CHAPTER 91

1194 Words

Louise PAGKAPASOK ko ng kuwarto ay bumungad sa akin ang isang kulay puting kahon na hugis parihaba sa ibabaw ng aking kama. Sakto naman ang paglabas ng isang kasambahay mula sa kuwarto ni Ate Trina na mukhang naglinis batay na rin sa mga hawak nitong panlinis. “Ate, ano po yung kahon na nasa ibabaw ng kama ko? Sino po ang nagbigay?” tanong ko sa kaniya bago siya tuluyang lumampas sa aking kuwarto para bumaba na. Wala naman kasi akong in-order o ine-expect na magdadala sa akin niyan. Ngumiti siya ng tipid sa akin bago magsalita. “Ay, dineliber kanina ’yan, señorita. Pati sina señorita Trina at señora ay mayroon din po. Mukhang ’yan po ang gown na isusuot niyo sa party niyo,” sagot niya. Natampal ko ang aking noo. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa party. Bukas na nga pala iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD