Episode 8: Secret Relationship

2220 Words
ALLIYAH'S POV “Aliii!!” maingay na sigaw ni Monica nang makita ako sa harap ng gate nila! Natawa ako sa reaksyon niya dahil bukod sa saya ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya! Hindi niya inaasahan ang pagdating ko! “Monica..” napapangiting niyakap ko siya nang tuluyan niya akong pagbuksan ng gate! “Ali, naman! Bakit hindi mo sinabing dadalaw ka? Hindi tuloy kami nakapaghanda ni mama ng tanghalian natin!” hindi ko alam kung sinasadya ba ni Monica na palakasin ang boses niya o dahil lang talaga iyon sa gulat! Ang ingay niya! “Ano ka ba? Ako lang 'to, 'no!” natatawang tinampal ko ang braso niyang naka angkla sa akin! “Kumakain naman ako ng kahit ano.” pabirong sabi ko saka niya ako nginusuan! “Ali naman, eh! Pero.. sige na nga! Tara, pasok muna tayo sa loob!” bigla ay nag-iba na naman ang mood ni Monica! Masiglang inaya niya ako papasok sa bahay nila saka ko nakita si tita na nagmamadali sa kung ano! Nagtatakang lumapit ako sa kaniya at nagmano! “Tita.. ayos lang po kayo?” nagsalubong ang kilay ko nang mapansin ang pagpeke nito ng ngiti sa akin! Minsan ko pang nilingon si Monica saka tuluyang inilapag ang noo ko sa likod ng palad ng mama niya. “Mama, ipagluto po natin si Ali? Minsan nalang po kasi itong bumisita sa atin.” alam kong naging peke narin ang pakikiusap ni Monica sa mama niya! Sa tuwing bibisita ako rito sa kanila ay hindi naman ganito si tita. Sa katunayan nga ay mas masigla ito kaysa kay Monica. Nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon? “Ah.. oh, siya sige. Punta muna ako sa kusina.” parang wala sa sariling bulalas ni tita dahilan para muli kong lingunin si Monica. Makahulugan ko siyang tinitigan sa mata habang marahang naglalakad si tita papunta sa kusina. “Aning nangyayari?” mahinang bulong ko kay Monica na siya ikinamot niya lang sa ulo! “Sa kwarto tayo, tara.” nang makarating kami sa kwarto ni Monica ay naupo kaming pareho sa kama niya. “Marami kasing naging problema no'ng mga panahong hindi ka bumibisita rito, Ali.” yumuko si Monica, hindi makatingin sa mga mata ko! “Ano bang nangyari? Ba't nagkagano'n si tita?” ibinaba ko ang bag na dala ko at ibinigay ang buong atensyon kay Monica para sana makinig, pero bigla niyang iniba ang usapan! “Gutom ka na ba? Hintayin nalang natin na matapos si mama sa pagluluto ha? May snacks naman kami sa baba, ano, kain muna tayo?” akmang ibabalik ko sana ang usapan pero mukhang walang balak si Monica na pag-usapan ang nangyayari kaya hindi na ako nagpilit. Sumama ako sa kaniya na bumaba ulit para kumain ng snacks. Naging maayos naman ang pag-uusap namin nang hindi binabanggit kung ano man ang pinagdaanan nila noong mga panahong hindi ako nakabisita. Nang sabay kaming magtanghalian ay napansin ko na bumalik na sa dati ang pagiging masigla ni tita. Hindi ko alam kung papaano, pero mas mabuting gan'to. Nang sumapit ang gabi ay hindi na ako nagpilit na umuwi dahil alam kong hindi rin naman ako papayagan ni tita na umuwi ng gabi. THIRD PERSON'S POV Nang marinig ni Alex ang boses ni Monica ay agad siyang pinaalis ng ina nito. Halos linggo linggo kasi itong dumadalaw dito sa kanila para kamustahin ang sitwasyon ni Alliyah ng hindi nito alam. Ayaw yon ng ina ni Monica dahil syempre may girlfriend na ito, at lalo na dahil kaaway nila ang kahiriang kinabibilangan ni Alex, ang mga dark peculiars. Pero hindi nila magawang kontrahin dahil nga malakas ang kapangyarihan nito at kapahamakan iyon sa kanila kapag ginawa nila yon. Masamang peculiar ang nagpalaki kay Alex kaya hindi malabong makuha nito ang mga asal na nakakasanayan niya, kahit pa mabait ito kung makipag-usap sa kanila. Dahil sa biglaang pagdaging ni Alliyah ay nakapagdesisyon si Alex na tumambay muna sa paligid ng bahay nina Monica para marinig o malaman ang ginagawa ng babaeng gusto niya. Wala namang kung anong ginawa si Alliyah doon at tangig bumisita lang talaga ang pakay. Pero hindi mapigilan ni Alex na sundan si Alliyah kahit pa nung umuwi ito sa bh niya hanggang sa pagpasok sa paaralan. Napangiti pa nga siya nang aksidente siyang mabunggo ni Alliyah dahil naghahabulan sila ng kaibigan niyang peculiar din, pero walang alam si Alliyah don dahil pilit nilang itonatago sa kaniya ang lahat. ALLIYAH'S POV Kinabukasan ay maaga akong umalis sa kanila para pumasok sa klase. Nang maabutan ko si Mimi sa labas ng bahay nila ay nakangiwi na ito sa akin! Akmang lalagpasan ko siya nang makatanggap ako ng batok galing sa kaniya! “Aray naman, Mimi!” natatawang reklamo ko at mas binilisan pa ang lakad! “Alam mo bang—” hindi ko siya pinatapos! Inakbay ko ang kanang braso ko sa balikat niya niya at nakangising nagsalita! “Hindi, kaya 'wag mo nang ituloy, ha?” akmang babatukan na naman niya ako nang tumakbo ako ng mabilis at mabunggo ang isang lalaki! “Ahh..” parehong bulalas namin saka palang tinitigan ang isa't-isa! “Liyah!” narinig ko ang sigaw at yapak ni Mimi na papalapit sa amin! “Tara na, tara na! Pasensya na po.” mabilis na hinila ako ni Mimi papalayo sa lalaking iyon na nabangga ko! “Mimi hindi ako nakapagsorry sa tao, eh.” kinunutan ko siya ng noo! “Kaya nga ako na ang gumawa, 'di ba? Saka, malelate na tayo, ano! Bilisan mo nalang ang paglakad, okay?” kamot ni Mimi sa ulo niya saka ako hinila ulit! Minsan pa siyang napapalingon sa pinanggalingan namin at mabilis na humakbang papalayo! “Oh, natagalan kayo ngayon?” nakangiting tanong ng guwardiya! “Eh, ang bagal po kumilos ng kaibigan ko, paano ba iyan?” sinabayan ni Mimi ang paraan ng pakikipag-usap ng guwardiya kaya natawa ako, bagay kasi 'yon sa kaniya! Parang bihasa siyang magsalita ng ganoon! “Tara na nga, Mimi! Nagbibiro lang po 'yan!” hilaw na ngumiti ako dahil sa pagpapahiya ni Mimi sa akin at mabilis na hinila siya! Nang nasa tapat na kami ng entrada nang building A ay naghiwalay kami ni Mimi ng hallway. History ang klase ko ngayon kaya makikita ko na naman si Matteo at Jack. Pero nagtaka ako nang wala sila sa silya nila. Kadalasan kasi ay nauuna sila sa akin, pero ngayon, mukhang hindi na sila darating dahil isang minuto nalang ay magsisimula na ang klase. “Nasa labas na si Mr. Matsumoto!” sigaw ng kaklase kong lalaki at nagmamadaling umupo sa pwesto niya. Ilang segundo nga ay naroon na si Mr. Matsumoto. Mabilis itong umupo at inanunsyo sa amin na magchecheck lang siya ng attendance dahil may gagawin raw siya na mas importante kaysa sa magturo ngayon. At dahil do'n, ang saya ng buong klase, syempre, kasali narin ako. Pero kahit nakaalis na si Sir Matsumoto ay nanatili kami sa loob ng classroom. At dahil naburyo ako nang kalahating oras na ang lumipas na wala na akong magawa, sinadya kong lumabas ng classroom. Naglalakad ako papunta sa canteen nang mapansin ang dalawang estudyanteng naroon sa butterfly garden ng paaralan saka ako napahinto nang mapagtantong pamilyar ang dalawang taong iyon. Matagal rin bago ko tinigilan an mga ito sa kakatingin. Mula sa pagkakayakap nila ay nakita ko mismo sa dalawang mata ko kung sino ang kayakap ni Jack! Agad na kumirot ang dibdib ko nang bahagyang humarap sa akin banda ang mukha ni Mimi, umiiyak! Bigla ay dumagsa ang daan daang tanong sa isip ko! Kung bakit sila magkayakap? Bakit magkasama sila.. at sila lang dalawa? Palihim ba silang may relasyon na hindi ko alam? Para saan? Para hindi ako nasasaktan sa tuwing kasama ko silang dalawa? O kaya.. kay Jack lang talaga nakapagpalabas ng hinanakit si Mimi dahil may klase ako? Pero.. magkaklase kami ni Jack. Oh kaya mas maagang nalaman ni Jack na hindi papasok si Mr. Matsumoto kaya pinili niyang samahan si Mimi? Pwede naman akong isama ni Jack kung ganoon 'di ba? Pwede rin namang sa akin 'yon sabihin ni Mimi, alam niya namang kapag kailangan niya ako ay darating ako agad. Napaatras ako at marahang itinukod ang kamay sa poste na nasa gilid ko. Naguguluhan ako, nanghihina dahil sa mga tanong sa isip ko na sila lang ang makakasagot. Pero papaano ko silang kokomprontahin? Nangako ako kay Mimi na hindi ko siya aawayin dahil lang sa isang lalaki, pero ano 'tong nararamdaman ko ngayon? Bakit ramdam ko ang galit sa loob ko habang nakatingin ako sa kanila mula sa malayo? Hindi naman siguro ako sasaktan at pagmumukhaing tanga ng kaibigan ko? Hindi naman ganoon si Mimi sa pagkakakilala ko. Sa tagal ba naman ng panahong naging kaibigan ko siya, ngayon lang siya magtatago ng sekreto sa'kin? Napailing ako at pilit na tinatanggal ang mga nasa isip! Umatras ako at aksidenteng nabangga ang trash can sa kabilang banda ng daan! Lumikha ito ng ingay na mas lalong nagpakaba sa akin! Ayaw kong makita nila akong palihim na nakamasid sa kanila! Kailangan kong lumayo! Akmang tatakbo na ako nang humarang si Matteo sa dadaanan ko! Inosente itong nilingon ang kaning tinititigan ko, kung nasaan sina Jack at Mimi! Nang ibalik niya sa akin ang paningin ay kumunot ang noo nito! “Why were you secretly watching them?” Kinakabahan akong napailing at mabilis na nilagpasan siya pero dahil sa bilis niya ay nahuli niya ang kamay ko! “Bitawan mo'ko, Matteo. K-kailangan kong k-kumain!” utal-utal kong sagot at pilit na inaagaw ang kamay ko! “What a stupid reason, Alliyah!” bigla ay sinigawan niya ako! “You're not hungry at all! Are you..” nanliit ang mata niya at dudugtungan sana ang sasabihin nang may lumabas mula sa kung nasaan sina Jack at Mimi! Parehong napadpad ang paningin namin ni Matteo sa kanila, saka silang tatlong sabay na nagbaba ng tingin sa akin! Naroon man ang pakiramdam na mabigat ang dibdib ko ay sandali itong natabunan ng pagtataka! “Liyah..” tinawag ako ni Mimi at naglakad papunta sa akin! Sinubukan kong alisin sa isip ang nakita ko kanina at pilit na ngumiti! “Wala kayong klase?” naguguluhan, pero nakangiting tanong ko! “Kami rin, eh. Kaya pupunta sana ako sa canteen para kumain nalang. Ang boring kasi.” pinilit ko ulit na kamutin ang ulo ko kahit hindi naman iyon makati! Sinusubukan kong itago ang totoong nararamdaman ko, ayaw kong guluhin kung ano man ang namamagitan kay Mimi at Jack, nangako ako. Gustong-gusto ko nang umiyak at ilabas ang nararamdaman ko, pakiramdam ko kasi ay tinraydor ako ng matagal ko ng kaibigan, pero maling isipin na 'yon ang nangyayari, dahil sa huli, baka ako ang mali. “Liyah..” pag-uulit ni Mimi. Nababasa ko sa mga mata niya na naaawa siya sa akin kasabay ng pagkakonsensya. Tama ba ang nababasa ko sa mata niya? Malalim akong bumuga ng hininga at ibinaba sa sapatos ko ang paningin. Kailangan kong pigilan ang luha kong gusto nang kumawala! Nagkunwari akong natatawa sa mukha ni Mimi, pero alam kong alam niya na ang nararamdaman ko! Alam ko dahil kaibigan ko siya at kilala niya na ako. “Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Mimi? Ibabalik kita sa elementary, eh.” hilaw akong tumawa at nilapitan siya, “Gutom lang ako. Umaakto kang parang nakakita ka ng multo, ah?!” kunwaring biro ko at inakbayan siya! Parang tumigil ang mundo sa mga oras na'to! Ang tahimik! Parang kaming apat lang ang natitang nilalang sa buong mundo? Hindi ko alam. “Alliyah—” tinawag ako ni Jack kaya mabilis na nilingon ko lang siya at kinawayan dahilan para hindi niya ipinatuloy ang kung ano man ang sasabihin. “Ano? Hindi ka sasabay, Mimi? Mauuna na ako ha? Gutom talaga ako, eh.” nilingon ko ulit si Mimi saka ngumiti ng nakatago ang ngipin at mabilis na tinalikuran silang tatlo. Nang wala man lang ni isang humabol sa kanila o kaya ay tinawag ang pangalan ko ay tumakbo na ako, hindi ko nakayang pigilan ang luha ko! Impit na iyak ang pinakawalan ko nang makapasok sa cubicle ng banyo! Ngayon ko palang naramdaman ang pakiramdam ng trinaydor! Pero ang mas masakit pa ay wala naman akong maipaglalaban dahil kaibigan ko si Mimi at pareho lang kaming may gusto kay Jack. Eh, ano ngayon kung magkasama sila? Magkayakap? Syempre gagawa si Mimi ng paraan para makasama ang taong gusto niya, hindi ba? Hindi ko naman jowa si Jack para magreklamo sa nakita! Ewan ko ba, gusto ko lang naman 'yong tao, hindi ko naman mahal, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Mas malala pa kaya dito ang nararamdaman kapag sinaktan o niloko ka ng jowa mo? “Tch! Wala naman akong jowa.” natawang reklamo ko sa sarili at pinahid ang mga luha na dahilan ng pagbasa ng pisngi ko. Inayos ko ang sarili ko at hinintay na mawala ang pamamaga ng mata saka lumabas sa cubicle para maghilamos. Ayaw kong lumabas sa cr na'to na umiiyak. Pero ayaw kong may magbago, ang pakikipagkaibigan ko kay Mimi, Matteo at lalong lalo na kay Jack. Kailangan mong tanggapin ang katotohanang 'yon, Alliyah.. Napapikit ako kasabay ng paghinga nga malalim. Maging matatag ka, lalaki lang 'yan, kaibigan mo si Mimi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD