Episode 17: Somewhere I Don't Know

2444 Words
Alliyah's POV Nagsalubong ang kilay ko matapos magpaalam ni Mimi at Matteo! They were weird! Ni hindi na nagpakita si Matteo sa'kin. I know something's wrong, it was all over their face, kilala ko si Mimi. Hindi siya magkakaganoon kung walang namang dapat problemahin. “I wonder what happened.” napapaisip ako lalo pa nang maalala ang bilin ni Mimi sa akin. Sabi niya ay hindi niya alam kung kailan sila babalik. I don't even know kung saan sila pupunta, pero she said she will be with her mom, Matteo at Jack. Hindi ko alam kung anong connections nila sa Isa't-isa kasi kakikilala palang namin sa kanila, but they've been together kahit no'ng iniiwasan ko sila. Ilang minuto lang ang lumipas nang makaalis sina Mimi at Matteo ay nagmamadali akong lumabas. Nakita ko pa sa malayo ang sasakyan nila bago nandilim ang paningin ko! “Ano 'to?! Sino ka?! Bitawan mo 'ko! Stop!” nagpupumiglas ako nang maramdaman ko ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa akin! Hindi ko man lang malamangan ang lakas niya! Wala akong nagawa nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at itali ang mga 'yon! Nakaramdam ako ng malamig na hangin kasabay ng pagkahilo ko! Naramdaman ko ang kakaibang ihip nang hangin nang ma-i-apak ko sa lupa ang kaliwang paa! Alam kong nagsalubong kaagad ang kilay ko sa naramdaman! “Nasaan ako? Sino ka ba?!” sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin akong narinig na boses! Walang tumutugon sa mga tanong ko! Kasunod na alam ko ay ipinasok niya ako sa isang sasakyan na hindi ko man lang makita! Inalalayan lang ako ng kung sinomang kasama ko ngayon na hindi mabangga. “Why'd you brought her here, A—” “Shh!” dahil sa ingay na 'yon ay mas lalo pang napakunot ang noo ko! Boses iyon ng babae na sinundan ng pagpapatahimik nito! Hindi ko na sila narinig pa na nagsalita. Pero kahit ganoon ay alam ko sa sarili kong pamilyar ang boses ng babaeng iyon! Naramdaman kong nagsimula nang tumakbo ang sasakyan, at tanging hininga nalang ng dalawang tao sa harap ko ang tanging naririnig ng tenga ko! “Please.. nagmamakaawa na ako. Ibalik niyo na ako sa bahay ko.” pigil ang iyak na pakiusap ko at pinakiramdaman ang dalawang tao sa harap ko, pero tulad kanina ay wala akong natanggap na sagot mula sa mga 'to! Naghahalo na ang pangit na pakiramdam na pwedeng maramdaman ng isang tao sa dibdib ko! Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan! Sabay na bumukas at sumara ang dalawang pinto sa harap ko kaya I assume na lumabas ang dalawang tao sa harap! Sinubukan kong putulin ang pagkakatali sa kamay ko pero kasing tibay 'yon ng nagtali sa akin! Hindi ko mapantayan ang lakas! Sinubukan ko pang abutin ang ulo ko gamit ang paa para tanggalin ang nakatabon sa mukha ko pero hindi ko maabot! “I'll let her go.” narinig kong sabi ng babae nang tuluyang pumasok ito sa kotse, sa pagkakataong ito ay sa drivers seat na. Hindi ko na rin naramdaman na pumasok pa ang isa sa loob. Akala ko ay pakakawalan na nila ako, pero mali ang akala kong 'yon! Muling umandar ang sasakyan patungo sa kung saan! “I'm so sorry, I know you'll be disappointed, but I hope I can make it up to you.” naaawa at mahinahong usal niya! “Are you talking to me?” malditang nagsalita ako! Gusto kong makita ang mukha ng babaeng ito. Napakapamilyar ng tinig niya! Napapaisip tuloy ako kung saan at kanino ko huling narinig ang boses na 'yon! “Obviously, girl!” maldita ring tugon niya at maya maya ay inihinto ang sasakyan! “Well, I know you'll be surprised, but please, take it slow. Okay?” ngumiwi lang ako at hindi na siya sinagot! Bigla ay naalala ko ang gulat na tanong niya sa kung sinomang nagsama sa akin dito! Hindi niya ako inaasahang makita, kung sino man ang babaeng ito ay wala akong ideya, pero sa pagkakaalam ko ay mukhang kilala nila ako. Mariin akong napapikit nang marahan niyang hilahin ang itim na telang nakatabon sa buong mukha ko! “Okay, open your eyes.” aniya matapos tanggalin ang tela sa mukha ko! Gusto ko sanang sugurin siya pero hindi ko 'yon magagawa dahil hindi niya pa tinatanggal ang tali sa kamay ko, naniniguro. Awtomatikong nanlaki ang mata ko at natigil sandali sa paghinga! “Ha..” matalim na tinitigan ko siya habang dahan-dahang nagsasalubong ang kilay ko! “Paanong..” hindi ko na masundan ang sinasabi ko! Sa sobrang gulat ay halos ilang minuto lang kaming nagkakatitigan! Hindi rin siya maka imik! Ilang sandali pa ay pinutol niya ang titig sa akin! Nag-iwas ito ng tingin at napapakunot pa ang noo! “Wh-who are you?” minsan pa ako nitong lilingunin at mag-iiwas muli ng tingin! “Alliyah?” hindi siguradong tugon ko! Nagtataka sa tanong niya, kilala niya na kasi ako, pero bakit ganoon nalang ang tanong niya? “I mean..oh never mind.” lumabas siya ng sasakyan nang hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha niya! Binuksan niya ang pinto sa likod ng sasakyan kung saan ako nakaupo saka inilabas ang kanang paa! Nang ibaling ko sa labas ang paningin ay nagtaka ako sa kakaibang paligid! Mas maliwanag rito kaysa sa nakasanayan kong liwanag kapag lalabas ako sa syudad namin! “Where are we exactly, Juliana?” salubong ang kilay na tinanong ko siya! Nailibot ko sandali ang paningin at namangha sa nakita! Napakaganda ng tanawin rito! Ibang damo ang nakikita ko, hindi iyon ang nakasanayang damo sa paligid ko! Bukod pa roon ay may mga magandang bulaklak na namumukadkad sa kung saang dako ng lugar na ito! Maaliwalas rin ang langit at may mga kakaibang ibon na lumilipad roon! Sa isang ibon na makikita mo ay iilang kulay ang naroon! Mas kakaiba ito dahil pawang kumikinang ang mga ibong 'yon! Napansin ko ring wala akong nakikitang matataas na buildings! Panay puno ang nakikita ko sa'n ko man ibaling ang paningin ko! “Paradise. This is my home, this is where I live.” nakangiti habang nakapikit na aniya! “Why am I here?” agad ay napalitan ng pagkagulat ang matamis na ngiti niya kanina! “I-I don't know, I'm sorry.” nag-iwas na naman ito ng tingin! Kumunot ulit ang noo niya, halatang napapaisip! “Who brought me here, Juliana?” kung gaano siyang taray sa akin sa mga huling pagkikita namin ay kabaliktaran no'n ngayon! Ako na ang nagtataray habang siya ay panay yuko at iwas ng tingin! Hindi ko rin mapigilan ang sarili na bigla nalang maninibago at mananayo ang balahibo sa lugar na pinagdalhan niya sa'kin! Kakaiba talaga ang paligid dito, hindi ko man maipaliwanag ng maayos sa sarili ko, alam kong hindi ito ang lugar na dapat ay kinatatayuan ko ngayon. Humihiyaw ang kakaibang atmosphere ng lugar! “I brought you here.” halos sabay na umangat ang paningin namin ni Juliana! Ganoon nalang ang gulat ko nang makita si Alex at naalala ang nangyari kanina bago ako napunta rito! Siya 'yon? Pero bakit? Bakit sa ganoong paraan? “Babe!” mahigpit na yumakap si Juliana sa kaniya pero agad na tinabig niya ang kamay nitong pumulupot sa kaniya! “Alex? Bakit?” sa isip ko ay tinambakan ko na siya ng isang tanong! “Because I need you for a reason.” matigas na aniya! Nagulat ako sa malamig na boses niya at mabilis na nag-iwas ng tingin kagaya ng ginagawa ni Juliana kanina pa! “Babe, I don't understand your decisions.” kunot-noong ani Juliana. Halatang hindi rin maintindihan at mahulaan ang naglalaro sa isip ng nobyo! “Don't worry, I won't harm her. And if you'll excuse, you can now leave, Juliana.” kung nakakamatay lang ang titig ni Alex ay kanina pang nakahilata si Juliana sa harap ko! “Are we fighting again, Alex? You know she makes me jealous!” galit na sinigawan niya sa Alex! Nag-uusap sila na parang wala ako sa harap nila! “Go! You know I don't care, right?” “How mean of you, Alex! Well, in this case you can't get her!” agad na hinila ako ni Juliana papalapit sa kaniya! Itinago niya ako sa likod niya! “Stay there! You don't wanna be with him! He'll just use you!” mataray na bulong niya, pero hindi ako naniwala! Mas kilala ko pa si Alex kaysa sa kaniya kaya mas pagkakatiwalaan ko pa ito! Pilit na ibinabalik ako ni Juliana sa likod niya! Kahit anong takbo ko ay bumabalik at bumabalik parin ako sa pinaglagyan niya sa akin! Hindi ko maintindihan ang nangyayari! Tumatakbo naman ako! “I'm telling you, Alliyah, stay there!” hindi niya na napigilan ang sumigaw! “She doesn't trust you at all, Juliana.” natatawang bulalas ni Alex ilang dipa ang layo mula sa amin! “Well you shouldn't trust him, too! He kidnapped you didn't he? And all I know is you're good friend of him? How could a good friend kidnap you if he can tell you to come with him?” bigla ay natigilan ako sa narinig! May point siya! Hindi ko naisip 'yon! At kung babalikan ko ang mga nangyari kanina ay parang hindi alam ni Juliana kung bakit akk dinala ni Alex dito! Ibig sabihin lang no'n ay hindi sila magkasabwat! “Awh, you're really good at making stories, Juliana. If I know, you're just doing that because you don't want her to be with me!” nalilito na ako kung sino ang papaniwalaan ko! Hindi ko masyadong kilala si Juliana kaya hindi ko rin sigurado ang sinasabi niya! Pero at the same time, may punto rin siya! “I'm so confused.” bulong ko sa sarili, napayuko ako at hindi malaman ang iisipin! Hindi ko alam kung kanino sasama! Bigla ay gusto ko nalang umuwi at matulog buong araw! Mas gugustuhin ko pang mag-aral at umuwing mag-isa kaysa sa ganito kagulo ang paligid ko! “You have to trust me, Alliyah. I know you.” napahinto na naman ako nang marinig ang makahulugang bulong ni Juliana! “What do you know about me?” paghahamon ko sa kaniya! Sigurado akong walang siyang alam sa'kin bukod sa kaibigan ko ang nobyo niya! “Your past.” nakatitig sa matang aniya at mabilis na tumakbo papalayo habang hila-hila ako! Mabilis ang takbo namin ni Juliana, hindi ko alam na kaya ko palang tumakbo ng gano'n kabilis! Nang lumingon ako sa likod ay nakatayo at sinusundan lang kami ng tingin ni Alex! Masama ang tingin nito na aakalain mong may binabalak na masama! Mamaya pa ay tumigil na kami, hindi ko na kayang humakbang pa. Pero kung titingnan si Juliana ay parang wala lang sa kaniya ang layo ng tinakbo namin! Ilang liko na ang nagawa namin, hindi ko na maalala kung gaano kahaba ang matuwid na daang tinakbuhan namin! Hinihingal na tinanong ko siya! “Why are you running away from Alex?” “I knew from the start he was planning something.” nanliit ang mata niya at natulala sa kawalan! “Stand up, we have to go. They should know about this.” tumabingi ang ulo ko! “Sinong ‘they’ ang tinutukoy mo?” pinigilan ko siyang humakbang! “You'll know later, besides, I can't hide you from them, they'll know.” hinila niya na naman ako saka kami nagsimulang maglakad! Napapamaang ako habang nakikita ko ang ganda ng paligid! Hindi talaga 'yon pangkaraniwan! “Hindi ko pa napupuntahan ang lugar na 'to, Juliana. Where exactly are we?” Umiling muna siya bago ako sinagot! “I told you, we are on Paradise. And I can't tell anymore, it's against our law. Bringing you here is a big trouble, too, so shut your mouth.” mas binilisan niya pa ang paglalakad kaya panay habol ako sa kaniya! Gustuhin ko mang humiwalay sa kaniya ay hindi ko pwedeng gawin! Hindi ko kabisado ang lugar na 'to, at sigurado akong kapag umalis ako sa tabi ni Juliana ay baka magkasalubong pa kami ni Alex sa kung saan! Ngayon lang ako natakot kay Alex! Hindi ko naisip noon na kaya niyang gawin ang ginawa niya. Masyado ko siyang pinagkatiwalaan na napapasok ko pa siya sa kwarto ko noon! “Thankfully!” halos mapaluhod na ako nang huminto si Juliana at sinabing narating na namin ang dapat na kinaroroonan niya ngayon! Kung saan ay hindi dapat ako kasama! Mariin na naipikit ko ang mga mata! Ano kayang posibleng mangyari? Hindi ko kilala ang mga narito, at lalo pang ikinatakot ko ang sinabi ni Juliana na mali ang dalhin ako rito. Malakas na dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang umapak ako sa loob ng isang kakaibang building kung saan raw nakatira ang naghahari sa lupang ito. “Just please shut up, okay?” aniya bago buksan ang pinto, katatapos niya lang kumatok. Tinanguan ko siya. Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay agad na nasalubong ko ang masamang tingin ng nakaupo sa may kalakihang mesa sa harap namin! “I'm sorry.” panimula ni Juliana! “I was in trouble. But I was able to enter the po—” “Who's with you?” maawtoridad na nagsalita ito, dahilan para tumigil sa pagsasalita si Juliana! Nanigas ang buong katawan ko nang ituro ako nito! “A-Alliyah. A m-mortal.” halatang nanginginig ang boses ni Juliana at nauutal pang sinagot niya ito! Awtomatikong napatayo ang may edad ma ring babae sa harap namin! “Execute her!” bigla ay gilalas nito kaya mabilis akong napaatras! “Anong.. hindi! Bitawan niyo ako!” “Zenith! Please! Let me explain!” sinubukang pigilan ni Juliana ang matandang babae! “Take her too!” utos na naman ng matandang babae at itinuro si Juliana! Pilit akong nagpupumiglas habang si Juliana ay panay na ang sigaw at hindi hinahayaang mahawakan siya nga mga tauhan sa paligid! “Alex brought her here! He was planning something!” agad ay sinabi na ni Juliana ang dahilan niya! Natigilan ang lahat sa sigaw niya! Pati ang matandang babae na tinawag niyang Zenith ay napahinto at tumingin sa kaniya! “What did you say?” pagkaklaro ng matandang babae at nilapitan si Juliana! “Alex. He was plann—” “You were with him?” nagdadalawang-isip man ay tumango si Juliana! “Lock the mortal. She will be released as I order. Guard her.” anang matanda. Nilingon naman ako ni Juliana at marahang tumango, “It will be okay.” tumango nalang rin ako at sumunod sa kung saan nila ako dalhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD