Episode 5: Jealous?

2201 Words
Nagising ako nang ramdam ko na ang sinag ng araw sa buong kwarto! Marahan akong umupo sa kama at napangiti nang maramdamang maganda ang gising ko. Inabot ko ang cellphone ko na nasa tabi ko lang at nakita ang text ni Mimi. Friday pala ngayon kaya may pasok pa ako! Nagmadali akong pumasok ng banyo para magmogmog at maghilamos! Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ay eksakto namang naroon at napadaan si Jack sa harap ng pinto ko! Mabilis na napansin niya ako kaya agad siyang napahinto. “Hi! I thought you already got home.” nagbigay ito ng daan para tuluyan akong makalabas ng kwarto. “Hindi pa, uuwi palang.” nginitian ko siya. Ang aga aga, ang gwapo gwapo ng lalaking ito! Palihim na natawa ako sa naisip! Baliw ka na, Alliyah! “So you're going home?” tanong nito at tumango ako habang nasa sahig ang paningin! “Aray...” bulalas ko nang bumunggo ang ulo ko sa kung saan! Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang kamay ni Matteo na nakahawak sa ulo ko! Iyon ang nabunggo ko! “You should watch were you're going.” pilit na ngumiti si Matteo at biglaang kinuha ang pala-pulsuhan ko! “Let's bring you home.” Bago pa man niya ako hinila papalayo kay Jack ay nilingon ko ito. “It was nice meeting you, Jack.” nag-iwan ako ng isang matamis na ngiti bago tuluyang sumama kay Matteo. Nagpaalam pa muna kami sa mama ni Matteo bago namin nilisan ang bahay nila. Nang maihatid ako ni Matteo sa boarding house ko ay mabilis na umibis ako sa sasakyan at umikot papunta sa gawi niya. “Salamat sa paghatid, ha? Sorry at napag-away ko pa kayo ng mama mo, hindi ko 'yon sinasadya.” ngayon lang ako nakakuha ng tamang tyempo para humingi ng pasensya sa kaniya. “It's okay. I think I should get going now.” umatras ako sa pinto ng sasakyan niya saka niya binuhay ang makina ng kotse niya. Inangat ko sa ere ang palad ko para magpaalam saka ako tumalikod para pumasok na ng boarding house. Habang naglalakad sa hallway ay naalala ko ang mukha ni Jack! Ang gwapo niya talaga! Hindi ko inisip sa tanang buhay ko na makakakita ako ng ganoong ka gwapong nilalang! Parang panaginip lang! Sa oras na nasa loob na ako ng kwarto ng bh ko ay walang tigil ang pagtitili ko! Isipin mo, dinalhan niya ako ng band aids at cream para sa paa ko! At isa pa, paano niya napansin 'yon? Bahala na! Basta nakausap ko siya! Nagring ang cellphone ko kaya mabilis ko itong sinagot, si Mimi! “Hoy! Babae ka! Hindi ka na naman umuwi kagabi?! Bilisan mo na! Ten minutes nalang simula na ng P.E. class natin!” napakamot muna ako sa ulo at mabilis na nagtungo ng cr! Halos isang oras akong naliligo, pero ngayon ay naging tatlong minuto nalang iyon dahil ayaw kong mahuli sa klase! “Oh my!!” saglit akong natigilan habang papasok sa gate ng mismong paaralan namin! Hindi ako ang nagmamay-ari ng maarteng boses na iyon kun'di ang nagrereynahan sa eskwelahang ito! “Can I ask?” tanong ng lalaking ito na kaninang umaga ay nakausap ko pa! Nanlalaki ang matang titig na titig ako sa kaniya! Ano'ng ginagawa niya rito?! Maarteng tumango si Beatrix—isa sa mga kaibigan ni Klea, “Where can I find the admission office?” seryosong tanong ni Jack. Ngumiti pa si Beatrix at nagpapacute bago sinagot si Jack! “Yes, It's near the Building C. I can come with you, if you want.” nilaro ni Beatrix ang buhok niya habang mapaglarong inaakit si Jack! Hindi ko na narinig pa ang sinagot ni Jack dahil mabilis na isinara nito ang bintana ng kotse niya at tuluyang pinaharurot ang sasakyan papasok ng paaralan! Nang masulyapan ko si Beatrix ay maldita itong naka ngiwi at minsan pang napapairap! Umiling ako at tumakbo na lang papunta ng court para makahabol pa sa klase ng P.E. “Bakit ang tagal mo? Muntik ka na!” nag-aalalang tanong ni Mimi nang makarating ako at makapasok sa nakasanayang linya ko sa klaseng ito! “Bakit?—” Natigil ang pag-uusap namin ni Mimi nang biglang tawagin ni Sir Albert ang pangalan ko! Siya ang pinakabatang guro dito sa pinapasukang eskwelahan namin ni Mimi. Mag-iilang buwan pa lang siya rito pero kilala na siya ng lahat ng mga guro, pati narin ng mga estudyante. Pero hindi lang bilang guro, kung hindi ang pinaka hot na instructor sa buong eskwelahan! “Is Mrs. Torres already here?” pag-uulit ni sir Albert! Marahang itinaas ko ang kamay ko. “Come in front.” mariing napapikit ako! “Sir?” patanong na tinawag ko siya nang tuluyang makapunta sa harap. Kinakabahang napalunok ako! “You're six minutes late.” nakagat ko ang labi ko! Six minutes late lang naman, sana palagpasin mo na, sir. Palihim na nagmakaawa na ako sa isip ko! Pero alam ko sa sarili kong kapag nagdesisyon na siya at iyon na 'yon! “Yes, and I'm sorry for that, Sir.” paumanhin ko at yumuko. “I see. still, you'll be punished.” may hinanap siya sa mga pahina ng notebook niya saka iyon sinulatan ng kung ano! “Report to me every after class in the afternoon.” kumunot ang noo ko! Ano naman kayang irereport ko? Hindi ko napigilan na magtanong! “Ano naman po ang irereport ko?” sa lahat ng tanong na pwedeng itanong ay iyon na yata ang pinakabobong tanong sa mundo! Hindi ko dapat inintindi ng literal ang salitang iyon! “I'll explain later.” alam kong natatawa si sir Albert sa tanong kong iyon pero pinipigilan niya! Siguro sa kaba ko na 'yon kaya ko natanong ang tanong na iyon! Nakakainis! Nang magsimula naman ang activities sa P.E. ay nalibang ako! Puro mga sports kasi ang mga ginagawa namin, walang discussion. “Mimi!” sigaw ko nang papunta sa banda ni Mimi ang bola! “Tirahin mo na, Klea!” sigaw naman ni Nika—ang kapares ni Klea sa kabilang banda ng net! At dahil maarte si Klea, iniwasan niya lang ang bola! Inis na pinagsabihan siya ni Nika dahil nagkapuntos na naman kami ni Mimi! “Don't you dare shout at me! This is just a game!” napairap naman si Klea at pinagpag ang dalawang kamay niya! “Tigilan mo ang pag-iinarte! Laro nga 'to, pero hindi ibig sabihin ay aarte ka na diyan!” sigaw pabalik ni Nika! Nagkatinginan kami ni Mimi at tumabi muna, pareho naming alam na hindi pa ngayon matatapos ang bangayan nila! Sa katagal-tagal ba naman naming naging kaklase ang mga 'to ay hindi pa kami masasanay? Nako, gagraduate na kami't lahat, ganiyan parin sila! “The hell to you! I don't play this stupid game!—” sigaw ni Klea na para kay Nika lang sana pero narinig iyon ni Sir Albert! “You can stop playing volleyball if you want, Ms. Klea—” naputol ang sasabihin ni Sir Albert nang magustuhan ni Klea ang sinabi nito! “Oh my gosh, thank you so much, sir!” tuwang-tuwang pasasalamat pa nito! “So I can stop giving you grades, too.” pero dinugtungan iyon ni sir Albert! At ganoon na lang ang pag-iba ng reaksyon ni Klea! Narinig ko ang mahinang tawanan at bulungan ng mga kaklase ko na siyang dahilan para mahinang matawa rin kami ni Mimi! Mabuti at nakakatikim na siya nga mga ganitong attitude ng mga guro rito! Hindi gaya noong mga nakaraang taon na magpapacute lang siya sa harap ng mga ito ay exempted na kaagad sa mga exams! Sa mga hindi pa nakakakilala kay Klea, siya kasi iyong tipo na ginagamit ang ganda ng mukha at katawan para lang umangat, sa klase o sa kahit saang mga pangyayari! “Ugh! What the f**k!” narinig iyon ng mga kaklase ko lalo na si Sir Albert! Mabilis na ipinatigil ni Sir Albert ang klase at inanunsyo na maupo muna kami sa isang gilid at hintayin sila ni Klea na bumalik! “Let's go to the principals office, Ms. Klea.” mas lalong nalukot ang mukha ni Klea nang sabihin iyon ni Sir Albert! Nagtawanan ulit kami mga kaklase ko nang tuluyan silang makalabas ng court! “Buti nga sa kaniya! Papansin kasi!” tawa pa ng isang kaklase ko! Napailing nalang ako at nakita si Mimi na naroon na sa kumpulan ng mga nagchichismis kong mga kaklase! Grabe, bagong trending na naman 'to sa school. Natawa ako sa naisip at nagpunta sa bag ko. Kinuha ko roon ang tumbler ko at tinungga iyon ng todo todo! Kahit kailan ay nakakapagod talagang maglaro ng volleyball, pero at the same time nakakalibang! Nagulat ako sa biglaang pagtabi ni Mimi sa akin! “Hoy! Alliyah! May bagong transferee na naman!” malaki ang ngising anito habang tapik tapik pa ang braso ko! “Sa batch pa rin ba natin? ‘Wag mo sabihing kaklase natin 'yan?” sa karami dami ba naman ng sections sa batch namin, sa amin talaga lahat mapupunta ang mga transferees? “Tama ka d'yan, girl! Ayon oh!” nakangiti pang ininguso ni Mimi ang tinutukoy! Hindi na ako nagulat nang makita ko si Jack! Syempre, nakita ko siya kanina sa gate na nagtatanong ng direksyon. “Kilala ko siya, Mimi.” kunwaring wala lang sa akin at nagmamalaking nginiwian ko si Mimi! Natawa ako nang makita ang reaksyon niya sa ginawa ko! Ayon na naman ang panlalaki ng mata at labi niya habang matamang nakatitig sa akin! Marahang sumara ang bibig niya at mas lumapit pa sa akin! “Alliyah.. paanong.. oh my gosh! Oh. My. Gosh.” parang tangang wika niya at mahinang pinaghahampas ang braso ko! Umiling iling ako habang niyugyug siya! “Mimi, gising!” natatawang pinitik ko ang ilong niya saka niya ako pinukulan ng hindi makapaniwalang titig! “Bakit hindi ka nagsabi agad?! Ang dami dami mo ng isinesekreto sa'kin ha! Magtatampo na talaga ako sa'yo, Alliyah!” nginusuan niya ako! At dahil sa lakas ng boses ni Mimi ay napansin kami ni Jack na siyang dahilan kung bakit ito naglalakad ngayon papunta sa banda namin! “Mimi..” nanghihinang tawag ko kay Mimi, sana hindi niya na lang nilakasan ang boses niya, edi sana hindi kami napansin ni Jack! “Hi! Nice to see you here, Alliyah.” magandang ngiti ang ipinamalas ni Jack kaya halos maghubaran lahat ng panty ang mga kaklase kong babae! Ang lalakas ng tilian ng mga ito at napapatalon pa sa kinatatayuan nila! Hindi mapigilan ang paghampas ni Mimi sa braso ko habang naroon kay Jack ang paningin! “Jack. Ikaw yata 'yong pinag-uusapan nilang transferee?” at itinanong ko pa ang obvious! Ang tanga nga naman, Alliyah! “Yep, and it was nice to know that we're on the same class, I guess?” hindi siguradong anito at nagkibit-balikat pa! “It was your intention, right?” sabay na napakunot ang noo namin ni Jack habang sabay rin na napalingon sa pinanggalingan ng boses! Nang makita si Matteo ay mas lumakas pa ang tilian ng mga babae! Hindi ko alam kung ako lang ba ang naiinis sa ingay na dinudulot nila o pati rin ba ang ibang mga lalaki sa klase namin! “Yes, it was.” marahang tumango si Jack at nagbigay ng isang mabilis na ngiti sa akin! “But never before.” bigla ay tumalim ang paningin ni Jack kay Matteo! Ngayon ay ramdam ko na naman ang tensyon ng dalawa sa harap ko! “Whatever. You stay away, Jack. Don't try me.” nginiwian lang ni Jack si Matteo sa sinabi nito. Alam kong may laman ang mga pinag-uusapan nila, pero hindi ko iyon masyadong naiintindihan! “Liyah..” rinig ko ang mahinang tawag ni Mimi sa akin pero hindi ko siya nilingon. Naroon ang atensyon ko sa dalawa na hindi man lang maalis ang titig sa isa't-isa! Kulang nalang ay magsuntukan na ang dalawang ito! Hindi ko malaman ang gagawin, ilang kalabit na ni Mimi ang naramdaman ko pero hindi ko pa rin siya nilingon! “You know my capabilities, Clare. And I've never accepted defeat.” sa huli ay si Jack ang pumutol sa may tensyon na titigan nila! Minsan pa itong sumulyap sa akin at naupo sa bandang itaas ng bech kung saan kami nakaupo ni Mimi. Naramdaman kong humupa ang tensyon kaya mas normal na ang nagiging paghinga ko! Nang balingan ko naman si Matteo ay nakatitig na ito sa akin! Naiilang kong sinalubong ang titig niya at minsan pang nag-iwas ng tingin saka ulit ibabalik sa kaniya! “I have to go to my class now.” anito saka kami tinalikuran ni Mimi! Umawang ang labi ko! So, pumunta lang siya dito para magsimula ng ganoon kainit na tensyon sa kanila ni Jack?! Ano 'yon? Muli ay naramdaman ko ang kalabit ni Mimi! “Anong nangyari, Liyah?” kunot ang noo at naguguluhang tanong sa akin ni Mimi habang mariing nakatitig sa mga mata ko! Inilingan ko siya, hindi ko rin maintindihan. Basta ramdam ko lang ang galit nila sa Isa't-isa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD