Dumaan ang ilang araw na parang wala lang. Na parang wala akong kaibigan na magcecelebrate ng birthday.
Nanatili ako kina Monica hanggang sa araw na ito. Sa araw ng kaarawan ni Mimi. Hindi ko alam kung magpapakita ba ako o papalagpasin ko nalang ang araw na 'to na hindi nababati at nayayakap si Mimi.
“Ali? You okay?” nakangiti pero ramdam ko ang sensirong tanong ni Monica.
Nasabi ko na sa kaniya ang nangyari bago ako pumunta dito. At ngayong alam niya na ang tungkol sa depresyon ko ay ayaw niya muna akong pabalikin sa bh ko. Baka raw mas lumala lang ang lagay ko.
“Gusto ko nang bumalik sa dati, Monica. Pero hindi ko kayang pilitin ang sarili ko, hindi ko pa kayang humarap sa kanila.” nilalaro ko ang mga daliri habang sinasabi ang totoong nararamdaman ko.
Hindi ko mawari kung may kasalanan ba ako o wala. Hindi ko malaman kung ano ang mangyayari kapag nagpakita ako, kasi sigurado akong hindi na babalik sa dati ang samahan namin lalo na ni Mimi.
“Ali.. hindi mo kailangang i-push ang sarili mo na magpakita at bumalik sa kanila nang ganiyan ang lagay mo. Alam mo 'yan. At sigurado ako na naiintindihan ka na nila lalo pa at nakita na ni Matteo ang sitwasyon mo. Kung totoong kaibigan sila, hahayaan ka nila. At kung sakaling makapagdesisyon kang bumalik at magpakita sa kanila, tatanggapin ka parin nila.” hinaplos ni Monica ang likod ko.
Sana lang. Sana nga ganoon lahat ang mga kaibigan, pero sa pagkakaalam ko ay pwedeng magbago ang trato sa'yo ng isang tao. Isa na ako sa halimbawa no'n.
Sa mahabang lintaya ni Monica ay hindi parin naiibsan ng katiting ang nararamdaman ko. Hindi ko alam, dapat ay nakatulong 'yon sa'kin, pero parang wala lang.
“Magpahinga ka muna. Magluluto lang kami ni mama ng tanghalian natin.” tumango ako at nahiga sa kamang inuupuan ko.
Napapaisip ako kung sisipot ba ako sa birthday ni Mimi. Bigla ay bumalik sa isip ko ang usapan namin ni Matteo!
“Well.. we are preparing for Misty's birthday surprise party. And I'm wondering if you would like to come? The event will be two days from now.”
“Don't you wanna see your long time bestfriend on your own?! You know how special and important you are to her, don't you?”
Umiling ako, sinusubukang alisin sa isip ang mga sinabi ni Matteo! Madiin na tinakpan ko ang tenga ko, ayaw ko na! Ayaw ko nang marinig ang boses niya!
“Ali? Ali? Are you okay?” bigla ay ayon na si Monica! Hinihingal galing sa baba!
Marahang kumalma ng kusa ang katawan ko, kumunot ang noo. “Bakit?” sa sobrang pagtataka ko ay ayon lang ang lumabas sa labi ko!
“W-wala..” marahang ibinaba niya ang tingin sa sahig para iwasan ang tingin ko!
Mas lalo akong nagtaka! “Bakit ka hinihingal?” tumabingi pa ang ulo ko!
“Wala, akala ko inaatake ka na naman.”
“Paano mong nalaman?” umawang ang labi niya sa sinabi ko!
“Wala, naramdaman ko lang. Tawagin mo ako kapag kailangan mo ha?” tinanguan ko nalang siya at hinintay na makalabas siya ulit bago ako humiga.
Nang ipipikit ko na ang mata ko ay biglang tumunog ang cellphone ko! Nakita kong pangalan ni Mimi ang nabasa ko sa screen at nagdadalawang isip na sinagot ang tawag!
Hindi ako nagsalita agad at nakinig lang sa kabilang linya! Rinig ko ang malalalim na paghugot niya ng hininga bago nagsalita.
“Liyah..” ramdam ko angoanginginig ng boses niya kaya nagsimula kong nakikita ang papaiyak niya nang mukha! “Liyah.. hindi ka ba pupunta? Nasaan na ang bestfriend ko?” putol putol niya iyong sinabi, ngayon ay sigurado na akong umiiyak siya!
Nakagat ko ng mariin ang labi ko! Matagal ko nang hindi naririnig ang boses niya, miss na miss ko na si Mimi! Kung tutuosin kasi ay parang magkapatid na kami ni Mimi, kaya ganiti nalang kami ngayon.
“Mimi.. s-sorry..” nailayo ko sa tenga ko ang telepono nang tuluyang pakawalan niya ang pag-iyak! Ayaw kong umiyak, ayaw kong maging mahina sa paningin niya!
“Sorry na rin, Liyah.. please, punta ka na dito. Gusto na kitang makita.” narinig ko na naman angmahinang hagulhol niya sa dulo ng lintaya niya!
“Hindi ko pa kaya, Mimi. Pasensya na. Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko.” yumuko ako.
Gusto narin kitang makita, Mimi. Pero hindi ko kakayanin na harapin ang pag-atake ng depresyon ko.. pasensya na.
Hindi pa man siya nakakasagot ay pinatay ko na ang tawag. Sa loob ko ay gusto ko siyang puntahan, pero kung isip ko naman ang tatanongin ay hindi ko yata kakayanin.
Napapikit ako at malalim na humugot ng hininga. Inisip ko ang mga pinagdaanan namin ni Mimi. Naalala ko lahat ng mga pangit at masayang dinanas namin nang magkasama kaya bigla ay umahon ang pakiramdam na gusto ko siyang makita, batiin, at yakapin nang mahigpit!
Sa huli ay nagdesisyon akong surpresahin si Mimi. Pupunta ako sa birthday niya. Hindi ko matitiis ang kaibigan ko, lalo pa at pawang kapatid na ang turing namin sa isa't-isa.
Siguro nga ay nagtampo lang ako, dahil hindi talaga kakayanin ng konsensya ko ang balewalain lang ang araw na ito. Kahit pa may pinagdadaanan ako ay alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang tiisin.
Habang nasa byahe ay napapaisip na ako kung anong magandang regalo kay Mimi. Nakatulogan ko pa ang pag-iisip sa tagal nang byahe kaya ang ending ay lumagpas ako sa destinasyon ko!
“Para po! Para po!” tarantang sigaw ko at mabilis na inabot ang bayad! Sa sobrang layo na ng nilagpasan ko ay kailangan ko na namang bumyahe ng isang oras pabalik!
Kung hindi pa ako nauntog ay hindi ako magigising! Kung hindi ako nagising, siguro hindi na ako makakaabot sa birthday ni Mimi! Nasapo ko ang noo ko at napailing sa nangyari! Nakakainis!
Naghintay ulit ako ng masasakyan sa isang tabi, pero ilang minuto pa bago ako makahanap ng byahe pabalik sa sentro ng syudad.
~~~~~~
Nang makapasok sa gate ng venue ay agad akong namangha! Parang kakaiba kasi ang disenyo ng labas, aprang hindi bagay sa birthday? Kung ako ang tatanongin ay mas babagay pa ang theme na ito sa kasalan, like garden wedding.
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa mga naglalakihang halaman! Hindi ko alam na mahilig pala sa halaman si Mimi?! Hindi ko rin lubos na maisip na appayag siyang ganito ang theme ng birthday niya!
Sa labas ay rinig ko ang kaunting ingay na nagmumula sa loob ng venue, kaya habang mas papalapit ako ay mas lumalakas ang ugong ng tugtug sa loob!
Nangangatal na ang kamay ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan! Naghalo-halo na ang pakiramdam ko! Masaya, nahihiya, kinakabahan! Malalim na humugot ako ng hininga bago akmang bubuksan sng pinto ng kusa itong bumukas!
Tumambad sa akin ang isang nakangiting lalaki, binati ako nito at inabot ang kamay para alalayan akong humakbang papasok!
Napasigaw ako sa looban dahil bumagay naman ang napili kong suotin para sa napaka engrandeng party ni Mimi! Hindi naman sa nag-uumapaw ang kasosyalan no'n. Naapka-rlrgante kasi tignan ng mga tao rito na siyang nakapagpasosyal tingnan ng kabuuan ng party!
Suot ko ang kakabili ko lang na casual dress noong mag-shopping akong mag-isa dalawang linggo na ang nakakaraan. May kaunting desinyo lang iyon at kulay abo, kumikinang rin ang ibang parte ng damit kapag natatamaan ng ilaw kaya sigurado akong pwede nila akong gawing disco ball mamaya!
Ginawa kong umiwas sa mga mata ng naroon habang naglalakad at hinahanao si Mimi, pero hindi ko siya makita! Napansin ko rin habang iginagala ang paningin ay hindi ko halos kilala ang lahat ng mga narito bukod sa mga naaalala kong mukha ng mga kachismis ni Mimi sa paaralan!
Nakuha ng isang papalapit na imahe ang atensyon ko. Hindi ko siya maaninag ng maayos dahil sa napakalikot na ilaw! Doon ko lang na kompirma kung sino ang lalaking iyon nang tuluyan itong tumayo sa harap ko habang parang lumulutang sa ere na nakatitig sa akin!
Pekeng umubo ako para mulatin siya sa reyalidad saka ito utal at hindi maayos na makatitig sa akin na nagsalita!
“Alliyah.. Good evening..” halata sa pananalita niyang naninibago siya sa akin, hindi parin makapaniwalang pinasadahan ng tingin sng kabuuan ko!
“Good evening. Si Mimi?” nasundan ko ang titig niya na bumaba ulit sa paanan ko hanggang sa masalubong niya ang nagtatakang titig ko!
“Sorry.. uhm.. I.. Misty's not yet here.” mas nagtaka pa ako sa sinabi niya at binigyan ulit siya ng nagtatakang tingin! “Stuck on the traffic. By the way, it's nice to see you around. I thought you really aren't coming.” mabilis na nasagot niya ang itatanong ko palang sana.
Ngumiti ako at inilibot ang paningin, bigla ay nakaramdam ako ng pagka-ilang dahil sa pananahimik niya! Hindi ko alam ang isasagot, hindi ko nagustuhan ang huling pag-uusap namin!
“Alliyah.. I'm sorry about what I told—” hinarap ko siya at sinenyasan na tumigil na.
“Kalimutan mo na, Matteo. I want you to forget what you've seen, too.” patungkol ko sa biglaang pag-atake ng depresyon ko sa harap niya! Agad siyang tumango saka nagsalita ulit.
“Well.. how was—never mind. Come here, I'll take you to the room that's really intended for the four of us.” alam ko ang itatanong niya sana, pero mabuti nalang at agad niyang napigilan ang sarili niya.
Hindi ko inaasahan na ipupulupot niya ang isang braso niya sa bewang ko! Agad na may kakaibang pakiramdam na dumapo sa tiyan ko kaya palihim na nakagat ko ang labi ko!
“Matteo..” mahinang tawag ko sa kaniya na siguradong narinig niya naman habang nadadaanan namin ang mga hindi ko kilalang nisita ni Mimi!
Marahang nilingon niya ako kasabay ng pagdahan ng paglalakad namin! “Yes?” hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko habang nagkakatitigan kaming dalawa!
Palihim na kinagat ko ang laman ng pisngi ko at nagpatuloy sa pagsasalita! “I don't know these people.” matapos kong tanongin 'yon ay mas lalong humigpit ang hawak niya sa bewang ko, inilapit niya ang labi sa tenga ko dahilan para magsitayuan ang mgs balahibo ko!
“I'll tell you once we're already inside, okay?” mabilis na tumango ako at pinanatili ang nakababa kong mukha. Tanging sahig lang ang nakakasaksi sa mukha ko ngayong gabi bukod kay Matteo!
Dumaan kami sa isang may kaliitang hallway na nagdala sa amin sa saradong kwarto ng venue na ito! Ilang lakad lang rin naman, malapit lang sa venue center kaya kahit na napakasarado na ng kwartong ito ay may kaunting ingay parin ang nakakapasok.
Sabay na comportableng naupo kami ni Matteo, nasa katapat na sofa siya naupo kaya nakita ko ang pagod niyang itsura! Nasapo niya ang noo habang nakapikit ang mga mata!
Kumunot pa muna ang noo ko saka ako nagkaroon ng lakas ng loob para tanungin siya! “Okay ka lang?”
“Actually, I'm totally drained off! This is so tiring! I've never arrganged such occasion before! I'd better have a salary for this!” nakuha niya pang magpatawa sa likod ng pagod niya!
Napailing ako! Hindi ko nakita ang ganitong side ni Matteo noon. Pero bukod sa tanong kong 'yon ay hindi parin ako nakuntento!
Napapatanong na naman ako sa isip ko kung ano talaga ka espesyal si Mimi para sa kanila! Paano nilang nagagawa ang ganitong gawain na hindi naman talaga nila ginagawa para sa isang tao?! Bakit sa akin ay parang hindi nila kayang gawin ang gano'n?
“Are you okay?” napansin siguro ni Matteo ang pag-iiba ng awra ko kaya mabilis na tumayo ito at naupo sa gilid ko! Ginamit niya ang ilang daliri para hawiin ang mukha ko paharap sa kaniya!
Bukod sa paghinga ay wala na akong ibang nagawa nang magpang-abot ang paningin namin! Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa kaya ramdam ko ang paghinga niya at ganoon rin siya sa akin!
Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang magbaba siya ng tingin sa labi ko! Hindi ko malaman ang gagawin! Bigla ay napansin ko na naman ang pag-iba ng paligid ko! Mula sa kwartong pinagdalhan niya sa akin ay biglang napunta kami sa napakamahikal na lugar! Kung saan ay hindi mo inaasahang mayroon sa mundong ito!
Napakaraming samo't saring bulaklak na hindi normal sa paningin ng isang gaya ko! Purong kulay berde ang mga damo na makikita mo bukod sa makukulay na mga kahoy sa paligid! Napamangha ako sa nakita ko!
Hindi ko alam na may ganoong lugar pala sa mundong ito na mas maganda pa sa normal na nakikita ko sa araw-araw sa paligid ko! Parang nawala bigla sa isip ko kung ano ang ipinunta ko rito! Tanging ako at si Matteo lang nasa lugar na ito!
Habang manghang-mangha ako sa nakikita ko ay ayon naman si Matteo at hindi maalis ang tingin sa mukha ko! Muling inilibot ko pa ang paningin at mas lalong nabighani sa ganda ng paligid!
Pero awtomatikong kumunot ang noo ko nang maglaho iyon at napalitan ng imahe nang napakapamilyar na lugar! Napansin kong nasa tabi ako ng pamilyar na daan, hindi ko masyadong matukoy ang lugar pero alam kong alam ko 'yon!
May narinig akong batang umiiyak sa likuran ko at akmang lilingon ako do'n nang marinig ang malakas na paggsigaw sa gilid ko!
“Matteo! Stop!” nang harapin ko si Matteo ay napahiga na ito sa sofa habang nakatingin kay Jack!
“Matteo..” lumipat ang paningin ko kay Mimi na matamlay na pinagpalitan kami ng paningin ni Matteo!
Nagtatakang ibinalik ko ang tingin kay Matteo! Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila, pero sigurado akong may kinalaman 'yon sa nangyari ngayon lang!
“Excuse us for a minute, girls.” matigas na ani Jack saka sumunod si Matteo.
Nang kami nalang ni Mimi ang natira ay tensionado parin ang paligid, hindi ako makagalaw o makatingin man lang ulit kay Mimi!
“Liyah.. I can feel your walls.” walang pagdadalawang-isip na sinabi ni Mimi na siyang dahilan kung bakit agad na nanghina ang tuhod ko!
Ako ba talaga ang may pagbabago? Bumuo ba talaga ako ng ganoon kataas na pader para hindi sila makalapit sa akin?
Kunot ang noong nag-angat ako ng tigin! Sa mga oras na ito ay hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko! Kaibigan ko sila, pero bakit ganito? Bakit parang binibigyan ko sila ng dahilan para layuan ako? Napailing ako, hindi, gusto kong ibalik ang lahat sa dati.
“Sorry.. Nasaktan lang ako, Mimi.” sinubukan kong iparamdam sa kaniya ang totoong naramdaman ko.
Gusto ko nalang magpakatotoo sa mga oras na ito dahil bukod sa mga kaibigan ko at kay Alex ay wala na akong ibang malalapitan kapag ganito ang sitwasyon ko.
“I'm sorry din, Liyah. Hindi ko agad naisip ang mararamdaman mo, pero alam mo namang ayaw kong nasasaktan kita 'di ba? Kaya—” hindi na natapos ni Mimi ang sasabihin dahil sa biglaang pagsulpot nina Jack at Matteo!
Sabay na nilingon namin sila at sinamaan ng tingin! Nalilitong nagtitigan ang dalawa kaya nagsalitang muli si Mimi! “Alam niyo naman ang salitang girls talk 'no?”
Tumaas ang kilay ni Jack at nanlalaki ang matang nilingon si Matteo! Nabasa ko naman sa bibig ni Matteo ang nakakatuwang reaksyon na ‘oh-oh’ na sila lang ni Jack ang nakakarinig!
Ipinagsaliko ni Mimi ang magkabilang braso at mas sinungitan pa ang dalawa! Palihim kong pinigilan ang tawa dahil sa nakikita! Hindi ko alam na sa katagal-tagal kong iniiwasan ang mga ito ay ganoon parin pala sila, na ako nga lang ang nagbago.
“Sorry. As you can see, Matteo and I are going out now, hehe.” parang nanliliit na bulalas ni Jack at mabilis na itinulak si Matteo palabas!
Tuluyang pinakawalan ko ang tawa at ganoon rin si Mimi! Parehong malalakas na halakhak ang lumabas sa mga bibig namin na siyang matagal ko nang gustong mangyari ulit!
“Nakakatawa 'yong reaction ni Jack!” lumabas ang mga salitang 'yon sa kalagitnaan ng paghalakhak ko!
“Lalo na kay Matteo! Ganito pa.. ‘oh-ohh’ Hahaha! Ang mga loko-lokong 'yon!” mas natawa pa ako dahil sa panggagaya ni Mimi kay Matteo!
“That was priceless!” halakhak ko pa pero agad na itinigil ko 'yon nang nagugulat natiningnan ako ni Mimi! Tumaas ang dalawang kilay ko! “Ano?”
Hindi pa rin nawawala ang nagugulat niyang tingin na sinundan pa ng pag-awang ng labi! “Sa wakas! Nag-eenglish na rin ang kapatid ko, lord!” akala ko kung ano na kaya natawa kaming pareho matapos siyang magmukhang baliw sa harap ko!
At ganoon ganoon lang ay parang tinanggalan ako ng limang nakataob na kutsilyo ang dibdib ko! Ramdam na ramdam ko ang pag gaan ng pakiramdam ko na siyang hinihiling ko noon na bumalik! Hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso ko at nakangiti nalang parati habang hindi pa kami lumalabas sa kwartong ito!