NAGULAT ako nang salubungin ako ng nakasisilaw na flash ng mga camera nang makarating ako sa venue at bumaba ng sasakyan. Walang tigil at kaliwa’t kanan sa pagkuha ang mga photographer at media sa lahat ng mga dumarating partikular na sa akin dahil alam nilang isa ako sa apo ng may-ari ng kompanya. Wala nang bago. Sanay na ako kaya panay lang ang pagngiti ko sa kanila. Nagulat lang talaga ako dahil kanina pa ako lutang kaiisip at kahihintay sa message ni Jacob. Wala kasi talagang paramdam ang isang iyon buhat pa kaninang umaga. Ang huli niyang mensahe ay noong sinabi niyang susunduin niya ako sa bahay na hindi rin naman nangyari. Sa bawat pagkislap ng flash ay tumitigil ako at nagpo-pose ako sa harap ng camera. Hindi ko gusto, pero kailangan. Rinig ko ang mga bulungan mula sa mga taong

