Episode 6: Light?

1783 Words
“Hoy! Alliyah!” inirapan ako ni Mimi nangtuluyang makaupo kami sa usual table namin sa loob ng school canteen. “Ano? Nabalitaan ko na namang napapadlas raw ang pagsabay sa'yo ni Jack, ha? Ano? Kayo na ba? Sagutin mo naman ako ng matino, Liyah!!” pagmamaktol pa ni Mimi sa harap ko! Bahagya akong natawa sa inakto niya! Oo, aaminin ko, may gusto ako kay Jack. Sa mga nakalipas na linggo ay mas nakikilala ko pa siya, hindi lang dahil magkaklase kami sa lahat ng subjects, kun'di dahil rin sa pagiging madaldal nito. Palagi kasi akong pinapakiwento ni Jack na siya ring ginagawa niya kapag wala itong ibang ginagawa. Kahit sa class breaks ay naroon siya sa tabi ko at kuda ng kuda. Minsan na rin siyang pagchismisan ng mga chismosa dito sa school na baka raw bakla, pero sa totoo lang? Madaldal lang talaga siya. Mas gentleman pa nga kay Matteo, eh. Kilala ko na rin ang parents ni Jack, pati na ang bunsong kapatid niyang babae. Actually ayaw nga sa'kin no'n, eh. Hindi raw kami bagay ni Jack kung sakaling magiging magjowa kami! Napaka kontrabidang bata! “Ayan ka na naman kasi sa mga chismis na'yan, eh! Sabing walang kami ni Jack! Magkaibigan lang kami, okay?” sinubukan kong kumbinsihin si Mimi, paano kasi, alam niyang may gusto ako kay Jack, eh. “'Di nga? Dami ko nang naririnig na usapan kaya!” ngumuso pa ito! “Mimi, kumain nalang tayo. Wala akong mapapala sa mga chismis na'yan, hindi naman totoo!” tumaas ang isang gilid ng labi ko! Grabe talaga! Kung may mga chismosa sa daan, naroon rin sa paaralan! Hindi ka tatantanan hangga't hindi nila alam ang buong pangyayari! Tapos dadag-dagan naman ang istorya kung hindi sang-ayon sa gusto nila, hay nako! Mabuti na lang talaga at hindi ganoong klaseng chismosa si Mimi! “Good afternoon, girls.” gulat na nagtaas ako ng tingin, ganoon rin si Mimi! Pareho naming nakita ang pagmumukha ni Jack na nakatayo sa harap namin ni Mimi! “Can I join?” walang halong birong tanong ni Jack na siya namang mabilis na tinanguan ko! “Nako, bespren! Baka may magselos na naman, ha?” dinilatan ko si Mimi sa sinabi niya! Nanunuksong tinitigan niya ako saka mapaglarong nilingon si Jack! “Tumahimik ka nga, Mimi! Ite-tape ko na talaga 'yang bibig mo sa susunod.” palihim na inirapan ko siya! “Nagsasabi lang naman ako, bespren! Alam mo namang ilang linggo naring hindi matahimik ang kaluluwa no'n, 'di ba?” patuloy ni Mimi nang hindi man lang sinasalubong ang tingin ko! Nang-aasar talaga! “Who's going to be jealous?” inosenteng tanong ni Jack at nakatitig lang kay Mimi! Napapasensyas tuloy ako kay Mimi gamit ang mata na ‘wag nang sabihin! Pareho kasi naming alam na may itinatagong gulo sina Matteo at Jack! Sa paraan pa lang nang pagtitig nila sa Isa't-isa at sa tono nang pag-uusap ay naroon na ang tensyon, mararamdaman mo na. “Wala.. ‘yong ano lang.. 'yong kababata namin, oo.” hilaw na ngumiti si Mimi at inirapan pa ako! Sige, dumaldal ka pa! “Oh, really? Does he like her so much?” nagsalubong ang kilay ni Jack! Bigla ay nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko nang makitang namumuong inis sa mukha ni Jack! Nagseselos ba siya? Natatawang nilingon ako ni Mimi! Alam niya kasing sa mga oras na'to ay tumatalon na ang puso ko! “Hindi naman, but he kinda like her a lot.” sarkastikong ginaya ni Mimi ang tono ni Jack. “At alam mo ba? Gusto siya ni Alliyah dati, eh.” lumipad naman papunta sa akin ang paningin ni Jack! Naroon parin ang inis sa mukha! Nanlaki ang matang nilingon ko naman si Mimi! Hindi totoo 'yon! Gusto kong isigaw ang mga 'yon pero magmumukha lang akong tanga! Sa bagay ay pinapaselos lang naman ni Mimi si Jack, alam ko 'yon. Pero anong klaseng kwento na naman ba ang ginagawa ng magaling kong kaibigan?! “You do?” normal na tanong lang naman 'yon pero hindi ko masagot sagot! Nangangatal ang mga labi ko habang pigil ang paghinga dahil sa naghahalo-halong damdamin sa loob ko! “Syempre hindi ang isasagot niyan, matagal na 'yon, eh. Siguro baka iba na gusto niya, 'di ba, Liyah?” ngayon ay nakangisi na si Mimi! At alam ko ang ibig niyang sabihin! Alam kong hindi ko mapipigilan ang pamumula ng pisngi ko pero sana lang talaga hindi iyon mapansin ni Jack! Walang hiya talaga! Pinapahamak na naman ako ng babaeng ito! “K-kumain na tayo? Malapit na magring ang bell.” mabilis na iniwas ko ang paningin kay Jack at itinuon iyon sa pagkain ko. ~~~~~ Patapos na ang panghuling klase namin sa hapon kaya nagsimula na akong magligpit habang nagreremind nalang ang guro namin sa mga assignments na kailangan bukas. “Alliyah..” mahinang tinawag ako ni Jack! “I can't go home with you, may emergency kami sa bahay.. I have to go now.” minsan pang sinulyapan ni Jack ang telepono niya at bakat sa mukha ang pag-aalala! Naiintindihan ko siyang tumango. Pinilit pa nitong ngumiti saka ito nagmamadaling tumayo at nagpaalam sa guro naming nasa harap. Hindi na siya lumingon pabalik sa akin nang makalabas. Napailing ako at tinapos ang pagliligpit ng gamit. Eksakto namang nagpaalam narin ang guro kaya ako ang unang nakalabas ng classroom. Nakita ko kaagad si Mimi na papunta sa classroom ko, pero dahil nga mabilis akong nakalabas ay dito na kami sa hallway nagkita. Nakangisi na naman ang mukha nito na parang palagi nalang akong inaasar! “Oh, ano? Nasaan na ang lalaking nagpapapula niyang pisngi mo?” at ayon na naman ang kawalang-hiyaan ng kaibigan ko! “Tumahimik ka kung ayaw mong mag-agrabyado 'yang buhay mo.” biro ko at akmang susunggaban siya ng batok! “Grabe naman 'to!” nguso niya at umakbay sa akin! “So hindi siya sasabay?” “Hindi, may emergency raw sa kanila, eh.” nagtaka ulit ako. Ano kayang emergency 'yon? Bakit ganoon nalang ang pag-aalala ang nakita ko sa mukha niya? “Aha! Sundan kaya natin? Gusto ko malaman kung saan 'yong bahay nila, Liyah!” nagmaktol na naman ang maganda kong kaibigan! Kinunutan ko siya ng noo! “Ba't 'di mo sa'kin itanong? Alam mo naman sigurong halos limang beses nako nagpapabalik-balik sa bahay nila, 'di ba?” nagsimula na kaming maglakad ni Mimi pauwi kaya heto at nagsisimula na kaming mag-usap sa mga bagay-bagay. “Eh! Ilang araw ko na naman 'yon tinatanong sa'yo, hindi mo naman sinasagot.” kunwari ay galit nitong anas! “Sige, ganito nalang! Sa susunod na yayain ako ni Jack sa kanila, isasama kita, ano? Game ka?” “Sige ba! Alam mo namang ultimate crush ko 'yang si Jack, 'di ba?!” “Oo na! Kahit kailan mang-aagaw ka ng crush, eh!” natawa ako! No'ng isang araw lang ay inamin ni Mimi sa akin na gusto niya rin si Jack. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kaniya? Eh, napakagentleman, ang bait, caring pa! Lalo na no'ng una kaming nagkita, napakathoughtful! Hindi naman sila opposite ni Matteo dahil may mga ganoong ugali rin naman si Matteo, ang kaso, mas nakikita mo ang mga 'yon kay Jack. Hindi kasi masyadong nag-eexpress ng feelings si Matteo kumpara kay Jack. “Hoy, hindi, ah! Alam mo namang magpaparaya ako kapag sa'yo may gusto 'yon!” muli ay nagtawanan kaming dalawa sa sinabi niya! “Hahahaha! Ewan ko talaga sa'yo, Mimi! Alam mo rin namang hindi kita aawayin nang dahil lang sa lalaki, hindi ba?” niyakap niya ako! “Kaya mahal kita, eh! Yieee!” tukso niya kuno sa akin at kiniliti pa ako sa gilid! “Magblush ka, hoy! Aba! Sobrang halata mong gustong-gusto mo si Jack, ha!” ayon na naman ang mala mega phone na boses ni Mimi! “Tumigil ka na! Maglakad kang maayos!” natatawang iling ko at nagpatuloy na sa paglalakad! Mamaya pa ay narating na namin ang maliit na tindahan nina Mimi. Nang mag-angat naman ako ng tingin sa himpapawid ay nag-aagawan na ang kadiliman at kaliwanagan! “Liyah! Dali na, palamig ka muna.” inilingan ko siya. “Mauuna na ako, Mimi. May tatapusin pa akong assignments, saka lilinisin ko pa 'yong kwarto ko.” napakamot ako sa ulo nang maalala ko ang lahat ng gagawin ko palang! “Pakisabi kay tita na nauna na ako. Kita tayo bukas!” agad na pumasok si Mimi sa tindahan nila matapos kong magsalita. Nakangiting nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakamasid sa mga street lights! Kahit kailan ay napakagandang titigan ng mga ito! At dahil malayo-layo rin ang lalakarin ko papunta sa bh ay inabutan na ako nang dilim dahil narin sa ka adikan ko sa mga ilaw na ito! Pero napakunot ang noo ko nang may mapansin akong nakakasilaw na ilaw sa unahan! Napapagitnaan niyon ng dalawang street lights! Hindi ko maipaliwanag ang ilaw na ito dahil ngayon ko palang ito nakita! Pumuporma itong oblong na sobrang nakakasilaw! Sinubukan kong bilisan ang paglakad para sana makita kung ano iyon! Pero natigilan ako nang mapansin na may naglalakad sa bandang iyon na parang hindi nasisilaw sa lakas ng ilaw na iyon! Bigla ay dahan-dahan lang akong naglalakad habang papalit na papalapit na sa ilaw na iyon! Nang mapansin kong nag-angat ng tingin ang lalaki ay sinalubong ko siya ng nanguguwesyon na titig! Nag-iwas ito nang tingin at nilingon ang kaninang halos nagbigay ng liwanag sa buong kalyeng ito! Nang ako na ang lumingon roon ay hindi ko na iyon makita! Naglaho iyon na parang bula! Bumalik sa dating dilim ang buong kalye na tanging ang street lights nalang ang nagbibigay ng liwanag! Napatigil ako sa paglalakad dahil ro'n! Hindi ako pwedeng magkamali! Hindi pwedeng namamalikmata lang ako! Alam kong totoo ang nakita ko! Parang binuhusan ng isang baldeng may tunaw na yelo ang buong katawan ko! Palapit narin ang lalaking iyon sa kinatatayuan ko! Nakakakilabot! Napakamisteryoso ng aura nito na kahit siguro pusa ang makakasalubong niya ay mapapahinto sa paglalakad at mapapatitig sa kaniya! Bago pa ako lagpasan nito ay huminto siya, may ilang metro ang layo mula sa akin! “Are you alright, miss?” umawang ang labi ko nang marinig ang pamilyar na tono ng pananalita ni Matteo. Kahit pa walang buhay niya iyong itinanong ay nakapagsalita ako! Dala narin nang napakaraming tanong sa isip ko! “Hindi..” isang salita ang tanging lumabas sa bibig ko na siyang nagbigay ng hudyat sa lalaking ito para saluhin ako! Bigla ay nag-itim ang paningin ko at ramdam ko ang likod kong nasalo pa nang lalaking ito saka niya ako marahang inilapag sa daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD