Habang may isinasayaw nang mga kaibigang lalaki si Mimi ay nakikipag-usap naman si Cian sa amin!
“So, you're with the same school as Matteo?” nasa akin lang ang paningin ni Cian!
Napansin ko ring kanina pang naiinip si Matteo pero wala akong magawa dahil nga hindi ko naman pupwedeng paalisin nalang si Cian sa table namin kasi maayos naman itong nagpaalam na makikishare ng table. Isa pa, kung ano man ang hindi pagkakaintindihan nila ay labas na ako kaya kakausapin ko nalang siya, pero, sa paraang sinuhesyon ni Matteo!
“Oo.” tipid na sagot ko at nagpigil ulit nang tawa nang akmang mapapakamot ito sa ulo!
“Sh*t, I guess I have to learn your language, huh?” ikinimkim nito ang kamay at napa-iwas ng tingin! “This is exhausting..” mahinang anas niya pero narinig ko!
May konsensyang agad na bumalot sa akin kaya imbes na matawa ay naawa ako kay Cian! Mukhang gustong gusto niyang makipag-usap sa akin sa paraang magkaintindihan kami, pero hindi 'yon nangyayari dahil intensyon kong hindi niya ako maintindihan!
Nang lingunin ko si Matteo para kumbinsihin siyang makikipag-usap nalang kami ng maayos ay nasalubong ko ang nakataas na isang kilay ni Matteo, naghahamon!
“Well, you know I can teach you.” nakangiting bumaling ako kay Cian at muling nilingon si Matteo sa paraang naghahamon rin!
Napaangat ang gilid ng labi ni Matteo at deretsong tumayo. “Excuse me.” akmang tatawagin ko siya pero mabilis siyang nakalayo kaya hilaw na napangiti ako kay Cian!
“What just happened?” inosenteng tanong nito sa'kin!
“Hindi ko alam..” tugon ko at nakita ulit ang nalilitong mukha ni Cian! “I-I mean.. I mean, I don't know.”
“Ahh.. okay. Well, usually, Clare is not like that. He don't want to be that rude especially having a lady around. So I'm a little bit confused right now.” napakamot si Cian sa sentido niya at bahagyang napailing.
Nakagat ko naman ang labi ko, nakokonsensya. Pero hindi niya naman dapat ikagalit ang pagpepresinta kong turuan si Cian magtagalog ah?
Pilit na tinatanggal ko sa isip ang isiping 'yon at ibinigay nalang sa harap ang buong atensyon. Nang makita ko sa gitna ng stage si Mimi ay isang hindi pamilyar na naman ang lalaking kasayaw niya.
Hindi ko talaga maiwasang mapatanong sa sarili ko kung sino ba ang karamihan sa mga narito. Bukod kasi kay tita, ang ina ni Mimi, ay wala na akong kilala sa kalahi nila.
“You don't know them, don't you?” natatawa ngunit seryosong tinanong ako ni Cian!
“Yes. I have a big question mark in my head, tho.” pinakitaan ko siya ng abot sa tengang ngiti!
“Oh, well.. Most of the guests tonight are Misty's family, mixed with some mortal friends.” napaigtad ako bigla! Napakunot ang noo kong tinitigan siya sa mata! Tama ba ang narinig ko?!
Mortal friends?!
“Ahh.. I have to go, Alliyah. I'm sorry.” marahan siyang tumayo at itinuro ang stage. “It's almost my turn to dance Misty.” hindi na ako nakatugon pa at napapaisip ng malalim tungkol sa narinig!
Natulala na ako sa mesa nang tuluyan niya akong iwan! Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko, pero iyon ang klaro sa tenga ko!
Nang tawagin ang pangalan ni Matteo sa stage ay hindi na ako nagtaka, pero hindi narin ako lumingon do'n. Nagdesisyon akong tumayo para lumabas ng venue.
Hindi ako makapag-isip ng maayos kung tama ba ang narinig ko o nagkamali lang ako ng dinig dahil bukod sa malakas na tugtug ay may mga nag-uusap ring mga bisita!
Bago makalabas ay tinanong na muna ako ng nagbabantay kung saan ako pupunta! “Okay, ma'am. But I won't allow you to go far from the venue since you are not going home.” umawang na naman ang labi ko!
Hindi ko masyadong maisip na ganito pala ang mga nagbabantay sa mga venues? Sa pagkakaalam ko kasi ay wala na silang pake kung uuwi o magpapahangin lang ang bisita.
“Why?” may inis na tanong ko!
“The celebrants family personally favored us to keep their guests safe.” itinabingi ko ang ulo ko!
Another weird thing!
Oo nga at first time kong maka-attend sa ganitong mga big events, pero hindi naman siguro ganito ka weird ang mga tao? Lalo na ang staffs, at ang pamilya ng may pa party? Bukod nalang siguro kung mga matataas na tao ang nasa loob?
Teka nga... Hindi ko naman kilala ang mga naroon sa loob. May posisyon kaya ang mga 'yon?
“Ma'am? You heard me, right, ma'am?” nagising ako sa reyalidad dahil sa paulit-ulit na pagtawag ng lalaking ito!
“Excuse me? What was that?” napapahaplos sa leeg kong tanong!
“Stay on sight, ma'am. Keep safe.” parang niligo ako ng isang baldeng malamig na tubig sa paalala ng lalaking ito!
Bakit kung magsalita siya ay parang may mangyayaring masama sa akin kapag lumayo ako?! Babala ba 'to o 'yon lang talaga ang inihabilin sa kanila? Dalawa sila, pero ang isa lang ang nagsasalita.
“Fine.” imbes na pumunta sa parking area para makapag-isip at makapagsarili ay pinili ko nalang na maupo sa hagdanan ng entrance way!
Mabilis na pinigilan naman ako ng dalawang nagbabantay at nagpumilit na kukuhanan nalang raw muna ako ng upuan, pero tumabggi ako.
“I'm fine, thanks.” inis na iniharap ko ang palad ko sa kanila! “I'm used to this. Just stay there okay? Watch me, I just have to think of something.” dala narin nang takot ay ako na mismo ang nagsabing bantayan nila ako at 'wag nang umalis para kuhanan pa ako ng upuan!
“Okay, ma'am.” tumango silang dalawa at bulaik sa p'westo.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at itinukod ang dalawang siko sa magkabilang paa ko saka ipinatong sa magkabilang palad ko ang mukha.
Isang gabi pa lang, pero ang dami nang nangyari. Nagsisimula na rin akong makaramdam na parang may itinatago ang mga taong ito sa akin, lalo na itong mga nasa paligid ko.
Doon pa lang kina Monica ay may kataka-taka nang nangyayari, dumagdag pa dito sa birthday celebration ni Mimi? Ako lang ba ang walang alam o sadyang may itinatago talaga silang sikreto?
“Ha!” naitaas ko pa ang isang kamay dahil sa biglang sumagi sa isip ko!
Naalala ko iyong isang beses na magkasama kami ni Alex na naglalakad sa tabi ng mga street lights! Isa rin 'yon sa pinakaweird na nangyari sa buong buhay ko! Habang nag-uusap at naglalakad kasi kami ay nasa malayo na ang tingin ko, napansin kong walang ibang tao na masasalubong o nakasunod sa amin.
May sinabi si Alex no'n na ikinatawa ko kaya lumipad sa himpapawid ang paningin ko habang natatawa nang may liwanag na biglang sumakop sa kalyeng iyon na nagmukhang umaga ang may kadilimang daan dahilan para mabilis na ibinaba ko pabalik ang paningin!
Awtomatikong umawang ang labi ko nang makita ang galit na mukha ng isang babae na nakatingin sa amin ni Alex! Hindi ko alam kung saan siya nang galing, parang sa isang kisap-mata lang ay biglang may babae sa harap namin! At literal na harap talaga! Halos isang metro lang ang layo niya sa amin!
Napaisip naman ako na baka sasakyan lang iyon, pero bago ko ibinaba ang paningin ko ay wala akong nalala o narinig na may sasakyang huminto sa tapat namin!
“Really, Alex? Who's this?” saglit na isenenyas lang ako ng babaeng ito gamit ang ulo niya habang nakay Alex lang ang paningin! “You won't answer me? Fine! See you later, then!”
“Hey, wait! Wait! Juliana! Ugh!” nahilamos niya pa ang palad sa mukha at nag-aalalang hinarap ako! “I'm sorry about this, Alliyah, but I have to go. Go home safely!” mabilis na hinabol niya ang babaeng tinawag niyang Juliana!
Nakita ko pang inangat nito ang isang kamay at iniharap sa gitna ng dalawang street lights nang mabilis itong napigilan ni Alex! Itinulak rin siya ng babae at minsan pa itong napalingon sa banda ko kaya mabilis na humarap ako sa pinanggalingan at nagsimulang naglakad pabalik kung nasaan ang bh ko.
Huminga ako nang malalim at inisip kung ano ba talaga ang nangyari noong gabing 'yon gaya nalang sa mga nakapagtatakang pangyayari ngayon!
“Alliyah..” napa-angat ako nang tingin nang marinig ko ang boses ni Alex! “I did not expect to see you here!” masayang bulalas ni Alex na siya namang ikinatuwa ko rin!
Tumayo ako para sana yakapin siya pero napatigil ako sa akmang gagawin nang may mapansin akong imahe sa gilid namin!
“Oh, we meet again?” tumaas pa ang kilay nito matapos magsalita! Kilala ko na siya, si Juliana!
“Hi.” hilaw na iwinagayway ko ang palad at nginitian siya, pero as expected, inirapan lang ako nito!
“Juliana, stop being rude.” nakita ko ang inis sa mukha ni Alex nang sitahin ang kasintahan!
“I don't wanna ruin the night, and also my mood, so we are going in. Would you mind excusing us?” pormal na ani Juliana, pero ramdam ko parin ang pagkadigusto nito sa akin!
“Let's go together?” anyaya naman ni Alex! Nakita ko ang palihim na pagsiko si Juliana sa kaniya kaya mabilis na umayaw ako!
“I really wanted to be here, so I'm staying. Thanks.” hilaw na napangiti si Alex bago isenenyas na papasok na.
“We'll get going, then.” mabilis na tumalikod si Juliana kasabay ng paghila kay Alex! Rinig ko pang binati sila ng dalawang bantay bago tuluyang pumasok.
“What a coincidence, huh? Kanina lang nasa isip ko pa kayo, ngayon biglang nasa harap ko na.” napailing ako, hindi na masyadong naniniwala na coincidence lang ang nangyayari.
Pwede namang sinadya, pwede ring hindi. Malay ko ba kung papaano nangyari 'yon. Nasapo ko ano noo, kailangan ko pa bang isipin ang lahat nang nangyayari sa paligid ko? Hindi ba pwedeng mamuhay nalang ng tahimik?
“She's here, Clare.” napalingon ako sa lakaking kausap ko kanina! Hindi man lang ako tinatapunan ng paningin nito!
Nagtaka ako sa pagtawag niya kay Matteo sa pangalawang pangalan nito! Akala ko ba ay staff lang sila ng venue? Bakit parang magkaibigan pa yata sila?
Ilang sandali pa ay natanaw ko na si Matteo sa di kalayuan! Mabilis at malalaki ang hakbang nito habang deretso sa akin ang paningin!
Nang tuluyan siyang makalabas ay mas klaro na ang magkasalubong nitong kilay! “Why are you here alone? What's wrong with being inside the venue, huh?”
Tumabingi ang ulo ko! “I want somewhere quiet, sorry.” at nilingon ang tahimik na paligid na kaninang nasa harap ko. Pilit akong ngumiti, sinusubukang maging normal sa paningin niya!
Napapailing na bumuntong-hininga siya at nilingon ang dalawang bantay na hindi man lang natinag sa pagbabantay sa paligid! “Thanks, bro.” nakipagfist bump pa si Matteo sa dalawa saka ako nito marahang inakay ilang metro ang layo sa dalawang iyon.
“Matteo?”
“Yes?” mabilis niya akong nilingon nang tawagin ko ng isang beses ang pangalan niya!
Kanina pa itong bumabagabag sa isip ko, gusto ko lang masagot 'to ng kahit sino. Nakakapagod nang mag-isip, eh, hindi ko naman nasasagot ang mga 'yon.
“Who are you?” nakita kong natigilan siya sa narinig! Hindi siya nakasagot at parang nagyeyelo lang habang dumadaan ang oras!
Ganoon rin ako, hinihintay ang magiging sagot niya. Alam kong madaling sagutin ang tanong ko, pero gusto ko ng mas malalim na sagot!
Matagal ko na rin kasing napapansin na may nag-iiba sa mga pangyayari at mga tao sa paligid ko, hindi ko lang masabi dahil nakikita kong parang natural lang iyon sa kanila, lalo na kay Mimi.
“W..What do you mean by this.. I don't understand you, Alliyah.” nalilitong nag-iiwas siya ng tingin sa akin habang lumalabas sa bibig niya ang mga salitang 'yon!
“Just answer, Matteo. Who are you? I mean.. There's.. there's something with you that i can't explain. There's something about these people around me that I know that keeps a secret, Matteo. I.. I'm confused, do you guys really keeps a secret from me? Or it's just guts living it's purpose?” parang lantang gulay na napaupo ako basta basta sa semento na bahagyang naka elevate!
“Alliyah..” naramdaman ko nalang na naupo narin si Matteo sa tabi ko, pero wala akong planong lingunin siya.
Siguro ay nagbebreak-down lang ako kaya ako ganito. Simula kasi noong nagkaroon ako ng depresyon ay mas madalas kong naiisip ang mga bagay na hindi ko masyadong napapansin noon.
Mas naging sensitive ako sa sarili ko pati narin sa mga tao na nasa paligid ko. Pero mukhang hindi sila ganoon sa akin kaya masyado ko silang pinagdududahan.
“You know what? Let's just enjoy the night, okay? It's your first time again to hang out with us and yet here you are, feeling that. Come.” kinuha niya ang kamay ko at marahang inalalayan ako na tumayo. “By the way, if I haven't said this, you're absolutely beautiful tonight.” matamis na ngumiti siya sa akin bago deretsong tumingin sa entrada ng venue!
Muli ay nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan! Hindi ko maipaliwanag, pero sa sa tuwing nararamdaman ko 'yon ay gumagaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay 'yon lang ang makakapagpawala ng mga nararamdaman ko!
Para iyong gamot na nagagamot ang imposibleng gamot! Sa lahat ng nadaanan kong ganito ay kakaiba ang ngayon! Wala pang kalahati ang nararamdaman ko ngayon sa tuwing kasama ko si Matteo kaysa noon sa mga nagugustuhan ko kung ikukumpara!
Isa pa, kahit na ganito ay hirap parin akong alamin ang tawag sa mga nararamdaman ko. Hindi ko kaagad matukoy ang mga pakiramdam na iyon habang nararamdaman ko pa, doon ko na malalaman kapag dumaan na ang ilang araw o oras!
“Thank you for coming, guys! I really appreciate your efforts! Thank you! Let's enjoy the rest of the night!” iyon na ang malakas na boses ni Mimi!
Kahit pa may hawak na siyang mic ay sumisigaw parin ito! Hindi man lang nanririndi o naiingayan sa sarili habang halos lahat sa amin ay napapapikit na dahil sa ingay na idinudulot niya!
Bumaba si Mimi sa stage at masayang inikot na naman ang buong venue para pasalamatan ang mga dumalo. Habang dumadaan ang oras ay nagsiuwian na ang mga bisita hanggang sa mga close cousins at friends nalang ni Mimi ang natitira!
Nasa isang table na kami lahat at sinusubukang makipagkaibigan sa isa't-isa!Nakangiti habang nag-uusap ang mga ito habang nananahimik lang ako sa tabi ni Matteo dahil wala ako sa mood para sa ganitong usapan.
“Having this so humane party celebration is so unforgettable!” agad na lumipad ang paningin ko sa babaeng pinsan ni Mimi na ngayon ko palang nakita!
Hindi ko maiwasang mapatitig rito! Nakapaganda rin nito, maputi, makinis ang balat, may medyo kulot na buhok na siyang halatang natural na may kulay na blonde kagaya ng pilik-mata at kilay nito! Matangos rin ang ilong niya habang kapansin-pansin rin ang magagandang kulay ng mata niya! Naghahalo kasi roon ang light blue at red na kulay!
“Oh shut up.” tinapik siya ng isang lalaki na nasa tabi niya rin lang at lumipad naman ang paningin sa amin banda kung saan kahanay ko ang mga kachismisan ni Mimi sa paaralan!
“I mean.. the parties we've been is so formal that we act like robots! You know, like doing and acting like what they wanted us to do!” ngumuso ito na mas lalong nagbigay ng magandang aura sa mukha niya!
Ngayon ko rin lang napansin ang may kaliitang labi niya na perpekto at bumagay nga namang talaga sa hugis ng mukha niya!
“Guys.. wait! Have you tried this?” si Mimi! Itinaas sa ere ang isang bote ng tequila!
“Oh, I've tried that one, but it's like billion years ago!” sagot naman ng isa pang babaeng pinsan ni Mimi! hindi ko agad na gets ang naging reaksyon nga mga pinsan ni Mimi dahil nagkatinginan ang mga ito!
Hindi ba sila marunong umintindi ng joke? Masyadong seryoso ang mga ito. Baka siguro nga nasanay na silang maging robot sa pinanggalingan nila!
“Wait, are you guys familiar with Alex, right? I saw him a while ago with Juliana.” bigla ay nakuha nilang lahat ang atensyon ko nang magsilapitan sila sa nagsalita!
“Really? Are you that close with Juliana, Misty?” umangat ang gilid ng labi ni Mimi at marahang tumango! Awtomatikong nagsalubong ang noo ko!
Naramdaman ko namang agad na napalingon si Matteo sa'kin! Alam niya na kasi ang tungkol kay Alex, pero hindi ko alam kung kilala niya ba si Juliana! Mukhang sa nakikita ko kasi ay parang kilala niya si Juliana dahil halos lahat ng pinsan ni Mimi ay kilala siya!
Sino ba siya? Ang alam ko lang naman ay jowa siya ni Alex.. ano nga ba ang pagkatao niya?
“Not really, but we've shared some memories so..” nagkibit-balikat si Mimi!
Bahagyang umawang ang labi ko! Magkakilala sila?! Paano?! Ni hindi nga siya nababanggit ni Mimk sa akin! Paano nangyari 'yon?!
Gulat kong sinalubong ulit ang tingin ni Matteo! Sigurado akong nahuhulaan niya na ang tumatakbo sa isip ko, ngayon pa lang! Sa kabila ng lahat ng narinig ko ay sinubukan ko paring umakto ng normal.
Sa sobrang lito ay gusto ko nalang na umuwi, pero sigurado akong hindi rin papayag si Mimi kaya mas panili ko narin lang na tumahimik sa isang tabi habang patuloy silang nag-uusap!
AN:
Enjoy the rest of the day!♡