Episode 7: The Truth

2200 Words
THIRD PERSON POV Nagising si Alliyah nang hindi niya maalala ang nangyari sa kaniya noong oras na papauwi siya! Kagaya nalang noong nagkatitigan sila ni Matteo sa unang pagkakataon. Ginamit kasi muli sa kaniya ang kapangyarihan ng mga peculiar na ngayon ay palihim na nabubuhay sa mundo ng mga mortal. Ito ay isa sa mga kakayahan nila na alisin ang memorya ng mga mortal na hindi nito dapat na nakikita—kagaya ng nakita ni Alliyah. Palihim na nakonsensya ang misteryosong lalaki na nakasalubong ni Alliyah sa daan bago siya mawalan ng malay! Gusto niya kasi ang pantay na trato sa kanila at sa mga mortal, ngunit hindi ito pwede, lalo na sa mga kagaya niya! “Hmm..” mahinang anas ni Alliyah habang palihim pa rin siyang binatantayan ng lalaki. Inabot ni Alliyah ang telepono niya at nakitang alas onse pasado na ng gabi. Gayon pa man, nabasa ng lalaki ang nasa isip ni Alliyah. Napapatanong ito sa sarili kung nakakain na ba siya ng hapunan! Natatawang napailing ang lalaki! “How pathetic.” palihim na naman itong natawa at tuluyang tumalikod. Umalis ito na parang walang nangyari. Pero sa loob loob ng lalaki ay alam niyang hindi niya malilimutan si Alliyah. Kahit pa bumalik siya sa mundo nila ay naroon na ang babae sa isip niya—palagi naman. Napangiti siya sa isiping iyon! Sinadya niya talagang doon lumabas sa street lights dahil alam niyang dadaan na naman ang dalaga roon, at gusto niya itong makita at makausap ng personal kahit sa kaunting segundo lang. Palagi niya kasing nakikita si Alliyah na napapangiti sa tuwing napapadaan sa mga ilaw na iyon na nasa tabi ng kalsada. Napansin man ni Alliyah o hindi ang mga palihim na ginagawa ng lalaki sa kalsadang palaging dinadaanan ni niya ay masaya na siya kapag nakikita niya itong nakangiti! Tuluyan niyang binuksan ang lagusan papasok sa mundo nila at muli ay sinubukang kalimutan ang maamong mukha ni Alliyah dahil haharapin niya ngayon ang babaeng ipinagkasundo sa kaniya ng nga magulang niya! “Alex.. where did you go, again? Bakit ganitong oras ka talaga nawawala?” mahinahon ngunit alam niyang may inis na nararamdaman ang babaeng ito sa harap niya habang nagsasalita! “As I always tell you. I'm out there somewhere having time for myself, Juliana.” alam niyang mali at kasinungalingan iyon, pero hindi niya pwedeng sabihin sa girlfriend niya ang ginagawa niya kapag sumapit ang ganitong oras. “I've been wondering these days if you're seeing someone?” ganoon nalang ang kabang dumagundong sa dibdib niya nang lumabas iyon sa bibig ni Juliana! Hindi niya iyon inaasahan dahil sa lahat ng pagkakataon ay pinaniniwalaan siya nito! “Of course not! Where does that question come from?” hindi niya mapigilang sigawan ang nobya! Nang marealize niyang naging guilty siya sa sagot na iyon ay sinubukan niyang pakalmahin ang sarili! Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Juliana! Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nasigawan siya ng nobyo niya pero nagugulat pa rin siya dahil hindi naman ganito ang trato nito sa kaniya kapag may kasama sila. “Napapansin ko..napapadalas na ang pagsigaw mo sa'kin, Alex. I know you don't really love me at napipilitan ka lang, but please..” nakikita niyang pinipigilan ni Juliana ang pagtulo ng luha niya kaya ayon na naman ang kirot sa puso niya nang makitang nasasaktan ang babaeng ito. Wala kasi itong ibang ginawa kun'di ang iparamdam sa kaniya na mahal siya nito. Pero sa lahat ng nga panahong dumaan ay puro sakit nalang ang naibibigay niya rito. Ayaw niya rin kasi itong paasahin at bigyan ng maling akala. “Try to treat me like I am really you're girlfriend. Try to teach yourself how to love me, cause I am teaching myself how to understand and..love you even more, even if you're hurting me like hell.” napailing si Alex sa sinabi ng nobya. “I didn't say you should try or either teach yourself to understand and love me though. But I can't treat you like you're really my girlfriend. You know why? I can't give you false hope, Juliana. It'll only make this worst.” tinalikuran ni Alex ang nobya. Tuluyan itong napasandal sa pader na nasa likuran niya. Nasaktan na naman niya ito, pero ano pa ba ang magagawa niya? Hindi niya kayang turuan ang sariling mahalin ito dahil may ibang itinitibok na ang puso niya. Sa kabilang dako ng mundo ay naroon si Matteo at Jack, nag-uusap. Hindi naman ito ganoon ka importante, pero para sa dalawa ay kailangan nila itong pag-usapan ng masinsinan! “Do you love her?” nanliliit ang matang tinanong ni Matteo si Jack. “No. You know I only love one person, Clare.” may pagbabantang sinagot naman iyon ni Jack. Alam ni Matteo kung sino ang babaeng iyon, pero sa nakikita niya kasi ay may ibang pinapakita ito kay Alliyah na dahilan para umasa ang dalaga! “Then stay away, Jack.” matigas na usal ni Matteo at tumayo. “Don't make her as stupid as you think she is.” tuluyang tinalikuran ni Matteo si Jack. “Why didn't you told us that you'll brought her to your birthday? That could be the worst move, Clare. You know that all the peculiars are coming.” Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang likod ni Matteo habang naglalakad ito palayo. Hindi ganoon ang gustong iparating niya kay Matteo, kun'di ang katotohanang pwedeng mapunta sa ibang lalaki si Alliyah kapag hindi siya kumilos agad! “None of your business.” iyon lang ang isinagit ni Matteo at tuluyan nang umalis. Simula nang maulila kasi si Alliyah ay nasubaybayan na nila ang buhay nito. Palagi itong napapadaan sa street lights na siyang nakatoka sa kanilang dalawa nina Matteo at Jack. Habang nadaragdagan ang edad ni Alliyah ay mas napapadlas ang pagdaan nito sa street lights kung nasaan palihim na nagmamatyag sina Matteo at Jack na kalaunan ay napapatambay narin si Alex sa mga oras ng pagdaan ni Alliyah. Ang bawat isa kasi sa mga peculiar na gaya nila ay may kaniya-kaniyang gawain. Pero iba ang nakatokang gawain para kay Alex, ang pagpapanatili nang katahimikan sa kanilang mundo. Kagaya ng mga normal na tao ay may kaniya-kaniyang gawain rin silang mga peculiar, tulad nina Matteo at Jack na nakabantay sa lagusan ng mundo nila—isa na roon ang mga street lights. Kinabukasan ay nagising muli si Alliyah, pero huli na para pumasok sa eskwela. Tanghali na naman itong nagising kaya hindi na siya hinintay pa ni Mimi. “Hindi ko alam, Mimi. Tinanghali lang talaga ako.” napapakamot sa ulong bulalas ni Alliyah nang makausap ang kaibigan sa telepono. “Oh, ano? Papasok ka pa ngayong hapon?” ngumunguya namang tanong nito sa kabilang linya. “Hindi na siguro. Kita nalang ulit tayo bukas, bibisitahin ko nalang rin sina Monica.” ani Alliyah. Si Monica ay ang kaniyang pinsan. “Papasok ka bukas? Baka hindi ka na naman pauwiin ng tita mo, alam mo naman 'yon.” napabuntong-hininga si Mimi. “Hindi pa rin naman sigurado, basta papasok ako bukas.” walang nagawa si Mimi at sinang-ayunan nalang ang kaibigan. Ibinaba nito ang linya at nagpatuloy sa pagkain. Ilang segundo ay napansin niya ang anino na tumakip sa pagkain niya. Nang mag-angat siya nang tingin ay naroon si Jack sa harap niya! “Oh, Jack? Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ni Mimi. Akala niya ay hindi ito sasabay sa kaniyang magtanghalian dahil wala si Alliyah. “To eat lunch, of course?” ngiwing sagot nito at naupo sa harap niya. “So.. you don't have the courage to tell you're friend that you're one of us?” makahulugang tanong ni Jack na ikinahinto ni Mimi sa pagkain. “Jack.. alam mo namang nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon, 'di ba?” nailapag ni Mimi ang kutsara at tinidor niya at mainam na tinitigan si Jack. “Clare can't hold it, Misty. We have to move first.” problemadong ani Jack. Matagal na nila itong pinaplano, noon pa man na parehong nasa third year high school palang sila ni Alliyah, pero hindi sila makahanap nang tamang tyempo para sabihin ito kay Alliyah. “Wala na bang ibang paraan?” umiling si Jack sa tanong na iyon ni Mimi! “He's showing her some signs, and sooner or later, the situation will become worse.” hindi naman ito tinatakot ni Jack, pero kapag hindi nila ito nagawan nang paraan agad ay pwede nga iyong mangyari. Malalim na pinakawalan ni Mimi ang hininga niya at napapaisip kung papaano nilang mauunahan si Alliyah. Alam nilang pareho magiging delikado kapag nalaman ni Alliyah ang tunay na pagkatao niya/nila. “At kapag nangyari 'yon, mas masasaktan siya.” matunog na napamura si Mimi! “Malalaman niyang may kinalaman tayo sa pagkamatay ng mga magulang niya.” pinagsalikop niya ang mga kamay, kung sana lang ay may ibang paraan, pero wala na. Kahit ilang plano pa ang gawin nila, kahit sa anong paraan nilang gagawin ang mga planong iyon ay alam niyang masasaktan parin ang kaibigan niya! “I'm telling you, my mom can't figure out what to do, either. When I bring Alliyah to my house, it's just giving her clues and not to keep them a secret.” mahabang lintaya ni Jack at nasapo ang noo! Napailing si Mimi. “Paalis si Alliyah ngayon para bisitahin ang pinsan niya, what should we do?” makahulugang sabi niya at tuluyang tinapos ang pagkain niya. “I'll figure out, I have to talk to Clare.” tumayo si Jack at iniwan ang natitirang pagkain niya habang tuluyan nang nawalan nang gana si Mimi. Dahil sa pag-uusap nila ni Mimi ay naalala ni Jack ang nangyari sa nakaraan bago pa man tuluyang naulila si Alliyah! FLASHBACK “Try to focus, Clare!” sigaw ni Jack habang nakabantay sa lagusan na nilabasan nila! Tinuturuan niya si Matteo na kontrolin ang kapangyarihan nito na ipakita sa mga nakakaharap ang nasa isip niya—lalo na ang mga lugar na gustong-gusto niya o kaya ay bumabagay sa mga nakikita niya para sa isang tao—na mas madaling tawagin na illusyon. “Where is Misty, by the way? She's better in teaching me rather than you.” kinamot ng batang si Matteo ang ulo. Naiinip na ito dahil hindi man lang marunong magturo si Jack! “Oh really? You want to be beaten up before you can control that power?” sarkastikong wika ni Jack kay Matteo! “Whatever!” sinubukan uli ni Matteo na lantarang ilabas ang nasa isip niya dahilan para mag-iba ang hitsura ng kalsadang nasa harap niya! Hindi naman niya inaasahan ang pagdaan nang isang sasakyan at hindi na napigilan ang sariling mailabas ang kapangyarihan! Kaya nang tuluyang mag-iba ang paligid ay hindi na mawari ng nagmamaneho kung saan ang tamang daan! Nabangga ang minamaneho nitong sasakyan na siyang dahilan nang pagtigil ni Matteo sa ginagawa! Nagkatinginan silang dalawa ni Jack, parehong kinakabahan! Hindi nila iyon sinasadya! Labag sa batas nila ang kumitil ng buhay ng mortal lalo pa at hindi naman sila inaano ng mga ito! Pero aksidente ang nangyari! Hindi nila sinadyang mabangga ang mga taong iyon! Sandali pa ay dumating si Misty! Hindi kaagad ito nakalapit sa kanila dahil sa sobrang gulat sa nakita! Marahang naglakad si Misty papunta sa kinatatayuan nila ni hindi man lang nakapagsalita! Nang tuluyan nitong naabot ang kinatatayuan nila ay sabay silang marahang naglakad papunta sa naaksidenteng sasakyan! Mahigpit na napahawak si Misty sa laylayan ng damit ni Matteo habang si Jack ay hindi maalis ang mga mata sa isang babae at isang lalaki na duguan at parehong walang malay! The King and Queen, and... Nang may marinig si Misty ay agad na umikot siya sa kabilang banda ng sasakyan at doon nakita ang isang batang babae na sinusubukang gisingin ang dalawang nasa harap ng sasakyang iyon! Duguan rin ang batang iyon na ganoon lang sa edad nila kaya minabuti ni Misty na tulungan itong makalabas sa sasakyan upang magamot niya rin ang mga sugat nito! Napaiyak lang ang bata habang ginagamot ni Misty habang sinusubukan ni Jack at Matteo na ilabas ang dalawang katawan na nasa loob ng sasakyan! Ilang minuto narin lang ang natitira ay kailangan na nilang pumasok sa lagusan bago ito magsara! “You're going to be okay. We have to go.” akmang aalis na sana si Misty nang maalala ang isang napakaimportanteng bagay! Tinitigan niya nang maigi ang batang babae sa mata—na siya rin namang ginawa nito na nagpatigil sa kaniya sa pag-iyak—habang naglalakad papaatras sa kinalalagyan ng bata at papasok sa lagusan ng mundo nila! END OF FLASHBACK Nag-aalala si Mimi sa pwedeng mangyari! Oo nga at naalis niya sa memorya ni Alliyah—ang nangyari sa nakaraan—pero hindi iyon sapat para hindi ’yon madiskubrihan ni Alliyah dahil anak ito ng Hari't Reyna ng kaharian nila. Ika nga nila ‘walang sikretong hindi naibubunyag’ kaya posible paring maalala ni Alliyah ang memoryang nakalimutan niya na. Lalo na kapag kasama niya si Matteo. Ang kaibahan lang ni Alliyah sa mga ito ay hindi siya nasanay sa kapangyarihang mayroon siya dahil maagang namatay qng mga magulang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD