ay naupo siya sa gilid ng kama ko habang nakatayo lang ako at nakatingin sa kaniya! Bumaba ang paningin niya sa dalawang paa ko na may band aids, naka paa lang ako at walang suot na tsinelas kagaya niya kaya nakita ko mismo ang pagkunot ng noo niya!
“Can I see how your feet's doing?” isenenyas pa nito ang paa ko kaya napaupo ako sa tabi niya.
Marahan na tinanggal niya ang band aids sa mga iyon at nakita ang paslot at pamumula nito. Narinig ko rin siyang bumuntong-hininga at ibinalik ang band aids sa kinalalagyan niyon.
“S-sorry, ah.. nasira ko pa yata ang birthday party mo.” mabilis na ipinilig ko ang ulo sa sahig!
“Nah, it's just that... Never mind. I have to go.” anito na napahinto pa bago lumabas ng pinto! pinagkunutan ko siya ng noo! “Do you wanna say something?" nakakunot rin ang noong aniya!
Ilang segundo pa ang lumipas nang pareho lang kaming nagkakunutan ng noo, hindi magkaintindihan! Pero mamaya pa ay nakuha ko rin ang gusto niyang iparating!
“Happy.. Happy Birthday, Matteo." matapos ko iyong sabihin habang nakatingin deretso sa mga mata niya ay saglit lang na nakita ko ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa mata at labi niya!
“Thanks. Good night.” anito at tuluyang humakbang papalabas ng kwartong ito at isinara ang pinto ko!