Episode 12: Destiny

2846 Words
“Let us all welcome! The queen of the night! Ms. Misty!” napuno ng hiyawan ang buong hall dahil sa ingay na idinulot ng mga tao matapos ianunsyo ng emcee ang pagpasok ni Mimi! Eksakto rin ang paglabas ni Mimi kasama si Jack na nakaalalay sa kaniya nang bumukas na malaking LCD screen kung saan ay makikita ang nakapalaking ‘Misty @ 18’ Naghalo ang sigawan at palakpakan ng mga tao dahil sa kagandahan ni Mimi! Hindi ako makapaniwala! Kanina lang ay simpleng white casual dress ang suot niya, pero kung papasadahan mo siya ng tingin ngayon ay magugulat kang talaga! Medyo may kakapalan ang inilagay na eye shadow sa eye lids niya, pati narin ang pilik-mata at kilay ay bahagyang pinakapalan para bumagay ang kabuuan niyon! Medyo may kakapalan rin ang lipstick niya pero mas lalo iyong nagpaganda sa kabuuan ng make up niya! Mangha akong pumalakpak habang naaawang ang labi! Hindi ko maalis kay Mimi ang paningin ko! Napakaganda niya! Dahan dahang kumalma ang mga tao nang muling magsalita ang emcee, “Good evening ladies and gentlemen. First of all, let us bow down our heads and pray.” sabay na sinunod iyon nang mga tao na ginawa rin naman namin ni Matteo na kanina pang tahimik sa tabi ko. “Thank you lord for this special day, giving and guiding Ms. Misty love through out her journey. May Ms. Misty enjoy this amazing day you have prepared for her. Bless this people who have come to celebrate a very special day. And also Bless the mother of this very beautiful girl. Thank you lord for everything. Amen.” napasinghap ako ng malamig na hangin bago iningat muli ang paningin! Kanina ko pa kasi nararamdaman na may nakatitig sa akin, si Matteo. Hindi ko alam kung bakit titig na titig siya sa akin, wala namang mali sa make up ko, wala rin namang dumi ang mukha ko dahil ilang ulit ko nang palihim na chinecheck 'yon. “I never expected you to have this kind of side, huh.” naka-angat ng kaunti ang gilid ng labi ni Matteo nang inis ko na siyang lingunin! “Anong akala mo sa'kin? Hindi nag-uupgrade?” tinarayan ko siya dahilan para kunwari itong napaatras! Napailing ako at natawa sa ginawa niya! “And here she goes!” pinatunog niya ang labi niya at muling ibinigay ang atensyon sa harap na eksakto namang pagsimula ng kantang happy birthday! “Happy birthday to you...” patapos na kinanta naming lahat iyon. Agad na ipinuwesto ng isang lalaki ang malaking cake sa harap ni Mimi. “Before blowing the cake, we want you to make a wish, Ms. Misty.” ngiti ng emcee at hinintay na ihipan ni Misty ang kandila! Nagpalakpakan na naman kami matapos nga iyong inihipan ni Mimi! At ano ang sumunod na nangyari? Ang sumunod lang naman na nangyari ay ang biglaang pagkamatay ng ilaw! Halos lahat ay nagulat sa nangyari, pero iilan lang ang mga napapasigaw! Halata rin namang hindi iyon inaasahan ng mga staffs na narito dahil sa mga natatarantang kilos nila, halos magtakbuhan na kasi ang mga ito maibalik lang ang ilaw! Mabilis rin namang nakaisip ng paraan ang emcee para pakalmahin ang mga nagpapanic! “Sorry for the inconvenience, ladies and gentlemen, but for the mean time, let us all sit and remain calm. The management is doing their best to resolve the problem. Thank you.” kahit na walang mic ay rinig ko parin ang anunsyo ng emcee dahilan para alalayan ako ni Matteo na maupo saka niya hinila ang upuan na nasa tabi ko. “So, I guess talking is what we can do for now.” ani Matteo habang tinatanggal ang butones sa black suit niya. “I guess so.." sinundan ko siya ng tingin saka tuluyang nagsalubong ang mga mata namin. Malalim na buntong-hininga siya at ipinatong ang magkabilang kamay sa mesa. "How are you, Alliyah? Please be honest." ang nakita kong pagkamangha sa mukha niya kanina ay napalitan ng lungkot. "Look, I'm sorry about asking this, but I really wanna know, Alliyah." nag-iwas ako ng tingin. Nabasa ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya napagdesisyonan ko nang sabihin ang totoo, total kaibigan ko naman siya. "Well.. I'm suffering from depression. But don't worry, I'm starting to heal now. I feel better." kusang nabuo ang ngiti sa labi ko. Hindi man niyon nawala ang nararamdaman ko sa pagsasabi ng totoo, pero alam kong nagsisimula na rin itong maghilom. "Okay.. so who's helping you all the time? You didn't even bother calling us." nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Bigla ay naalala kong nagkaharap nga pala sila ni Alex! "Ahh, 'yon. Si Alex, bagong kaibigan ko." natural akong ngumiti, naaalala ang mga mabubuting ginawa sa akin ni Alex. “Really? So when can we meet him?” wala mang emosyon ang mukha niya nang sabihin 'yon ay ramdam ko naman ang matulis na tingin niya sa'kin! Alam ko kung anong ibig sabihin no'n kaya kumukuliti na naman ang tiyan ko! Mariin kong nakagat ang labi dahil sa hindi mapigilang pakiramdam at ibinaba ang tingin. “I don't know. Halos araw-araw naman siyang napapadaan sa bh ko kaya kung may plano kayong dumalaw do'n, baka.. baka sakaling magkita kayo ulit.” kunwaring nilaro ko ang nga daliri ko at saglit na sinilip ang mukha niya! “Why don't you just invite him for dinner? Or he can come over now, you know. Misty and Jack wants to meet him too.” nilingon niya ang stage na hanggang ngayon ay may kadiliman pa rin. Pero mabuti nalang at madaling nag-adjust ang mga mata ko at naaninag na ang paligid kahit kunti. Nakikita ko si Mimi at jack sa stage na pawang nag-uusap rin. “Magpaalam ka kay Mimi.” ininguso ko ang kinaroroonan ni Mimi at mabilis na ibinalik ang tingin sa kaniya. Naka-angat na ang isang gilid ng labi nito habang nakatingin sa dalawa! Natatawang tinitigan ko parin siya, hindi ko alam kung anong naglalaro sa isip niya, pero ang reaksyon ng mukha niya ay parang nandidiri siya sa paghahampas ni Mimi kay Jack! “Are you jealous?” bigla ay ayon ang lumabas sa bibig ko! Agad na natakpan ko ang labi ko kasabay ang paglaki ng mata! Mabilis naman na lumipad sa akin ang paningin ni Matteo habang salubong ang kilay! “Why would I be?” nagtatakang binalik nito ang tanong sa akin! “Sorry, that wasn't the right question, I think.” inis na pinisil ko ang hita ko! Todo ang kaba ko nang tumayo ito sa likod ko! Sa isang iglap ay ramdam ko na ang hininga niya sa bandang tenga ko! Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang pakiramdam na idinulot niyon sa akin! “Should I be jealous to that Alex you're talking about?” ibinulong niya 'yon dahilan para dumagundong ang kaba ko! May kung ano sa boses niya na mas lalong nagpapalala sa kiliti na nararamdaman ko, pero syempre, hindi ko hahayaang maramdaman niya 'yon! Hindi ko alam kong bakit, parang may banta kasi ang pagkakasabi niya sa mga salitang 'yon, hindi ko maintindihan! “Excuse me, I have to go to the men's room.” parang wala lang na sinabi niya 'yon, nasa katamtamang lakas na ng boses saka ko narinig ang paglayo ng mga apak niya. Walang anu-ano'y kinuha ko ang telepono ko dahil sa kawalan ng ginagawa. Balak ko lang buksan ang i********: ko para tingnan kung may mga importanteng message ba pero napigilan ako nang may magsalita sa harap ko! “Excuse me.. can I join you?” nakangiti na ito nang mag-angat ako ng tingin! Kinunutan ko siya ng noo habang tumabingi naman ang ulo ko! “Sure..” sinundan ko siya ng tingin habang hinihila ang kaninang inuupuan ni Matteo para maayos na makaharap at makausap ako. “Thanks. Oh, by the way, I'm Cian.” pormal na inilahad niya sa akin ang kamay kaya maayos ko iyong tinanggap. “Alliyah.” tipid na sagot ko at agad na pinutol ang paghahand shake namin. “Oh, for Pete's sake, thanks! Nice to meet you, Alliyah.” tumango ako at bahagyang nginitian siya. Hindi pamilyar sa akin ang mukha niya kaya hindi ko gusto ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin! Pormal naman 'yon pero, alam ko kung ano ang pakay niya. Mabilis ma huli ang ganitong galawan ng mga lalaki.“Nice to meet you, too.” tugon ko at nilingon ang stage. Nakita kong mukhang nandito sa amin banda ang paningin ni Mimi at Jack kaya nakampante ako. “So, I would like to introduce myself first. I am Misty's younger cousin. And I have heard so much about you from her.” kumikinang ang mga mata niya habang nagsasalita kaya nagtataka tuloy ako kung ano ang mga naichika ni Mimi tungkol sa'kin! “So chinichismiss niya rin ako sa inyo?” umawang ang labi niya kasabay ng pagkunot ng noo! Biglaang pumasok sa isip ko ang nakakatawang bagay sa reaksyon na nababasa ko sa mukha niya! Hindi niya ba ako naiintindihan? Mamamatay na ako sa kakatawa sa isipan ko! Hindi niya nga ba ako naiintindihan? Papaanong ang isang gaya niyang may maingay na pinsan na gumagamit pa ng malalalim na tagalog ay hindi maintindihan ang ang sinasabi ko? Paano ba ikinekwento ni Mimi ang tungkol sa akin? Nag-eenglish kaya siya? Natawa na naman ako sa isip! “I'm sorry, can you.. can you translate that in english? Please?” mahinang natawa ako sa huling salitang lumabas sa bibig niya! Sa paraan kasi ng pagkakasabi niya ay parang ilang beses niya lang iyong sinasabi sa isang taon! Hindi siguro sanay makiusap ang lalaking ito! “Sure..” natawa ako at sinenyasan siyang saglit lang. Kasi kapag nagsalita pa ako ay baka humalakhak na ako sa harap ng lalaking ito! Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa ako na mismo ang nagsimula sa usapan. “What did Mimi told you about me?” “Well.. I can't really tell. She's just.. she's just reminiscing the times when you're together.” napansin ko ang pamumula ng pisngi niya habang hindi makasagot ng maayos! “I doubt.” agad na sinagot ko siya ng patapos. Hindi ako naniniwala dahil sa bibig pa lang ni Mimi ay imposibleng 'yon lang ang ikukwento niya. Lalo na kung iisipin kong mabuti ang pamumula ng pisngi ni Cian. Hindi iyon ordinaryo para sa isang lalaki na mamula nalang ng gano'n gano'n, kapag ang lalaki na ang nagpakita ng ganoong emosyon, ewan ko nalang. Hindi pa man ako nagkakajowa pero naranasan ko narin namang magkagusto sa isang lalaki. Hindi naman ganoon ka lonely ang buong teenage years ko, may lalaki rin namang nagkakagusto sa akin, pero ako ang may ayaw na lumalim pa ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. “Cian, little brother.” hindi pa man nakakatugon si Cian ay naunahan na siyang magsalita ni Matteo! Mariin na binanggit ni Matteo ang salitang ‘little’ dahilan para panliitan niya ng mata si Matteo! “Oh, vanem vend.” tumayo si Cian nang makita si Matteo! Napaigtad naman ako nang maramdaman ang isang kamay ni Matteo sa bandang kanan ng tagiliran ko! Pero hindi iyon ang kumuha sa atensyon ko! Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Cian kay Matteo kaya itinabingi ko ang ulo ko, nagtataka! “You two know each other?” ayon na naman ang malamig na pananalita ni Matteo! “I just introduced myself to her, vanem vend.” matamis na ngumiti si Cian kay Matteo saka sumulyap sa'kin! “And she seems so.. nice. All right, please excuse me, I have to meet someone.” hinarap niya ulit si Matteo at tinapik ang balikat nito! Hindi pa agad gumalaw si Matteo kaya pati ako ay nanatiling nakatayo! Ramdam ko ang inis niya dahil sa paghigpit ng hawak niya sa bewang ko saka ako maayos na pinaupo sa pwesto ko. “Excuse me, too.” eksaktong sinabi niya 'yon ay bumalik na ang ilaw! Pero hindi ako roon nagulat! Nag-iba na kasi ang disenyo ng buong venue! Kung kanina ay natural na modern iyon, ngayon naman ay puro bulaklak at gumagapang na halaman ang umuukopa sa buong pader pati narin ang ceiling! Kasabay ng pagkagulat ay hindi ko rin maiwasang mamangha! Hindi ko maisiping kung papaano nilang nagawa 'to ng ganoon kabilis! Kung iisipin ng mabuti ay kulang pa ang ilang minutong pagkawala ng ilaw para mabuo ang ganito ka ganda at hindi kapanipaniwalang disenyo! Bukod sa naging reaksyon ko ay rinig ko rin ang bulungan ng ibang tao dahil sa bumulaga sa kanila! Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang disenyo sa bahay nina Matteo. Ganitong ganito rin ang nakita ko noong unang umapak ako sa loob ng bahay nila. Puno ng dumudikit sa sementong halaman ang bawat pader sa sala ng bahay nila! “Ladies and Gentlemen! We got you surprised, huh? So this is the real motif of this evening! What an amazing, concept, Ms. Misty! So for the main event, of course eating is a must.” marami pang sinabi ang emcee tungkol sa paraan ng pagkain at mamaya pa ay nagsimula na ngang magkainan. Habang kumakain ang lahat, ay naglilibot naman si Mimi sa mga bisita niya, halos lahat ng table ay pinupuntahan niya saka siya magpapakuha ng litrato. May nag-eentertain rin naman sa stage tulad ng pagkanta at pagsayaw. At hindi ko inaasahan na kami na pala ang huling lalapitan ni Mimi saka siya sumalo ng kaunti ng pagkain sa'kin! Total apat lang naman kami sa mesa ay hindi mapigilan ang pag-iingay ni Mimi! Kesyo kahit pa raw kumain na siya ay nagugutom na naman siya, masakit narin daw ang paa niya kaka-hills. Na sobrang nagustohan niya raw ang pagpalit ng tema sa buong venue na siyang hindi mapaniwalaan ng iba, lalo na ng mga schoolmates namin! Nalaman ko na rin na magjowa na si Mimi at Jack isang buwan na ang nakakalipas. Akala ko ay babalik ang depresyon ko nang banggitin nila 'yon, pero ganoon nalang kagaan ang loob ko! Nakahinga ako nang maluwag nang batiin ko pa sila at napayakap pa ako kay Mimi! “Thank you, Liyah.” ngumuso pa si Mimi at malawak na ikinulong ako sa magkabilang braso niya! “Akala ko magagalit ka na naman sa'kin. Ayaw ko nang mangyari 'yon kaya hindi ko na kinayang itago sa'yo ang totoo.” yumuko ako at natawa nang maalala ang nangyari sa pagitan namin! Naaalala ko pang ilang beses kaming nag-uusap tungkol kay Jack. 'yong usapang babae at bilang magbestfriend, syempre nangako kami sa isa't-isa na hindi kami mag-aaway dahil lang sa isang lalaki, kay Jack. Pero hindi ko natupad 'yon. Naging dahilan pa si Jack sa pagkadepres ko na siyang nagpalayo ng loob ko kay Mimi! Pero kahit na umayos na ang loob ko kay Mimi ay hindi ko parin maiwasang iwasan si Jack. Syempre, siya ang dahilan nang lahat, kaya siguro ay lalayo muna ako sa kaniya. Mabuti narin sigurong ganoon, lalo na ngayon na magjowa na sila ni Mimi, tapos gusto ko pa siya dati, ang pangit naman sigurong tingnan kung didikitdikit pa ako sa jowa ng bestfriend ko. “Thank you rin, Mimi. Akala ko tuluyan nang matatapos ang pagiging besties natin dahil sa ginawa ko.” niyakap ko pabalik si Mimi, kasing higpit ng pagyakap niya sa'kin. “No way! Mamatay man si batman!” makulit na tugon ni Mimi! “Tch! Dinamay pa si batman.” si Jack! Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na mas madalas pang magtagalog si Jack kaysa kay Matteo! Bigla ay naalala ko ang pinsan ni Mimi kaya bahagya akong natawa! Nakagat ko pa ang labi ko para pigilang lumakas ang tawa ko! Mas malala yata ang isang 'yon! Nang ibalik ko ang paningin sa kanila ay nasalubong ko ang tatlong pares ng mata! Nakakunot ang noo nina Mimi at Jack habang blanko naman ang paningin ni Matteo! “What are you laughing at?” ipinagsalikop niya ang magkabilang braso at tinaasan pa ako ng kilay! “Ha? W-wala naman..” nahilaw na natawa ako at pinanlakihan pa ng mata si Mimi, nagtatanong kung bakit ganoon nalang silang makatitig sa akin! “Oh yeah?” hindi parin naniniwala sa aking bulalas ni Matteo! “Guys, I have to go back to the stage! Magsisimula na ang 18 roses ko. Bye Alliyah, stay put! Chika tayo later! Matteo!” ininguso pa ako ni Mimi kay Matteo na siyang ikina-irap ko! “You're stuck with me again, huh? Guess we're destiny?” pabirong tinukso niya pa ako! “Ahem.” sabay na napalingon kami nang may biglang umubo sa gilid namin! Si Cian! “Can I share the table?” tumango agad ako, hindi na hinintay na sumagot pa si Matteo! “Alliyah..” nagdadalawang-isip na nilingon ko si Matteo! Akala ko ay magagalit siya pero natawa ako nang may kalokohan itong naisip! “'Wag kang maging conyo.” mabilis na napigilan ko ang sariling tawa! Alam ko na ang trip ng lalaking ito! Ewan ko nalang talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD