Episode 9: The Scene

2018 Words
Malalim ang hiningang pakawalan ko nang tuluyang makita ang iilang estudyante na nasa loob ng canteen. Nag-iwas ako ng tingin sa mga 'yon at aksidenteng nailapat ang paningin kay Matteo na nakatingin sa akin! Papalapit ito sa kinaroroonan ko kaya akmang liliko ako para maharangan siya ng mga lamesa na nasa gilid ko, pero huli na ang lahat! “Let's talk, Alliyah.” marahan niyang hinawakan ang kamay ko saka hinila ako papunta sa likuran ng canteen kung saan ay kaunti lang ang mga dumadaan. Alam kong tungkol 'to sa nangyari kanina lang, pero ayaw ko na sanang pag-usapan, kung pwede at kung maiiwasan lang. “Anong kailangan mo?” malamig na tanong ko sa kaniya na siyang ikinakunot ng noo niya! Alam kong hindi dapat ako ganito kung umakto, dahil gusto ko lang naman si Jack. pero hindi naman ibig sabihin no'n na wala na akong karapatan masaktan. Minsan pa siyang natawa at napailing! Narinig ko rin ang mahinang mura niya! “What a coldie, huh?” salubong ang kilay niyang tanong! “Look. I know you're hurt—” “No, I'm not.” pinutol ko siya. “Yes, you are. And don't lie to me, I saw that hurt f*cking face a while ago.” matigas na usal niya at inangat sa ere ang dalawang palad para ipatong iyon sa magkabilang braso ko. Malalim na bumuga siya ng hininga bago ulit nagsalita. “Don't change yourself because you saw them in that situation. Don't think that they're a trait—” “Tumigil ka na, Matteo. Hindi mo na kailangang pagaanin pa ang loob ko. I saw them, yes. And that's for me to accept the fact that they've been together all the time.” imbes na yumuko ako ay sinubukan kong labanan ang nanunuyong titig niya. Tama naman ako, hindi ba? Ang pangit naman kung agawin ko nalang ng basta basta si Jack kay Mimi? Kung sila ay pwede kong matawag na traydor, ano naman ang maitatawag sa akin ng mga tao? Sometimes we have to think of others instead of thinking what's good for us. People should be selfless sometimes. Let's make others feel that they're important, too. That's how the real world works. “Alliyah.. please don't be like this. This is not you, I.. I know you're hurt. I can listen, you know?” napailing ako sa sinabi niya. Oo, nasasaktan ako, pero hindi ito 'yong sakit na kailangan kong magluksa. Kailangan ko lang ay maging matatag, kailangan maging marunong ako tumanggap ng katotohanan. Actually, we all need that. “Ayos na ako.” tinanggal ko ang dalawang kamay niya sa braso ko at nginitian siya ng pilit bago umalis. Pero hinabol niya ako at nagkatitigan kami ulit! Marahang umawang ang labi ko nang mabasa ang awa sa mga mata niya! “Don't pity me, Matteo.” napailing ulit ako at bahagyang natawa! “I'm not as weak as you think I am. Kailangan ko nang umalis.” sa pagkakataong ito ay hindi na siya nagtangkang pigilan pa ako. Dumeretso ako sa classroom. Akala ko ay matatahimik na ako, pero mali ang akala ko! Naroon si Jack at halatang hinihintay ako! Nagkatitigan kami pero iba ang titig niya habang tinititigan ko siya na parang hindi ako interesado sa kaniya, na parang hindi ko na siya gusto. “Alliyah.. can we talk? Kahit sandali lang?” sa ilang beses kong bumuga ng malalim na hininga ay ginawa ko na naman 'yon! “Pagod ako, Jack. Pwedeng bukas nalang?” umangat ang gilid ng labi ko at naupo sa harap niya. Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Gusto ko munang mapag-isa na kahit si Mimi ay ayaw kong makausap o makita man lang. Hindi naman sa galit ako sa kanila, oo, masasabi kong galit nga ako, pero ayaw kong magtampo o itanim man lang ang galit na'yon sa lupa. Gusto ko lang bigyan ang sarili ko ng oras para pahilumin ang kaunting sugat sa loob ko saka ko sila kakausapin. Dumaan ang ilang araw na bihira ko nang kinakausap si Mimi pati narin si Jack. Pero iba si Matteo sa kanilang dalawa. Kahit kasi na iniiwasan ko rin siya ay kinukulit niya ako. Pumupunta siya sa bh ko at niyayaya akong maglakad sa tabi ng street lights na siyang hindi ko aayawan kahit kailan. “How are you doing with Misty?” isang hapon ay tanong ni Matteo! “Bihira na kaming magkausap.” tipid na tugon ko sa kaniya at huminto sa paglalakad. Umupo ako sa tabi saka siya nilingon. “How is she? I always see you guys together.” yumuko ako matapos tanongin iyon. Sa totoo lang, miss ko na si Mimi. Gusto ko na siyang yakapin, kausapin, at higit sa lahat gusto ko nang humingi ng tawad dahil sa pag-iwas ko sa kaniya. “Well..I can say that she's actually been asking about you. She's always telling me she wanted to hug you whenever you're near her, but as usual, you're always avoiding us. So.. that's why.” nagkibit-balikat si Matteo. Ganoon nalang kabigat ang dibdib ko nang marinig ang mga 'yon. Binalikan ko ang mga nakaraan namin ni Mimi, 'yong mga panahong sabay kaming nanananghalian dahil wala akong baon o baliktad. 'Yong mga panahanong sabay kaming naglalakad pauwi at papuntang eskwela, 'Yong mga panahong nagmemeryenda ako sa tindahan nila, 'yong pag-uusap namin habang kumakain sa canteen o kaya kapag may bagong chismis niyang nalaman. Hindi na namin nagagawa ang mga 'yon. “I miss her, too.” malungkot na napangiti ako. Simula no'ng nakita ko silang magkayakap ni Jack ay nagbago ang lahat, ang lahat-lahat. “You can go to her now, you know?” natatawang suhesyon ni Matteo. Napailing ako, hindi pa ako handa. Wala na yata akong mukhang maihaharap kay Mimi. Sa lahat ng kabutihan na ipinakita niya sa akin ay ganito lang ang isusukli ko? Nakakahiya. “Hindi mo ako naiintindihan, Matteo.” “I may not be, but maybe Misty could understand. You're bestfriends. You're like sisters, if you ask me.” tumayo si Matteo at inabot ang kamay ko! “Let's go get her?” malapad itong ngumiti, nakagat ko ang labi ko! Aayawan ko pa ba 'to? Makakausap ko na si Mimi, ang kaibigan ko! Nilakad namin ni Matteo ang daan papunta sa maliit na tindaha nila Mimi. Tahimik kami habang naglalakad, hindi ko na alam ang sasabihin ko, pero mas mabuting nang ganito. Nang ilang metro nalang ang layo namin sa kanila ay natanaw ko ang isang sasakyan, sa loob no'n ay naroon si Jack sa driver's seat at si Mimi sa passengers seat, nagkatitigan sila pero hindi ko inaasahan ang susunod nanangyari! Parang binuhusan ng isang baldeng yelo ang buong katawan ko nang tuluyang maglapat ang labi nila! Ramdam ko ang paglipat ng tingin ni Matteo sa akin! Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko! Ganito ang resulta kapag tadhana na ang naglaro! May nasisiyahan, pero syempre, hindi rin mawawala 'yong mga nasasaktan. Nang hindi pa iyon natapos agad ay mabilis na iniwas ko ang tingin ko! Nagbaba ako ng tingin sa kalsada kung saan nakikita ko ang liwanag na ibinibigay ng mga ilaw sa gilid ng daan! Marahan akong umatras at humarap sa kung saan kami nanggaling. Kailangan kong umalis. Hindi pwedeng magmukha akong tanga do'n. Ayos na sana, eh. Gusto ko nang bumalik ulit sa dati 'yong kung ano kami ni Mimi. Pero hindi ko na kinaya ang nakita ko. Walang salitang sumunod sa akin si Matteo. Alam kong nakita niya rin 'yon. “Have you fallen in love already?” mamaya ay tanong ko sa kaniya saka palang siya nilingon. Tumango siya at marahang ngumiti, iyong ngiting alam mong may inaalala siyang napakahalagang tao para sa kaniya. “I have. And I'm secretly admiring her for more than one century now.” mabilis na napalingon ako sa sinabi niya! “More than a century? She's lucky.” hindi makapaniwalang nilingon ko siya at nainggit sa kung sino man ang babaeng iyon. “I hope someday I'll be special for someone, too. Like her being so special to you.” “Yeah, she's lucky. Don't worry, I'm sure there is, Alliyah.” inangat niya ang paningin sa himpapawid kaya nakigaya ako! Umawang ang labi ko! “W-wala na siya?!” hindi makapaniwalang ibinalik ko kay Matteo ang paningin, nagugulat! MATTEO'S POV “Yeah, she is.” I gazed at the peacefulness of the sky. You're so lucky that someone like me likes you for that long years. I then bitterly smiled, if you just knew that your were the lucky girl you're referring to. “Wala na siya?!” nautal siya nang biglang isigaw 'yon! Those unexpected words that came out from her mouth made me hold my laughter I just can't believe this girl! A while ago, she was missing her bestfriend and wanted to apologize to her, but instead of doing so.. she's hurt again because of what she saw! And now.. she's unbelievable! “Matteo! Wala na siya? Sagutin mo naman ako!” there's curiousness in her eyes when I looked at her, and it's somewhat annoying. Actually I'm talking to her right now. I wanted to utter those words but I couldn't. It's like it'll ruin my relationship with her. But I definitely know the whole reason why. “No, she's not! How boring it'll be to love a person whose not in this world already. It's like hoping for the dead person to comeback to life.” napailing ako! “Hmm..” marahan siyang tumango, there's something in her eyes that tells me she's reminiscing! Napakunot ang noo ko, here she goes again. What's that that make her that lonely? “I miss my parents, too.” I freezed! Ilang segundo saka siya nagtangkang salubungin ang tingin ko kaya mabilis na iniwas ko ang paningin bago ko maipakita sa kaniya ang totoong nangyari! Until now, I'm not prepared. Even Misty, doesn't have the courage to tell Alliyah the truth, because she's afraid to loss her and so I am . “I.. I think I have to go, Alliyah.” mabilis na tumayo ako! I shouldn't have gotten this far! Narinig ko siyang mahinang tumawa kaya napalingon ako sa kaniya. “Why is everyone avoiding to know about my parents? Kahit na si Mimi ay hindi makasagot kapag tungkol sa parents ko ang inoopen up ko habang nag-uusap kami? It's not that they're killers, they just got into an accident!” she said with teary eyes! I know she badly wants to know the truth. She even asks about it with her cousin Monica. But of course, Monica couldn't tell her too cause it's our business. Monica just wanted us to spill the word but we can't, we're afraid to loss Alliyah, so she couldn't do anything, too. Bigla ay bumalik sa nakaraan ang paligid ko! Naaalala ang mga nangyari bago binawian ng buhay ang nga magulang ni Alliyah! Nakita ko do'n ang paglabas namin ni Jack sa portal—ang batang ako at si Jack—saka ako hinarap ni Jack. May sinabi siya sa akin pero hindi ko marinig dahil malayo ang distansiya ko sa kanila. Narinig ko ang malakas na reklamo ko kaya nagsimulang kumabog ang dibdib ko! “Ano 'to?” I shifted my gaze at Alliyah, her eyes are confused! Nanlaki ang mata ko nang marealize kung anong nangyayari! I'm showing her what really happened! This can't be! “No, no! This can't be! I'm sorry, sorry! I have to go!” pilit kong inaalis sa isip ko ang pangyayaring 'yon to stop this from happening! Pero imbes na marahang mawala iyon ay nagpatuloy pa ito! At dahil sa takot ko na baka makita ni Alliyah ang lahat ng pangyayari, I walked away from the girl I love the most. I just can't let her know right now. I can't loss her, I don't wanna loss her. I'm afraid that I will go home without having at least a tinsy bit of quality time with her. But I have to leave, I have to make this stop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD