Misty's POV
Inirapan ko si Matteo! Magkaharap kami ngayon sa dining nila habang hinihintay namin si tita na matapos sa ginagawa niyang juice!
“Come on, Misty. You can tell me—” tuksong sabi ni Matteo kaya inambaan ko siya sa hawak kong tinidor!
“Shut up, will you?!” pinanlisikan ko siya ng mata! Kung sana lang ay hindi nangyari ang nangyari kagabi ay hindi magwawala ang utak ni Matteo!
“Okay, let's eat!” matapos mailapag ni tita ang juice na ginawa niya ay nagsimula na kaming kumain. “So how's everything going?”
Pinandidilatan ko parin si Matteo dahil sa mapanuksong mata niya! Natatawang inangat niya ang paningin sa ina, “The trainings are going well. I think Misty had an extra training last night too.” nanunukso paring bulalas ni Matteo!
Gulat at masaya namang bumaling sa akin si tita! “Oh, that's good! I won't be surprised if you'll rule all your comrades in the future.” tuwang-tuwa pang ani tita!
Habang si Matteo ay pulang pula na sa pagpipigil ng tawa! “Oh, you don't know mom.” pigil ang tawang sumabat si Matteo!
“I'll make that happen soon, tita.” inirapan ko si Matteo at yumuko sa pagkain ko.
Kapag talaga nakaalis na kami dito sa kanila, malilintikan talaga sa akin 'tong lokong 'to! Pareho na kaming natahimik sa mga susunod na oras.
Bigla ay naalala ko si Alliyah. I hope she's doing fine. Nanganganib ang buhay niya dito kaya hindi na dapat siya manatili sa mundo namin. Kung 'yon ay pakakawalan siya ng Zenith.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam akong tatambay muna sa living room nila na siya namang tinanguan agad ni tita.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay halos mapatalon ako sa may kalakasang pagkatok sa pinto! Napamura pa ako bago natatarantang binuksan 'yon!
Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Juliana at napansin kong nasa likod niya si Jack! Kumunot ang noo ko at napalitan ang pagkataranta ng pagtataka!
Bakit sila magkasama? At bakit may parehong ekspresyon ang mga mukha nila? Something's off.
Ilang segundo pa akong nakipagpalitan ng tingin sa kanila saka sila inayang pumasok! Tinabihan ko si Juliana. Ramdam ko ang bahagyang panginginig niya kaya mabilis na kinuhaan siya ng isang basong tubig ni Jack!
“Are you okay?” marahan itong umiling bilang tugon na mas lalong nagpakaba sa akin!
Halos dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Kasabay ng pagbalik ni Jack ay sumunod sina tita at Matteo. Naupo ito sa kaharap at katabing couch na kasalukuyang inuupuan namin!
“You can tell now, Juliana.” sabay na lumipad ang paningin namin kay Jack nang bigla itong magsalita!
Malalim na huminga pa muna si Juliana saka kami isa-isang tinitigan! Lumunok pa ito ng ilang beses bago magsalita!
“A-alliyah. You all know her, r-right?” halos utal nitong tanong kaya sabay kaming napapalunok na tumango!
Nang lingunin ko si tita, ay napansin ko ang pagkunot ng noo nito! Nag-aalala kasabay ng pagkabahala! “Why?” napapalunok ring ani tita!
“She's on the Zenith's possession.” bahagyang naibsan ang kabang naramdaman ko! Alam na namin 'yon.
“What?! Why would she?!” tumaas ang boses ni tita na bahagyang ikinagulat ko! Hindi niya pa pala alam. “I mean, how?!”
Napalunok ulit si Juliana bago sumagot! Tutok ang paningin naming lahat sa kaniya maliban kay tita! Napansin kong inilibot niya ang paningin sa amin at nang mapansing nakay Juliana lang ang buong atensyon namin ay ibinaling niya rin dito ang kaniya.
“A-alex. He was... he was planning something. I don't know what it is, but I'm sure he has plans.” bahagyang napatingin ako kay Matteo na siyang ginawa rin ng iba pang kasama namin!
Nakita ko kung paano miyang mahigpit na isinara ang kamao at bahagyang natulala sa narinig! “Clare..” si Tita.
Hinawakan niya ang nakasarang kamao ni Matteo at hinaplos ang likod nito para kumalma. Halata kasi ang galit nito.
“Where is Alex, Juliana? Tell me.” sinubukan niyang pakalmahin ang sarili habang tinatanong 'yon kay Juliana pero nabigo siya! Mas lumala lang ang galit na makikitang nakapaskil sa mukha ni Matteo!
“I-i.. I don't know, Clare. We escaped from him. I d-don't know where he's h-hiding at.” halata naman ang takot at panginginig sa boses ni Juliana!
“Did he force Alliyah to come he—”
“He kidnapped her! He kidnapped her from the mortal world!” bigla ay bulalas ni Juliana at agad na umiyak!
Humagulhol ito, halata ang takot sa pananalita at sa pag-iyak niya! Agad na hinimas ko ang likod niya para pakalmahin siya. Minuto ang ikinatahimik namin, lahat nag-iisip.
“Alliyah is.. safe here. But it's not forever.” kusa iyong lumabas sa bibig ni Juliana matapos na sakupin kami ng katahimikan. “I know I don't like her, but aside from that, I knew who she was. So I decided to just bring her with me, with us.” makahulugang anito kaya nagkatinginan kaming apat!
Si tita naman ay tumango na parang alam nito ang ibig sabihin ni Juliana. Ang alam niya kasi ay magkakilala na si Juliana at Alliyah dahil nagkita sila noong birthday ko. Pero bukod doon ay wala ng alam si tita.
“What do you mean? You were there when he kidnapped Alliyah?” kunot-noong tanong ni Jack!
“No, o-obviously not. We saw each other inside Paradise. I-i.. was shocked when he forced a girl to seat at the back. I didn't even know it was Alliyah after she talks!” pinahiran niya ang luha at sinubukang magsalita ng normal! “She said she just wants to go home. She was crying.”
Nagulat kami sa biglaang pagsuntok ni Matteo sa pagsuntok ni Matteo sa arm rest ng inuupuan niyang couch! “Clare!” bulalas naman ni tita, nagulat! Halos mapatalon rin kaming lahat dahil sa lakas ng kalabog na iyon!
Sino ba namang hindi nagulat sa ginawa niya? Pati si Jack nga ay halos mapatayo! “Bro, just calm down, okay?” sinubukan siyang pakalmahin ni Jack pero natigil 'yon nang may kumatok sa pinto!
“Vanem vend? I know you're here.” si Cian! Si Jack ang tumayo at pinagbuksan ito ng pinto!
“Why are you here?” kunot-noong tanong ni Matteo sa kaniya! Nagtaka pa ito matapos inilibot ang paningin at sabay na binati kaming lahat!
“Good morning. I was just wondering if you guys already knew that Alliyah is here?” nahihiya pang aniya at isa-isa kaming tiningnan!
“We know, Cian.” ako na ang sumagot, ipinapaalala sa kaniya na ako ang nangunang maghanap ng kakaibang amoy ni Alliyah kasama siya at ang iba pa.
“Oh right!” bumilog ang labi nito nang maalala ang ibig kong sabihin! “So.. what are you guys planning?” nakita ko rin ang pag-aalala sa mukha niya, gutong makatulong!
“We don't know. All we know is she shall be released to her world where she can be safe.” si tita na naman ang nagsalita!
“She's n-not. Alex is after her, tita.” malalaking iling ang ginawa ni Juliana. Sabay na napabuntong-hininga si Matteo at Cian!
Nang magkatitigan ay napansin ko ang kakaibang awra ng dalawa! “I want to help, vanem vend.” si Cian, seryoso at halatang hindi na maaawat.
“Let's do it.” bigla ay parang may plano na ang dalawa sila lang ang nakakaalam kaya agad na nagsalita ako!
“Hoy, hoy, hoy! Gusto rin naming makatulong! Why won't you share the idea to us?” namewang ako! Hindi man maintindihan ni Cian ang pinagsasabi ko, pero alam kong alam niya na ang ibig kong sabihin!
Ilang sandali ay lahat kami napatango. Nagpaalam naman agad si Juliana na umuwi na dahil baka hinahanap na raw siya ng mommy niya. Ilang oras pa ang ipinanatili ko roon saka nagdesisyon na umuwi na sa bahay.
Hindi ko na tinanong o kinausap pa si Jack. Hindi ko alam kung dapat bang magpaalam pa ako sa kaniya, naiilang parin ako matapos ang nangyari sa amin.
“Misty!” sinalubong ako ng mama! “Kamusta? Dumaan si Jack kaninang umaga rito at ipinag-bigay alam sa akin na doon pala kayo natulog kina Matteo?” patanong na aniya.
“Opo, ma. Pagod na po kasi ako.” tumango nalang siya sa sinabi ko at inaya ako sa kusina.
Panigurado, kain na naman ang ipinunta ko rito. At hindi nga ako nagkakamali! Nakita ko ang sari-saring tinapay at pagkain na siguradong gawa ni mama!
“Siya, kumain ka at gigisingin ko lang ang daddy mo.” napangiwi ako sa sinabi niya!
Bukod sa malakas ang pang-amoy ni daddy, ay sigurado akong gising na 'yon, nagpapapansin lang talaga. Namana ko kasi ang kapangyarihan ko kay daddy. Isang mortal si mama kaya hindi niya maintindihan kung sasabihin ko man sa kaniya!
Pero syempre, alam niya na ang katauhan naming mga peculiars. Bago pa man sila ikinasal ng daddy ko sa mundo ng mga mortal ay ipinakilala siya sa buong peculiars na namumuhay rito kaya't hindi na bago sa kaniya ang mga tao rito. Tutal, hindi rin lang naman siya ang mortal na nakakapasok dito, bukod kay mama ay marami pang iba na nakapag-pangasawa ng peculiar.
Pero hanggang doon lang. Hindi na pwedeng ipagsabi ni mama sa iba ang nalalaman niya, kahit sa sarili niyang pamilya.
“Nakakainis ka, Romeo! Bumangon ka na riyan at nauwi na ang magaling mong anak!” natawa ako marinig ang sigaw ni mama!
Sigurado akong may ginawa na namang katawa-tawa si daddy sa kaniya! “Fine. Wait for me—”
“Bumaba ka na at baka mabuhusan kita ng mainit na tubig!” putol ni mama sa paglalambing ni daddy kata mas natawa ako!
Napapailing akong nagsimulang kumain. Napapikit ako, gusto kong malaman nila ang nangyari sa amin ni Jack. Hindi pa naman ako sanay na may itinatago sa mga magulang ko, lalo na kay mama.
Nang makababa sila ay sabay na kumain kami. Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Tungkol rin naman 'yon sa nangyayari dito sa mundo namin.
Pero mas kinakabahan ako habang lumilipas ang oras na hindi ko na nasasabi ang gusto king sabihin!
“Misty, how was the new scent?” maya maya pa ay tanong ni daddy! Hindi agad ako nakasagot at naalala pa muna si Alliyah!
Nang balingan ko naman si mama ay nakakunot ang noo nito! Siguradong may ideya nang nabubuo sa isip niya kung ano ang pinag-uusapan namin. Hindi na nakakaduda 'yon.
“What do you mean new scent? Is there?” sabat ni mama!
“O-opo. The mortal is with the Zenith, dad.” marahang bumaling ako sa daddy ko.
Tumango ito at nagpatuloy sa pagnguya! “That person is in danger.” tatango-tango paring aniya.
Napabuntong-hininga naman si mama! “I hope she can get out.” umaasang tumango naman ako.
May dalawang paraan lang para makalaya at maayos na makabalik si Alliyah sa mundo ng mga tao. Una ay magpakasal sa isang peculiar. Pangalawa, pakiusapan ang Zenith at patunayang wala talaga siyang motibo para pumasok dito.
Parehong mahirap ang dalawa. If Matteo isn't hiding a big dark secret from her, the first option could happen. I know it will turn the situation upsidedown if the secret will be revealed.
“I... i have to tell you something.” sinubukan kong ibahin ang nasa isip ko at mas binigay ang atensyon sa gusto kong sabihin.
“Tell us.” si daddy. Nang malingunan ko naman si mama ay tumango lang ito.
Parehong kalmado ang mga mukha nila kaya mas nakaramdam ako ng kaba! Napalunok ako ng ilang beses at bago tuluyang ibinuka ang bibig!
“I'm not a v-virgin anymore..” hindi makatingin sa mga mata nilang usal ko! Mariin na pinisil ko ang palad at nakagat ang ibabang labi!
Matapos akong sabihin 'yon ay akala ko magagalit silang pareho! Pero nagulat ako nang humagalpak ng tawa si daddy!
“Just like your mother! Ha-ha-haaaa!” tumawa pa ito ng tumawa dahilan para malakas na hampasin siya ni mama!
“Shut up, will you?!” natawa ako nang maalala na isinigaw ko rin kay Matteo ang mga salitang 'yon! Walang duda, kay mama talaga ako nagmana!
“Ha-ha-haa! I can't believe this! Ha-ha-haaa!” humagalpak na naman ito ng tawa kay inis na hinampas na naman si ni mama! Mas malakas sa una! Napatigil siya at napatitig sa akin!
Walang reaksyon ang mukha ko dahil sa gulat! Nagsimula na ring maghalo ang pakiramdam ko! Tuwa at gulat!
“H-hindi kayo galit?!” bigla ay bulalas ko!
Kunot na kunot ang noo ni daddy, malamang ay hindi maintindihan ang sinabi ko! Si mama naman ay halatang nagpipigil ng tawa!
“What?” inosenteng tanong ni daddy! “What'd she say?” bumaling ito kay mama na ngayon ay halos kita na ang gums sa pagpipigil ng tawa!
“She doesn't believe our reactions!” sabay na humagalpak na naman sila ng tawa!
This is nonsense!
Napailing ako at agad na tumayo! Gulat parin sa reaksyon ng mga magulang ko!