A/N:
Hi good evening! So medyo matagal rin akong hindi nag-update. Alam ko pong hindi ko na kailangan mag-explain pero gusto ko, kaya hahaha! Sorry dahil natigil pagbabasa ninyo, siguro akala niyo hindi ko na 'to tatapusin 'no? Well, h*ll no. Nagbreak lang ako, medyo nawala focus ko sa story since pasukan na ulit. So, sana guys suportahan niyo parin ako!
Btw, we've reached 277 reads! Sa ilang araw na hindi ako nag-update dumagsa kayo, mwehehe (medyo nakakahiya. pero sana nandiyan parin kayo ^_^ ) THANK YOU GUYSS! So back to story na tayo...
ALLIYAH'S POV
It's been one month since hindi na ako nakikilag-usap at nakikipagkita kay Mimi, Jack, at Matteo. Marami narin ang nagbago sa akin. Oo, ako parin naman 'to, but things are a little bit different now.
Sa isang buwan kong sinasarili ang mga bagay-bagay ay natuto akong manahimik, mabuhay ng mag-isa. Alam kong hindi pa katagalan ng pagiging mapag-isa ko, it's just.. dito ko nararamdaman ang kalayaan ko, ang katahimikan.
Ayaw ko nang masangkot sa kung ano man ang kinasasangkutan ko noon—mula noong nawala ang mga magulang ko hanggang ngayon.—Ngayon ay hindi lang sa paaralan tumatakbo ang buhay ko.
Natuto akong lumabas mag-isa, magshopping, gumala sa kung saan nang walang kasamang kaibigan sa tabi ko. Natuto akong mag-isa. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaanong haharapin si Mimi.
Kagaya ng dati ay namimiss ko parin siya. Lalo na ngayon na papalapit na ang birthday niya, ang eighteenth birthday niya. Hindi ko alam kung magpapakita ba ako o manonood nalang sa malayo, hindi ko alam.
Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari sa dalawang buwan na dumaan. Dumating si Matteo sa paaralan namin, naging magkaibigan kami, nakilala ko ang mama niya, kalaunan nakilala ko si Jack, nagustuhan ko siya at ganoon rin si Mimi, at nagkaroon ng mga pangyayaring hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang katotohanan, kung naging sila ba talaga ni Mimi o ano.
Kung para sa iba ay pag-iinarte ang ginawa ko, para sa akin ay ito ang ikatatahimik ko. Alam mismo ni Mimi ang gusto kong mangyari kaya lumayo ako. Ayaw kong magkagulo o kaya ay mag-away kami dahil sa iisang lalaki. Matagal na naming napapag-usapan ang bagay na iyon, na hindi ko siya aawayin nang dahil sa lalaki. Kaya sigurado akong naiintindihan niya ang desisyon ko.
Pumapasok pa rin naman ako sa paaralan, pero may pero. Iniiwasan o hindi ko na pinupuntahan ang mga lugar sa paaralan kung saan pwede ko silang makita, kahit pa kaklase ko naman si Matteo at Jack sa ibang subjects.
Natuto rin silang lumugar at lumayo sa akin, hindi ko alam kung bakit. Sa huling natatandaan ko kasi ay si Matteo ang palaging nasa gilid ko, pero simula noong gabing nagkausap kami ay madalang niya na akong lapitan, kausapin, at kung ano pa mas malala? Parang hindi na.
“Hi.” nag-angat ako ng tingin sa lalaking humarang sa daan ko! It was Matteo! Tumagilid ang ulo ko sabay ng pagtataka!
“Matteo.” nakakunot parin ang noo ko, pero sinubukan ko iyong maging normal.
“It's like ages since we've talked.. how are you doing?” alam kong pilit ang ngiting nakikita ko sa mga labi ni Matteo ngayon, hindi ko alam kung bakit pa pumasok sa isip niya ang kausapin ako sa paaralan.
Pilit rin akong ngumiti, nasa mga sapatos ko ang tingin. “I'm well. Kayo ba?”
“Well.. we are preparing for Misty's birthday surprise party. And I'm wondering if you would like to come? The event will be two days from now.” nasa magkabilang bulsa ang dalawang kamay niya, alam kong naiilang siya kaya ngumiti ako ng mas natural, iyong ngiting ginagawa ko noon pero madalang na ngayon.
“Alam ko. But I don't think Mimi wants to see me in her special day, Matteo.” he snorted at my sentence!
“You're best friends! Why wouldn't she?” natawa ako sa sinabi niya, ano naman ngayon? Matagal akong hindi nagparamdam sa kaniya, ano sa tingin niya ang gagawin ni Mimi? Baka mapahiya lang ako.
“Besides, hindi ako nakatanggap ng invitation card.”
“What an excuse, Alliyah. That is the reason why I'm here.”
Napailing ako. “Hindi niya ako gustong makita, alam mo 'yan, Matteo.” nilagpasan ko siya at dumeretso nang lakad! Walang pagdadalawang-isip, hindi ko siya nilingon pabalik! Pero ramdam kong sumunod siya.
“How sure are you?! Have you seen her? Have you heard her words?! Don't you wanna see your long time bestfriend on your own?! You know how special and important you are to her, don't you? I don't know how you can stand this, Alliyah! This is not you! So not you!” napahinto ako sa mga sinabi niya!
Nakakunot ang noo kong nag-baba ng tingin sa sapatos ko! Bakit hindi niya nalang ako tantanan?! “What is so special with Misty that it feels like I am nothing compared to her? Why do people like you sides Misty instead of me? Why does it has to be me to be to put a lot of effort for a person that isn't my blood?! And why do I care to all of you that did not even asked how I feel, huh?!” ramdam ko ang kutsilyong bumaon sa puso ko!
Sa tanang buhay ko ay pangalawang sakit 'to na naramdaman ko bukod sa pagkawala ng mga magulang ko! Natahimik si Matteo at hindi nasagot ang mga tanong ko! Hindi ko na rin pinigilan pa ang luha ko na nagpapahiwatig sa sakit na nararamdaman ko!
“Liyah..” mabilis na napalingon ako sa likod ni Matteo! Naroon si Mimi, kita sa kaniya ang panggigilid ng mga luha! Siguro ay narinig niya ang mga sinabi ko! Marahas na inilipat ko ang paningin kay Matteo!
Tinalikuran ko sila at mabilis na tumakbo papalayo! Hindi ako naiinsecure kay Mimi, alam ko 'yon sa sarili ko! Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit mas nararamdaman kong espesyal siya kaysa sa'kin?! Bakit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag?!
At dahil sa nangyari ay hindi ako pumasok nang maghapon! Umuwi ako ng bh at nag-empake ng mga damit sa medyo may kalakihan kong bag! Siguro nasa mga apat na pares ng damit ang ipinasok ko doon!
Tapos ay mabilis na inayos ang ibang gamit ko, aalis ako. Siguro tama ang tatlong araw para makahinga ng maluwag? Napabuntong-hininga ako, kahit sa pagpapagaan sa sarili kong nararamdaman ay kailangan kong lumayo, nakakapagod.
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto na hindi ko naman inasahan. Kunot ang noo habang marahan kong binubuksan ang pinto. Nangmakita si Matteo ay tumalikod ako, hinayaang nakabukas ang pinto. Ayaw ko namang maging bastos.
“Alliyah..what's this?” anas niya nang mapansin ang bag na inempake ko kanina lang. Kunot ang noong nag-angat siya ng tingin sa'kin kaya mabilis kong iniwas ang paningin ko! “Now you're leaving? Just like that?” hindi ko alam kung anong tawag sa nakikita ko kay Matteo ngayon!
May lungkot at pagsisisi sa mga mata niya na literal na nakikita at nararamdaman ko! Lumakad siya papalapit sa akin habang marahang inaabot ang braso ko.
“I'm sorry if I wasn't that sensitive. Please, let's talk. Don't leave miserably, Alliyah. I'm sorry.” hinawakan niya ang kamay ko sa paraang sinisuguro niyang hindi ako masasaktan, sa paraang ramdam ko ang pag-iingat!
Sandali akong natawa! Hindi makapaniwala! Tinitigan ko siya sa mata, hindi ko alam kung anong nakita niya sa akin na siyang nagpalamlam ng mata niya! Marahan niya akong hinila papalapit sa kaniya pero hinila ko pabalik ang braso ko.
“Umalis ka na, Matteo. Bumalik ka sa klase. I don't want seeing you.” masakit man sa loob ko ay sinabi ko 'yon. Ayaw kong makaistorbo ng iba kaya ako lalayo. Hindi matatahimik ang loob ko kung palagi nalang ganito.
“No, please. Don't disappear. Don't leave us hanging, Alliyah. You don't have to do this.” umiling-iling si Matteo. Nakita ko at naramdaman kong seryoso siya, pero hindi na ako ang dating Alliyah na matatahimik lang sa ganitong ginagawa niya.
Iba na ako. Nagbago na ako. Natuto na ako. Mas magiging maayos at magaan ang pakiramdam ko kapag mag-isa ako, kapag nasa malayo ako.
“So you're leaving us, again? After one month of ignoring, avoiding and not—”
“Stop. I don't pity you for doing this. This is how I heal now, Matteo. You can't stop me from leaving, now go back to school.” wala akong planong magpapigil sa kaniya, gusto kong mapag-isa!
“Really? That is how hard you've become now? Is this how you trained yourself? Is this gonna solve your problems? Alliyah..” napasinghap ako sa mga huling salita niya!
Napakunot ang noo ko! Bumalik na naman ang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag! Gusto kong umiyak, mapag-isa, gusto kong ayusin ang sarili ko, pero hindi ko magawa! Hindi ko magawa kasi hindi ko naiintindihan ang sarili ko!
Hindi makapaniwalang nahawakan ko ang dibdib ko! Mas lalong lumala ang nararamdaman ko! Marahan akong napaupo, hindi malaman kung ano ang dapat kong gawin!
“Please.. please, umalis ka na, Matteo. Umalis ka. Tigilan mo na ako. Hayaan mo na ako sa gusto kong gawin. Ayaw kitang makita.” nagsimula akong umiyak dahil sa hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko!
Nasabunutan ko ang buhok ko! Sana ay hindi na siya magsalita pa! Gusto ko ng tahimik na paligid! Gusto kong makapag-isip ng maayos!
“Alliyah.. are you okay? Alliyah, stop doing that, okay? Calm dow—”
“No! Shut up! Just leave! Leave! I don't wanna see you anymore! Just leave!” hindi na ako mapakali at mas sinasaktan pa ang sarili ko! Gusto kong mawala ang pakiramdam na ito sa paraang sasaktan ko ang sarili ko para imbes na ang pakiramdam na iyon ang maramdaman ko ay ang pisikal na sakit!
“Alliyah! No! Stop doing that! Stop hurting yourself! No, stop! Just stop, Alliyah!” mas lalong lumala ang ginagawa ko na hindi ko na malaman kung tama pa ba o mali na!
Mas nagiging malala 'yon habang naroon si Matteo, habang pinipigilan niya ako sa ginagawa ko sa sarili ko! Hindi na ako nag-iisip ng maayos! Gusto ko lang naman siyang umalis pero bakit hindi niya magawa?!
“Alliyah?!” narinig ko ang pamilyar na boses pero hindi ko parin tinitigilan ang sarili ko sa pagsabunot, pagsuntok, at pagpalo sa kung saang parte ng katawan ko!
Ramdam ko parin ang pagpigil sa akin ni Matteo hanggang sa nawala ito! Umiiyak at parang mababaliw na ako sa sakit na nararamdaman! Hindi iyon sakit na basta-bastang nagagamot ng doktor! Iyon 'yong sakit na kailangan ng mahabang proseso para tuluyang maghilom!
“Just leave, bro! She doesn't need you. Shh, settle now, Alliyah. I'm here.. I'm here. Sorry for being late, but it's okay now.” marahang kumalma ang buong katawan ko at hinayaan siyang yakapin ako. Malalim ang mga hiningang pinapakawalan ko habang parehong naka pikit ang mga mata ko.
Naroon parin ang impit na pag-iyak ko pero mas kalmado na iyon. Isiniksik ko ang buong mukha sa dibdib niya at hinayaan ang sariling makatulog sa tabi ng lalaking ito.
Nang magising ako ay nakahiga na ako sa kama. Wala nang ibang narito kun'di ako pero hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko. Nasa boarding house pa rin naman ako pero kanina ay Nakita ko si Alex.
Si Alex ang nasa tabi ko nang danasin ko ang depresyon ko. Siya ang naging sandigan ko, siya ang tumutulong at nagpapakalma sa akin t'wing umaatake ito. Siya lang ang may pakealam sa akin bukod sa mga kaibigan ko.
“She had that because of her friends that didn't even bother to know how she feels. Now you know, you can leave. And don't ever show yourself to her.” rinig ko ang boses ni Alex, 'yon 'yong tono ng pananalita niya kapag may gusto siyang mangyari at siya dapat ang masusunod.
Alam ko kung sino ang kausap niya, pero hindi ko na narinig na nagsalita pa si Matteo. Malalim na huminga ako, mabuti nalang at dumating si Alex kanina, kung hindi, baka mas lumala lang ang sitwasyon ko.
Nang marinig kong papalapit si Alex ay umayos ako ng upo at napayuko. Palagi nalang ganito. Sa tuwing aatakehin ako ng depresyon ay gusto kong makalimutan ang nangyari bago ko nakuha ang sakit na ito. Minsan ay hinihiling ko na sana hindi ko nalang sila nakilala.
“Oh, gising ka na pala. How do you feel? You wanna go out?” nag-angat ako ng tingin kay Alex at ngumiti.
Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya sa mga ginagawa niya. Napupunan niya ang kulang na pakiramdam sa loob ko. Napupunan niya ang pangungulila ko hindi lang sa mga magulang ko kun'di pati narin sa mga kaibigan ko.
“Dito nalang muna ako. Pwede ka nang umalis, kaya ko na ang sarili ko.” napairap siya sa sinabi ko.
“You're doing it again, Alliyah. And that means you are not okay. You can spit it out, you know I'll listen, right?” umiling ako, hindi ko gustong pag-usapan ang nangyari, baka bumalik lang ang pinakapangit na pakiramdam na iyon.
“Bumalik ka na sa inyo. I can handle this. Bibisita lang ako sa cousin ko, babalik rin naman ako after ilang araw. I'll make sure I'll be okay, 'wag kang mag-alala. Thank you, Alex.” mahigpit na niyakap ko siya.
“Okay. Take care, Alliyah.” tumango ako at tinanaw siya habang naglalakad palapit sa pinto.
Nilingon niya muna ako saka tuluyang lumabas. Malungkot na napabaling ako sa bag na inempake ko. Sa lahat ng bagay halos ako nalang palagi ang nag-aadjust. Pero nakasanayan ko na, nakakalungkot lang dahil hindi ko na mahanap ang dating ako. Gusto kong bumalik ako sa pagiging masayahin, makulit, madaldal, pero hindi ko na magawa. Hindi ko alam kung paano akong binago nang pangyayaring hindi naman ganoon kalala.