Episode 21: Danger

2019 Words
THIRD PERSON POINT OF VIEW “Clare, what are you planning?” tanong ng ina ni Matteo sa kaniya matapos umuwi ng mga kaibigan nito. “I am going to find that bullsh*t, mom.” diniinan nito ang pagtitig sa pader ng bahay nila, animong pinapatay na nimo si Alex! “Clare, please watch your words. Control your anger.” pagpapakalma pa ng ina sa kaniya. Nag-aalala na ito sa lagay ng anak niya. “How can I, mom?! It's her we're talking about right now!” hindi niya na mapigilan ang sariling mapasinghal sa ina! Hindi man halata sa kaniyang nag-aalala siya, pero ang totoo ay nagwawala na ang loob niya! Hindi malaman ni Matteo kung ano ang dapat niyang gawin! Ang sa kaniya lang ay protektahan si Alliyah sa pwedeng mangyari sa kaniya. Matapos ang malaking kasalanan niya rito ay hindi na siya makakapayag pa na makakaranas ulit ito ng ganoong pangyayari! Pero hindi siya makagawa ng paraan dahil nga hawak-hawak si Alliyah ng Zenith. Sa mundo nila ay ito ang makapangyarihan. Bukod sa may Royal blood ito, hindi niya rin kakayaning kalabanin ang kapangyarihan na tinataglay nito! Naappaikoy ikot ng paglalakad si Matteo sa kakaisip! Gustong-gusto niya nang ilabas si Alliyah sa mundo nila. “Fine. Just make a safe plan. Let's go to the Zenith, we'll try to settle things out. I'll help you, so calm down okay?” marahang lintaya ng ina ni Matteo kaya sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. “I badly wanna see her safe, mom.” tumango ang ina ni Matteo, pero hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib niya. Alam niya ang kakayahan ng anak niya. Kung hindi man nito naaalala, hindi naman iyon nawala sa utak ni Marina, ang ina ni Matteo. “I know, son. Let's visit your dad?” sinubukang ibahin ni Marina ang usapan. Nagtagumpay nga siya nang mabilis na umakyat si Matteo para magbihis. Matagal nang namahinga ang ama ni Matteo. Noong bata pa siya. Iyon ang unang kaguluhan na nasaksihan ni Matteo sa tanang buhay niya. At sa ‘di inaasahan ay nakitilan ng buhay ang ama niya. Ikinalugmok iyon ni Marina, hindi niya maalagaan nang maayos si Matteo dahil sa nangyari, pero mabuti nalang at kalaunay naalala niyang may anak pa pala siyang natitira. “Dad? Could you please be alive for once? These dark peculiars are starting it again.” magkasalubong ang kilay na sumbong ni Matteo sa ama! Natatawang nagpigil naman ng luha ang ina niya habang nakikinig lang sa mga ikwenento ng anak. Hindi man sinasagit si Matteo ng namahinga nang ama ay nagpatuloy pa rin siya sa pagdaldal, animong kaharap niya lang ito. “It would be scary if he will, baby.” napailing si Marina. “And oh, Chris, your little boy is now growing up like the man you used to be. Guess what? He got his eyes to someone worthy enough.” lumipad ang paningin ni Matteo sa ina! Alam niyang si Alliyah ang tinutukoy nito kaya bahagya siyang nagpigil nang hininga nang maalala na naman ang pinakatataging sekreto niya rito. “Mom..” umiling si Matteo, hindi pa handang ipakilala si Alliyah sa ama niya. “Oh, don't worry too much, baby. I can see that you two will be just fine!” bulalas ng ina niya! Sabay silang natawa at umiling. Nagpalipas pa sila roon nang ilang sandali saka nagdesisyon na umuwi na. Pero agad naman na umalis si Matteo matapos magpaalan sa kaniyang ina na pupuntahan niya si Jack. “Okay, be safe.” tinanguan nalang ni Matteo ang ina at umalis. Sa kabilang dako ay naroon si Alex at hindi maalis ang masamang tingin sa isang halaman! Hindi pa sila nakakapag-usap ni Juliana simula nang tumakas ito kasama si Alliyah! Bukod sa plano niyang iharap si Alliyah sa ama niya ay hindi niya pa basta-bastang mapapasok ang lugar kung nasaan sila Alliyah at Juliana. Kahit pa walang ang mga ito tungkol sa kaniya ay nahihirapan pa rin siya dahil mahigpit na ang bantay sa lugar nila, lalo na at nagbanta na ang ama niya na magkakaroon ng madugong labanan sa pagitan nila. “Alexander!” nataranta si Alex nang umugong ang malakas na boses ng ama niya sa buong kwarto! “Yes, your highness.” bahagya siyang yumuko saka hinarap ang ama! “Until how will I wait?! it's been one week! Still, there is no progress!” galit na singhal ni Yvvon! “Dad, I'm sorry. I can't just break in.—” “Stupid! This is what I'm talking about! All your plans are as stupid as that shits!” nagpaikot-ikot ito ng lakad habang sinundan nang tingin ni Alex! “Prepare all battalions! We're attacking first! No warning! No signals! Call for an assembly!” nanlaki ang mata ni Alex nang napuno ng mga salitang 'yon ang kwartong kinalalagyan niya! Agad na gumapang ang kilabot sa katawan niya ay nag-aalalang inalala ang kaligtasan ni Alliyah! Matagal na nilang pinaplanong sirain ang samahan ng mga kagaya nila, pero hindi iyon basta-bastang nagagawa kaya pinaghandaan ito ng ama niya! Agad na gumawa siya nang paraan para makapasok sa kinaroroonan ni Alliyah! Sa palasyo naman ng kataas-taasan nina Matteo ay naroon ang kanilang Zenith. Kaharap nito si Alliyah. Ilang araw narin niyang kausap si Alliyah, dahil sa kakaibang nararamdaman niya galing rito. Nagsisimula nang magduda ang Zenith na hindi lang basta-bastang normal na tao si Alliyah. Lalo na nang malaman niya na may koneksyon ang babae kay Monica, ang anak ng kapatid niya. Si Monica na siyang pinsan ni Alliyah. “Do you allow me to touch you forehead?” matamang napatitig si Alliyah sa may edad na ring babae at kalaunan ay tumango. Alam ni Alliyah na hindi niya kilala ang babaeng ito, pero simula nang kausapin siya nito nang kausapin ay gumagaan ang pakiramdam niya rito. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit, pero totoo ang nararamdaman niya. Mas nagugustuhan niya na nga ang pumarito kaysa sa mundo ng mga mortal. Pero hanggang sa mga oras na ito ay wala paring kamuwang-muwang si Alliyah kung sino ang mga taong nasa paligid niya. Nang matapos basahin ang mga nakaraang ala-ala ni Alliyah ay bahagyang nagulat ang Zenith! Pero imbes na ipakita ang gulat niya ay pinili niyang tanggalan ng ekspresyon ang mukha. Akmang magsasalita na sana ang Zenith nang biglang bumukas ang pinto at nagdulot ng isang malakas na tunog! “What—” “Zenith! I am sorry to interrupt, but we have a situation at the east-west!” “Tell me!” nanlalaki ang mata ng Zenith! Mag-aalas otso na nang gabi, at wala siyang inaasahang ganitong mangyayayari! Bukod sa banta galing sa mga dark peculiars ay wala na siyang iba pang inaasahan na gulo! Pero ano't nagkakaroon ng ganitong pangyayari?! “Positive, it's Alex, Zenith! He took down most of our guards on position!” Dahil sa narinig ay napatayo si Alliyah! Hindi maikakalia ang takot sa mga mata nito! Agad na nanlumo siya! Ang buong akala niya ay ligtas siya sa lugar na kinalalagyan niya, pero nagkakamali siya dahil nagawa pa ring makapasok ni Alex! “Keep her secured.” utos ng Zenith sa mga lalaking inatasan nito na protektahan siya! Sa ilang araw kasi na nanatili siya rito ay hindi siya nawawalan ng bantay. Alam niyang hindi lang ito dahil sa hinahabol siya ni Alex, may iba pang itong rason na hindi ipinagbibigay alam sa kaniya. “Please be safe.” bahagyang nanibago pa si Alliyah nang sabihin 'yon sa kaniya nang babae. Tumango nalang siya rito saka nagmamadaling sumunod sa mga nagbabantay sa kaniya. Kung sa mga nakaraang araw ay normal lang ang mga pangyayari, ngayon ay mas ikinatakot pa ito ni Alliyah! Ipinagdadasal pa nito na sana ay pauwiin nalang siya sa kanila! Hindi rin mawala sa isip ni Alliyah ang kaibigan na si Mimi, Jack, at si Matteo. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang niya, hindi sana mangyayari ang ganito. “Zenith! Oh, thank god I've drawn your attention!” kumunot ang noo ng Zenith nang marinig ang mga salitang iyon galing kay Alex! “Stop this or else—” “No! You listen to me! My father is preparing for the battle! I wanted to warn you because he will attack with no signals on! I want you to make sure Alliyah is safe! I know she's with you!” naghahalo ang galit at pag-aalala sa boses ni Alex na siyang napansin at naramdaman ng Zenith! “Is it because she has a royal blood? Or you really care for her?” nanigas si Alex sa narinig! Nakatitig lang siya sa Zenith at hindi makapaniwala sa sinabi nito! “W-what are you talking about?” mamaya pa ay tanong ni Alex! "I know that you figured out already. Your father, and Alliyah's father are close friends.” walang emosyon na saad ng Zenith! “I-I don't know about that.” nalilitong usal ni Alex! Pero agad siyang tinalikuran ng Zenith! “Please keep her safe!” bago pa man tuluyang nawala sa paningin niya ang Zenith ay nagsalita ito. “I will train her.” Agad na kumalat sa buong Paradise ang balitang iyon ni Alex! Nasa iisang lugar ngayon ang lahat ng peculiars, walang ni isang natitira sa loob ng pamamahay nila, bukod na lang sa mga peculiars na naatasang magbantay sa palasyon ng Zenith. “You heard the rumors right. You are all here to prepare for the battle. No peculiar are allowed to go home. We will stay here, to train, and prepare for what will possibly happen.” siguradong alam na ng mga ito ang ibig niyang sabihin. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na humarap sila sa ganitong sitwasyon. Sa katunayan ay ilang kaguluhan na ang naganap sa mundo nila. Ang mga may royal blood ay nakahanay sa harap, ang mga normal lang na peculiar ay nakaharap sa kanila. Ilang sandali pa ay umapak ang isangbabaeng bago sa paningin ng lahat, bukod kina Matteo, Jack, Mimi, Amanda, at Marina! Sabay na nagulat ang mga ito nang makita si Alliyah na tuluyang humarap sa kanila kasama ang mga bantay nito! Nagkatinginan si Marina at Matteo! Parehong nakakunot ang noo! Tangingang mga may royal blood lang ang nakakaakyat roon, kaya ganoon nalang ang pagtataka nang lahat nang pumwesto si Alliyah sa harap! Lahat ay nalito! Lahat ay nagtaka! Lahat ay nagdududa bukod kay Zenith! Hindi nila mahulaan kung ano ang ginagawa ng bagong babae sa harap nila. Nagsimulang magbulungan ang mga naroon dahilan para magsalitang muli ang Zenith! “I know. I can all hear you. But one thing is for sure. She is worthy to stand with us.” iyon ang mga huling salitang binitawan ng Zenith bago tumalikod para gawin at masimulan ang paghahanda habang naiwan ang mga itong napapaisip! “Matteo? Anong nangyayari?!” naguguluhang tanong ni Mimi! Agad ring dumating si Jack sa kinaroroonan nila! “What's happening? It's confusing!” sandali pa ay mas nadagdagan ang mga nakikiusyoso sa kanila! Lalo na ang mga naging bisita ni Mimi sa kaarawan niya na nakita at naalal ang mukha ni Alliyah! Agad na lumayo sila sa mga ito para makaapg-usap ng maayos! Pero ganoon pa man ay walang nakakasagot ni isa sa kanila sa mga tanong na parehong naglalaro sa mga isip nila! Habang tahimik silang tatlo ay hindi nila inaasahan ang paglapit ng Zenith! “Good evening, Zenith.” sabay na yumuko sila rito. “I wanted to talk to the three of you.” anas ng Zenith kasabay ng pagsenyas sa isang high rank warrior na simulan ang naiutos niya rito, agad na nagsikilusan ang iba! “Privately.” Sumunod ang tatlo sa kaniya, may kalayuan sa ibang mga naroon. “What is it, Zenith?” pinanliitan pa sila ng mata nito! “Tell me what happened.” sabay na nagpalitan ng paningin ang tatlo! Hindi mawari ang ibig sabihin nang nakatataas! “We d-don't get you, Zenith.” naglakas loob si Mimi! “Tell me about the accident.” sa sinabi niyang 'yon ay nanigas ang tatlo sa kinatatayuan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD